"Gavin, ano'ng ginagawa mo?" ungot ni Mildred sa akin mula sa nakahintong sasakyan.
Umiling ako at tahimik na binuksan ang gate. Ingat na ingat na hindi makalikha ng ingay. Deretso ako sa main door matapos tiyaking wala sa bakuran si Zanaya. Pero saglit akong natigilan. Ano ba'ng ginagawa ko? Para akong magnanakaw na takot pumasok sa sarilig bahay.
Dapat wala na akong pakialam pa sa asawa ko. Nagdesisyon na akong makipahiwalay. Si Mildred at ang anak namin ang pinili kong makasama. Padaskol akong lumabas muli ng gate at binalikan si Mildred na nagpaiwan sa sasakyang naka-park sa gilid ng kalsada.
"Wala ba siya?" tanong niyang nakasilip sa bintana.
"Halika na." Binuksan ko ang pinto at inalalayang makababa ang girlfriend ko.
"Wala ba siya?" mariin niyang pakli.
"Kahit nandiyan siya wala na naman siyang magagawa."
"Bakit kasi pumunta pa tayo rito?"
"Kukunin ko ang mga gamit ko, lilipat na ako roon sa apartment natin."
"Masyado ka namang apurado, Gavin. Papirmahan mo kasi muna ang annulment kay Zanaya!"
"Ano ba, Mil? Magtatalo ba tayo rito? Isang taon na nating itinago itong relasyon na ito. Sinabi ko na sa kaniyang ikaw ang mahal ko. Kung may utak siya maiintindihan niya iyon."
"Hindi ka talaga nag-iisip, Gavin. Paano kung hindi pa niya pinirmahan ang annulment? Eskandalo itong ginagawa natin. Sinabi mo pang may anak tayo? Baka gamitin niya iyon para magdemanda!" sikmat ni Mildred.
"Hayaan mo siyang magdemanda! Knowing her, wala siyang lakas ng loob na gawin iyon. Masyadong in love sa akin ang babaeng iyon. Noong sinabi ko nga na mag-resign sa pagtuturo, agad sumunod, eh. Walang angal. Ako na ang bahala sa kaniya. Kunting lambing lang doon, bibigay na." Hinawakan ko ang kamay ni Mildred at hinatak siya papasok ng bakuran.
"Ang taas ng bilib mo sa sarili ha, baka mamaya ikaw itong titiklop," kastigo ni Mildred sa akin.
Tahimik naman. Wala nga yata si Zanaya. Pumanhik kami sa loob. Baka umalis at umuwi sa mga magulang. Maayos ang buong sala. Inaasahan kong magulo dahil mawawala sa sarili ang asawa ko. Pero wala akong makitang bakas ng desperasyon sa looban ng bahay. Kung ano'ng ayos noong umalis ako, ganoon pa rin ngayong bumalik ako after three days.
"I like this house, honestly. Pati location nito. Ideal para sa anak natin ang lumaki sa ganitong environment."
"Gusto mo rito?"
"Ibibigay mo ba sa akin kung sasabihin kong gusto ko?"
"Bakit hindi? Doon tayo sa kuwarto." Kinaladkad ko si Mildred patungo sa master's bedroom.
"Ano na naman ang binabalak mo?" malambing niyang angal.
Tumawa ako. "Alam mo na. Tapos na ang period mo, 'di ba?" Pinangko ko siya para hindi makatanggi.
"Doon na lang sana tayo sa hotel, gago ka talaga! Ihihiga mo pa ako riyan sa kama kung saan kayo nagtatalik ng asawa mo, yuckk, nandidiri ako!"
"Minsan ko na lang siya ginagalaw mula nang maging tayo at tuwing ginagawa ko iyon, ikaw ang iniisip ko para mas gaganahan ako," sinalakay ko ng halik ang leeg niya. "Bango mo ngayon, ah! Pinaghandaan mo ako, ano?"
"Lagi akong mabango," malanding tumili si Mildred habang humahagikgik nang bumagsak kaming magkapatong sa ibabaw ng kama.
"Tamang-tama, mukhang bagong palit ang bedsheets. Binyagan natin."
