Masuk"Hi Basti," bati ni Samantha kay Basti nang mabungaran nito ang lalake na mag-isa sa sala. May hawak itong lapis at papel at tila may ini-sketch. Nakaupo ito sa pandalawahang sofa at kahit na may upuan pa ay nakisiksik siya roon. "Sa—" natigil sa ere ang sasabihin nito nang bigla niya itong harapin at ngitian. Medyo umusod ito palayo pero umusod din siya palapit. "I have to go—" "Basti!" pigil niya sa pagtayo nito. She cling to his arm at hinila ulit ito paupo. "Huwag ka ngang umiwas sa akin..." aniya. Nakangiti pa rin. Walang pakialam sa naging asal ng lalake. Kumunot ang noo ni Basti kay Samantha. "I am not!" ika niya. Hindi naman talaga. Pero medyo asiwa siya sa presensiya nito. At bakit dumidikit-dikit ito sa kaniya. Paano kung makita sila ni Ethan. Si Ethan. "Tell me..." "Hmmmm, what is it?" buo ang atensiyon na saad nito. Nagningning ang mga mata na para bang ang saya-saya na nanatili siya at kinakausap niya. "You and Ethan...." Nagsalubong ang mga kilay nito. "What a
Sa isang kuwarto si Ethan at Samantha nanatili. Sa isa naman ay naroon si Basti at Leila. Parehong nagpapakiramdaman. Parehong hindi mapalagay ang mga isipan. Lumabas si Ethan saktong ganoon din si Leila. Medyo napatda si Leila at agad na umiwas ng tingin. "How is she?" medyo nautal pa niyang tanong. Mariin namang napatitig si Ethan sa babae. May hinihintay na reaksyon. "She's okay. She's resting..."Tahimik. Bigla silang nanahimik na dalawa. "Hmmm...may balita na ba sa gustong pumatay sa akin?""How's your neck?"Halos sabay silang nagsalitang muli. "It's better.""No news yet."Sabay na naman silang sumagot. Pormal lang si Ethan. Natuto na siyang itago ang nararamdaman. Si Leila naman, habang tumatagal ay talagang aminado siyang apektado siya sa lahat ng may kinalaman kay Ethan. Naiinis siya sa sarili dahil akala niya, wala na iyon sa tagal na panahon ang lumipas. Hindi pala ganoon nabubura ang isang damdaming natanim na ng husto at nag-ugat sa kaniyang puso."Hmmmm, okay. I'm
Agad na dinala ni Ethan ang babae sa kabilang kuwarto. Kumuha agad ng palangganang may tubig at pamunas. Pinagpapawidan ito at medyo mainit ang katawan. Si Leila naman na nagpapahinga ay nabulabog sa maliit na kumosyon kaya napalabas sa kuwarto. "Basti... what happened?" Ininguso ni Basti ang kabilang kuwarto. Bukas ang pinto kaya nakita ni Leila ang ginawang pagpunas ni Ethan sa katawan ng babae at ang pag-aalala sa mukha nito habang nakatitig sa babae. Napanguso siya. Iyon ba ang babaeng kausap niya sa telepono? Paano na si Cristina na die-date nito? Nagulat siya nang akmang huhubaran ni Ethan ang babae. "Hoy anong ginagawa mo...." Masakit pa ang katawan niya dahil sa pagkakabangga pero mabilis siyang pumasok sa kuwarto. Agad na tumambad sa kaniya ang magandang mukha ng isang babae nang makalapit na.. May mga sugat ito sa kamay at mukha pero hindi maipagkakailang maganda talaga. "I need to change her clothes..." ika ni Ethan na hindi siya tiningnan. Ipagpapatuloy na sana n
Hindi mapakali si Leila kahit na pagod ang katawan niya. Hindi din siya makatulog kahit na wala pa siyang naging tulog simula kahapon. Iniisip niya ang Mama at kapatid niya. Baka nag-aalala na rin ang mga ito sa pagkawala niya. Hindi siya mapakali dahil alam niya ang kalagayan ng ina at ang hindi maaasahan na kapatid."Are you okay, Leila? Did you sleep well?" tanong ni Basti na pumasok sa kuwartong kinaroroonan niya. Ngumiti siya. Pilit na pilit. "Pasensiya ka na Basti, nadamay ka dito..." ika niya. Kahapon pa niya gustong humingi ng pasensiya sa lalake. Umiling naman ito agad. "Wala ito, Leila. Importante ang kaligtasan mo. Ayon kasi kay Ethan, nanganganib ang buhay mo kaya kailangan kang itago..." sabi naman ni Basti. Kinausap niya kanina si Ethan. Gusto niyang malaman ang lahat para ready din siya."Iniisip ko sila Mama...""Don't worry about them. Uncle Lucas was looking after them now..." Parehong silang napatingin ni Basti sa may pinto. Naroon si Ethan. May dalang tray ng
Masakit ang ulo ni Leila nang magising. Nasapo niya ang leeg dahil pakiramdam niya ay may nakalagay doon."You have a neck brace, careful..." Dahan-dahan na bumaling siya sa nagsalita. Napalunok siya nang magtagpo ang mga mata nila ni Ethan. May benda ito sa ulo."Are...you okay?" nagawa niyang itanong kahit na medyo nakakaramdam siya ng hiya dito nang maalala ang nangyari. "Yeah, maliit lang na sugat sa noo ang natamo ko. You, are you feeling okay?"Iniiwas niya ang tingin. "Bukod sa parang na-stiff neck ako? I feel okay, naman..." sagot niya."If that's the case, we need to go...""Huh?"Nagulat siya. Gusto niyang sumigaw pero parang nalunok niya ang dila niya. Wala din siyang magawa dahil parang nanghihina pa siya. Tapos..."Saan mo ako dadalhin, Ethan?" Nanlaki ang mga mata niya dahil buhat-buhat siya nito. Ipinagtaka din niya ang pag-iwas nito sa ilang mga nakikitang staff ng hospital at sa mga pulis.Ginamit din nito ang backdoor ng hospital para makaalis sila mula roon."Etha
Nanginginig pa si Leila habang naroon na ang mga pulis at kinukuha ang laman ng package na ipinadala sa kaniya. "A death threat..." iyon ang ika ng isang pulis na babae. Sinusuri ang laman ng box. Napayakap si Leila kay Lilybeth na siyang tumawag agad ng mga pulis pagkatapos niyang sumigaw pagkabukas ng package. May picture din iyon ng kanyang ama at mga letrang nagsasaad na siya ang susunod."We will run an investigation, Miss Schutz. We will take this with us..." sabi ng pulis. Inutusan ang isang kasamahan na dalhin na ang package palabas sa opisina niya.Kinuha ang testimonya niya maging ni Lilybeth na siyang tumanggap ng package. Ibinigay din sa kaniya iyon mula sa receptionist area kaya ngayon ay tinatrack ng pulis ang delivery man. Maging ang mga surveillance camera. "Kung sana ganito ang ginawa ng iyong ama noon. Baka sakaling buhay pa siya ngayon..."Agad na lumipad ang tingin ni Leila kay Lilybeth dahil sa sinabi nito. Wala na ang mga pulis at sila na lamang doon. "A-lam







