Unti-unti nating tuklasin ang mga sikretong bumabalot sa kanilang lahat. Salamat sa patuloy na pagbabasa. Enjoy reading.
"What?"Napatayo si Lucas. "Sister Felomina is missing. Tumawag ang pinagbantay natin sa kumbento. Bigla na lang daw itong nawala, Lucas. Hindi nila makita kahit anong hanap nila...""Fùck!" Hindi niya mapigilang mura. His hand clenched as his nails digging in his palm. Halos mamuti iyon dahil sa galit na nararamdaman.Nalilito naman na nagpalipat-lipat ang tingin ni Miranda sa dalawa. Naririnig niya lang ang usapan at tila seryoso iyon. Hindi niya rin kilala ang pinag-uusapan ng mga ito ngunit may hinala na siyang nakakabit iyon sa kanya."Lucas..." nag-aalala niyang tawag sa lalake.."This is nothing to do with you, Miranda..." ika ni Lucas. Pilit na inililihim muna ang tungkol kay Sister Felomina at sa ina nito. Wala pa silang hawak na matatag na ebidensiya. Ngayon nga ay nawawala pa ang tanging pag-asa nila para mas maging malinaw sana ang lahat. "Robert, dagdagan mo ang security sa mansiyon..." aniya. Mas maigi na iyon habang hindi pa nakaaalis ang buo niyang pamilya. "Miranda,
Napakurap kurap si Robert at hindi makapaniwala sa nakikita. Inakala niyang namamalikmata lamang siya pero ilang beses na siyang kumurap pero totoo ang nasa harapan niya. Hindi panaginip. Hindi kathang isip. Talagang nasa harapan niya ngayon si..."Mi—""Robert, narito ka na pala?"Pareho silang napabaling ng babaeng kaharap sa itaas ng hagdan. Naroon si Lucas at naglalakad pababa. Napalunok si Robert. Hindi siya puwedeng magkamali sa nararamdaman. Si Michelle ang kaharap niya at hindi basta-bastang kamukha lamang nito. "Robert, I'd like you to meet, Miranda. Miranda, this is Robert, a friend and a brother to me. Mapagkakatiwalaan natin siya," pakilala ni Lucas sa kanilang dalawa. Ngumiti sa kanya ang babae pero hindi niya nagawang ngumiti pabalik. Seryoso pa rin niyang pinakatitigan ang babaeng kaharap.Si Miranda naman ay biglang naasiwa sa paaran ng pagtingin ni Robert sa kanya. Para siya nitong binabalatan ng buhay. Na sa paraang iyon ay mababasa at makikita nito ang tunay niy
"Michelle!" Nagpalinga-linga si Lucas. Nang magmulat siya ng mga mata ay tila nasa ibang lugar na siya.Isla Soledad. Ang talon na pinuntahan nila ni Aurora. Bakit tinatawag niya roon si Michelle? Bakit naroon siya? Muli niyang nakita si Michelle. Nakaupo ito sa isang malaking bato. Nakaputing damit. Pinaglalaruan ng hangin ang mahabang buhok nito at ang damit nito. Nakatalikod ito pero alam niyang si Michelle iyon. Kilalang kilala niya ang pigura ng babae.Sinubukang lumapit ni Lucas pero hindi niya magawa. Parang nakagapos ang mga paa niya sa tubig. Hindi niya magawang ihakbang palapit sa babae. "Michelle..." pilit niyang tinawag ang pangalan ng babae. Pero maging boses niya ay tila nawala. Bumubuka ang bibig niya pero walang tinig na lumabas.Hindi niya maintindihan kung bakit may pumipigil sa kanya na malapitan ang babae. "Michelle!" anas niya. Napaluhod na lamang sa kinaroroonan habang nakatanaw sa babaeng tahimik at payapang nakaupo lamang sa may malaking bato. Napayuko si
Mabigat sa dibdib. Parang pinipiga ang puso niya. May nakikita siyang babaeng umiiyak. Nadukdok ito sa sulok ng silid. Humahagulhol. Ang iyak niti ay ume-echo sa loob. Ang pagtangis nito ay punong puno ng pighati. Dahi doon at para na rin siyang nasasaktan. Nararamdaman niya ang sakit sa bawat panaghoy nito.Nilapitan ni Miranda ang babae. "Ayos ka lang?" Nagawa niyang itanong. Pero hindi sumagot ang kausap. Mas lalo lamang itong humagulhol. At bawat pagtangis nito ay tila siya ang nasasaktan. Bawat hikbi nito ay tila siya sinasaksak. Gusto niyang aluin ang babae pero paano? "Hindi niya ako kailanman mamahalin..." kapagdaka ay saad ng babae. "Hindi niya ako mamahalin dahil may mahal siyang iba. Ipinilit ko lang ang sarili ko sa kanya..."Nang marinig iyon ay tila mas bumigat ang nararamdaman ni Miranda.Naupo rin siya sa sahig malapit kung nasaan ang babae. "Malay mo naman, minahal ka na pala niya..." aniya. Napansin niya ang paggalaw ng ulo nito na para bang umiiling."Matigas an
Kumunot ang noo ni Lucas. "Vincent at Emman?" Kabadong napatanong siya. Tumango si Sister Felomina. "Mabuti silang mga bata. Lumaking parang magkapatid ang turingan. Ngunit dumating si Tatiana at kinuha niya ang kanyang anak..."Mas lalong ikinagulat ni Lucas iyon. Nanginginig ang boses niyang napatanong."And who is it—"Naputol ang pagtatanong ni Lucas nang biglang may kumatok. Parang nagmamadali kaya napilitan si Sister Felomina na buksan iyon."Sister, narito na po si Governor Santiago...""Sige, pupuntahan ko na," ika ni Sister Felomina bago muling bumaling kay Lucas. "Pasensiya na Lucas..."Naintindihan ni Lucas iyon. "I understand, Sister Felomina. I came here unannounced. Babalik ako para muling makausap ka. I still have questions to ask..."Ngumiti ang Madre at tumango. Naiintindihan na may hindi pa nalinaw. Bago ito tuluyang umalis ay may sinabi ito."Athena fell in love with Luis Vistro. Pero hindi niya alam na asawa pala siya ni Tatiana. Mapaglaro ang tadhana, hindi ba,
(Nakaraan) Tatiana Mendez-dalagang nagmula sa isang mayamang pamilya. Maarte at mataas ang tingin sa sarili. Gayunpaman, naging matalik na kaibigan nito si Athena Larazabal. Isang babaeng galing sa malayong isla. Ang isla Soledad na siyang pagmamay-ari ng mga magulang ng dalaga. Sa siyudad kung nasaan ang paaralang pribado sila nagkakilala. Si Felomina ay isang skolar at working student doon. Sa library siya nagtatrabaho bilang student librarian assisting Mrs. Thomas, ang librarian nila sa school na iyon. Mas masasabing may kaya ang pamilya ni Tatiana kaysa kay Athena. Kaya kahit na mababa ang grado at laging nagka-cutting classes ay ipinapasa ito ng mga titser at ng paaralan. Malaki kasi ang tulong ng pamilya nito sa paaralang iyon kaya hinayaan ng mga ito ang hindi makatarungang pag-uugali nito. Nagbago lamang si Tatiana nang maging mas close ito kay Athena. Si Athena na bagong salta sa siyudad at walang masyadong kaalam-alam sa buhay doon. Pero dahil busilak ang puso nito ay nap