Share

Chapter 90

Author: jhowrites12
last update Last Updated: 2025-06-13 10:41:51

Michelle's Point of View

Parang tumigil ang mundo ko nang marinig ang pakilala ni Scott sa dumating na bisita. Nanginginig ang kamay ko maging ang mga labi ko nang humarap ako. Hindi agad nila ako nakita dahil busy sila sa ibang naroon. Nakikipagkamay ito sa ibang negosyanteng imbitado sa dinner party na iyon.

Pero hindi si Robert. Nanlaki ang mga mata nito noong makita ako. Pero agad na umiwas ang mga mata niya sa akin kapagdaka.

Tumayo si Georgia na nasa tabi ko. Parang walang lakas ang tuhod ko para tumayo. Pero nagawa ko. Pinilit ko. Lalo na dahil kinalabit ako ni Georgia. Saka niya ginagap ang kamay ko.

At nang kami na ang harapin nila Lucas ay kitang kita ang gulat sa mukha ni Olivia. Saglit lang ang kay Lucas dahil agad na napalitan iyon ng hindi ko maipaliwanag na emosyon. But one thing I know. May galit ang mga mata niyang nakatutok sa akin.

"Lucas, Olivia, this is my beautiful wife, Georgia. And her friend, Michelle..."

Lumapit sa amin si Scott. Kami na lang ang hindi niya
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (18)
goodnovel comment avatar
H i K A B
Pero oops! Binasa ko ulit ang Prologue & hindi lang nga pala yun about sa Divorce but also Michelle’s is giving up on her life already on Lucas’ arms. Mukang nakunan din yata sya kc sabi nya sasama na ba sya sa angel nya.
goodnovel comment avatar
H i K A B
Tinggin ko masasagot kung bakit nandyan sa HK at dinner si Olivia sa POV ni Lucas. Papunta na raw tayo sa Prologue kaya matatapos na ang katangahan ni Mich. It will be after 3years of marriage, hopefully nakapag ipon at handa na rin si Mich by that time although mabibigla pa rin sya.
goodnovel comment avatar
Caren Magat
sana may makilala si mitch na mgmmahal sa knya yung ipagttangol siya kay lucas at olivia..so sad para ky michelle
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   Chapter 168

    Lucas Point of View "Michelle..."anas ko kasabay ng pagbuhos ng aking mga luha. Inaasahan kong nakaratay siya sa isang kama. Inaasahan kong sa isang kuwarto ko siya makikita na puno ng kagamitan para mabuhay siya. Inaasahan kong kahit papaano ay titingin siya sa akin. Na gising siya. Pero halos mawalan ako ng lakas nang sa wakas ay masilayan ko na siya. Hindi siya nasa isang maliit na kuwarto. Wala siya sa isang kama. Nakapikit siya at hindi gising. Nakahimlay ang katawan siya sa isang maliit na kama, kasama ng ilan pang katawan. Napatutop ako sa aking bibig nang kumawala ang malakas na hagulhol. Halos hilain ko ang mga paa ko para puntahan siya. Para lapitan siya. Hindi humiwalay ang mga mata ko sa kanya habang sinasabi sa isip na panaginip lang ito. Masamang panaginip. "Michelle..." impit na tawag ko sa pangalan niya. Wala siya sa isang kuwarto kundi nasa morgue siya. Halos mawalan ako ng lakas nang yakapin ko siya. Humahagulhol habang niyuyugyog ang katawan niya. This is

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   Chapter 167

    Lucas Point of View "Sister?""Felomina," sagot niya nang tanungin ko siya."I saw her outside, Lucas. Pinapasok ko na dahil may gusto daw siyang sabihin," paliwanag ni Sonia nang bumaling ako sa kanya. Mukhang sinadya talaga ako roon ni Sister Felomina. Napatango ako kay Sonia bago muling tumingin sa madreng nakatitig lamang sa akin. Pinaupo siya ni Sonia sa sofa. Inalalayan pa nga niya ito. Matanda na si Sister Felomina kaya nagtataka akong dinayo pa niya ako rito. "Can I offer you something, Sister Felomina?" tanong ni Sonia nang maayos ng makaupo ang Madre."Ayos lang ako, hija," tanggi nito. Tumingin sa akin si Sonia. "Iwanan ko muna kayo, Lucas," ika niya nang mapansin na nakatingin na muli sa akin si Sister Felomina. Nakahalata nI Sonia na talagang ako lang ang pakay nito. Tumango ako bilang pagsang-ayon kay Sonia.Pagkatapos mawala si Sonia ay binalingan ko naman si Sister Felomina."W-what brings you here, Sister Felomina?" tanong kong nagtataka pa rin. At paano kaya niy

