LOGINQUIN DELLA
"Quin! What happened? Napalaban ka raw kagabi?" bungad sa akin ng Commander in Chief na si Sir. Busco pagpasok ko ng Operations Center. Casual lang ang naging reaksyon ko habang patuloy na naglalakad. "It was just a random encounter," tipid kong sagot subo-subo ang paborito kong lollipop na mukang sigarilyo. I'm not used to spill infos when it's personal. Pero palaging may pakpak ang mga kaganapan sa buhay ko, dahil meron na namang nakamatang damuho, na agad ipanamalita. Walang iba kundi si Tres. Ito lang naman ang mainit sa akin, kung umasta suplado kapag kaharap ako, isnobero pa, pero matinding nakamata. I know he's just looking for my flaws na maaari niyang magamit para mapaalis ako sa samahan o ma-dismissed sa mga future missions. Dahil siya bilang isang lalaki, hindi niya matanggap na ang babaeng kagaya ko bahagi ng isang delikadong samahan na katulad nito. It's always about men's pride, I am not a lesbian. I'm straight and into men. Sadya lang kaya ko sila pantayan ayon sa mga pamantayan nila, gamit ang natural na kakayahan ko, despite being a woman. Kaya sa tuwing nakakarinig ako ng mga lalaking nanghahamak o mababa ang tingin sa kababaihan, it makes me sick and I found them insecure, totoong naiinsulto ako, but I don't give them a d*mn. I always show they were wrong. And they always ended up in a shame. "Baka naman ibang labanan, Commander?" Si Tres na may ibang ibig ipalahulugan at kunwari abala sa binabasang reports. Nakaupo sa isa sa mga swivel chairs ng mahabang lamesa kasama na ng ibang naririto na sa meeting room for operation. Pagka-upo ko sa katapat niya, pinagulong ko ang swivel chair paatras sa lamesa at inunat ang mga binti ko sabay ini-angat na walang pasintabing ipinatong ang dalawang paa sa lamesa suot ng dark green cargo pants, na pinaresan naman ng pamasok na itim na combat boots. Lahat sa akin nakatingin. Napapahikhim na lang ang iba na personal din nakakakilala sa akin buhat ng tensyon na parating nabubuo sa pagitan namin ng lalaking ito sa tuwing nagkakaharap. Sanay na ang lahat kung ano at sino ako pero maliban sa kanya, and he really don't want me here from the very first place. Inarkuhan pa ako ng isa niyang kilay. "Don't you really have a table etiquette, manners? We are in a meeting room." Galit na siya agad, habang ako hawak ko lang ang tangkay ng lollipop at diretso lang na nakatingin sa kanya buhat ng natural na blangko at matalim kong mga mata. "Why do you care for me that much?" I asked with a hint of tease na ikinaigting ng panga niya at pigil naman ang ngiti ng mga nandidito. "And why does my presence bother you so much every time you see me when everyone here is already used to me?" dagdag ko pa at ako naman ang nagtaas ng isang kilay. Mabilis siyang sumagot ng tapat at diretso. "Because you're irritating. A rude woman na walang class, parang walang pinag-aralan." His words and tone was kinda harsh but it just made me laugh. A real laugh, like he's some sort of clown. "Sorry, Mr. Navida, but I'm not here to prove myself to meet your so-called manners and proper etiquette," I said sarcastically kaya ang mga kasama namin pigil ang tawa. Kaya lalo lang siya napika sa akin. At ang Commander in Chief natampal na lang noo matapos makipanuod at makikinig sa isang umaga na namang bangayan. "You two, tumigil na kayo! And we're about to discuss a serious and important mission." At naglakad na nga ito patungong unahan. Nagbukas lang ako ulit ng panibagong lollipop galing sa loob ng bagong jacket ko, itinago rin dito ang kalat. I have a collection of denim jackets muka lang naman ako hindi nagpapalit because wearing them makes me feel so comfortable. Ibinaba ko na rin ang mga paa ko, pa-ekis namang pinagpatong nang mag-umpisa ang seryosong diskusyonan. "I need two of you, a versatile one, iyung hindi mamumukhaan sa labas kapag nag-iba ng pamomostura," ani ng Commander. Nang maglatag siya ng mga litrato sa lamesa. "He is Henrick Montergarde, rich bussiness man who owns billions worth of Cruise Ships Companies, and two cadettes