"Gavin!" hiyaw niya nang pasukin ng kamay ko ang looban ng panty niya
"Miss na miss ko 'to, honey..."
"Binobola mo lang ako, diyan mo ako idinaan, sa pagiging bolero mo..." halinghing ni Mildred.
"Pakipot ka pa kasi noong college tayo, kung sinagot mo ako noon, di sana hindi ako napunta kay Zanaya-"
"Shhh..." pinigilan niya sa daliri ang labi ko. "Do not ever mention her name while you are making love to me, Gavin."
"Of course, honey...not again." Sinakop ko ng mapusok na halik ang labi niya habang abala na ang mga kamay naming hubarin ang suot ng isa't isa.
Ilang sandali pa ay parehas na kaming lango sa ligaya habang mabilis akong umabante at sumasabay naman sa indayog ang malambot na katawan ni Mildred.
IBANG-IBA sa mga nakita ko sa tv ang senaryo ngayon sa loob ng courtroom. Tahimik. Kontrolado ang pag-uusap. Bawat sulok ay may bailiff o mga bantay na police. Higit sa lahat hindi pinapapasok ang walang direktang kinalaman sa kaso at hindi testigo, gaya ng mga magulang ko at parents ni Gavin. Sa madaling salita, walang audience. Walang pwedeng makiusyuso sa kaganapan.Makaraan ang ilang minuto ay sunud-sunod na pumasok ang court reporter, clerk at court interpreters."Everyone, arise!" anunsiyo ng reporter, hudyat na papasok na rin ang hukom.Tumayo kaming lahat. Pumasok mula sa private door ang lalaking judge na marahil ay mas matanda lamang ng ilang taon kay Papa. Matangkad at makisig. Bakas ang walang pingas na kapangyarihan at otoridad na matikas na tindig. Suot niya ang salamin sa mga mata na nakadagdag sa intimidating niyang aura."Be sitted, everyone!" Ipinukpok niya ang gavel, iyong bagay na gawa sa kahoy at kamukha ng martilyo. "Plaintiff and defendant, you may proceed with
UNANG pagdinig sa kasong adultery at concubinage. Maaga akong dumating sa korte, kasama ang mga magulang ko. Sadyang nag-leave si Papa para sa araw na iyon."Anak, sasalang ka ba mamaya sa tanungan?" tanong ni Mama."Hindi na, Ma. May judicial affidavit na ako. Okay na raw iyon sabi ng abogado.""Zanaya, punta muna tayo ng briefing room," yaya sa akin ni Atty. Ramos."Sige po. Ma, Pa, sa briefing room muna kami." Sumama ako sa abogado patungo sa briefing room. Halos tubuan ako ng pakpak pagpasok nang makita kong naroon si Arkham. May dalawang police ring nakabantay sa labas ng pinto."He requested to see you, hindi siya pwedeng pumasok doon sa courtroom dahil sa issue ninyong dalawa. May ten minutes ka lang," bilin ng abogado sa akin.Tumango ako, hindi inaalis ang tingin kay Arkham na nasa gitna ng silid, nakapamulsa ang mga kamay sa uniporme niyang pantalon at nakatitig sa akin. Nang humakbang siya ay para bang nagkaroon na rin ng sariling buhay ang mga paa ko. Tumakbo ako at sinalu
SUPORTA ng pamilya at mga kaibigan. Siguridad ng hustisya mula sa panig ng batas. Pagkakataong magsimulang muli. Mayroon na ako ng mga ito. Pero hindi pa rin madali ang umusad. Ngayong akala ko ay ayos na ang lahat dahil nakangingiti na ako kahit papaano, saka naman ako pinupukol ng panibagong kasinungalingang kumakalat sa social media at sa komunidad."Huwag mo nang pansinin iyan, Ate. Kung pati ang mga taong hindi mo kilala at hindi ka kilala ay iisipin mo pa, ma-e-stress ka lang." Inaalo ako ni Zoe.Dalawang araw nang pinutakte ng bashing ang facaebook at instragram account ko. Oportunista. Doble-kara. Asawang lagalag. Palamunin. Ilan lang ang mga ito sa nabasa ko.Sa opinyon ng mga taong hindi alam ang tunay na nangyari, ako ang nagloko. Ako ang nagtaksil. At si Gavin ang kawawa. Lumutang din ang usap-usapang kaya kinaladkad ko sa korte ang asawa ko’y para makapagbayad siya ng malaki sa moral damages imbis na magkaroon kami ng patas na hatian sa conjugal properties na mayroon kami
