LOGINAlessia’s POV
Hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Paulit-ulit kong naririnig sa isip ko ang mga salitang binitiwan ni Sebastian. “She's the reason my last engagement ended.” Ano ang ibig niyang sabihin? Kung si Camille ang dahilan kung bakit nasira ang una niyang engagement, bakit ganoon na lamang ang pagtatanggol niya rito? At bakit pakiramdam ko ay may mas malalim na dahilan sa likod ng lahat? Bumangon ako mula sa kama at lumapit sa bintana. Tanaw mula rito ang malawak na hardin ng aming mansiyon. Tahimik ang paligid, ngunit hindi matahimik ang isip ko. Tatlong araw na lamang bago ang kasal. Tatlong araw bago ko tuluyang itali ang sarili ko sa lalaking hindi ko kilala. At sa kabila ng lahat, may isang tanong na hindi mawala-wala sa isip ko. Ano ang sikretong pilit nilang itinatago sa akin? Kinuha ko ang cellphone ko at muling binuksan ang larawang ipinadala ni Camille. Magkahawak ang kanilang mga kamay ni Sebastian. Kung hindi ko alam ang katotohanan, iisipin kong sila ang magkasintahang nakatakdang ikasal. Ngunit may napansin akong kakaiba. Sa daliri ni Camille ay may suot siyang singsing. Isang singsing na halos kapareho ng disenyo ng singsing na nakita ko sa lumang litrato ni Sebastian sa isang magazine. Agad kong hinanap sa internet ang pangalan niya. Sebastian Laurent engagement. Sunod-sunod na artikulo ang lumabas sa screen. Ngunit isang lumang headline ang nagpahinto sa paghinga ko. LAURENT HEIR CALLS OFF WEDDING AFTER MYSTERIOUS DISAPPEARANCE OF FIANCÉE. Binuksan ko ang artikulo. Nakalagay roon na dalawang taon na ang nakalipas, muntik nang ikasal si Sebastian sa isang babaeng nagngangalang Camille Hart. Ngunit ilang araw bago ang kasal, bigla itong nawala. Walang nakaaalam kung bakit. Walang nakaaalam kung saan ito nagpunta. At ang pinakanakagugulat sa lahat, ayon sa artikulo, hindi kailanman nagsalita si Sebastian tungkol sa totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay. Napaupo ako sa gilid ng kama. Dalawang taon na ang nakalipas. Dalawang taon din ang tagal ng kasal na ipinagkasundo sa akin. Hindi ko alam kung nagkataon lamang iyon, pero bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba. Bakit eksaktong dalawang taon? At bakit parang may kaugnayan ang lahat ng ito sa babaeng mahal niya? Kinabukasan, maaga akong bumaba upang mag-almusal. Nadatnan ko si Papa na nagbabasa ng diyaryo habang umiinom ng kape. Si Mama naman ay abala sa pakikipag-usap sa wedding planner sa telepono. Wala si Victoria. Umupo ako sa tapat ni Papa. “Papa, may itatanong po sana ako.” Hindi niya inalis ang tingin sa diyaryo. “Kung tungkol iyan sa kasal, wala nang dapat pag-usapan.” “Hindi po tungkol sa kasal.” Sa wakas, ibinaba niya ang diyaryo. “Ano iyon?” Huminga ako nang malalim. “May problema po ba talaga ang kumpanya natin?” Sandaling natahimik ang buong silid. Napansin kong napatingin sa akin si Mama bago mabilis na umiwas ng tingin. “Bakit mo naitanong iyan?” tanong ni Papa. “Dahil narinig ko po ang pag-uusap ninyo kagabi.” Nagbago ang ekspresyon niya. “Alessia, hindi mo kailangang intindihin ang mga bagay na hindi mo naman nauunawaan.” “Pero buhay ko po ang nakataya rito! Pumapayag akong magpakasal kay Sebastian dahil sinabi