LOGINGEORGINA VALDEZ
Grabe ang titig ni Donya Remedios. Feeling ko para akong ini-scan ng supercomputer na naghahanap ng virus. Yung salamin niya, kahit makapal, kitang-kita ko kung paano lumiit ang mga mata niya habang tinitingnan ang suot kong alahas, ang mukha ko, hanggang sa dulo ng sapatos ko. Parang hinuhulaan niya kung magkano ang worth ng buong pagkatao ko, at base sa mukha niya, mukhang hindi siya kumbinsido.
"Lola, yes. This is Georgina," basag ni Alejandro sa katahimikan. Inilagay niya ulit ang kamay niya sa likod ko, bahagya akong itinulak pautay sa harap para mas makalapit sa matanda. "The woman I was telling you about."
"Magandang gabi po, Donya Remedios," pilit kong pinatamis ang boses ko. Akmang magre-bless sana ako dahil 'yun ang nakasanayan kong kultura kapag may nakakaharap na matanda, pero bigla kong naalala na nasa high-society event pala ako. Baka isipin nito, masyado akong pang-probinsya. Kaya imbes na mag-mano, nag-bow na lang ako nang kaunti na parang ewan.
Tumaas ang isang kilay ng matanda sa naging galaw ko. Ipinatong niya ang magkabilang kamay sa hawakan ng kaniyang gintong baston.
"Georgina..." pag-uulit niya sa pangalan ko, ninanamnam ang bawat pantig na parang may lasang kakaiba. "Valdez. Walang Valdez sa listahan ng mga top corporations sa bansa. Anak ka ba ni Governor Valdez ng Ilocos?"
"Ah, hindi po," mabilis kong sagot habang bahagyang nakangiti. "Yung tatay ko po, driver ng delivery truck ng softdrinks dati bago nag-retire. Yung nanay ko naman po, may maliit na sari-sari store sa barangay namin."
Naramdaman ko ang biglang paninigas ng katawan ni Alejandro sa tabi ko. Alam kong sinabi niya sa kontrata na gusto niya ng 'unrefined' at ordinaryong babae para asarin o pasayahin ang lola niya, pero parang masyadong naging tapat ang bibig ko.
Lumingon ako nang bahagya kay Alejandro. Yung panga niya, nakatigas na naman. Mukhang nagdarasal na sana ay hindi ko na lang idinamay ang softdrinks sa usapan.
Tumingin ulit ako kay Donya Remedios, hinahanda ang sarili ko na baka bigla niyang itaas ang baston niya at palayasin ako sa hotel. Pero sa halip na magalit, biglang lumuwag ang mukha ng matanda. Unti-unting may sumilay na ngiti sa mga labi niya na may kasama pang bahagyang tawa.
"Isang delivery driver at may-ari ng sari-sari store?" ulit ni Donya Remedios, tila aliw na aliw. Humarap siya kay Alejandro. "Aba, Alejandro. Akala ko ba puro mga dry at boring na kababaihan lang ang kilala mo sa mga business meetings mo? Saan mo nahukay ang batang ito?"
"We met under... unexpected circumstances, Lola," sagot ni Alejandro, medyo gumaan din ang tono ng boses pero seryoso pa rin. "But she's real. At hindi siya katulad ng mga babaeng pinipilit niyo sa akin na puro pera at status lang ang tingin sa pamilya natin."
Umirap si Donya Remedios sa apo niya. "Huwag mo akong madaan sa ganiyan, Alejandro. Alam kong ginagawa mo lang 'to para iwasan ang anak ni Senador Cruz. Si Samantha na maganda, edukada, at may ari-arian." Pagkatapos ay lumingon ulit siya sa akin. "Pero alam mo, ineng? Gusto ko ang katapatan mo. Sawa na ako sa mga babaeng lumalapit sa akin na puro 'Yes, Donya,' at 'Of course, Donya,' pero ang tingin naman sa alahas ko ay parang gusto nang nakawin."
Nakahinga ako nang maluwag. Grabe, akala ko tapos na ang karera ko bilang fake fiancée sa unang gabi pa lang. Mukhang gumana nga yung sinabi ni Alejandro na mahilig sa teleserye ang lola niya.
"Salamat po, Donya—"
"Huwag Donya. Masyadong pormal. Lola ang itawag mo sa akin dahil fiancée ka na ng apo ko," putol niya sa akin sabay tapik ng baston niya sa sahig. "At dahil andito na rin naman ako, gusto kong mag-dinner tayong tatlo bukas sa mansyon. Gusto kong malaman kung paano ka napaibig ng supladong lalakeng ito. At kung paano mo natagalan ang ugali niya."
"Bukas agad, Lola?" singit ni Alejandro, halatang nag-aalangan dahil baka hindi pa kami handa sa mga detalye ng pekeng back story namin.