"The complainant added several charges to the women's desk, sexual abuse and rape. She requested a protection order. Allowing you for bail will put her safety at risk. Isa iyan sa maraming dahilan kaya na-deny ang piyansa ninyo," detalyadong sagot ni Arkham."Rape? Ano'ng kalokohan iyan?" hindi makapaniwalang bulalas ni Gavin."Kasama sa salaysay ni Zanaya na kahit pagod na pagod siya ay pinipilit mo siyang makipagtalik sa iyo. Nagagalit ka kapag tumanggi siya at idinadaan mo siya sa pwersa. That is an element for a rape case, Mr. Arriola.""Kalokohan! Lahat ng ginawa ko sa kaniya ay nagustuhan niya! Hindi naman siya umangal! Malaking kalokohan iyan, Zanaya!""Nabilang ko iyon, Gavin! Anim na beses, umuwi kang lasing. Pinilit mo ako kahit may sinat ako dahil sa sobrang pagod. Nagreklamo ako pero hindi ka nakinig dahil lasing ka! May pagkakataon din na kahit may bisita tayo, kapag inabot ka ng libog, nawawalan ka ng hiya at kinakaladkad mo ako sa kuwarto!""You did this to us, Captain!
NASASAKAL ako sa tension na bumalot sa buong silid. Ngayong araw ako nag-execute ng judicial affidavit para sa kasong pormal na isasampa laban sa dati kong asawa at sa kabit niya.Umapela ang abogado ng depensa kung pwedeng makausap ako ng masinsinan. Susubukan siguro nilang aregluhin na lang at humingi ng tahimik na annulment process.Pwede naman akong tumangging harapin ang dalawa sa pribadong pag-uusap pero naisip kong magmumukha akong duwag. Kahit papaano gusto kong panghawakan pa rin ang aking karapatan bilang legal na asawa at ang estado ko na tinapakan nina Gavin at Mildred."We will be paying twice of the moral damages stipulated in the case or if there are additional conditions from your side," sabi ni Atty. Rama, ang abogado nila."What do you think, Mrs. Arriola?" tanong sa akin ni Atty. Ramos.Umiling ako at iniwasang tingnan sina Gavin at Mildred na nasa kabilang dako ng parihabang conference table. Kahit may suot na surgical mask halata ang pamamaga at pinsala sa nguso n
Pagkaalis ni Arkham ay tinulungan ko sina mama at Zoe na nag-aayos ng mga gamit ko sa loob ng kuwarto."Anak, huwag mong mamasamain ang sasabihin ko pero mag-iingat ka sana kay Captain." Nagsalita si Mama."Bakit po, Ma?" nagtataka kong tanong."May gusto ba sa iyo ang lalaking iyon."Tumingin ako kay Zoe na ngumuso at kunyari walang narinig na tanong."Tumutulong lang po siya, Ma." Huminga ako ng malalim at binalingan ang mga aklat sa loob ng cardboard box."Tulong na balang araw may kapalit?"Nahinto ako sa paghango ng mga libro. "Ma, huwag naman po nating pag-isipan ng ganoon si Captain. Police po siya, natural na sa kanila ang tumulong sa tao. Mandato nila iyon.""Pasensya ka na, Anak. Nag-aalala lang ako. Baka mahulog ka sa kaniya. Itong kapatid mo, tatlong minuto pa lang yata ayon, na-crush na roon.""Mama!" angal ni Zoe na nagba-blush.Natawa naman ako. Sukol na sukol ang kapatid ko."Prone sa tukso ang mga gaya nilang police at iilan lang ang may tapang na lumaban. Ayaw ko lan