ninyong maililigtas nito ang kumpanya. Gusto ko lang malaman kung totoo ang lahat.” Tumayo si Papa at inayos ang kaniyang amerikana. “Totoo ang sinasabi namin. At dapat kang magpasalamat dahil may pagkakataon kang makatulong sa pamilya mo.” Napapikit ako. Muli na naman. Sa tuwing humihingi ako ng katotohanan, utang na loob ang isinasagot nila sa akin. “May isa pa po akong tanong.” Napabuntong-hininga siya. “Ano na naman?” “Kilalang-kilala po ba ninyo si Camille Hart?” Biglang nabitawan ni Mama ang kutsarang hawak niya. Tumama iyon sa gilid ng plato at lumikha ng malakas na tunog. Napalingon ako sa kaniya. “Ma?” Namumutla siya. “Bakit mo itinatanong ang babaeng iyon?” Napatayo ako. “Kilala n'yo po siya?” Hindi agad sumagot si Mama. Ngunit sa paraan ng pag-iwas niya sa aking mga mata, alam kong may alam siya. “Ma, please. Sabihin n'yo sa akin ang totoo.” “Wala kang dapat malaman tungkol sa kaniya,” mabilis niyang sagot. “Bakit?” “Dahil wala siyang kinalaman sa pamilya natin!” “Kung ganoon, bakit parang natatakot kayo sa pangalan niya?” Biglang tumayo si Papa at malakas na hinampas ang mesa. “Enough, Alessia!” Napaatras ako. “Huwag mong pakialaman ang nakaraan ni Sebastian. Hindi mo trabaho ang alamin ang mga lihim niya. Ang trabaho mo ay pakasalan siya at siguraduhing matutupad ang kasunduan.” Tinitigan ko silang dalawa. Sa sandaling iyon, malinaw na sa akin ang isang bagay. Hindi lamang si Sebastian ang may tinatagong lihim. Pati ang sarili kong pamilya. At baka ang lihim na iyon ang tunay na dahilan kung bakit ako ang pinili nilang ipakasal sa kaniya. Bandang tanghali, nagpunta ako sa isang bookstore upang bumili ng ilang gamit bago ang kasal. Habang naglalakad ako sa pagitan ng mga estante, may biglang humawak sa aking braso. Napalingon ako. Isang babaeng nakasuot ng itim na salamin at mahabang beige coat ang nakatayo sa harap ko. “Alessia Montclair?” Napaatras ako. “Sino ka?” Inalis niya ang kaniyang salamin. At nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko siya. Si Camille. Ang babaeng minamahal ni Sebastian. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko. “Hindi kita puwedeng kausapin nang matagal. May kailangan akong ibigay sa iyo.” Inilabas niya ang isang maliit na sobre mula sa kaniyang bag. Hindi ko agad iyon tinanggap. “Bakit ko pagkakatiwalaan ang sinasabi mo?” “Dahil wala nang ibang magsasabi sa iyo ng katotohanan.” Tinitigan ko siya. “Anong katotohanan?” Napatingin siya sa paligid bago muling humarap sa akin. “Alessia, hindi ka dapat ang pakakasalan ni Sebastian.” Napatawa ako nang mapait. “Alam ko na iyan. Hindi niya naman ako pinili.” Umiling siya. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin.” Napatigil ako. “Then what do you mean?” Huminga siya nang malalim. “Your sister knows everything.” Nanlamig ang aking mga daliri. “Si Victoria?” Tumango siya. “Siya ang dahilan kung bakit ako nawala dalawang taon na ang nakalipas.” Parang huminto ang oras. “Ano?” “May nalaman ako tungkol sa pamilya ninyo. Isang bagay na hindi dapat malaman ni Sebastian. At nang malaman ni Victoria na alam ko ang sikreto, pinilit niya akong umalis.” Napailing ako. “Hindi. Hindi gagawin iyon ni Ate.” “Alessia, hindi mo siya lubos na kilala.” Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto kong maniwala na nagsisinungaling siya. Gusto kong isipin na may masamang balak lamang siya laban kay Victoria. Ngunit ang takot sa mga mata niya ay hindi madaling balewalain. “Anong sikreto?” tanong ko. Iniabot niya sa akin ang sobre. “Basahin mo ito kapag nag-iisa ka. At huwag na huwag mong sasabihin kay Sebastian na nakita mo ako.” Kinuha ko ang sobre. “Bakit?” Dahan-dahan siyang umatras. “Because if he discovers what really happened two years ago, someone in your family will lose everything.” Bago pa ako makapagtanong muli, mabilis siyang lumakad palayo. “Camille!” Hindi siya lumingon. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng bookstore, hawak ang sobre na tila biglang bumigat sa aking mga kamay. Pag-uwi ko sa mansiyon, agad akong pumasok sa aking silid at isinara ang p***o. Nanginginig ang aking mga daliri habang binubuksan ko ang sobre. Sa loob ay may ilang lumang litrato at isang dokumentong may pirma ng aking ama. Ngunit ang unang litrato ang nagpahinto sa aking paghinga. Nasa larawan si Papa. Katabi niya si Sebastian. At sa likod nila ay isang babaeng umiiyak habang hawak ang isang sanggol. Sa likod ng litrato ay may nakasulat na petsa. Labingwalong taon na ang nakalipas. Dahan-dahan kong binaligtad ang susunod na dokumento. Isa itong lumang kasunduan tungkol sa isang malaking halaga ng pera. Nakasaad doon ang pangalan ng pamilya Laurent at ang pangalan ng isang babaeng hindi ko kilala. Ngunit ang pinakanagpatakbo ng malamig na pakiramdam sa aking katawan ay ang pangalang nakasulat sa ibaba. Victoria Montclair. Hindi ko maintindihan. Bata pa lamang si Victoria labingwalong taon na ang nakalipas. Bakit naroon ang pangalan niya? Nang tingnan ko ang huling papel sa loob ng sobre, halos mabitawan ko ang lahat. Isang birth certificate. May pangalan ng ina. May petsa ng kapanganakan. At may isang pangalang nakasulat sa ilalim ng Father's Name. Sebastian Laurent Sr. Ang ama ni Sebastian. Napahawak ako sa bibig ko. Hindi maaari. Kung totoo ang dokumentong ito, ibig sabihin... May kaugnayan ang pamilya ko sa pamilya Laurent na higit pa sa negosyo. At kung may anak ang ama ni Sebastian sa babaeng nasa larawan, sino ang batang iyon? Bakit nakasulat ang pangalan ni Victoria sa kasunduan? At ano ang kinalaman ni Camille sa lahat ng ito? Biglang may kumatok sa p***o. Mabilis kong itinago ang mga dokumento sa loob ng drawer. “Alessia? It's me.” Boses iyon ni Victoria. Binuksan ko ang p***o. Nakangiti siya habang may dalang maliit na kahon. “I brought you something for the wedding.” Hindi ako ngumiti. “Thank you.” Pumasok siya at inilapag ang kahon sa kama ko. “By the way, may nakita ka bang kakaiba nitong mga nakaraang araw?” Nanlamig ako. “What do you mean?” Tinitigan niya ako nang ilang segundo bago ngumiti. “Nothing. I'm just asking.” Lumapit siya at inayos ang buhok ko sa likod ng tainga. “You know, Alessia, I'm really proud of you. You're doing this for our family.” Napahigpit ang mga kamay ko. Gusto kong itanong kung bakit naroon ang pangalan niya sa dokumento. Gusto kong malaman kung ano ang tinatago niya. Ngunit bago ako makapagsalita, yumuko siya at bumulong sa aking tainga. “Whatever you hear about the Laurent family, don't believe it.” Nanlaki ang mga mata ko. Dahan-dahan siyang umatras at ngumiti na para bang wala siyang sinabing kakaiba. “See you tomorrow, little sister.” Pagkalabas niya, agad kong isinara ang p***o. Mabilis kong kinuha ang mga dokumento mula sa drawer at muling tiningnan ang birth certificate. Hindi na ako nagduda. May alam si Victoria. May alam si Papa. At may alam si Camille. Ngunit ang pinakanakakatakot sa lahat ay ang posibilidad na si Sebastian lamang ang taong walang kamalay-malay sa lihim na ito. O baka naman... Alam niya ang lahat. At ang pagpapakasal sa akin ay bahagi lamang ng plano niya upang malaman ang katotohanan. Napatingin ako sa aking repleksiyon sa salamin. Dalawang araw na lamang bago ang kasal. Dalawang araw bago ako tuluyang maging bahagi ng pamilyang Laurent. At ngayon, hindi ko na alam kung ang dapat kong katakutan ay ang lalaking pakakasalan ko o ang sarili kong pamilya. Dahil sa mga dokumentong hawak ko, may isang katotohanang unti-unting lumilinaw. Ang kasal na ito ay hindi lamang tungkol sa pag-ibig o negosyo. May isang lihim na nag-uugnay sa aming mga pamilya—at maaaring ako ang susunod na mabiktima nito. To Be Continue....Alessia’s POVHindi ko alam kung paano ako nakatulog nang gabing iyon.Matapos kong malaman ang katotohanan tungkol sa aking pagkatao, pakiramdam ko ay gumuho ang buong mundo ko.Hindi ko matanggap na ang lalaking nakatakda kong pakasalan ay maaaring siya ring tunay kong ama.Hindi.Ayokong paniwalaan iyon.Ngunit ang dokumentong hawak ko ay hindi basta-bastang kasinungalingan.Nandoon ang pangalan niya.Sebastian Laurent Sr.Ang lalaking ama ng mapapangasawa ko.At kung totoo ang lahat, ibig sabihin ay may mas malalim na dahilan kung bakit ako ipinagkasundo sa kaniyang anak.Napatingin ako sa kalendaryo.ARAW NG KASAL.Ngayong araw na iyon.Wala na akong oras para mag-isip.Kailangan kong malaman ang buong katotohanan bago maging huli ang lahat.“Alessia, anak, gumising ka na. Malapit nang dumating ang makeup artist.”Boses ni Mama
Alessia’s POVHindi ako nakatulog buong gabi.Nasa harapan ko pa rin ang mga dokumentong ibinigay ni Camille. Paulit-ulit kong binabasa ang bawat salita, umaasang baka mali lamang ang pagkakaintindi ko.Ngunit hindi.Nandoon ang pangalan ni Papa.Nandoon ang pangalan ng ama ni Sebastian.At higit sa lahat, nandoon ang pangalan ng ate kong si Victoria.Ano ang kaugnayan nila sa isa't isa?Bakit may kasunduan ang dalawang pamilya labingwalong taon na ang nakalipas?At sino ang batang tinutukoy sa birth certificate?Napahawak ako sa noo ko.“Hindi ito maaari…”Muli kong kinuha ang birth certificate. Sinuri ko ang pangalan ng ina, ngunit halos hindi mabasa ang ilang bahagi nito dahil sa pagkupas ng tinta.May isang pangalan lamang akong malinaw na nakita.Elena Montclair.Napakunot ang noo ko.Montclair?Bakit kapareho ng apelyido namin
Alessia’s POVHindi ako nakatulog nang gabing iyon.Paulit-ulit kong naririnig sa isip ko ang mga salitang binitiwan ni Sebastian.“She's the reason my last engagement ended.”Ano ang ibig niyang sabihin?Kung si Camille ang dahilan kung bakit nasira ang una niyang engagement, bakit ganoon na lamang ang pagtatanggol niya rito? At bakit pakiramdam ko ay may mas malalim na dahilan sa likod ng lahat?Bumangon ako mula sa kama at lumapit sa bintana.Tanaw mula rito ang malawak na hardin ng aming mansiyon. Tahimik ang paligid, ngunit hindi matahimik ang isip ko.Tatlong araw na lamang bago ang kasal.Tatlong araw bago ko tuluyang itali ang sarili ko sa lalaking hindi ko kilala.At sa kabila ng lahat, may isang tanong na hindi mawala-wala sa isip ko.Ano ang sikretong pilit nilang itinatago sa akin?Kinuha ko ang cellphone ko at muling binuksan ang larawang ipinadala ni Camille. Mag
Alessia’s POV“Because the woman I wanted to marry chose to leave.”Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang mga salitang iyon.Hindi ko alam kung bakit masakit.Hindi ko naman mahal si Sebastian Laurent. Wala akong dahilan para masaktan sa katotohanang may ibang babaeng laman ang puso niya.Pero bakit ganoon?Bakit pakiramdam ko, kahit hindi pa nagsisimula ang kasal namin, talo na agad ako?Tumingin ako sa dokumentong pinirmahan ko kanina. Nasa ibabaw pa rin ng mesa ang kopya nito na ibinigay ni Sebastian.Dalawang taon.Dalawang taon akong magiging asawa ng isang lalaking hindi ako pinili.Dalawang taon akong mabubuhay sa isang tahanang hindi ko alam kung saan ako lulugar.At sa loob ng dalawang taon na iyon, kailangan kong matutunang huwag umasa.Dahil ang pinakamapanganib na bagay na puwedeng gawin ng isang babaeng ikinasal sa lalaking may ibang minamahal ay ang umibig.
Alessia’s POV“Hindi ako papayag!”Iyon ang unang salitang lumabas sa bibig ko matapos sabihin ni Papa na sa loob lamang ng tatlong araw ay ikakasal na ako kay Sebastian Laurent.Napatingin sa akin ang lahat.Si Mama, na kanina pa tahimik na nakaupo sa sofa, ay agad na tumayo.“Alessia, huwag kang mag-eskandalo. Pinag-uusapan natin ang kinabukasan ng pamilya natin.”“Kinabukasan po ng pamilya natin?” Napailing ako habang pinipigilan ang pagluha. “Paano naman po ang kinabukasan ko? May nagtatanong ba kung gusto ko ito? May nagtatanong ba kung handa akong magpakasal sa isang lalaking hindi ko naman mahal?”“Hindi mo kailangang mahalin si Sebastian,” malamig na sagot ni Papa. “Ang kailangan mo lang gawin ay gampanan ang responsibilidad mo bilang anak ng pamilyang Montclair.”Napatawa ako nang mapait.Responsibilidad.Iyon na naman ang salitang ginagamit nila sa tuwing may gusto silang ipagawa sa a
Alessia’s POV“Alessia, ayusin mo ang buhok mo. Hindi ka puwedeng humarap sa mga bisita nang ganyan.”Napahinto ako sa harap ng malaking salamin habang inaayos ni Mama ang kuwintas sa leeg ng ate kong si Victoria. Nasa loob kami ng isa sa pinakamagagarang hotel sa Maynila, kung saan gaganapin ang engagement party ng ate ko at ng lalaking itinuturing na pinakakarapat-dapat na bachelor sa buong bansa.Si Sebastian Laurent.Ang nag-iisang tagapagmana ng Laurent Empire, isang bilyonaryong may-ari ng malalaking kompanya, hotel, at real estate sa iba't ibang panig ng mundo.Gwapo. Mayaman. Makapangyarihan.At ayon sa mga balita, walang babaeng kayang tumanggi sa kaniya.“Ma, maayos naman po ako,” mahina kong sagot.Tiningnan ako ni Mama mula ulo hanggang paa.“Hindi sapat ang maayos, Alessia. Tingnan mo ang ate mo. Ganyan dapat ang isang babaeng Montclair.”Napatingin ako kay Victoria.Suot