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   Chapter 166

    Lucas Point of View There's this familiarity feeling with this hospital. Una pa lang na tapak ko, pakiramdam ko, dito ko makikita si Michelle. Matagal tagal na rin akong naghahanap. Halos mapuntahan ko na lahat ng hospital sa buong Pilipinas. Malaki o maliit na hospital ay hindi ko pinapalampas. Pero sa hospital lamang ito ako bumalik dahil may malakas akong pakiramdam. Pakiramdam na kahit noon pa, iyon ang ibinibigay lagi ni Michelle.Magtatanong lamang sana ako sa nakasalubong kong Madre pero hindi ko maiwasang mapatingin sa babaeng kasama nito. Ewan ko ba, sa tuwing nakakakita ako ng babaeng may sakit ay dinudurog ang puso ko. Naaalala ko sa kanila si Michelle. Naalala pero napupuno ng pangamba sa puso. Natatakot na baka ganito na ang kinahinatnan ni Michelle.Bumaba ako para pantayan ang kasama ng Madre. Bulag daw ito kaya hindi ko siya masisisi nang parang naestatwa siya at nanigas nang hawakan ko ang kamay niya. Halos hindi ko na makita ang mukha niya. Natakpan talaga iyon ng

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   Chapter 165

    Michelle's Point of View"Don't worry, everything will be okay. Pinapangako ko, makikita mo ang anak mo, Michelle..."Nasa emergency room na ako. Naka-ready na ang lahat. Ginagap ko ang kamay ni Luigi na siyang mag-se-cesarian sa akin. Ang mga mata kong puno ng pangamba ay nagsusumamong tumitig sa kanya. "Kahit anong mangyari, Luigi, unahin mo ang anak ko. Save my baby bago ako, ipangako mo..."Sumibol ang luha sa mga mata ko. Mas tumindi ang takot sa sistema ko habang papalapit ang oras.Hinigpitan ni Luigi ang hawak sa kamay ko. "I'll save both of you," aniyang nagawa pang kumindat. Pinapagaan ang alam naming mabigat na sitwasyon.Ngumiti ako kasabay ng pagtulo ng luha sa gilid ng mga mata ko."We will give you general anesthesia now. Mapanatag ka, Michelle. Everything will be okay..."Bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman ay nanalangin ako. Dalangin na sana pagbigyan ako ng Diyos na makasama ang anak ko. Kahit saglit lang. Gusto ko siyang mahawakan at mahalikan.****Mabigat ang

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   Chapter 164

    Michelle's Point of ViewSa isang sulok na tago, doon ako nagtago—habang ang mga mata ko ay naghihintay na muling masilayan si Lucas kahit sandali lang. Isang bagay na gusto kong iwasan pero hindi ko mapigilan. Ilang buwan rin na hindi ko siya nakita. Kumusta na ba siya? Naging masaya ba siya na wala na ako sa buhay niya? Hindi ko alam kung bakit niya ako hinahanap? Labis akong natakot nang malaman na may nagtatanong-tanong tungkol sa akin. Nang mapag-alaman namin na si Lucas ay laking pagtataka ko. Dahil ba hindi ko napirmahan ang divorce paper namin kaya halos halughugin niya ang mundo para mahanap ako? Alam kong gusto niyang lumaya mula sa akin.Kinakailangan ba niya akong habulin para doon?Habang papalayo ang sasakyan na lulan siya ay mapait akong napangiti. Tama si Doctor Luigi, hindi na dapat pa akong magpakita pa sa kanila. Kahit kay Robert na siyang nagbigay sa akin ng pagkakataong makalaya. "Pumasok na tayo, Michelle."Lumingon ako kay Sister Felomina nang siya ay magsali

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   Chapter 163

    Lucas's Point of ViewDays passes. Becomes week. And then months. Halos anim na buwan na ang nakararaan pero wala kaming napapala sa paghahanap. Wala akong makita ni anino ni Michelle. She really disappeared without traces.I slowly buried myself in work. Nag-umpisa ulit akong magtrabaho. Pero hindi ko kinakaligtaan ang paghahanap kay Michelle.Kahit nasa kalagitnaan ako ng trabaho, kapag tumawag ang private investigator ay kinukuha ko. Kahit na papunta ako sa meeting at may balitang nakita si Michelle ay pupuntahan ko. Unti-unti kong tinatanggap sa sarili ko ang katotohanan. Niyayakap ko ang pagdurusa ng puso ko. Iyon lang ang magagawa ko. Hindi ako puwedeng magpadaig sa pagdurusang iyon, gusto ko pang makita si Michelle at humingi ng kapatawaran. Kung kailangan kong isabuhay ang pagdurusa kong ito ay mabubuhay akong nagdurusa."Lucas, anong balak mong gawin?"As the days goes by. Hindi lang paghahanap kay Michelle ang ginawa ko. I traced all her past, kasama na roon ang pamilyang k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status