Share

Chapter 27

Isang ungol ang kumawala sa mga labi ni Katie ng diinan ng binata ang halik sa kaniya. Hinawakan nito nang mahigpit ang beywang niya. “I miss you, sweetie,” bulong nito, saka siya inalayo nang bahagya sa sarili. Tinitigan siya nito.

Nahiya siya sa ginawang pagyakap sa batok nito kaya mabilis siyang bumitaw. “Miss mo ang mukha mo!” Inirapan niay ito. “Akala ko ba nasa Mindanao ka?” pasinghal niyang tanong.

Ngumiti ito at muli siyang niyakap sa beywang. Ipinasok Siya nitong muli sa silid na pinanggalingan. “Seven pa lang naman, may isang oras pa tayo, sweetie,” bulong nito sa kaniya.

“Isang oras na?” Bumitaw siya rito. Parang hindi niya gusto ang tinatakbo ng isip nito.

Ngumisi ito nang nakaloloko, saka siya muling hinapit. “Para sagutin ang mga tanong mo. Pero ako muna ang magtanong,” wika ng lalaki. “Hindi ka na ba galit?” dugtong nito.

Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Bakit ako magagalit?”

“Simula nang umuwi tayo rito sa Manila, hindi mo na ako pinansin.” Nang-aarok ang mga ma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status