Cassiane Dela Vega, isang 23-anyos na dalagang lumaki sa kahirapan, ay handang gawin ang lahat para sa kanyang pamilya. Nang magkasakit ng malubha ang kanyang kapatid na si Caleb, napilitan siyang tanggapin ang isang kasunduang magbabago ng kanyang buhay—isang kasal kay Kane Remy Finnegan, isang 25-anyos na CEO na kilala sa kanyang malamig at walang pusong personalidad. Para kay Kane, ang kasal ay isa lamang transaksyon para masunod ang kagustuhan ng kanyang lolo—walang emosyon, walang koneksyon. Sa simula, malamig at kontrolado si Kane habang pilit namang inaarok ni Cassiane ang bagong mundo na kanyang ginagalawan. Ngunit sa bawat araw na magkasama sila, unti-unting natutukso si Kane sa kabutihan at init ng puso ni Cassiane. Habang nababasag ang mga pader sa puso ni Kane, lumalalim naman ang komplikasyon ng kanilang relasyon. Sa likod ng kasunduang walang puwang ang damdamin, unti-unting namumuo ang emosyon na kanilang parehong pilit itinatanggi. Ngunit hindi naging madali ang lahat. Dumating ang sandaling sinaktan ni Kane si Cassiane, dala ng paniniwalang siya lamang ang may nararamdaman. Nangyari ang isang gabi na nagbago ng lahat, kung saan ipinilit ni Kane ang kanyang damdamin at pag-angkin kay Cassiane. Kalauna’y napagtanto niyang mahal din siya ng dalaga. Sa kabila ng mga pagsubok, sakit, at lihim na kanilang hinarap, natutunan nilang yakapin ang isa’t isa at ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Sa huli, nanaig ang pag-ibig. Napalambot ni Cassiane ang pusong dating tila yelo. Naging masaya silang mag-asawa at nabuo ang kanilang pamilya kasama ang dalawa nilang anak—isang patunay na sa likod ng kasunduan, maaaring umusbong ang tunay na pagmamahalan.
Lihat lebih banyakNapakapit si Cassiane "Cassie" Dela Vega sa hawakan ng upuan nang marinig ang sinabi ng matandang abogado sa kanyang harapan.
"Isang kasal?" ulit niya, hindi makapaniwala sa narinig.
Tahimik na tumango si Mr. Enriquez, ang abogado ng pamilyang Finnegan. "Oo, Miss Dela Vega. Isang kasal sa loob ng tatlong taon. Kapalit nito, mababayaran ang lahat ng utang mo at matutulungan ang kapatid mong si Caleb na may sakit."
Napatingin si Cassie sa dokumentong nasa harapan niya. Isang kontrata na magpapabago ng buong buhay niya. Hindi niya kayang lunukin ang ideya—magpapakasal siya sa isang estrangherong hindi niya pa nakikilala.
"At sino naman ang mapapangasawa ko?" mahina niyang tanong.
Mula sa kabilang bahagi ng silid, isang malalim na tinig ang sumagot. "Ako."
Napatingala si Cassie at natagpuan ang isang matangkad at makapangyarihang presensiya. Nakatayo sa harapan niya si Kane Remy Finnegan, ang CEO ng Finnegan Enterprises. Ang lalaking kilala sa pagiging malamig, walang awa, at hindi kailanman ngumiti sa kahit sino. Ang lalaking ito... ang magiging asawa niya?
Nanginginig ang kamay ni Cassie habang pinagmamasdan ang lalaking kaharap. Matigas ang kanyang ekspresyon, parang yelo ang kanyang tingin—walang damdamin, at walang emosyon.
"Bakit ako?" tanong ni Cassie, pinipilit ang sariling huminga at magsalita ng maayos.
Umupo si Kane sa tabi niya, hindi man lang siya tinitingnan nang diresto. "Kailangan kong magpakasal sa loob ng isang buwan. At ikaw ang napili ng lolo ko."
Nagpanting ang tenga ni Cassie. "So, ako lang ang napili? Wala man lang akong choice?"
