Share

Chapter 5: Memories

Lakad-takbo ang ginawa niya hanggang sa makalabas siya sa kanilang gate. Mabuti na lamang at saktong may padaan na taxi. Pinara niya iyon at dali-daling lumulan.

"Bilisan mo kuya." Utos niya rito nang masabi niya sa lalaki ang lugar kung saan naroon ang café ni Love.

Nang umandar ang sasakyan, mahigpit niyang ikinuyom ang kamao at mariin na kinagat ang ibabang labi. Samu't saring pangyayari ang biglang dumumog sa kaniyang isip. Nakokonsensya siya na umalis siya, pero iyon ang pinakamagandang pagkakataon!

Tears fell from her eyes, damang-dama niya ang pagsikip ng kaniyang d****b. Marahas niyang pinunasan ang mga luhang naglandas sa kaniyang mukha. Hindi siya babalik, hinding-hindi siya babalik kahit ano pang mangyari.

Alam niyang hindi nagbibiro ang kaniyang daddy sa sinabi nito. This time, kailangan niyang mag-ingat ng doble. Kung kinakailangan pang umalis siya ng Manila at magtago muna sa malayong probinsya ay gagawin niya. She won't let them ruin her life, she won't let them make her suffer again.

Tama na yung mga pinagdaanan niya noon, hindi na niya hahayaang masaktan siya ulit.

Ngunit bakit ganon? Bakit parang ang sikip-sikip ng d****b niya? Hindi niya magawang makahinga ng maayos, gusto niyang bumalik pero pinipigilan niya ang sarili. Kahit mamatay pa ang kaniyang daddy wala na siyang pakialam!

Pinunasan niya ang mga matang hilom ng luha. She needs to talk to Love. Tumingin siya sa labas ng windshield, ngayon niya lang napansin na gabi na pala.

Ang tagal niyang natulog, marahil dala iyon ng nasinghot niyang gamot kaninang umaga.

"Ma'am, narito na po tayo." Untag sa kaniya ng driver.

Hinalungkat niya agad ang bag at humanap ng pera pambayad. Madali siyang bumaba at tinahak ang daan papasok sa café ni Love.

Wala ng tao at inililigpit na ng mga crew ang mga gamit. Nakita niya si Love na mayroong kausap sa cellphone at halata sa mukha nito ang pagkabahala at pag-aalala.

Nang maibaba ng babae ang cellphone, napatingin ito sa kaniyang direkyson. Umawang ang bibig nito at malalaki ang hakbang na tinungo siya.

"Goodness Phoebe!" Singhal nito. "Kanina pa kita tinatawagan akala ko kung napano ka na-"

Napatigil ito sa pagsasalita nang magkusa ang mga luha niyang tumulo. Bakit ganito? Dapat hindi siya umiiyak sa harap nito. She's strong, and a strong woman won't cry for nonsense things!

Masuyo siya nitong hinawakan sa braso at hinila papunta sa isang mesa. "Anong nangyari?" Puno ng pag-aalala nitong tanong.

Tumigil sila at magkaharap na umupo. She shook her head, wala siyang lakas para sabihin dito ang nangyari sa kaniya.

"Wala lang ito." Namamaos niyang sagot sa dalaga.

Agad nalukot ang mukha ng kaibigan at nagsalubong ang kilay nito. "Anong wala! Napano ka ba?"

Tinitigan niya ito sa mata. Alam niyang nag-aalala sa kaniya si Love, ito lagi ang kauna-unahang tao na mag-aalala sa kaniya. Pero ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa nangyari sa kaniya. Naaalala niya lang ang kaniyang daddy, sumisikip tuloy ang kaniyang d****b.

"Magiging maayos din ako. I need time, I need to rest." Paanas niyang sagot.

Magsasalita pa sana si Love nang marinig nila ang ringtone ng kaniyang cellphone. Binuksan niya ang kaniyang bag at kinuha doon ang kaniyang cellphone. Kumunot ang kaniyang noo kasabay ng pagragasa ng kakaibang kaba sa kaniyang d****b nang makitang unregistered number iyon.

Hindi niya maintindihan kung bakit nagkakaganito siya. Kahit nagdadalwang-isip siyang sagutin ay sinagot niya pa rin iyon.

"Who's this?" Bungad niya.

Nakarinig siya ng iyak sa kabilang linya. Unti-unting sumigid ang kirot sa kaniyang d****b. Kahit iyon pa lang ang naririnig niya, may kutob na siya kung sino iyon.

"How could you do this to dad! Pagmayroong mangyaring masama sa kaniya kasalanan mo 'tong lahat! Napakawala mong konsensya!" Lumakas ang paghagulhol ng taong nasa kabilang linya. 

"You don't know what we've been through, kapag mawala siya samin ng tuluyan hinding-hindi kita mapapatawad!"

Agad naputol ang tawag pero nanatili siyang tulala sa kawalan. 

