Share

B2: Kabanata 20

Author: jhowrites12
last update Last Updated: 2025-08-24 05:12:49

Basang basa na dumating si Lucas at Aurora sa mansiyon ng mga Venaventura. Iyon ang agad na napansin ng mag-asawang Vincent at Miranda. Dahil basa ang damit ay bumakat ang matipunong dibdib ni Lucas at ang ibaba nito. Hindi naiwasan ni Miranda na mapansin iyon nang dumako ang mga mata niya roon.

Napalunok siya at agad na umiwas lalo at nahuli siya ni Lucas na nakatingin roon. Umangat ang gilid ng labi nito. Pinipigilan ang ngiting gustong sumilay sa kanyang mga labi.

"What happened to both of you?" tila natutuwang tanong pa ni Vincent nang tuluyang makapasok sila sa mansiyon. Sa paraang ng tingin niya ay parang may naiisip na kahalayang ginawa ang dalawa. Proud niyang tiningnan si Aurora dahil kahit hindi niya sabihin ay mukhang alam ng babae makipaglaro sa apoy.

"Dinala ko po sa talon si Sir Lucas. Pinulikat ako kaya iniligtas niya ako kaya kami nabasa..." sagot ni Aurora na napatungo. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin siya dahil sa nangyari. Magkaibang magkaiba si Vincent at Luc
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (8)
goodnovel comment avatar
Annika Dee
cguro 1way ni Lucas pr kunin ang mpalapit ky Vincent using Aurora ng shanon makuha at mitakas niya c Miranda ky Vincent .real Miranda was gone dead at c Michelle ang pinalitan ni Vincent bilang Miranda
goodnovel comment avatar
H i K A B
Ang bait ni Lucas dahil ilalayo nya na si Aurora sa isla. Sana hanggang ganun lang at wala na sana sila koneksyon paglabas ng isla. Baka gamitin pa sya ni Aurora kung may masamang tumatakbo sa isip nito.
goodnovel comment avatar
Trendsterchum Chronicles
haha Michelle talaga??? mindset na bang si Mich si Mira?
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   B2:Kabanata 33

    "Mama!" bumalikwas si Basti mula sa pagkakahiga sa isang kama. May mga nakalagay na monitor sa kanya habang naroon. Napatingin siya sa isang babae nang hawakan nito ang kamay niya. "Are you okay?" tanong nitong ngumiti. Ang mainit na palad nito ay nagbigay sa kanya ng kasiguraduhan na nakabalik na siya sa kasalukuyan. Hilam ng luha ang mga mata niya nang tumingin siya sa doctor. He is with a therapist. At ginamitan siya ngayon ng hypnotic theraphy para matulungan siyang alalahanin ang nakaraan. Kung ano nga ba ang traumang pinanggagalingan kung bakit siya nagkaganoon. Hindi madaling alalahanin. It takes courage to do so. At nagawa niya. Ginawa niya gaya ng gusto ni Lucas para sa kanya. Dahil iyon lang ang tanging paraan."I need to save my Mama..." sa unang beses ay nakabuo siya ng salita. Salamat sa tulong ni Lucas na siyang nagkumbinsi sa kanyang magpatherapy. They overturned the result of his test, too, wala siyang autism. At alam niyang gawa-gawa iyon ng ama niya. Malinaw na sa

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   B2: Kabanata 32

    "Mama! Mama!" Pabiling-biling ang ulo. Nakapikit ngunit ang mga mata ay parang bukas habang inaalala ang nakaraan. Ang pawis sa kanyang noo ay tagaktak at halos basa na ang kanyang buhok dahil doon. Ang mga kamao niya ay nakakuyom habang tila bumabalik siya limang taon na ang nakalilipas. Ang nakaraan. Nakaraang nagdulot sa kanya ng trauma dahil sa takot. Pilit man niyang kinakalimutan ay muling bumabalik sa kanya. Siguro nga, panahon na para muli niyang harapin iyon. Muling balikan. "Anong nakikita mo Basti..." malumanay na tinig iyon. Parang anghel na bumubulong. Kinakausap siya."You can stop if it's hard for you to remember..." Muling bumiling ang kanyang ulo. Gusto niyang magmulat. Gusto niyang tumigil at magising sa panaginip na iyon. Pero... Nagpatuloy siya. Tila nakikita niya ang batang siya. Naglalakad sa mahabang pasilyo habang umuulan ng malakas. Ang kulog at kidlat ay dahilan upang takpan niya ang kanyang teynga habang inaapuhap ang daan patungo sa taong magbibigay