Itinaas ni Kane ang isang kilay. "May choice ka naman. Pero kung tatanggihan mo ito, paano ang kapatid mo? Kaya mo bang bayaran ang ospital?"
Napakagat-labi si Cassie. Alam niyang tama si Kane. Wala siyang trabaho, wala siyang sapat na pera. Ang tanging paraan para mailigtas si Caleb ay ang tanggapin ang alok na ito.
"Tandaan mo, Miss Dela Vega," malamig na sabi ni Kane. "Ito ay isang kasunduan lamang. Huwag mong kalimutan ang mga patakaran."
"Anong mga patakaran?" mahina niyang tanong.
Nagbigay ng isang mapanganib na ngiti si Kane. "Una, wala kang ibang lalaking kakausapin nang walang pahintulot ko. Pangalawa, hindi mo maaaring bastahin ang mga desisyon ko, at pangatlo..."
Napalunok si Cassie. "Ano?"
Tumagilid ang ulo ni Kane, ang kanyang tingin ay parang nagbabanta. "Huwag mo akong subukang talikuran, Cassiane. Kapag pinasok mo ito, wala nang atrasan."
Ang malamig na hangin ay dumampi sa balat ni Cassie habang nakatayo siya sa harap ng engrandeng mansyon ng mga Finnegan. Sa loob ng ilang segundo, napalunok siya habang pinagmamasdan ang napakalaking tahanan na tila isang palasyo. Hindi niya akalaing magiging bahagi siya ng mundong ito—isang mundo ng marangyang kasinungalingan.
"Simula ngayon, dito ka na titira." Malamig na wika ni Kane habang bumababa mula sa kanyang itim na sports car.
Wala ni isang emosyon sa kanyang mukha. Para bang ang kasal na kanilang pinasok ay isa lamang transaksyon na walang halaga.
Huminga nang malalim si Cassie bago sumunod sa kanya papasok sa mansyon. Hindi pa man siya nakakapagsalita, sinalubong na siya ng malamig na titig ng mga kasambahay. Alam niyang hindi siya tanggap dito.
Pinaikot niya ang kanyang mga mata sa paligid—mga chandeliers na kumikislap, mga antigong muwebles, at isang grand staircase na tila bumabalot sa kanyang pagkatao. Ang malamig na ambiance ng mansyon ay nagpaparamdam sa kanya ng pagiging isang dayuhan sa sariling tahanan.
"Huwag kang gagawa ng eskandalo, Cassiane," bulong ni Kane bago tuluyang lumakad papasok. "Dahil kahit anong gawin mo, asawa na kita."
Sa bawat hakbang niya papasok sa tahanan ng Finnegan, ramdam niya ang bigat ng kanyang desisyon. Hindi lang ito isang simpleng kasal—ito ay isang laban. Isang laban sa malamig at mapanganib na mundo ni Kane Finnegan.
Habang tinatahak niya ang mahaba at marangyang pasilyo, isang katulong ang lumapit sa kanya at yumuko ng bahagya. "Senora, ihahatid ko po kayo sa inyong silid."
Napatingin si Cassie kay Kane, ngunit hindi na siya nito nilingon. Nagsimula nang umakyat ang lalaking ito sa hagdanan, na para bang hindi siya mahalaga. Ngunit alam niyang hindi siya basta magpapatalo. Hindi siya basta magiging sunud-sunuran. Hindi ngayon, at hindi kailanman.
Sa unang gabi niya sa mansyon, hindi mapakali si Cassie. Malamig ang silid at kahit anong yakap niya sa sarili ay tila hindi ito maibsan.
Habang unti-unting lumilipas ang mga araw, lalong na darama ni Cassie ang malamig na pader na itinayo ni Kane sa pagitan nila. Sa bawat umagang magigising siya sa silid na iyon, pakiramdam niya ay isa lamang siyang estrangherong nakakulong sa isang gintong hawla.