"Why does it still hurts inside? Dapat sanay na ako sa sakit pero bakit mas masakit ata ngayon?" Walang buhay niyang tanong habang nakatulala sa kawalan.

Naramdaman niyang pinisil ni Love ang kamay niyang nakapatong sa mesa. "Sino ‘yon? Okay ka lang ba, Phoebe?" Malumanay nitong tanong pero puno ng pangamba ang mga mata.

Tumitig siya rito. Lutang na lutang ang kaniyang isip. Ang tangi niya lang nararamdaman ay ang sakit na tumutusok sa kaibuturan ng kaniyang puso.

It was Penelope who called her, her sister. Sinisisi siya nito sa nangyari sa kanilang daddy, at base na rin sa reaksyon nito alam niyang may nangyari ngang masama dahil hindi ito iiyak ng ganon kung wala.

But it wasn't my fault! Her mind shouted. Ngunit gaano niya man itanggi iba ang nararamdaman ng kaniyang puso. Pakiramdam niya kasalanan niya ang lahat.

"Bakit ganon, Love? Galit na galit ako sa kanila, gusto kong maghirap sila, pero bakit apektado rin ako? I should be happy now but there's something aching in my heart." Pag-amin niya rito.

Pinisil muli ni Love ang kaniyang kamay at nakakaunawang tiningnan siya. "They're still your family that is why. Blood is thicker than water as what they said. Maniwala ka sakin, kahit gaano pa tayo namumuhi sa sarili nating pamilya mananatili pa ring pamilya natin sila. Ayokong makita kang ganito, Phoebe, ang daming emosyon ang gustong kumawala sa mga mata mo pero pilit mo iyong tinatago. Go, you need to visit them, kung yon ang makakabawas diyan sa bigat na nararamdaman mo."

Babalik siya don? Ngunit hindi pwede.

"I don't know what to do." Nanghihina niyang saad. "Pakiramdam ko maraming magbabago kapag pinili kong puntahan sila."

Bumuntong-hininga ang dalaga at nginitian siya. "C'mon, just try it. Alam kong kaya mo 'yan."

Titig na titig siya kay Love. Kinukumbinsi siya ng mga mata nito, akala niya pagbabawalan siya nitong puntahan ang mga magulang niya katulad ng inaasahan niyang gagawin nito.

"I have seen you fighting all your battles alone, ano bang hindi mo makakaya? Ano bang magpapatigil sayo? The only thing that keeps us running away is fear. Be brave now. I know you can do this."

Malalim siyang bumuntong-hininga at nang bitawan ni Love ang kaniyang kamay tumayo siya at walang salitang lumabas ng café.

Natagpuan niya ang sarili na tinatawagan ang phone number nila sa bahay. Abot-abot ang kaniyang kaba nang magring iyon, at sa ikatlong beses sumagot ang nasa kabilang linya.

"This is Phoebe Henson." Agad niyang turan.

"Naku, ma'am Phoebe!" Ani boses ng nasa kabilang linya. Alam niyang boses iyon ni Donita. "Buti po napatawag kayo. Nasa hospital po ang daddy niyo, inatake po sa puso."

"Saang hospital dinala?"

Natigilan pa ang kausap ng ilang segundo. "Sa.. Saint Michael Private Hospital daw po."

Nang marinig niya ang sinabi nito agad niyang ibinaba ang cellphone at tumungo sa kaniyang kotse na hanggang ngayon ay nakapark pa rin sa labas ng café ni Love.

Nang makalulan siya sa sasakyan, mahigpit siyang humawak sa manibela nito. She knows she's taking the wrong road again, but her conscience..

Her conscience will kill her. Kahit abot langit ang pagkamuhi at galit niya sa kaniyang pamilya heto pa rin siya at tinatahak ang daan papunta sa hospital kung nasaan ang daddy niya.

Kahit nabalot na ng yelo ang puso niya hindi niya pa rin magawang mawalan ng pakialam sa mga taong naging parte ng buhay niya noon. Kahit pa nga pinahirapan siya ng kaniyang mga magulang nitong nagdaang taon hindi niya magawang tuluyang baliwalain ito.

Alam niyang ang daddy niya ang may pakana kung bakit hindi siya matanggap-tanggap sa lahat ng mga kompanyang pinapasukan niya. Her father is indeed a good manipulative, gagawin nito ang lahat para lang bumalik siya sa bahay nila lalo na't sinabi niya ritong hinding-hindi na siya babalik. Naging matigas siya, nagawa niya, dahil na rin sa tulong ni Love.

Nakapagpatayo siya ng flowershop at doon niya binuhos ang lahat ng makakaya niya para lang buhayin ang sarili.

Her parents, the reason why she became miserable before. Ngunit ngayon nagagawa niya pa ring mag-alala para rito.

She hates herself for having this kind of heart. Iyon ang nagiging kahinaan niya.

