Share

Chapter 4: Run Away

SHE can hear some familiar voices in her head. She tried her best to ignore it, pero mukhang hindi yata panaginip lang lahat kaya unti-unti niyang binuksan ang mga mata.

The very familiar white ceiling greeted her, nakipagtitigan muna siya roon at hindi maproseso ng kaniyang isipan kung anong nangyari sa kaniya. Slowly, memories rushed to her.

Naalala niyang may dumukot sa kaniya nang paalis na siya sa café ni Love. Agad siyang napabangon. She groaned in annoyance when her head hurts.

"D*mn." Mura niya at sinapo ang nanakit na parte sa kaniyang ulo.

"She's already awake." Anang isang boses ng babae.

Tiningnan niya ang nagmamay-ari noon at para bang nanlamig ang buo niyang katawan nang makita ang kaniyang mommy na nasa isang single cushion at nakatingin din sa kaniya.

There eyes met, those eyes.. those eyes that reflects her own golden brown eyes. Iyon ang namana niya sa kaniyang ina.

Ang panlalamig ng kaniyang katawan ay napalitan ng pamamanhid nang makitang tumayo mula sa isang mesa na tambak ng mga papeles ang isang lalaki. Mas naging matanda itong tingnan kaysa noong huling beses niya itong nakita.

She can see the white strand from his hair. Seems like it's been a while since the last time he shave his mustache. Maputla rin ito at mayroong dark circles sa mga mata na para bang hindi pa ito natutulog.

But who cares, anyway?

Ito ba ang nagpakidnap sa kaniya? Halos magmura na siya sa kaniyang isip ng ilang beses, akala niya'y gagawin na siyang kidnap-for-ransom ng kung sino man ang dumukot sa kaniya. Ngayon napagtanto niyang sarili niyang mga magulang ang gumawa nito sa kaniya.

It isn't funny!

She glares at her daddy. "Really? Kailangan niyo pa talaga ako ipakidnap? Ano ‘to, bagong pauso ninyo?" Mapakla niyang saad.

"Phoebe!" Suway ng kaniyang ina na nabigla sa paraan ng kaniyang pakikipag-usap. 

Tumigil ang kaniyang ama sa paglalakad palapit. Natigilan ito sa lamig ng kaniyang boses. Di rin nagtagal humakbang itong muli palapit sa kanila.

"Kung hindi ko ito ginawa, sa tingin mo ba uuwi ka?"

Nagsalubong ang kaniyang kilay. She knows the answer, hinding-hindi siya uuwi sa impyernong ito kahit ano pang mangyari lalo na kung nasa matino pa siyang pag-iisip.

"Hindi." Sarkastiko niyang sagot rito.

Of course she wouldn't. Sa nakalipas na mga taon mula nang lumayas siya at nangakong hindi na siya babalik, tinupad niya iyon.

This place isn't home. This isn't the description of home. She always feel like an outcast here. Ngayon na lamang siya ulit nagpakita sa mga magulang niya. Ngayon na lang ulit siya nakauwi sa bahay nila.

Oh yeah, thanks for kidnapping me. Note the sarcasm, please. Her mind said.

"You left us no choice, you made us do this."

She bitterly laughed. "Wow. Are you saying that I should blame for being kidnapped?"

"You won't come with them. You're such a hard-headed lady."

"Of course! There's really no effin’ way na uuwi ako. It's like putting myself into a f*cking d*mn hell again." Saad niya.

Napaiwas ng tingin ang kaniyang ama pero nanatili ang pamatay niyang tingin rito. How could they do this to me!

"Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko sayo, you are always disappointing me!" Walang buhay na turan ng kaniyang ama, but she knows better. Alam niyang galit ito.

"There's nothing new." Walang emosyon niyang sagot pabalik.

When was the last time that she never disappoint them? Kailan ba nito nakitang naging mabuti siyang anak?

Humarap muli sa kaniya ang kaniyang daddy at pinukol siya nito ng masamang tingin. "Wala ka na ba talagang planong ayosin yang buhay mo?! You're not just a teenager Brianne! Tumatanda ka na pero wala pa rin direksyon ang buhay mo!"

Sandaling nakaramdam siya ng paghaplos sa kaniyang puso nang marinig ang pangalan niya na Brianne ang binanggit nito. It feels new.

Ngunit agad niya iyong binura. Galit siya sa lahat! Kaya hindi siya papayag na magpaloko ulit sa kahit na sino.

"Sounds like you're concern. Wow." She said sarcastically. "Yan ba ang epekto kapag tumatanda na ang tao?"

She insultingly laughed. Tiningnan niya rin ito ng masama. "Buhay ko 'to, huwag niyo na kong pakialaman. Beside, sabi niyo tumatanda na ako. I can decide for myself." She even shrugged her shoulder.

But her dad stares at her more colder this time. Sanay na siya sa malalamig nitong tingin sa kaniya kaya kahit apat na taon pa ang lumipas at ngayon na lang ulit sila nagkita hindi na iyon bago sa kaniya.

"No, not anymore." Matigas nitong saad. "You're wasting yourself this past few years and I'm done with your games." There's a finality in his voice.

"This time, I'll decide for your own good,” saglit itong nagtiim-bagang at huminga ng malalim. “For everyone's own good. Tama na sa mga laro mo, you're going to marry Mr. Amansa."

Nalukot ang kaniyang mukha. What? Tila nabingi siya sa huli nitong sinabi. Hindi maproseso ng kaniyang utak ang mga sinabi nito.

"What? What did you have said? Marry who? Ano to, gag*han?" Agad siyang tumayo dahil sa unti-unti nang nahahabi ng kaniyang isipan ang sinabi ng kaniyang ama. "No f*cking way I'll let you decide for myself nor for my future!"

"Phoebe! Tone down your voice!" Sigaw ng kaniyang mommy. May pagbabanta sa boses nito.

"Shut up, mom." Saway niya rin rito at pinukol ito ng masamang tingin.

 "I'm no longer a kid. Sa tingin niyo matatakot pa ako sa inyo? Hell! I've been living for about four years without you!" Her voice was tainted with bitterness.

 "Nakaya kong mabuhay ng wala kayo."

She stopped. Her heart pounded so fast, she might not know if it is because of anger or the idea that her father is trying to control her again.

"Tapos ngayon ang ganda ng drama natin? The heck! Sa apat na taon hindi ako umasa sa pera niyo, hindi ako nanghingi sa inyo! Hindi ba pinalayas niyo rin ako sa condo ko? You cutted my credit cards, walang kompanya ang tumanggap sakin even though I graduated with a Latin honor! Hindi ba kagagawan niyo yon?" Bumaling siya sa kaniyang daddy at alam niyang nagliliyab sa galit ang kaniyang mga mata. 

"And now, sasabihin ninyong aayosin niyo ang buhay ko? Maayos ang buhay ko! Maayos na ang buhay ko kaya huwag niyo na akong guluhin."

"This is for your own good!" Pasigaw na turan ng kaniyang mommy. Halata ang pangingilid ng luha sa mga mata nito.

Ngunit hindi na yata maaawat ang galit na tumutupok sa kaniyang pagkatao.

"For my own good?" Napailing siya at sarkastikong napatawa. "Kailan niyo pa naisip ang kapakanan ko? Kung gusto niyong magpakasal sa kung sino mang l*ts* na yan, go on! Kayo na lang!"

Boses niya ang nangingibabaw sa loob ng silid. But she doesn't care! Anong akala ng mga magulang niya? Hindi siya magpapatinag rito, hinding-hindi siya susunod sa kagustuha nilang maipakasal siya.

Suntok sa buwan ang kagustuhang iyon. She rather die than marry someone she doesn't know.

And for all the people in this world, hindi siya ang babaeng mapapasunod ng kaniyang mga magulang ng ganito lang. Ibang-iba ang Phoebe noon sa Phoebe na ginawa ng mundo ngayon. She's been in pain and she endured those shits just to survive. Maayos na ang buhay niya, at ngayon guguluhin na naman ng mga magulang niya.

 No, she won't let them.

"Wala ka na ba talagang respeto samin ng mommy mo?" Nagtitimping tanong ng kaniyang daddy.

Tumitig siya rito. Respeto? Bulong ng kaniyang isip.

"You don't deserve it." Saad niya sa nanunuyang tono.

Sa isang iglap nasa harap na niya ang kaniyang daddy. Nakataas ang kaliwa nitong kamay at alam niyang dadapo iyon sa kaniyang pisngi. Nanatiling nakatitig siya rito at hinintay ang gagawin nito.

She didn't flinch.

Hindi nito natuloy ang akmang pagsampal sa kaniya kahit pa alam niyang kayang-kaya nitong gawin iyon. Kitang-kita niya ang pagpupuyos ng galit sa mga mata nito.

"Bakit hindi mo gawin? Bakit hindi mo ulit saktan? Hindi ba ginagawa mo naman iyan sa tuwing gusto mong gawin?"

Ibinaba ng matanda ang nakataas na kamay. Napatulala ito sa kaniya.

"Go on, please don't hesitate." She provoked. "Wala pa rin naman talagang magbabago sa inyo. Gawin niyo."

Kuyom ang kamaong tumalikod ito sa kaniya. Naupo ito sa tabi ng kaniyang inab t mariing ipinikit ang mga mata

"Julius?" Her mom mumbled.

Kitang-kita niya ang paghinga nito ng malalim, hanggang sa hinawakan nito ang sariling d****b at para bang hindi na makahinga. Ang mommy niya na nasa tabi nito ay agad naalarma at hinawakan ang balikat ng asawa.

"Julius!" Sigaw nito nang mas lalo pang naging mahirap ang paghinga nito. "Oh God! Julius! Tulong!"

Her feet were rooted on the floor. Nakatingin lang siya sa daddy niya na ngayon ay wala ng kulay ang mukha at unti-unti ng nawawalan ng malay. She couldn't think what she would do next!

Malakas na bumukas ang pinto at tumakbo papasok si Dominic na butler ng kaniyang ama noon pa man. Dumulog ito sa kaniyang magulang dahilan para matauhan siya.

Dali-dali siyang bumalik sa sofang hinigaan niya kanina at kinuha ang sling bag. She didn't waste more time, mabilis siyang tumakbo palabas ng silid na yon at tinahak ang daan palabas ng kanilang bahay.

"Phoebe!" She heard her mom shouted her name.

She didn't look back. She needs to leave. Ito ang pinaka magandang pagkakataon dahil lahat ng tao ay nagkakagulo. All her life, what she wants is to escape from them. She wants to be free and never suffer the same pain she had been before.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
masakit man tanggapin ang mga nangyari sayo nuon phoebe pero mga magulang mo pa din sila
goodnovel comment avatar
Jana Cheskaas
masakit tong story na to yung nagpappakatatag ka pero ang totoo durog na durog ka na
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status