Isang umaga, habang nakaupo siya sa hardin at iniinom ang kanyang kape, lumapit si Andrea, isa sa mga kasambahay ng Finnegan Mansion. "Senora, may bisita po kayo," anunsyo nito.
Nagtaas ng kilay si Cassie. "Bisita? Sino?"
Hindi pa nakakasagot si Andrea nang bumukas ang tarangkahan ng hardin at pumasok ang isang pamilyar na mukha—si Nathan, ang matalik niyang kaibigan mula pagkabata.
"Cassie!" Masayang bati ni Nathan, ngunit agad din siyang natigilan nang makita ang malamig na ekspresyon ni Kane na nakatayo sa terasa ng mansyon.
Tumayo si Cassie at sinalubong ang kaibigan. "Nathan! Anong ginagawa mo rito?"
Ngunit bago pa siya makalapit, biglang nagsalita si Kane, puno ng awtoridad at bahagyang hinigpitan ang kanyang panga. "Sinong nagbigay sa'yo ng pahintulot na bisitahin ang asawa ko?"
Nagtagpo ang tingin nila ni Nathan, ngunit bago pa ito makasagot, mabilis na lumapit si Kane at marahang hinila si Cassie pabalik sa tabi niya.
"Tandaan mo ang patakaran, Cassiane," bulong ni Kane sa malamig ngunit may bahid ng pagbabanta nitong tinig. "Wala kang ibang lalaking kakausapin nang hindi ko alam."
Naramdaman ni Cassie ang panlalamig ng paligid. Ngunit higit pa roon, alam niyang hindi ito matatapos dito.
Habang hinila siya ni Kane palapit, ramdam ni Cassie ang lalim ng tingin nito—tila ba isang babala, isang pagsubok sa kanyang katatagan.
"Kaibigan ko si Nathan," aniya, pilit na pinapakalma ang sariling galit. "Wala kang karapatang pagbawalan akong makipag-usap sa kanya."
Matalim ang tingin ni Kane nang yumuko siya upang bumulong sa tenga ni Cassie. "Kaibigan? Wala akong pakialam kung ano siya sa'yo noon. Ngayon, ikaw ay akin. At hindi ko gusto ang ideya na may ibang lalaking lumalapit."
Apo?Hindi ako makamove on. Tapos na kaming kumain pero yung utak ko at kaluluwa ko andun pa rin sa dining area. Maraming niluto si Ate Andrea; masarap sya magluto kaya hindi ako lagi nagugutom kasi malakas ako kumain pag sakanyang luto.FLASHBACK "Hindi pwede. Nand'yan naman ang asawa mo. Siya nga pala, hija, gusto ko na ng apo."Pagkasabi no'n ni lolo kahit wala akong iniinom ay nasamid talaga ako."Ahh... eh... Hahaha, lo... Masyadong pang maaga—" Hindi ako natapos ng magsalita si Kane."We'll do it, Grandpa, so don't rush us, or my wife might get pressured." What the fuck are you saying, Kane? We're not in a relationship or have feelings for each other!"Hahaha, nice joke," sa isip ko lang to dapat sasabihin, intrusive thoughts talaga!"I'm not joking," seryoso nyang sagot sakin kaya napatahimik na lang din ako. Sobra talaga akong kinakabahan; I don't know why. Hindi naman siya nakakatakot, bakit kakabahan?"Buti naman, ayokong mawala sa mundong ito n
Cassiane has been living in my house for a few months now, but I'm just cold to anyone like that. I don't have any feelings for her. Yes, she's beautiful, sexy....No... Stop!She's pretty, that's all.I was interrupted from my thoughts when suddenly someone beeped behind me. Kanina pa ata niya ako inaantay umalis mula sa pagkakapark. Umalis nako at umandar na papuntang bahay, but before I could even get home, my cellphone rang again.Dreil is calling..."Yes?" Pangunguna ko when I answer his call."I think I saw your wife... with a man," Sagot ni Dreil. Si Dreil ang kaibigan ko, pinaka maasahan sa lahat, siya lang din nakatanggap sa ugali ko, masungit."What? Where?" I asked."Kanina sa mall dito malapit sa bahay ko, pero hindi ko kilala yung lalaki e. Ano ba nangya—" I didn't even let him finish speaking.Cassiane is really wearing out my patience. I said, I said from the beginning that there is no other man and that she won't cause a scandal.Nakarating ag