"Bakit? May tinatago ba kayo?" mabilis na balik ng matanda, matalas ang tingin. "Kung seryoso kayo sa engagement na 'to, isang simpleng hapunan lang bukas ay hindi niyo dapat katakutan. O baka naman gusto mong ibalik ko si Samantha sa eksena?"
"No, Lola. We'll be there," pinal na sagot ni Alejandro.
"Mabuti. Mauna na ako sa loob, marami pa akong kailangang batiing mga amoy-lupa doon," sabi ni Donya Remedios bago tumalikod at marahang naglakad palayo kasama ang mga bouncer niya.
Nang makalayo na ang matanda, lumingon ako kay Alejandro na ngayon ay may seryosong iniisip habang nakatingin sa kawalan.
"Huy, Mr. Martinez," kalabit ko sa kaniya. "Anong plano natin bukas? Paano kapag nagtanong ang lola mo kung paano tayo nagkakilala? Sasabihin ba natin yung totoo na nasukahan ko ang sapatos mo dahil sa panis na siomai?"
"Of course not," asik niya sa akin, sabay hila sa braso ko para maglakad na rin kami patungo sa exit ng hotel. Tapos na ang papel namin dito para sa gabing ito. "We need to craft a story tonight. Magpupuyat tayo sa penthouse ko para i-memorize mo ang bawat detalye ng pekeng relasyon natin. Ayaw kong magka-mali ka sa harap ni Lola bukas."
"Grabe naman, may pa-review na parang exam sa college," bulong ko habang nagpapatianod sa paglakad niya.
Habang papalabas kami ng pinto, napansin ko muli sina Kenneth at Vanessa sa gilid. Mas lalong sumama ang mukha ni Kenneth nang makita niyang magkahawak-kamay kaming lumalabas ni Alejandro. Tiningnan ko lang sila nang may mapang-asik na ngiti bago tuluyang sumakay sa naghihintay na sasakyan sa tapat ng hotel.
Pagkasara ng pinto ng kotse, binitiwan agad ni Alejandro ang kamay ko at sumandal sa upuan, pikit ang mga mata. Ang bilis talaga magpalit ng anyo ng lalakeng 'to.
"Jojo, sa penthouse na," utos niya sa driver.
Tumingin ako sa bintana, pinapanood ang mga ilaw ng BGC na mabilis na lumilipas. Mukhang mahaba-habang gabi ang naghihintay sa akin, at mas lalong lumalalim ang pinasukan kong gulo para sa isang milyong piso.
GEORGINA VALDEZHilahil na naupo si Kenneth sa lumang wooden chair ng coffee shop. Ako naman, dumeretso sa tapat niya at umupo nang nakataas ang isang kilay. Si Alejandro, parang gwardya sibil na tumayo lang sa gilid ko, nakapamulsa habang ang matatalas na mata ay nakatutok sa ex ko. Hindi man lang siya nag-abalang umupo. Siguro dahil madumi sa paningin niya ang upuan, o baka naman gusto niya lang talagang iparamdam kay Kenneth kung gaano ito kaliit sa harap namin."Georgina... bakit kasama mo siya?" nauutal na tanong ni Kenneth habang sumusulyap kay Alejandro na parang natatakot na baka bigla siyang sakalin nito. "Sabi ko mag-usap tayong dalawa lang. Para sa atin 'to, eh.""Para sa atin?" muntik na akong matawa nang malakas, pero pinigilan ko ang sarili ko. Nilagay ko ang siko ko sa lamesa at sumandal. "Kailan pa nagkaroon ng 'atong dalawa,' Ken? Noong iniwan mo ako sa baha para sumama doon sa Samantha na 'yun, may 'atong dalawa' ba sa utak mo? At saka, fiance
GEORGINA VALDEZNanigas ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa screen ng phone ko. Pagkatapos ng lahat ng panloloko niya, ng pag-iwan sa akin sa baha, at ng pakikipag-kuntsabahan niya kay Samantha para hiyain ako sa mamahaling restaurant na 'yun—ngayon ay may kapal pa siya ng mukha na mag-text at magmakaawa?Kapal din ng mukha ng isang 'to, ah.Naramdaman ko ang mabilis na pag-init ng ulo ko. Gusto ko sanang i-delete ang text at i-block ang numero niya, pero may kung anong bahagi ng utak ko ang nagsasabing hindi pa kami tapos. Noong iniwan niya ako, wala akong nagawa kundi umiyak at tanggapin ang kabiguan. Pero ngayon? Iba na ang sitwasyon."Sino 'yan?"Bahagya akong napatalon sa gulat nang marinig ang boses ni Alejandro mula sa likod ko. Masyadong tahimik ang paglakad niya kaya hindi ko napansing nakatayo na pala siya malapit sa kitchen island.Mabilis kong ibinaba ang phone ko sa lamesa, pero huli na ang lahat. Nakita ko ang mata