Slowly, memories rushed through her mind.

"Who broke the flower vase?"

"It was Phoebe!" Penelope shouted in panic.

Nabigla siya nang balingan siya ng ina. Mamahalin ang mga binibli nitong muwebles at mga palamuti kaya alam niyang kagagalitan sila kapag masira nila  iyon.

"N-no, mom. I-it wasn't me." May kaba sa boses niya.

Ngunit alam niyang hindi sapat ang boses niya para pakinggan siya ng kaniyang ina. She was always bitten up. Kahit wala siyang kasalanan. May mga pagkakataon na si Penelope ang nagkakamali pero sa kaniya isinisisi.

"You should focus on your study, Phoebe. Ayaw kong malalaman na may mga boyfriend kayo lalo na ngayong malapit na kayong magcollege!" Her dad was strict and ruthless.

Hindi niya alam kung bakit sa kanilang dalawang magkapatid, mas madalas na siya ang napagbubuhatan ng kamay ng kaniyang mga magulang.

"So, you had a boyfriend?" Minsang tanong ni Penelope nang pumasok ito sa kaniyang kwarto.

Bigla'y kinabahan siya at sasabihin na wala nang ngumiti ito ng matamis.

"Don't worry, sis. I won't tell dad." Masuyo nitong sabi.

Natatakot siya. Noon pa man, ibinilin na sa kanila na hindi pwedeng magboyfriend hanggat hindi nakakapagtapos. Ngunit nahanap niya kay Kevin ang pagmamahal na alam niyang hindi kayang ibigay ng pamilya niya.

"Dad, I'm gonna attend a party tommorow evening." Masayang paalam ni Penelope sa mga magulang.

At first, their parents won't let her, pero kalaunan pumapayag din naman ito.

"Isasama ko si Phoebe. Mga kaibigan ko lang naman ang naroon."

Akala niya noon maayos na lahat. Akala niya unti-unti ng bumabalik ang closeness nila ni Penelope na bigla na lamang naglaho ng hindi niya alam ang dahilan.

"Why don't you bring your boyfriend with us?" Sabi nito.

She was innocent. Hindi niya inisip na ipapahamak siya ng kapatid kaya sunod-sunuran siya rito.

When Penelope met her boyfriend, she felt safe. Alam niyang kahit papano may tumatanggap sa relasyon nila na pamilya niya. Naging malapit agad si Penelope at Kevin na hinayaan niya lang.

"He's my boyfriend dad," Penelope told their daddy.

It was his father's birthday when Penelope invited Kevin. Her jaw dropped when she heard it.

"I just said it para pwede ko ng isama si Kevin sa bahay, then you can have him all day. Baka magalit si daddy kapag nalaman niyang nauna ka pang magboyfriend kaysa sa akin." Natatawa nitong sabi.

Penelope is a year older than her. Naalala niyang wala pa pala itong pinapakilalang lalaki sa mga magulang nila. Wala din itong binabanggit sa kaniya. Kahit maganda at alam niyang maraming nagkakandarapa sa kapatid niya mukhang wala pa itong napipili.

She trusted her.

"I love you," Kevin told her quietly.

Tiningnan niya ito ng mataman at ngumiti. He has been the best boyfriend in the world. Mabait at matalino, hindi rin maitatangi na gwapo ito kaya nga kahit pinilit niya noon ang sarili na huwag muna itong mahalin, hindi niya magawa.

"I love you, too." She full-heartedly said.

Sa dalawang taon nilang relasyon alam niyang naging totoo ito sa kaniya. Alam niyang mahal siya nito.

"Phoebe?" Pumasok ang mommy niya sa kaniyang kwarto at nang makita niyang seryoso ito, agad siyang tumayo para salubungin ito.

"Mom." She greeted.

"Is it true that you are trying to flirt with your sister's boyfriend?" Galit nitong tanong.

Natigilan siya, hindi alam ang sunod na sasabihin.

"W-what?"

"Someone told me that you and Kevin had been dating secretly. Mayroong nakakita sa inyo." Pang-aakusa nito.

"M-mom."

"Stop it, Phoebe." Pigil nito. "Itigil mo na iyang kalokohan mo."

Little did she know that it was always her sister's little tricks on her.

Huli na para nalaman na sa una palang minamanipula na siya ng lahat.

"F*ck the world!" She hissed and wiped the tears in her eyes.

Sa tuwing naaalala niya ang nakaraan parang ibinabalik lahat sa kaniya ang sakit na pinilit niya noong kalimutan.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ang sakit malaman na ang akala mong kakampi moei syang magpapahamak sayo
goodnovel comment avatar
Sally Daño
how can i ccontinue eeafing the article please help me how. thank you
goodnovel comment avatar
Phine Soria
csn't continue reading. there should be other way to read. i prefer reading or watching ad to continue. likwise this is a nice story.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status