Natapos nang mag-asikaso si Andrea kaya umakyat na rin siya sa kwarto niya at nagpaalam dito. Parang siya pa ang napagod sa ginawa ng kasambahay. Hindi na rin naman nya alam ang gagawin kaya pumikit sya at hanggang sa nakatulog na sya ng mahimbing.Nasa banyo siya katatapos lang maligo nang mag-ring ang cellphone niya na nakapatong sa table na tabi ay ang kanyang kama.Tiningnan nya muna kung sino ang tumatawag pero number lang naman ang nakalagay. "Hello? Sino 'to?" pangunguna nya nang masagot ang tawag."It's me," tipid na sagot ng nasa kabilang linya."Manghuhula ba 'ko? Sinong it's me? Duh, nag-iisip ka?" pag susungit niya. Ganto kasi talaga ang ugali niya."Fuck, your husband... Kane," wika nito. Alam nyang nagulat ang binata sa naging sagot nito pero wala syang pake para maisip ng lalaki na hindi sya mahina."Ah okay, ikaw pala. Bakit tumawag ka pa?" pagtatakang tanong niya kasi nga naman nasa iisang bahay lang sila. Bakit hindi nalang siya ipatawag sa mga kasambaha
Sa bawat araw na lumilipas, lalong nadarama ni Cassie ang bigat ng kasunduang pinasok niya. Hindi lang ito tungkol sa papel na kanilang pinirmahan—ito ay isang laban sa pagitan ng dalawang taong may magkaibang mundo.Malamig si Kane, palaging abala sa trabaho, at bihirang umuwi ng maaga. Tuwing nasa bahay ito, hindi rin naman siya kinakausap. Para bang hindi siya umiiral sa buhay nito.Isang gabi, habang nasa hapag-kainan, naglakas-loob si Cassie na basagin ang katahimikan. "Hindi ba kahit paano dapat tayong mag-usap?"Napatingin si Kane sa kanya, ang mga mata nitong malamig at walang emosyon. "At bakit naman?"Napakuyom ng kamao si Cassie. "Dahil mag-asawa tayo, Kane. Hindi ba dapat tayong magsimula bilang... kaibigan man lang?"Natawa nang bahagya si Kane, ngunit ang ngiting iyon ay puno ng paghamak. "Hindi tayo magkaibigan, Cassiane. At hindi kita pinakasalan para maging kaibigan."Naninikip ang dibdib ni Cassie sa sakit ng mga salitang iyon. Ngunit sa halip na magpatalo, tumayo si
Napakapit si Cassiane "Cassie" Dela Vega sa hawakan ng upuan nang marinig ang sinabi ng matandang abogado sa kanyang harapan."Isang kasal?" ulit niya, hindi makapaniwala sa narinig.Tahimik na tumango si Mr. Enriquez, ang abogado ng pamilyang Finnegan. "Oo, Miss Dela Vega. Isang kasal sa loob ng tatlong taon. Kapalit nito, mababayaran ang lahat ng utang mo at matutulungan ang kapatid mong si Caleb na may sakit."Napatingin si Cassie sa dokumentong nasa harapan niya. Isang kontrata na magpapabago ng buong buhay niya. Hindi niya kayang lunukin ang ideya—magpapakasal siya sa isang estrangherong hindi niya pa nakikilala."At sino naman ang mapapangasawa ko?" mahina niyang tanong.Mula sa kabilang bahagi ng silid, isang malalim na tinig ang sumagot. "Ako."Napatingala si Cassie at natagpuan ang isang matangkad at makapangyarihang presensiya. Nakatayo sa harapan niya si Kane Remy Finnegan, ang CEO ng Finnegan Enterprises. Ang lalaking kilala sa pagiging malamig, walang awa, at hindi kailan
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen