Share

Chapter 3: Kidnapped

    TITIG na titig si Phoebe sa babaeng ngayon ay kaharap ang kaniyang matalik na kaibigan at kulang na lang makipagsabunutan. Namumula pa ang mga mata nito, halatang kagagaling lang sa pag-iyak.

"Miss, hindi ko alam kung anong problema mo at kay aga-aga nambubulabog ka na rito sa café ko." Mahinahong sabi ni Love sa babae.

Bigla na langi itong pumasok at galit na galit na hinahanap si Love. Kadarating pa lang nila kaya nabigla rin ang kaibigan niya na may naghihintay na pala ritong tigre. Si Karin ang nagbubukas ng café kaya pagkakarating nila bukas na ito.

"Huwag kang magmaang-maangang malandi ka!" Hasik nito habang dinuduro si Love. "Hindi mo 'ko kilala, ha?"

"I actually don't know you... really." Love answered calmly.

Kaunti pa lang ang mga tao, tanging ang mga staff pa lang at dalawang customers ang narito.

"Ako ang girlfriend ni Axel! Iyong nilandi mo kagabi!" Sigaw nito.

Sandaling natigilan ang lahat, hindi lingid sa kaalaman ng lahat ng staff rito ang pagiging extra-party-lover nila ni Love. Her friend is one of the hella gorgeous woman who rose from hell to spread beauty.

"Sinong Axel?" Maang na tanong ni Love na mas lalo pang nagpairita sa babae.

"I never heard that name before," dagdag pa nito. "And beside, sinabi mo nang ikaw ang girlfriend niya. So why bother to shout at me? Huh? Hindi ka ba pinag-aral ng mga hampas-lupa mong magulang kaya hindi mo naisip na hindi mo na kailangan sumugod rito sa café ko dahil babalik din naman sa iyo 'yong boyfriend mo at the end? Hello? Kung nilandi ko man iyang bisugo mong boyfriend, well, ang swerte niya. He should thank me for that."

Napaawang ang bibig ng babae dahil sa sinabi ni Love.

"Pero mukha naman na mas matino ako sa ‘yo, kaya no wonder nilandi niya ako. Looking at you now, I pity you more, hindi naman nakakapagtaka na mabilis kang makakalimutan ng lalaki." Love stated with overflowing sarcasm.

Pinilit niyang huwag matawa dahil sa sinabi nito. She really knows how to irritates more someone who is already irritated. It is one of her bestfriend's talents.

Nagtaas ng kilay ang babae. "Hindi hampasl-lupa ang mga magulang ko! They sent me to Ateneo—"

"Oh, share mo lang?" Agad na salansa ng kaniyang kaibigan.

Nakarinig sila ng mahinang tawanan galing sa mga staff na naglilinis ng mga mesa. Nagpalinga-linga ang babae na mas lalo pang napahiya.

"You're such a pathetic lunatic bitch!" The woman shouted furiously.

Pinagkibit-balikat lang iyon ni Love. "Ang drama mo," walang-buhay nitong saad. "You walked in like you really somewhat a kind of girl who can kick someone's ass when actually you can't even slap someone's face. Lumayas ka sa café ko bago pa kita tadyakan palabas."

Natulos ang babae lalo na nang taasan ito ng kilay ni Love. Hindi ito umalis sa kinatatayuan. Muntik siyang matawa nang mabilis itong tumalikod at naglakad palabas ng cafe nang humakbang palapit si Love.

Umirap ang kaniyang kaibigan at humarap naman sa kaniya. Nakasandal lang siya sa gilid ng counter at napailing.

"Crazy." She mouthed.

Lumapit sa kaniya si Love at tumigil rin.

"Ang aga-aga, ayaw kong makasapak ng tao. Dapat good vibes lang, may hangover pa ako tapos babatiin ako ng ganiyang eksena? She's a trying hard pathetic witch." Saad nito at tumawa pa.

Siya naman ang umayos ng tayo at nagtungo sa isang table. Hindi pa siya nag-aalmusal, pero araw-araw naman na dito siya nag-aalmusal bago tumuloy sa kaniyang flowershop.

She owns a flowershop while Love owns a café. Wala sa mukha niya na mahilig siya sa bulaklak, pero iyon ang negosyo niya at sa loob ng dalawang taon masasabi niyang binuhay siya ng mga bulaklak na iyon. Also, thanks to her bestfriend, dahil ang ginamit niyang pera para sa kaniyang maliit na negosyo ay galing talaga rito.

"Mocha cake and caramel coffee!" She shouted from her table.

"Copy." Rinig niyang sagot ni Sara na isang staff ng café.

Umayos siya ng upo at hinintay si Love na lumapit sa kaniyang mesa. Kausap pa nito ang cashier at mukhang seryoso ang sinasabi. Her bestfriend hates quarrel and cat-fights but surely she won't say no when someone pissed her off. Minsan lang napapatid ang pasensya ng kaniyang kaibigan, at kapag mangyari 'yon, simula na ng totoong kalbaryo.

Since college kaibigan na niya ito, mas tumatag lang ang pagkakaibigan nila sa nakalipas na apat na taon kung saan ito ang naging kasangga niya sa lahat ng problema at hirap. Naging totoo itong kaibigan at hindi siya nito iniwan.

Love knows her pain and struggles for the past four years. Kung wala yata ito sa tabi niya nang mga panahong iyon baka tuluyan na siyang nasiraan ng bait. She was bruised and injured, Love helped her to overcome her struggles, kahit sa pinaka mahirap na punto ng buhay niya noon hindi siya nito iniwan.

Bigla'y naupo ito sa kaniyang harap.

"I remember Axel." Love rolled her eyes. "He's the guy who danced with me last Wednesday night. Iyong nasampal ko dahil bastos." Iritable nitong saad. "The hell with that woman! She said I flirted with her boyfriend? Hello? I never. I only danced with that f*cking *sshole who tried to touch my butt. The f*ck with him!"

Napatawa siya bigla dahil sa nakikitang inis sa mukha ng kaibigan. Naalala niya rin ang tinutukoy nitong Axel.

They both love doing unimaginable things but they're still a virgin.. and that's a miracle. They flirted with different guys every night but no one can bed them. Alam niyang hanggang landi lang ang ginagawa ni Love at hindi ito lumalagpas doon. Katulad niya, hanggang kalokohan lang ang ginagawa nito. Hindi nila hinahayaang may makascore.

"Calm down, okay? Hayaan mo na, nagwalk out na. Let's move on." Natatawa niyang saad sa babae.

Inayos nito ang sout na itim na dress at pasimpleng umirap sa hangin.

"Pupunta ka sa flower shop ngayon?" Tanong nito.

She nodded, nag-angat siya ng tingin nang inilapag ng isang waitress ang kaniyang order. Nginitian niya ito at ganoon din ito sa kaniya.

"Maraming orders ngayon, a wedding by this nine, and a birthday party at this three pm."

"A wedding?" Curious nitong tanong. "Whom?"

Napatawa siya saglit. Kilala na ang flower shop niya dahil sa magaganda ang mga bulaklak na ibenebenta nila. Mas maraming wedding occasions ang pinagtutuunan nila ng pansin kaysa mga birthday.

"Don't know, si Nizza ang nakakaalam. Ang tanging naaalala ko Dizon ang surname nang lalaki." Sagot niya rito at sumimsim sa kaniyang kape.

Natahimik ang kaniyang kausap. She fished out her phone from her pocket. There's only a text, galing kay Nizza, nagbukas na ito ng flower shop at kasama ng babae si Jeren na isa rin sa kaniyang empleyado.

Ibinalik niya sa kaniyang bulsa ang cellphone at muling sumimsim sa kaniyang kape. Kinain niya rin ang cake na-order at napangiti. It taste so good.

Nag-angat siya ng tingin sa tahimik na kaharap. Seryoso ang mukha nito at malalim ang iniisip.

"Hey," untag niya rito. "Ano ba yang iniisip mo?"

Kumurap-kurap si Love at tumingin sa kaniya. Ngumiwi ito at bumuntong-hininga. 

"Naisip ko lang kung may pag-asa pa kayang maikasal din tayo?"

Nasamid naman siya sa sariling laway. Ilang beses siyang napaubo at kinailangan niya pang tampalin ang d****b para makahinga ng maayos. Nakatingin lang sa kaniya ang kaibigan at napailing.

"L*tse! Mamamatay yata ako dahil sa iyo." Reklamo niya.

"Nagtanong ka kung ano ang nasa isip ko, sumagot lang ako." 

"Really, Love? Coming from you? Akala ko ba ayaw mong mag-asawa?" Sarkastiko niyang sabi na ikinairap naman ni Love.

She never dreamed such things.

Love pursed her lips and shrugged.

"Babae lang din ako, minsan nakakainggit din naman makita yung ibang babae na ikinakasal. They're wearing the most beautiful clothes they can ever wear, ang ganda kaya ng babae kapag nakasout ng wedding gown. Pinangarap ko din noon na maikasal no!"

Natigilan siya at pinagmasdan ang nangangarap nitong mukha.

She bitterly laughed. "Wala ka ng pag-asa."

Just like her, Love hates sweet stuff. Hindi rin ito nakikipagrelasyon ng matino dahil sa nakaraan nito. Marami silang pagkakapareho ni Love, marami silang napagkakasunduan, lalo na kung tungkol sa pagkakaroon ng 'sariling pamilya'. She's too afraid to fall in love, kaya hindi niya hahayaan na may isang tao na sisira sa buhay niya. She's no longer dreaming for a prince or a knight, mas gugustuhin niya na lang maging single habangbuhay. 

Masaya siya, maayos naman ang buhay niya kaya masasabi niyang masaya siya. She's contented and f*ck those men, she doesn't need them.

"Hindi mo na ba talaga naisip na baka balang araw may dumating pa at magpabago sa 'yo? We're not getting young anymore, twenty four na tayong dalawa, mostly sa mga ka-age natin may mga sarili ng pamilya. Pero tayo?" Bumuntong-hininga ang babae at sumandal sa upuan. "—wala na akong pamilya, you still have yours but I know you're not considering them as one. Sino na lang ang makakasama natin sa pagtanda natin? Habang-buhay na lang ba tayong ganito?"

Mataman niya itong tinitigan at napailing. Hindi niya akalain na magiging madrama ito ngayon.

"Ang drama mo." Tanging naisagot niya rito at tumayo. "Alis na ako, baka mamaya umiyak ka na sa harap ko."

She faked a laugh. "Gagawa ka pa ng cake, magkita na lang tayo mamaya."

Nagpaalam siya pero hindi na siya inimik ng babae.Nang makatalikod siya agad niyang tinungo ang glass door ng café.

Bumagal ang kaniyang hakbang nang makalabas na siya. Para bang kinurot ng pino ang kaniyang puso pero ininda niya iyon. Marriage? A happy life? She's so screwed about that! Sawa na siyang umasa na may ganiyan pa sa mundo. Beside, hindi niya naman iyon kailangan, she can work for herself, mabubuhay siya mag-isa ng hindi umaasa sa iba. She's a strong independent woman.

Ano bang makukuha kapag magpakasal ang isang tao?

Does it guarantee you to have a happy life? Hindi ka na ba iiwan ng lalaki kapag maikasal na kayo? Hindi ka na ba niya sasaktan?

The answer is no! A marriage is just a marriage! Manunumpa lang kayo sa harap ng altar at ng mga tao, pipirma sa ilang papeles, magwawaldas ng maraming pera at sa huli ano? There's still a possibility to be hurt at the end!

Puwede ka pa rin lokohin! Puwede pa rin maghanap ng iba pang babae ang asawa mo. There's an annulment just to think of it! Kung totoong masaya ang pagkakaroon ng sariling pamilya, ba't maraming naghihiwalay pagkatapos maikasal at magsama ng ilang taon? Panibagong bayarin at problema na naman kapag nagfile ng divorce or annulment, aside from emotional instability there comes mental breakdown. Mahirap kapag mas komplikado na ang lahat, kaya pipiliin niyang mabuhay mag-isa. Mas gugustuhin niya yon.

Mismo sarili niyang pamilya masasabi niyang walang kwenta. Kasal nga ang mga magulang niya, pero masaya ba ang pamilya nila? Masaya ba ang mommy niya? Is her dad a faithful man? D*mn! No! Kahit sarili niyang ama nagawang lokohin ang mommy niya, nagawa nitong mambabae!

And now, she got cheated by his boyfriend!

Ikinuyom niya ang kamao nang maalala ang mga masasakit na pangyayari sa buhay niya. Hindi niya dapat iyon iniisip ngayon pero bigla-biglang rumagsa ang mga memoryang iyon.

Marahas siyang humugot ng hangin at mabilis na naglakad palapit sa kaniyang kotse. Akmang bubuksan na niya ang pintuan nito pero isang malakas na kamay ang tumakip sa kaniyang bibig at ilong gamit ang isang panyo na may nakakahilong amoy.

She struggles but her knees weakens. Hindi na niya alam kung anong nangyari dahil tuluyan nang bumigay ang kaniyang katawan at nawalan siya ng malay.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
oh ang saklap din ng buhay nyo phoebe at love
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status