Share

Chapter 28

Pagdating sa party, naiwan siya sa isang upuan. Natanaw niya si Zach na kinakausap ang mga matataas na opisiyal sa gobyerno at si Congressman Capili. Natanaw niya rin ang babaeng minsan na niyang nakita sa opisina ng binata. Hindi siya maaring magkamali, si Anne iyon. Nakahawak ang kamay nito sa lalaking— Teka! Iyon ang kasama ni Leigh noong nakaraang araw. Nakita kasi niya ang kaibigan noong natuloy siya sa mall.

Napakunot ang noo niya. Ano kaugnayan ni Anne sa lalaki? Kilala ba ni Leigh ang mga ito?

Mataktikang pinagmasdan niya ang mga kilos ni Anne. Iginala nito ang mga mata sa paligid, saka mabilis na humalik sa lalakimg kasama at iniwan ito. Naningkit ang kaniyang mga mata nang makitang papalapit ito kay Zach.

Hindi siya nagdalawang-isip na tumayo. Mabilis siyang lumapit sa kinaroroonan ni Zach. Marahan siyang humawak sa braso, na ikinapagtaka naman nito.

“What take you so long? Hmm. . . ?” Pinalambing niya ang tinig. Kitang-kita pa niya ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ni Z
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status