"Lucas, it's nice to see you here..." bati ni Edward.Bumaba ang tingin ko sa kamay ni Lucas na madiing nakakuyom. Halos lumabas ang ugat niya at mamuti ang kanyang kamao. I slowly slid my hands to hold him. Inangkla ko ang kamay ko at pinisil ng marahan ang kamay niya.Lumingon siya sa akin. Ang mga mata niyang namumula sa galit ay unti-unting kumalma. Hinaplos ko ang braso niya. I know it's not appropriate to do it pero gusto ko siyang kalmahin. "Do you know each other?" tanong ng organizer na si Mr. Alejandro. Nagpabalik-balik ang tingin mula kay Lucas at Edward. "He's my best friend from college, right, Lucas?" Lumapit si Edward kay Lucas at umakbay ito sa kabila. "Not anymore though," diretsang saad ni Lucas. He shrugged Edward's hand. Tumawa si Edward at naglakad patungo muli sa tabi ng organizer.Pero hindi pa siya tapos. Bigla siyang lumingon sa akin. Ngumisi. "Oh wow, Michelle, you are here also? Hindi kita nakilala. You look different. You are beautiful and stunning!" A
Michelle Point of ViewI still felt my knees weaken from Lucas's kiss. Pakiramdam ko ang mga labi ko rin ay namamaga dahil sa halik niyang iyon. Para siyang uhaw na uhaw at sa aking mga labi at loob ng bibig uminom. Nang humupa na ang uhaw niya ay umasta siyang tila walang nangyari. Samantalang parang nawala ako saglit sa huwisyo.Inayos ko ang damit ko dahil nagusot iyon sa pagkakahapit niya ng mahigpit sa akin. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Bakit tila ako pa ang nahihiya samantalang siya ang mapangahas na umangkin sa mga labi ko. Nakatayo lamang siya roon at nagawa pang dilaan ang kanyang mga labi nang muli akong harapin."L-lets go," aniyang inilahad ang braso niya para kapitan ko. Umirap ako sa hangin bago iangkla ang kamay ko sa braso niya. Nagkukunwari din ako na okay lang ako.Hindi basta-basta charity gala ang pinuntahan namin. May mga nakikita kasi akong mga sikat na personalidad gaya ng mga artista. May mga reporters din at iba't ibang mga pulitiko. Akala ko ay
Michelle's Point of View Parang wala akong lakas na bumalik sa opisina. Ang sabi ko okay lang. Sanay na akong masaktan. Pero heto pa rin ako. Dinudurog pa rin ang puso ko sa kaalaman na pagkaalis ko sa buhay ni Lucas ay pakakasalan niya agad si Olivia. Na pinaghahandaan na niya ang paghihiwalay namin just to be with her. "Iyon naman ang dapat noon pa..." salitang umukit sa isipan ko. Tama naman. Noon pa sana sila naging masaya ni Olivia. Hindi ko alam kung ilang oras din akong naroon lang sa harap ng gusali. It only took me fifteen minutes from the office of the chairman ng custom pero inabutan na ako ng oras nakatayo lamang sa harapan doon. Dinadaan daanan ng mga tao. Pinagtitinginan. Lumapit pa sa akin ang isang guard at tinanong kung okay lang ako. Dahil hindi ko talaga nagawang humakbang. Pinagalitan ko ang sarili. I shouldn't be doing this to myself. Ilang taon na akong nasasaktan. Dapat ay sanay na sanay na ako. Nang mapagpasyahan kong bumalik na ay tsaka naman biglang ma
Michelle's Point of View "You'll take over as my secretary for the meantime, Michelle. Habang nasa US si Robert..."It's been two days simula noong nagdesiyon ng ganoon si Lucas. Kahit umapela ako ay walang nangyari. Hindi niya ako pinakinggan. Medyo nahiya lang ako kay Robert dahil pakiramdam ko, ako ang dahilan kaya pinadala siya ni Lucas sa US. Kahit sabihin niyang okay lang at trabaho iyon ay talagang nahiya ako sa kanya. Unang araw ko sa kompanya as Lucas's secretary. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ng mga empleyadong naroon pa rin at nakakakilala sa akin. Halos magtatatlong taon na simula noong mawala ako doon. Basta bigla na lang akong hindi pumasok kaya hindi ko alam kung ano ang dahilan na alam nila. Kabado ako nang bumaba ako sa sasakyang kinaroroonan rin ni Lucas. Sinabi kong ibaba ako noon gaya sa dati. Pero hindi niya ginawa. Nagmatigas siyang secretary niya ako kaya sabay kaming papasok. "Hindi naman ako gaya ni Robert na siyang nagmamaneho para sa iyo Luc
Michelle's Point of View"How's your trip, Michelle?" tanong sa akin ni Robert nang kami pa lamang sa loob ng sasakyan. Hinihintay namin si Lucas dahil may naging aberya sa immigration. Pinauna na niya ako sa sasakyan at ngayon nga ay kasama ko si Robert habang hinihintay siya."Okay naman, Robert," sagot kong nakangiti. Totoo naman na okay ang lahat. Naging masaya ang bakasyon na iyon para sa akin dahil nakasama ko sila Nana."Buti naman at nag-enjoy ka. Biglaan ang plano na iyon ni Lucas para sa birthday mo. At least naging maayos naman ang kinalabasan...""Birthday?" kunot noong ika ko.Napatitig ako kay Robert. Hindi makapaniwalang para sa akin talaga ang trip na iyon. Natameme ako habang kumakabog na naman ang dibdib ko sa reyalisasyong gumawa talagang ng ganoong effort si Lucas para sa akin. Para sa birthday ko pa. Ibig bang sabihin ay hindi talaga ako dinadaya ng mga mata ko sa nakikitang pagbabago sa kanya?No... ayaw ko pa rin maniwala. Sa lahat ng mga nangyari sa pagitan na
Michelle's Point of ViewNanatili pa kami sa US ng isang linggo. Nagpapasalamat ako dahil minsan lang umatake ang sakit ko. Last day of our trip, naiwan na kami ni Lucas at nakauwi na sila Nana."Do you think Robert will like this?" Nagulat ako nang tanungin ako ni Lucas. May hawak siyang perfume na panlalaki. Pasalubong niya iyon kay Robert. Nasa isang sikat na store kami ng mga perfume ngayon. He just dragged me, and here we are, nasa isang luxury mall na kami ngayon. Ayaw ko sanang lumabas dahil wala kaming ibang ginawa noong narito sila Nana kundi ang mamasyal."Ah...siguro," alanganin kong sagot. Hindi naman kasi niya ako tinatanong dati. May sarili siyang desisyon. Wala akong anumang say sa lahat. Kaya talagang nagtaka ako na tinatanong niya ako ngayon. Naisip ko na lang na siguro, dahil para kay Robert iyon at medyo kilala ko naman si Robert."Smell it and tell me..." sabi niyang lumapit sa akin. Ipinaamoy niya sa akin ang perfume na hawak. Lumukot ang noo ko dahil hindi ko m