MARRYING THE HOT CEO

MARRYING THE HOT CEO

last updateHuling Na-update : 2022-01-29
By:  Via Bianca MuncadaKumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
3 Mga Ratings. 3 Rebyu
46Mga Kabanata
52.5Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Brianne Phoebe Henson got her heart broken. She caught his beloved boyfriend and sister on the same bed. They fooled them and she was filled with hatred and pain, the reason that even the strongest alcohol could no longer mend her heart. When she woke up the next day, she decided to forget everything from her past. She buried it deep down to her soul; the pain and the anger. Until this day came when she was kidnapped by her parents, that's the only way for her to come back home, but their reunion ended up so bad. Nalaman niyang gusto ng kaniyang mga magulang na ipakasal siya sa isang lalaki na hindi niya kilala. She was a rebel, she would never let her parents control her. Unintentionally, their arguments caused an accident, her daddy got a heart attack. Ayaw niya mang maipakasal, bumalik siya sa kanilang tahanan at sinubukang isalba ang nalulugi na nilang kompanya at para sa kaniyang ama na biglang na-coma. Ang plano niya'y bayaran ang pagkakautang ng kaniyang pamilya at hindi magpapakasal sa lalaking pinagkakautangan nila. Ngunit nang makilala niya si Pierce Amansa, ang lalaking dapat ay pakakasalan niya, doon niya napagtanto ang lahat. His future husband, the hot CEO, was the same drop dead gorgeous man she kissed years ago in the elevator. Kahit anong subok niyang takasan ang lalaki, para itong patibong na paulit-ulit siyang nahuhulog at hirap na hirap makaahon. He's undeniably handsome, cunning, and rich. Lahat ng gusto ng isang babae ay mahahanap kay Pierce Amansa ngunit ang takot na baka masaktan siyang muli at lokohin ay nagiging dahilan para patuloy niya itong takbuhan. Hanggang saan ang kaya niyang gawin? Hanggang kailan niya ito tatakbuhan? Nakahanda ba siyang buksan ulit ang puso niya para sa lalaking CEO matapos itong madurog?

view more

Kabanata 1

Chapter 1: Kiss

  MAHIGPIT niyang hinawakan ang seradura ng pinto, nangingilid na ang luha sa kaniyang mga mata pero pinigilan niya ang sarili na huwag umiyak. Abot-abot ang kaniyang kaba. The door made a creaking sound, ngunit hindi magigising ang mga taong nasa loob ng kwarto dahil lang sa mahinang langitngit na iyon.

 Marahan niyang inihakbang ang sariling mga paa papasok ng kwarto at lumapit sa malaking kama na naroon kung saan dalawang pares ng paa ang nakikita niya.

Nanlamig ang buo niyang pagkatao nang lubusan siyang makalapit. Mas lalo pang nanginig ang kaniyang mga kamay at nanlambot ang kaniyang mga tuhod nang makita niyang tama nga siya ng hinala.

Alam niyang kapwa h***d ang dalawang taong natatabunan ng makapal na kumot at tanging ang mga mukha lamang ang nakikita. Magkayakap pa ang dalawa at mahimbing na natutulog.

Mariin niyang kinagat ang ibabang labi para hindi siya makagawa ng ingay, napailing siya nang mag-unahan ang kaniyang mga luha na magsitulo. Para bang sinasaksak siya ng sampung kutsilyo sa kaniyang d****b.

Malalim. Sobrang sakit.

Hindi na niya napigilan ang sarili, nagtatakbo siya palabas ng kwarto at wala na siyang pakialam kung magising pa ang mga taong natutulog, ang mahalaga makaalis siya sa impyernong iyon.

Pain.. that's all what she feels right now. Gusto nang bumigay nang kaniyang tuhod pero mabilis niyang tinahak ang daan palabas ng kanilang bahay at lumulan sa kotse ng kanyang daddy na nasa labas. Buti na lamang at nasa kaniya pa ang susi nito.