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   B2.Kabanata 31

    "Boss..." Nagmamakaawang hinawakan ni Leo ang paa ni Vincent. Nanginginig at natatakot para sa sariling buhay. Nakahilata na siya sa sahig at duguan. Suntok at sipa ang natamo niya pagkatapos nilang bumalik sa kuwarto kung nasaan si Vincent na walang maibalita kung nasaan si Miranda. Halos hindi na makilala ang buong kuwarto dahil talagang wasak maging ang mga gamit na naroon. Ang malaking TV ay wasak sa gitna. Ang maliit na refrigerator ay natumba na at natapon ang mga laman. Ang mga kama na naroon ay wala na sa puwesto. Nakasalubong nila kanina ang manager ng hotel na takot na takot ang itsura at walang magawa. Takot tumawag ng pulis dahil sa banta ni Vincent."Kasalanan ninyo! Kasalanan ninyo mga inutil!" Muling pinagsisipa sila ni Vincent. May hawak itong baril na biglang itinutok kay Leo. "Boss...""Alam mo ba kung anong ginagawa sa taong inutil na gaya mo, ha!" Nagulat si Leo nang biglang ipasubo ni Vincent sa kanya ang dulo ng baril. "Pinapasabog ang ulo!" Bumaba ito at bumul

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   B2:Kabanata 30

    "Where are they?" tanong ni Vincent sa tauhan na nagmamatiyag kila Lucas. Pinamanmanan niya bawat kilos ng mga ito. Hindi niya gusto na muling magkaharap sila ni Miranda. Hanggang maaari ay hindi na dapat muling magkita ang dalawa."Lumabas si Lucas Belleza, boss." Bigla siyang nakaramdam ng galit sa sistema. Is Lucas taking his move already?"Where is he?""Mistique Bar and Casino, boss..." ika ng kausap. Pasimple nitong itinutok ang camera kay Lucas at sa kausap nito. Si Scott Schutz.Nakahinga siya ng maluwag. Buti naman at hindi gumagalaw ngayon si Lucas. Magiging huli na ang lahat kapag dumating ang umaga. Because he will make sure that Miranda will never leave the island ever again. And never leaves his life. Hindi niya hahayaang mangyari ang katulad noon."Nagawa kong pigilan ka, Miranda. Magagawa ko pa rin kahit ngayon,"aniya. Kung kinakailangan ay ikulong niya ito roon ay gagawin niya. Maging kanya lang habang buhay ang babae. "No one will have you. Ako lang. You are mine, M

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   B2:Kabanata 29

    "Lucas, look at this..."Pumunta si Robert sa mesa ni Lucas. May tinitingnan siyang larawan at may biglang nakakuha ng kanyang kuryosidad. Itinuro niya iyon sa hawak na litrato. "This is Tatiana Vistro, right?" aniya. Itinuro ang isang babae na nasa gitna sa litratong iyon. Bata pa ito tingnan sa litratong iyon. Early twenties sa tantiya nila. May kasama itong mga bata sa litrato. Mula sa pagkakatayo at pananamit nito ay halatang galing ito sa prominenteng pamilya.Napakunot noo si Lucas nang mapagmasdan na mabuti ang nasa larawan."This is from the convent, right? Si Sister Felomina ito..." aniyang itinuro ang isang babaeng nakatayo sa gilid. Medyo bata rin ito sa litratong iyon. At sa likuran ng mga ito. Ang background sa picture ay ang kumbentong tila bago pa.Napatitig nang mabuti si Robert doon. "Oo nga, Lucas..." aniya. "They know each other?" Hindi makapaniwalang napatanong ito.Nilipat nila ang litrato. Naroon pa rin ang dalawa. Pero sa sumunod na mga litrato ay may hawak n

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   B2:Kabanata 28

    Lumapit nang mabilis si Vincent sa kanila. "Miranda?" tila nagtatakang tanong ni Doctor Luigi. Sa boses ay naroon ang alinlangan sa nakikita."Doctor Luigi, meet my wife, Miranda Venaventura. Mira, this is Doctor Luigi, my mom's private doctor..." pakilala agad ni Vincent kay Miranda.Ngumiti si Miranda. Inilahad ang kamay sa ipinakilalang doctor."Nice to meet you, Doctor Luigi..."Alanganing kuhanin ni Luigi ang kamay na nakalahad. But then, there's this curiosity inside him. Nang mahawakan niya ang kamay ng babae ay tila napaso siyang napabitiw dito."Miranda, I told you to stay in the living room. Mama will be fine now. Narito ang Doctor niya kaya magiging okay siya," narinig niyang sabi ni Vincent sa babaeng nasa harapan. Naguguluhan si Luigi. Inakala niya talaga kanina ay ito ang kakilalang babae. Ang dahilan kung bakit siya umalis sa hospital. He couldn't save her. Nawaglit lang siya saglit ay nawala na ito.Muli siyang napatitig sa babae. Nagkakamali ba siya ng nakikita? Bak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status