Home / Romance / MGA TINIK SA KAMA / Chapter 6 - tough decision

Share

Chapter 6 - tough decision

Author: Redink
last update Last Updated: 2025-07-29 09:51:45

"KUYA?" bulalas ni April nang pumasok kami ng sala ng bahay. Tulog pa siya nang datnan namin at ginising na ni Arkham. "Teka, bakit magkasama kayo ni Ate Zaya?"

"Ano'ng klase kang bantay? Natutulog on duty? Tinakasan ka na ng binabantayan mo!" kastigo ng lalaki sa kapatid. Naglibot ang paningin niya sa kabuuan ng sala, ina-assess yata sa posibleng banta ng panganib. Nature ng alertong alagad ng batas.

"Ate, umalis ka?" baling sa akin ni April na nagkakamot ng ulo. Naawa ako. Mukhang antok na antok pa si April.

"Sorry, hindi na mauulit." Hingi ko ng dispensa. "Doon na muna ako sa kuwarto. April, baka nagugutom ang kuya mo, tingnan mo roon sa kitchen kung ano'ng mayroon at pakainin mo siya. Ikaw na ang bahala, okay?"  Nag-iwan ako ng banayad na tango sa kapitan at nagtuloy na sa aking kuwarto.

Pinagpawisan ako sa paglalakad, nanlalagkit ako. Ang hapdi pa ng talampakan ko. Dapat yata sanayin ko ang sariling maglakad ng nakapaa lang para magkakalyo naman ng kunti ang mga paa ko.

"Kuya, bakit hindi ka bumalik kanina?"

Narinig kong usisa ni April sa kuya niya bago pa ako nakatawid ng pinto.

"Bumalik ako, wala na kayo."

"Pumunta kami ng munisipyo, eh."

Isinara ko ang pinto at bumuntong-hininga nang tamaan ng mga mata ang annulment papers na nasa sahig. Pinulot ko iyon at nilagay sa ibabaw ng sidetable.

Kada sulok ng silid na iyon ay  nagpapaalala sa akin kay Gavin. Pati amoy ng asawa ko ay naroon. Sumigid na naman ang kirot sa puso ko. Matatagalan pa bago ako makapag-adjust sa sakit. Tama si Arkham, hahayaan ko munang manalasa ang bagyo sa aking emosyon. Kapag humupa na saka ko aayusin ang sarili ko.

Nilapitan ko ang framed wedding photo namin ni Gavin, binitbit iyon at dinala sa loob ng banyo. Hinulog ko sa basurahan. Pinagsalikop ko ang nanginginig na mga kamay at pinalaya ang buhos ng mga luha. Aalis ako sa bahay na ito. Sisimulan ko ang bagong buhay sa pamamagitan ng paniningil.

Pagkatapos maligo ay nagbihis ako ng komportableng square pants at hanging blouse na cotton. Lumabas ako ng silid at sinilip kung ano na ang ginawa ng magkapatid sa labas. Nasa kitchen sila at mukhang kumakain si Arkham.

"Masarap no? Si Ate may gawa niyan," pagmamalaki ni April.

"Oo, sa sobrang sarap gusto ko na talaga siyang asawahin."

"Kuya?" gigil na sikmat ng dalaga. "Paka-insensitive mo! Ilagay mo sa lugar iyang mga biro mo, kagagaling lang Ate Zaya sa sakit ng hiwalayan tapos gumaganyan ka! Paano kung marinig ka niya? Kayong mga lalaki talaga, ang mamanhid."

"Hindi ako nagbibiro. Aasawahin ko siya kung papayag siya. Ka-kukuwento mo sa akin tungkol sa kaniya na-in love na ako sa Ate Zanaya mo."

"Hayss, tigil na, Kuya. Gusto mong mabukol nitong sandok?"

"Masamang maging brutal Aprillana!"

Natawa ako sa bangayan ng magkapatid. Noong nasa bahay pa ako ng mga magulang ko madalas din kaming magtalo ni Zoe. Pasaway kasi ang kapatid kong iyon. Tumatakas para lang mag-disco. Nakukunsumi sina Mama at Papa.

"Bakit iyan lang ang kinain mo? Wala bang rice at ulam?" Pumasok ako ng kusina.

"Ang sarap ng banana cake mo, mas masarap kaysa  sa lollipop ko," biro ni Arkham na kumikindat at nag-urong ng silya. "Come here, kain tayo."

"Si Ate pa talaga ang niyaya mo? Kusina niya ito!" sikmat na naman ni April.

Natawa na lang ulit ako. Mukhang wala akong pagkakataong estimahin ang lungkot kung nandito ang magkapatid.

"Ate, gusto mo ng hot choco? Magtitimpla ako para sa ating dalawa."

Tumango ako.

"Ito na ang bago kong paborito ngayon, banana cake." Deklarasyon ni Arkham at kumagat ng malaki. Parang nagustuhan nga niya ng sobra ang banana cake.

"So, tatawagin na ba kitang banana cake?" ganti kong biro sa kaniya.

"Pwede, banana cake ni Lollipop." Humigop siya ng kape pagkatapos.