GEORGINA VALDEZMaaga pa lang, gising na ang buong diwa ko. Kahit sabihin nating paid leave ako ng anim na buwan at hindi ko kailangang mag-log in sa shift ko para sumagot ng mga galit na kustomer, hindi pa rin ako mapakali. Paano ba naman, ngayon ang dating ng sikat na production team na kinuha ni Alejandro para sa engagement party namin.Lumabas ako ng kwarto na naka-oversized white t-shirt at cycling shorts, gulo-gulo pa ang buhok ko. Sakto namang bumukas ang pinto ng elevator ng penthouse at iniluwal si Jojo na may kasamang tatlong tao. Dalawang babae na naka-all-black pantsuit at isang lalaki na may hawak na makapal na folder at kulay gintong panulat. Mukha silang mga direktor ng pelikula na handang mag-shoot ng award-winning film.Napatigil ako sa gitna ng sala. Tiningnan nila ako, tapos tumingin sila kay Jojo na parang nagtatanong kung ako ba ang katulong o ang fiancée ng boss nila."Good morning, Ms. Georgina," mabilis na bati ni Jojo, tila
GEORGINA VALDEZMuntik ko nang mayakap si Alejandro sa gitna ng hallway. Mabuti na lang talaga at may bilyonaryo akong back-up. Isipin mo, production team ng mga sikat ang gagawa ng trabaho habang ako, tagatango lang at tagapili ng kulay? Pwede na. Kayang-kaya ng powers ko ’yan.Matapos ang tanghalian namin kay Lola Remedios na thankfully ay naging payapa naman—bukod sa panaka-nakang pagtatanong ng matanda tungkol sa kung anong kulay ng kurtina ang gusto ko para sa bulwagan—ay mabilis kaming nagpaalam ni Alejandro. Sabi niya ay marami pa siyang kailangang i-check sa opisina bago matapos ang linggong ito.Sumakay na kami sa kotse kung saan naghihintay si Jojo na mukhang kanina pa nakatutok sa kalsada. Pagkaandar ng sasakyan, kinuha ko agad ang phone ko para i-check kung may bago sa social media. Halos mabitawan ko ang cellphone ko nang bumungad sa screen ang isang balita mula sa isang sikat na business and lifestyle website.*“Spotted: Martinez Group of Companies CEO Alejandro Martinez
GEORGINA VALDEZKung may Olympic sport lang sa pinakamabilis mag-ayos ng sarili habang may mini-heart attack, siguradong nakuha ko na ang gintong medalya ngayon. Sa loob ng saktong sampung minuto, nakaligo ako nang mabilis, nagsuot ng isang simpleng asul na sundress na kasama sa mga ipinamili ni Jojo, at mabilisang tinalian ang buhok ko. Walang makeup-makeup, lip tint lang at dasal na sana ay hindi kami itakwil ni Lola Remedios sa mansyon."O, gora na, boss. Buhay pa naman ako," hingal kong sabi pagkalabas ko ng pinto ng guest room.Tiningnan ako ni Alejandro mula ulo hanggang paa. "You look decent enough. Let’s go."Hindi ko na nagawang magreklamo kahit walang almusal. Buong biyahe patungong Forbes Park, parang may nagrarasahang karera ng kabayo sa loob ng dibdib ko. Tinititigan ko lang si Alejandro na busy mag-scroll sa tablet niya. Sobrang kalmado ng mukha niya, parang sanay na sanay na siyang may sumasabog na bomba sa pamilya niya araw-araw. Pero ako? Isang ordinaryong mamamayan l
GEORGINA VALDEZSeryoso nga si Alejandro. Huminto talaga kami sa isang 24-hour drive-thru sa may BGC. Habang umo-order si Jojo sa labas gamit ang speaker, ramdam ko pa rin ang kakaibang aura sa loob ng kotse. Pero imbes na tensyon, parang gumaan ang pakiramdam ko. Paano ba naman, katabi ko ang isang bilyonaryo na pormal na pormal ang suot pero ang pinapabili sa driver ay dalawang malaking pamilyang sako ng french fries, apat na cheeseburger, at naglalakihang baso ng coke."O, boss, baka naman atakihin ka sa cholesterol niyan ah," biro ko sa kaniya habang inaabot ni Jojo ang mga paper bag mula sa bintana. "Sabi mo dalawa lang, bakit naging parang pang-buong barangay ’to?""I figured you didn't eat much doon sa restaurant," sagot niya habang kinukuha ang isang supot ng fries. Binuksan niya ito at inilapag sa pagitan naming dalawa sa backseat. "At mas gusto kong busog ka bago kita ihatid sa penthouse. Ayaw kong isipin ni Lola na pinapabayaan kita."