She started the engine and drove away. Her grip tightened on the steering wheel as a very familiar pain choked her heart. Doon mas lalong lumakas ang kaniyang pag-iyak, mas bumuhos ang kaniyang luha. Hindi na siya makahinga ng maayos dahil sa pinaghalong galit at sakit na nararamdaman. Gusto niyang sumigaw para mabawasan ang sakit na nararamdaman. Nasasakal siya sa mga emosyong nagwawala sa loob.

"ARRGGHHH!" She shouted furiously.

Pinaghahampas niya ang manibela, wala siyang pakialam kung makasagasa siya o mabangga man siya.

"D*mn them!" Boung lakas niyang sigaw.

F*ck them all! F*ck the whole world! F*ck all of them!

She suddenly parked the car somewhere. Tumigil siya dahil sa nanlalabong paningin at tila nauubusan siya ng lakas kahit na sa isip niya'y kaya niyang itapon lahat ng mahahawakan niyang gamit. Hindi matigil ang pagbuhos ng luha galing sa kaniyang mga mata. She doesn't even care if someone caught her here, gusto niya lang magpahinga, gusto niya lang tumigil.

The pain is excruciatingly d*mn! Anong kasalanan niya sa mundo at labis-labis na sakit ang pinaparamdam sa kaniya?

Of all the people in the world... bakit ang mga tao pang lubos niyang pinagkakatiwalaan ang gagawa sa kaniya ng mga ganoong bagay? Bakit ang kapatid niya? Bakit si Kevin? Pano nila nagawa siyang lokohin?

Ibinuhos niya ang lahat ng hinanakit sa pag-iyak. Halos mapaos na siya pero hindi pa rin humuhupa ang nararamdamang sakit. Ilang oras pa ang tinagal niya roon. Nang wala nang luha ang lumalabas, napagdesisyunan niyang magmanehong muli patungo sa lugar kung saan alam niyang puwede siyang makahanap ng panandaling lunas sa nararamdaman.

Pagkarating niya sa bar wala pang masyadong tao. Dumiretso siya sa bar-counter na hindi pinapansin ang mga taong nakakasalubong. She sat on the high stool. Agad namang may bartender na lumapit sa kaniya at nginitian siya.

"A bottle of tequila." Walang buhay niyang saad.

Tila nabigla naman ang lalaki dahil sa sinabi niya. Napangiwi pa ito kaya tinaasan niya ito ng kilay.

"Ano na?" Mataray niyang saad.

Bantulot na sumunod ang lalaki sa gusto niya, kumuha ito ng isang bote ng tequila at inilagay sa tabi niya ang isang maliit na mababasaging baso.

Para siyang robot na kinuha ang baso at nagsalin ng alak. Walang inhibisyon niyang tinungga iyon. Hindi niya malasahan ang normal na lasa ng alak. Kung namamanhid man ang buo niyang sistema, ipagpapasalamat niya iyon. Ngunit hindi, ang lasa lamang ng alak ang hindi niya maramdaman pero ang sakit ay naroon pa rin at hindi napapawi.

D*mn this liquor! Her mind shouted.

Wala naman itong naitutulong sa kaniya. Kaya sa kaniyang pagkainis sa mismong bote na siya uminom, napapikit siya nang mariin nang makaramdam ng init at pait na humagod sa kaniyang lalamunan. Parang nasusunog ang kaniyang lalamunan pababa sa kaniyang d****b at tiyan.

Ibinaba niya lang ang bote nang hindi na niya kaya ang lasa. Sa kaniyang pagkabigla, napatawa siya ng pagak, hanggang sa naging mapakla ang mga tawang iyon. Kahit ang alak hindi siya matulungan burahin ang sakit na naroon sa kaniyang d****b.

Namumungay ang mga matang tiningnan niya ang bartenerong maya't maya ang pagsulyap sa kaniya at halata ang pag-aalala sa mukha nito.

"Ikaw!" Sigaw niya sa lalaki. "Isa pa ngang bote ng tequila. Yung mabilis ang tama! This is f*cking so weak!"

Pakiramdam niya kusang nagsasalita ang bibig niya kahit hindi naman niya gusto. Muli siyang uminom at napangiti nang parang nabawasan ng pait ang sakit na nararamdaman.

"Sige, pwede na 'to." Nangingiti niyang saad.

Halos malangahati na ang laman ng bote. Hindi siya tumigil sa pag-inom hanggat hindi niya nauubos ang laman no'n. She knew that this kind of liquor needs lemon and salt, pero bakit hindi siya binibigyan ng bartender? Nakalimutan ba nito o sadyang nakita nitong hindi na niya iyon kailangan?

Lingid sa kaniyang kaalaman, ibang alak ang naibigay sa kaniya. It was named After Death, mas malakas ang tama nito pagkaraang mainom ang alak. The liquor tasted like tequila but it could be taken without lemon and salt.

Ipinatong niya ang siko sa counter at itinukod iyon sa gilid ng kaniyang ulo. Mariin niyang ipinikit ang mga mata dahil hindi na niya kaya. Pakiramdam niya'y nahihilo siya. Hindi na nga niya maalala kung anong dahilan na narito siya, ang alam niya lang nasasaktan siya at kailangan niyang humanap ng lunas dahil kung hindi mababaliw siya.

"I'll kill them, magsama sila." She slurred.

Tila nagliyab ang galit sa kaniyang puso nang maalala ang nakita kanina. F*ck those men! F*ck them all!

Wala na dapat siyang pakialam sa kanila. Kahit sino sa kanila.

But at the bottom of her heart she could taste the bitterness. Akala talaga ng mga hayop na lalaking iyan lahat ng babae luluhod sa harap nila! Mga gago sila! Lahat sila!

Akmang tatayo na siya nang muntik pa siyang mabuwal dahil sa biglang pag-ikot ng kaniyang paningin,  buti na lamang at nakakapit siya sa gilid ng counter. Sinubukan niyang maglakad. Kahit pasuray-suray sa paglalakad ay nagawa niyang makalabas ng bar. Gustong-gusto na niyang pumikit at matulog, pero kailangan niya munang makauwi.

Hindi niya alam kung paano niya nagawang mahanap at tahakin ang daan palabas kahit pa malabo ang kaniyang paningin at kaonti na lang bibigay na ang kaniyang katawan.

Pagkasakay niya sa kotse napatingala siya at pilit kinalma ang sarili. Wala na siyang maramdaman kung hindi ang pamamanhid. What's going on? She tried to recollect herself, she feel empty, she wasted herself. Nagsitulo ang kaniyang mga luha nang isa-isang nagbalik sa kaniyang alaala ang mga masasakit na pangyayari sa kaniyang buhay. Kung saan laging siya ang nagpapaubaya alang-alang sa ikakasaya ng ibang tao. Kung saan lagi niyang pinipiling masaktan ang sarili para sa mga taong mahal niya. Ilang beses na ba siyang naging mabait?

Minsan nakakapagod din na ikaw na lang lagi ang nasasaktan. Nakakapagod din na maging mabuting tao sa lahat.

Marahas niyang pinunasan ang mga luhang nagsitulo at binuhay ang makina. Pinausad niya ang sasakyan.

Hindi na ako uuwi! Sigaw ng kaniyang isip.

"Hinding-hindi na ako babalik. Hindi na ako magpapakatanga, hindi ko na hahayaang saktan niyo 'ko." Bulong niya sa hangin.

Malaking pasasalamat niya nang makarating  siyang buhay at hindi nadisgrasya sa daan. She owns a condominium, kahit lumayas pa siya may matitirhan pa rin siya.

Kahit pasuray-suray ang kaniyang paglakad at umaalon ang kaniyang paningin nagawa niya pa ring makarating sa elevator. She pressed the 18th floor.

Isinandal niya ang likod sa malamig na elevator at pumikit. Naalala niyang hindi pa siya kumakain ng lunch at ng hapunan kaya kahit parang naduduwal siya wala siyang maisuka.

Tumigil ang elevator, nang tingnan niya iyon nasa second floor pa lang. Mariin niyang ipinikit muli ang mga mata dahil hindi na niya kayang imulat. Hilong-hilo na siya. Naramdaman niyang mayroong pumasok, hindi niya lang iyon pinansin. Muling gumalaw ang elevator, dinadagdagan ang sakit ng kaniyang ulo. Gusto na niyang matulog for pete's sake!

"Miss!" Ani isang baritonong boses.

Nagmulat siya ng mata at kahit nanlalabo iyon nakita niya pa rin ang isang gwapong mukha na nasa harap niya. Hindi na niya alam kung ano ang nangyayari, hindi niya alam na muntik na siyang bumagsak sa sahig kung hindi lang siya nasalo ng binata.

Sobrang lapit ng mukha nito sa kaniya. Mapait siyang napangiti nang maalala ang mukha ni Kevin, higit na mas gwapo ang lalaking nasa harap niya kaysa lalaking iyon. Hindi niya akalain na may mas gagwapo pa pala sa boyfriend niyang iyon. Sa boyfriend niyang tarantado at nagawa siyang lokohin.

Ngumiti siya ng malapad at ipinulupot niya ang dalawang kamay sa leeg nito. Hawak pala nito ang maliit niyang bewang at ang isa nitong kamay ay nasa likod niya para hindi siya tuluyang mahulog.

Nang makaayos siya ng tayo, naroon pa rin siya't nakakapit sa leeg nito. Tiningnan niya ang binata sa mga mata, tila ba tinutunaw ang puso niya nang makitang mataman din itong nakatitig sa kaniya.

May kulay abo itong mga mata, puno ng emosyon at tila kumikislap pa pero salubong ang makapal nitong kilay na tila hindi natutuwa sa pagkapit niya sa batok nito.

Ngumiti siya sa lalaki, hindi niya mawari kung talaga bang totoo ito o imahinasyon niya lang. He's too good to be true. Bumaba ang tingin niya sa mapula nitong labi.

Sa isip-isip niya'y paniguradong malambot at masarap iyon.

"Lady, don't look at me like that." Oh! His voice, it was a deep baritone.

  "I might kiss you." Rinig niyang saad nito.

"Then kiss me." She slowly and seductively whispered. Ang akala niya'y ilusyon niya lamang ang lalaki.

Tila masunurin itong bata, agad nitong siniil ng h***k ang kaniyang labi, wari bang sinilaban ang kaniyang buong pagkatao. She's right, his lips were d*mn soft and delictable. Hinapit siya nito sa bewang, at pinalalim pa ang h***k. He's a good kisser!

"Hmm." She let out a soft moan without knowing it.

She matched the intensity of his kisses, hinawakan niya ito sa batok at mas lalo pang inilapit ang kaniyang katawan sa estrangherong kahalikan.

He expertly slid his tongue inside her mouth, siya naman ay boung puso itong tinanggap. He sucked her lips, tasted every corner of it and licked each part. Walang ibang nagawa si Phoebe kung hindi tanggapin ang mainit nitong h***k na nagpaliyab sa buo niyang sistema.

Napaungol siyang muli nang maramdaman niyang ipinasok ng lalaki ang kamay nito sa loob ng kaniyang damit at agad nitong sinapo ang kaniyang mayayamang d****b.

"Your floor, Hermosa?" Masuyong bulong nito nang halikan nito ang kaniyang leeg.

Wala na sa tamang huwisyo ang kaniyang isip.

"Hmm.. Eighteenth floor." Bulong niya pabalik at muling napaungol nang maramdamang s******p nito ang kaniyang balat sa leeg.

Nanghihina siya. He slowly caressed his breast, making her feel out of control. She couldn't help but moan.

Gusto niya ang ginagawa nito, tila nahihibang siya sa sarap pero hindi na kaya ng kaniyang katawan. Hinihila siya ng antok, mas lalo pa siyang nanghihina dahil sa ipinaparamdam nito sa kaniya. Hanggang sa naramdaman na lang niya na unti-unting kinain ng kadiliman ang kaniyang mundo.

She let herself fall into the darkness.

Marahil panaginip lang ang lahat. Her mind whispered before embracing the other world.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
Teresita Caporado
may iba ka pa po bang story ms author?
2023-06-16 11:20:46
1
user avatar
Arvie Alcantara Baluran
I love the story
2022-08-24 08:33:32
3
user avatar
Jean_ezekiel
This book is so amazing ......
2021-12-14 15:07:49
2
46 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status