"Kung anu-ano'ng kalokohan ang itinuturo mo riyan kay Ate," awat ni April bitbit ang dalawang tasa ng umuusok na hot choco.

"Sagutin ko lang 'to." Tumayo si Arkham, kapa ang cellphone na tumutunog sa bulsa ng fatigue pants niya. Naglakad ang lalaki palabas ng kusina.

"Pasensya ka na sa Kuya ko, Ate. Minsan talaga loko-loko, eh. Pero mabait po siya at ganyan siya kung gusto niyang maging komportable ka sa kaniya."

"Okay lang, hindi mo kailangang humingi ng sorry." Inamoy ko ang mainit na singaw ng tsokolate. Masyado pang mainit, hindi pa pwedeng higupin.

Madaling araw na pala, ilang oras na lang umaga na naman. Hindi na kami binalikan doon ni Arkham sa kusina. Wala rin siya sa sala nang magtungo kami ni April doon. Kahit sa guest room wala. Nang silipin ko sa kuwarto namin ni Gavin, natigagal na lang ako dahil nasa kama ang kapitan at mukhang nakatulog.

"Kuya, ano'ng ginagawa mo sa kama ni Ate?" gigil na bulalas ni April at pinalo ang kapatid.

"Natutulog, ang ingay-ingay mo," paungol niyang sagot.

"Bakit diyan? Doon ka sa labas!" Hinatak siya ng dalaga paalis sa kama.

Bumangon siya at tumingin sa akin. "Mind telling me kung ano'ng sunod mong plano?" bigla niyang tanong ng seryoso.

Nagkatinginan kami ni April.

"If you decide to take your case to court, I will help you bring that guy where he belong, in jail."

"Ate," hinawakan ni April ang kamay ko.

Huminga ako ng malalim. "Ipapakulong ko siya," pahayag ko.

"I will work on the warrant of arrest for him and his woman. Kausap ko kanina ang judge, nag-iwan kasi ako ng message para sa kaniya at ngayon lang niya nabasa. She is asking for your cooperation on details of the adultery and concubinage case you're going to file against them." Tumayo si Arkham at lumapit sa akin. Hinaplos ang ulo ko. "The process will be tough and painful but I will assist you, kasangga mo ako at ang batas so don't be afraid to fight for your right. It's a high time this kind of abuse will be stopped. Simulan mo, maging inspiration ka ng mga babaeng ginagawang tanga ng partners nilang nag-iisip na walang batas na uusig."

Bumukal ang luha ko at tumango. "Gagawin ko. Pagbabayarin ko sila sa kasalanan nila sa akin."

"Ate," naiiyak na niyakap ako ni April.

"Salamat, maraming salamat sa inyong dalawa." Humagulgol na ako nang ikulong ni Arkham sa mga bisig niya at ipinahiram sa akin ang tibay ng matigas niyang dibdib kung saan nakasubsob ang aking mukha.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 16 - inside the courtroom

    IBANG-IBA sa mga nakita ko sa tv ang senaryo ngayon sa loob ng courtroom. Tahimik. Kontrolado ang pag-uusap. Bawat sulok ay may bailiff o mga bantay na police. Higit sa lahat hindi pinapapasok ang walang direktang kinalaman sa kaso at hindi testigo, gaya ng mga magulang ko at parents ni Gavin. Sa madaling salita, walang audience. Walang pwedeng makiusyuso sa kaganapan.Makaraan ang ilang minuto ay sunud-sunod na pumasok ang court reporter, clerk at court interpreters."Everyone, arise!" anunsiyo ng reporter, hudyat na papasok na rin ang hukom.Tumayo kaming lahat. Pumasok mula sa private door ang lalaking judge na marahil ay mas matanda lamang ng ilang taon kay Papa. Matangkad at makisig. Bakas ang walang pingas na kapangyarihan at otoridad na matikas na tindig. Suot niya ang salamin sa mga mata na nakadagdag sa intimidating niyang aura."Be sitted, everyone!" Ipinukpok niya ang gavel, iyong bagay na gawa sa kahoy at kamukha ng martilyo. "Plaintiff and defendant, you may proceed with

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 15 - in-laws

    UNANG pagdinig sa kasong adultery at concubinage. Maaga akong dumating sa korte, kasama ang mga magulang ko. Sadyang nag-leave si Papa para sa araw na iyon."Anak, sasalang ka ba mamaya sa tanungan?" tanong ni Mama."Hindi na, Ma. May judicial affidavit na ako. Okay na raw iyon sabi ng abogado.""Zanaya, punta muna tayo ng briefing room," yaya sa akin ni Atty. Ramos."Sige po. Ma, Pa, sa briefing room muna kami." Sumama ako sa abogado patungo sa briefing room. Halos tubuan ako ng pakpak pagpasok nang makita kong naroon si Arkham. May dalawang police ring nakabantay sa labas ng pinto."He requested to see you, hindi siya pwedeng pumasok doon sa courtroom dahil sa issue ninyong dalawa. May ten minutes ka lang," bilin ng abogado sa akin.Tumango ako, hindi inaalis ang tingin kay Arkham na nasa gitna ng silid, nakapamulsa ang mga kamay sa uniporme niyang pantalon at nakatitig sa akin. Nang humakbang siya ay para bang nagkaroon na rin ng sariling buhay ang mga paa ko. Tumakbo ako at sinalu

