MICHELLE'S POINT OF VIEW Nang magising ako kinabukasan ay naroon pa rin si doctor Emmanuel sa hospital room binabantayan ako. Wala na ang suwero sa kamay ko. Tanging bandage na lang ang nakalagay doon sa pinagtusukan ng karayom. "Are you hungry?" tanong niya sa akin nang lapitan ako at makitang gumalaw ako mula sa hinihigaan.Umiling ako. Talagang bumangon na dahil kailangan ko ng umalis. Magbabakasali akong pupuntahan ang hotel na tinuluyan ko. Baka, they kept my things lalo at hindi ako dumating kagabi. "I need to go..." sabi ko. Batay sa nakikita kong sinag ng araw, alam kong tanghali na. Tinanghali na ako.Napabuntong hininga si Doctor Emmanuel nang alalayan akong isuot ang sapatos ko. I am wearing a hospital gown kaya hinanap ko ang mga damit ko. Nakita ko naman iyon na maayos na nakatupi sa mesa sa gilid. "Can you do it? Gusto mong tumawag ako ng nurse para tulungan ka?"Napailing ako. "I can do it..." ika ko. Pilit na nginitian siya.Sobrang abala na para kay Doctor Emmanue
Michelle's Point of View Namutla ako at mas lalong naipako ang mga paa sa kinalalagyan. Lalo na noong makasalubong ng mga mata ko ang mga mata ni Lucas. Parang hinihigop niya ang buo kong pagkatao sa paraan ng titig niyang mas bumigat dahil sa bulalas na iyon ni Georgia."Ah... Mali ka ng narinig Mrs. Schutz..." si Olivia na nataranta. Napatingin na muli kay Lucas na parang nagpapasaklolo. Kaswal lang na nakatayo si Lucas. Nakatitig sa akin na para bang kakainin niya ako ng buhay. "Hindi ikaw ang tinatanong ko Miss Olivia," agad na saad ni Georgia. Mababanaag ang kakaibang tono sa kanyang boses. Disgusto sa pagsasalita ni Olivia. Lumapit siya sa akin habang hindi ko mapigilang manginig ang katawan sa halo-halong emosyon na bumalot sa akin."I'm so sorry, Georgia..." Napaiyak ako. Hindi ko gustong masira ang gabing iyon pero mukhang nangyari na. "I'm sorry, hindi ko gustong mangyari ito..."Niyakap ako ni Georgia. Sobrang higpit. "Don't worry about it. Wala kang ginawang masama..." a
Michelle's Point of View Parang tumigil ang mundo ko nang marinig ang pakilala ni Scott sa dumating na bisita. Nanginginig ang kamay ko maging ang mga labi ko nang humarap ako. Hindi agad nila ako nakita dahil busy sila sa ibang naroon. Nakikipagkamay ito sa ibang negosyanteng imbitado sa dinner party na iyon.Pero hindi si Robert. Nanlaki ang mga mata nito noong makita ako. Pero agad na umiwas ang mga mata niya sa akin kapagdaka.Tumayo si Georgia na nasa tabi ko. Parang walang lakas ang tuhod ko para tumayo. Pero nagawa ko. Pinilit ko. Lalo na dahil kinalabit ako ni Georgia. Saka niya ginagap ang kamay ko.At nang kami na ang harapin nila Lucas ay kitang kita ang gulat sa mukha ni Olivia. Saglit lang ang kay Lucas dahil agad na napalitan iyon ng hindi ko maipaliwanag na emosyon. But one thing I know. May galit ang mga mata niyang nakatutok sa akin."Lucas, Olivia, this is my beautiful wife, Georgia. And her friend, Michelle..."Lumapit sa amin si Scott. Kami na lang ang hindi niya
Michelle's Point of View"Sige..." sabi ko bago ibaba ang telepono. I want to enjoy my last night. Uuwi na ako. My flight is around eleven pm. Naihanda ko na rin ang mga gamit ko at tanging gagawin ko na lang ay ang kunin ang mga iyon. Naligo muna ako dahil nanlalagkit ang pakiramdam ko. Eksaktong alas kuwatro nang dumating ang sundo ko na sinasabi ni Georgia. Alas sais daw ang umpisa ng dinner party na iyon."Pasensiya ka na talaga, Michelle. Kailangan ko lang talaga ng kaibigan na kasama sa dinner party na ito," hinging paumanhin agad ni Georgia sa akin nang makarating ako sa lugar na tinutuluyan nila ng kanyang asawa at anak. Namangha ako dahil sa isang villa sila nakatira ngayon. Ibig sabihin, hindi lang basta-basta ang napangasawa ni Georgia. He was really a rich person para ma-afford ang villa na iyon.Parang biglang nanliit ako sa aking sarili. Pasimple ko pang pinasadahan ang sarili. Though simple lang din naman ang suot ni Georgia. "Wala si Scott ngayon. Pero alam niya an
Michelle's Point of View Nagulat ako. Napakurap-kurap pa kasi baka namamalikmata lamang ako. Minumulto dahil siya lagi ang naiisip ko. Pero nang lihim kong kurutin ang kamay ko, alam kong totoo ang nasa harapan ko. Hindi ko mapigilan ang pagkurba ng mga labi ko habang nakatitig sa kanya. Nakasuot siya ng suit at para ngang may pupuntahan na mahalagang meeting."What?" aniyang nagpagising sa tila nangangarap kong itsura. Totoo ngang nasa harap ko si Lucas. At mukhang magkalapit lamang kami ng kuwarto. Malapit na kasi ako sa room ko.Magsasalita sana ako nang biglang lumabas din si Robert sa isa pang kuwarto. "Michelle..." bati niya sa akin. Nakasuot din siya ng suit at mukha talagang may ka-meeting sila na importante. O baka party? Ewan."Let's go, Robert..." yakag ni Lucas na nagpatiuna na. Palapit pa lamang sa akin si Robert pero hindi na tumuloy nang tawagin siya ni Lucas. Kumaway na lamang ito sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwalang naroon sila ngayon. Kahit sabihin ni Lucas
Michelle's Point of View Finally, nakarating na rin ako sa hotel room ko. Ang laki at lawak pero...Napakalungkot. Malungkot talagang mag-isa. Lalo pa kaya na ako lang talaga ang narito.Disneyland is a happy place. Pero magiging masaya kaya ako?"Subukan mo, Michelle. Iwanan mo muna ang mga problema mo..." paalala ko sa sarili. Bagay na sinasabi ko pa lang noong umalis ako kanina.Huminga ako ng malalim. Parang one-sided lang ang ikot ng mundo ngayon sa buhay ko. Parang mas pinapaboran ang iba kaysa sa akin."Lalaban pa rin ako..." ika ko sa sarili. Niyakap ang sarili habang tumanaw sa may bintana. Gabi na ngunit maraming nagkikislapang ilaw na masusulyapan sa labas. Masarap pagmasdan ang mga iyon lalo na sa dilim. Dahil mas kumikinang sila doon.Pagod ang katawan ko at gusto ko nang magpahinga. Pero para bang ayaw ng isipan ko. Kung saan-saan lang napupunta.Anong ginagawa ni Lucas ngayon na wala ako sa tabi niya...Ah! Wala pala iyon sa lalake. Ni hindi nga ako nagawang ihati