"Michelle!" Nagpalinga-linga si Lucas. Nang magmulat siya ng mga mata ay tila nasa ibang lugar na siya.Isla Soledad. Ang talon na pinuntahan nila ni Aurora. Bakit tinatawag niya roon si Michelle? Bakit naroon siya? Muli niyang nakita si Michelle. Nakaupo ito sa isang malaking bato. Nakaputing damit. Pinaglalaruan ng hangin ang mahabang buhok nito at ang damit nito. Nakatalikod ito pero alam niyang si Michelle iyon. Kilalang kilala niya ang pigura ng babae.Sinubukang lumapit ni Lucas pero hindi niya magawa. Parang nakagapos ang mga paa niya sa tubig. Hindi niya magawang ihakbang palapit sa babae. "Michelle..." pilit niyang tinawag ang pangalan ng babae. Pero maging boses niya ay tila nawala. Bumubuka ang bibig niya pero walang tinig na lumabas.Hindi niya maintindihan kung bakit may pumipigil sa kanya na malapitan ang babae. "Michelle!" anas niya. Napaluhod na lamang sa kinaroroonan habang nakatanaw sa babaeng tahimik at payapang nakaupo lamang sa may malaking bato. Napayuko si
Mabigat sa dibdib. Parang pinipiga ang puso niya. May nakikita siyang babaeng umiiyak. Nadukdok ito sa sulok ng silid. Humahagulhol. Ang iyak niti ay ume-echo sa loob. Ang pagtangis nito ay punong puno ng pighati. Dahi doon at para na rin siyang nasasaktan. Nararamdaman niya ang sakit sa bawat panaghoy nito.Nilapitan ni Miranda ang babae. "Ayos ka lang?" Nagawa niyang itanong. Pero hindi sumagot ang kausap. Mas lalo lamang itong humagulhol. At bawat pagtangis nito ay tila siya ang nasasaktan. Bawat hikbi nito ay tila siya sinasaksak. Gusto niyang aluin ang babae pero paano? "Hindi niya ako kailanman mamahalin..." kapagdaka ay saad ng babae. "Hindi niya ako mamahalin dahil may mahal siyang iba. Ipinilit ko lang ang sarili ko sa kanya..."Nang marinig iyon ay tila mas bumigat ang nararamdaman ni Miranda.Naupo rin siya sa sahig malapit kung nasaan ang babae. "Malay mo naman, minahal ka na pala niya..." aniya. Napansin niya ang paggalaw ng ulo nito na para bang umiiling."Matigas an
Kumunot ang noo ni Lucas. "Vincent at Emman?" Kabadong napatanong siya. Tumango si Sister Felomina. "Mabuti silang mga bata. Lumaking parang magkapatid ang turingan. Ngunit dumating si Tatiana at kinuha niya ang kanyang anak..."Mas lalong ikinagulat ni Lucas iyon. Nanginginig ang boses niyang napatanong."And who is it—"Naputol ang pagtatanong ni Lucas nang biglang may kumatok. Parang nagmamadali kaya napilitan si Sister Felomina na buksan iyon."Sister, narito na po si Governor Santiago...""Sige, pupuntahan ko na," ika ni Sister Felomina bago muling bumaling kay Lucas. "Pasensiya na Lucas..."Naintindihan ni Lucas iyon. "I understand, Sister Felomina. I came here unannounced. Babalik ako para muling makausap ka. I still have questions to ask..."Ngumiti ang Madre at tumango. Naiintindihan na may hindi pa nalinaw. Bago ito tuluyang umalis ay may sinabi ito."Athena fell in love with Luis Vistro. Pero hindi niya alam na asawa pala siya ni Tatiana. Mapaglaro ang tadhana, hindi ba,
(Nakaraan) Tatiana Mendez-dalagang nagmula sa isang mayamang pamilya. Maarte at mataas ang tingin sa sarili. Gayunpaman, naging matalik na kaibigan nito si Athena Larazabal. Isang babaeng galing sa malayong isla. Ang isla Soledad na siyang pagmamay-ari ng mga magulang ng dalaga. Sa siyudad kung nasaan ang paaralang pribado sila nagkakilala. Si Felomina ay isang skolar at working student doon. Sa library siya nagtatrabaho bilang student librarian assisting Mrs. Thomas, ang librarian nila sa school na iyon. Mas masasabing may kaya ang pamilya ni Tatiana kaysa kay Athena. Kaya kahit na mababa ang grado at laging nagka-cutting classes ay ipinapasa ito ng mga titser at ng paaralan. Malaki kasi ang tulong ng pamilya nito sa paaralang iyon kaya hinayaan ng mga ito ang hindi makatarungang pag-uugali nito. Nagbago lamang si Tatiana nang maging mas close ito kay Athena. Si Athena na bagong salta sa siyudad at walang masyadong kaalam-alam sa buhay doon. Pero dahil busilak ang puso nito ay nap
"Mama!" bumalikwas si Basti mula sa pagkakahiga sa isang kama. May mga nakalagay na monitor sa kanya habang naroon. Napatingin siya sa isang babae nang hawakan nito ang kamay niya. "Are you okay?" tanong nitong ngumiti. Ang mainit na palad nito ay nagbigay sa kanya ng kasiguraduhan na nakabalik na siya sa kasalukuyan. Hilam ng luha ang mga mata niya nang tumingin siya sa doctor. He is with a therapist. At ginamitan siya ngayon ng hypnotic theraphy para matulungan siyang alalahanin ang nakaraan. Kung ano nga ba ang traumang pinanggagalingan kung bakit siya nagkaganoon. Hindi madaling alalahanin. It takes courage to do so. At nagawa niya. Ginawa niya gaya ng gusto ni Lucas para sa kanya. Dahil iyon lang ang tanging paraan."I need to save my Mama..." sa unang beses ay nakabuo siya ng salita. Salamat sa tulong ni Lucas na siyang nagkumbinsi sa kanyang magpatherapy. They overturned the result of his test, too, wala siyang autism. At alam niyang gawa-gawa iyon ng ama niya. Malinaw na sa
"Mama! Mama!" Pabiling-biling ang ulo. Nakapikit ngunit ang mga mata ay parang bukas habang inaalala ang nakaraan. Ang pawis sa kanyang noo ay tagaktak at halos basa na ang kanyang buhok dahil doon. Ang mga kamao niya ay nakakuyom habang tila bumabalik siya limang taon na ang nakalilipas. Ang nakaraan. Nakaraang nagdulot sa kanya ng trauma dahil sa takot. Pilit man niyang kinakalimutan ay muling bumabalik sa kanya. Siguro nga, panahon na para muli niyang harapin iyon. Muling balikan. "Anong nakikita mo Basti..." malumanay na tinig iyon. Parang anghel na bumubulong. Kinakausap siya."You can stop if it's hard for you to remember..." Muling bumiling ang kanyang ulo. Gusto niyang magmulat. Gusto niyang tumigil at magising sa panaginip na iyon. Pero... Nagpatuloy siya. Tila nakikita niya ang batang siya. Naglalakad sa mahabang pasilyo habang umuulan ng malakas. Ang kulog at kidlat ay dahilan upang takpan niya ang kanyang teynga habang inaapuhap ang daan patungo sa taong magbibigay