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 14 - his confession

    SUPORTA ng pamilya at mga kaibigan. Siguridad ng hustisya mula sa panig ng batas. Pagkakataong magsimulang muli. Mayroon na ako ng mga ito. Pero hindi pa rin madali ang umusad. Ngayong akala ko ay ayos na ang lahat dahil nakangingiti na ako kahit papaano, saka naman ako pinupukol ng panibagong kasinungalingang kumakalat sa social media at sa komunidad."Huwag mo nang pansinin iyan, Ate. Kung pati ang mga taong hindi mo kilala at hindi ka kilala ay iisipin mo pa, ma-e-stress ka lang." Inaalo ako ni Zoe.Dalawang araw nang pinutakte ng bashing ang facaebook at instragram account ko. Oportunista. Doble-kara. Asawang lagalag. Palamunin. Ilan lang ang mga ito sa nabasa ko.Sa opinyon ng mga taong hindi alam ang tunay na nangyari, ako ang nagloko. Ako ang nagtaksil. At si Gavin ang kawawa. Lumutang din ang usap-usapang kaya kinaladkad ko sa korte ang asawa ko’y para makapagbayad siya ng malaki sa moral damages imbis na magkaroon kami ng patas na hatian sa conjugal properties na mayroon kami

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 13 - the battle

    "The complainant added several charges to the women's desk, sexual abuse and rape. She requested a protection order. Allowing you for bail will put her safety at risk. Isa iyan sa maraming dahilan kaya na-deny ang piyansa ninyo," detalyadong sagot ni Arkham."Rape? Ano'ng kalokohan iyan?" hindi makapaniwalang bulalas ni Gavin."Kasama sa salaysay ni Zanaya na kahit pagod na pagod siya ay pinipilit mo siyang makipagtalik sa iyo. Nagagalit ka kapag tumanggi siya at idinadaan mo siya sa pwersa. That is an element for a rape case, Mr. Arriola.""Kalokohan! Lahat ng ginawa ko sa kaniya ay nagustuhan niya! Hindi naman siya umangal! Malaking kalokohan iyan, Zanaya!""Nabilang ko iyon, Gavin! Anim na beses, umuwi kang lasing. Pinilit mo ako kahit may sinat ako dahil sa sobrang pagod. Nagreklamo ako pero hindi ka nakinig dahil lasing ka! May pagkakataon din na kahit may bisita tayo, kapag inabot ka ng libog, nawawalan ka ng hiya at kinakaladkad mo ako sa kuwarto!""You did this to us, Captain!

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 12 - denied

    NASASAKAL ako sa tension na bumalot sa buong silid. Ngayong araw ako nag-execute ng judicial affidavit para sa kasong pormal na isasampa laban sa dati kong asawa at sa kabit niya.Umapela ang abogado ng depensa kung pwedeng makausap ako ng masinsinan. Susubukan siguro nilang aregluhin na lang at humingi ng tahimik na annulment process.Pwede naman akong tumangging harapin ang dalawa sa pribadong pag-uusap pero naisip kong magmumukha akong duwag. Kahit papaano gusto kong panghawakan pa rin ang aking karapatan bilang legal na asawa at ang estado ko na tinapakan nina Gavin at Mildred."We will be paying twice of the moral damages stipulated in the case or if there are additional conditions from your side," sabi ni Atty. Rama, ang abogado nila."What do you think, Mrs. Arriola?" tanong sa akin ni Atty. Ramos.Umiling ako at iniwasang tingnan sina Gavin at Mildred na nasa kabilang dako ng parihabang conference table. Kahit may suot na surgical mask halata ang pamamaga at pinsala sa nguso n

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 11 - taste of revenge

    Pagkaalis ni Arkham ay tinulungan ko sina mama at Zoe na nag-aayos ng mga gamit ko sa loob ng kuwarto."Anak, huwag mong mamasamain ang sasabihin ko pero mag-iingat ka sana kay Captain." Nagsalita si Mama."Bakit po, Ma?" nagtataka kong tanong."May gusto ba sa iyo ang lalaking iyon."Tumingin ako kay Zoe na ngumuso at kunyari walang narinig na tanong."Tumutulong lang po siya, Ma." Huminga ako ng malalim at binalingan ang mga aklat sa loob ng cardboard box."Tulong na balang araw may kapalit?"Nahinto ako sa paghango ng mga libro. "Ma, huwag naman po nating pag-isipan ng ganoon si Captain. Police po siya, natural na sa kanila ang tumulong sa tao. Mandato nila iyon.""Pasensya ka na, Anak. Nag-aalala lang ako. Baka mahulog ka sa kaniya. Itong kapatid mo, tatlong minuto pa lang yata ayon, na-crush na roon.""Mama!" angal ni Zoe na nagba-blush.Natawa naman ako. Sukol na sukol ang kapatid ko."Prone sa tukso ang mga gaya nilang police at iilan lang ang may tapang na lumaban. Ayaw ko lan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status