will be in charge to him, can team in this dangerous but very generous mission." Tahimik na nakinig ang lahat at tiningnan na ang mga litratong pinagpasa-pasahan na kaya nauna kong madampot at makita. Pero natigilan nang makilala ang lalaking nasa litrato. What a coincidence... Hilaw na lang akong napatawa pero walang bakas ng tuwa. "You're going to protect that very important person, but at the same time of course you'll protect yourselves too, at mag-ingat na wag mamukhaan ng sinumang kalaban sa labas na nagawan niyo ng atraso." Nangunot ang noo ko. Mag-ingat wag mamukhaan? Hilaw pa akong napatawa. Papaano kung ang lalaking ito mismo ang nagawan ko pero siya naman ang nauna? Nag-iba ang timpla ko kasabay nang pananahimik. Nag-angat ako ng tingin saktong dako rin ni Commander sa akin at parang nagulat pa sa titig ko kaya bahagya siyang napaatras pasimpleng nasapo ang dibdib. Iniangat ko ang litrato sa harapan niya. "You better not assign me to this sick and wasted mission." It wasn't a demand, or a request, but an order using my authorative tone whether he's higher than my position. "Who the heck are you to give an order like that, Quin like you're some Commander of the Commande—" Natigilan din agad si Tres sa pagsabat nang bigyang sulyap ko siya at halatang nabigla rin sa pag-iiba ko ng timpla. This time I shut him up in just one stare. Ibinalik ko ang tingin ko kay Commander Busco nang magtanong ito. "And why, Agent Della? Give me a valid reason to skip you from the selections." Humalukipkip ito at naghintay ng maisasagot ko. "Well, just because..." I leaned back on the backrest of the chair and looked at the photo, pointed it with my index. "This man, was the man last night who s*xually assaulted me." Everyone looked shocked and didn't expect what they heard and as their jaws suddenly dropped including Commander Busco and Tres himself. "What? Someone dared to assault you?" Parang ayaw pa maniwala ni Commander pero nang makita seryoso ako napaayos siya ng tayo at tumikhim. "I mean, Quin... sorry I'm not judging you but we all know here na presensya mo pa lang eh nanlalamon na ng buo. Kaya sa papaanong..." "I was on my way back to my apartment after completing the assignment you gave me yesterday, it was already 1:00 am sharp that time on that street, Sir." Natahimik sila at bukas taingang nakinig. Wala ako balak ihayag, pero kagustuhan kong wag mapunta ang mission na ito sa akin. "I was walking in the alley then a black SUV suddenly pulled over. Tumigil mismo sa tapat ko sakay nito ang dalawang lalaki sa likod at ang isa bumaba, at in-offer-an ako ng kahit na magkano para lang... you know, labasan iyung lalaking kasama niya at mawala ang init na dala ng ecstasy." Napanganga ang mga kasamahan ko, ang iba biglang napahilot sa kanilang mga noo, at si Commander Busco kunot noong napabaling naman kay Tres. "Hindi ba ikaw ang kapareho ni Quin sa assignment na inatas ko? Hindi mo talaga siya ihinatid o isinabay man lang pauwi?" dismayado nitong tanong at pagalit. Gumuhit naman ang guilt sa mukha ni Tres. "Sir, tiwala naman ako na kaya niya na ang sarili niy—" "It's not that, Tres," mariing putol nito rito. "Kahit hindi na kasamahan kung ayaw mo talaga kay Quin sa trabahong ito, pero kahit bilang babae na lang na alam mo mag-isang uuwi at posibleng meron mangyari, sana eh isinabay mo na." Natahimik si Tres at nag-iwas ng tingin. Hindi ako nagsalita, I just look how guilty he is dahil isa iyon sa Mandatory Etiquettes sa trabaho. Na wag na wag mong pabababayaan ang kasama mo lalo na kung babae saan man lugar o sitwasyon lalo na pagkatapos ng misyon. "Kaya ako nagtataka, ikaw rin ang nagsabi sa akin na napalaban si Quin pero hindi mo naman nabanggit ang detalye sa akin kung ano naging sitwasyon, anong klaseng laban, ibig sabihin nandoon ka nga dahil hindi niya naman para sabihin pa sa iyo." Umigting ang panga niya at napayuko buhat ng tuwid na pagkakaupo. He didn't talk back, tumahimik lang. "In short, you surveillance her way home nakita mo nang muntik na mapahamak, pero wala ka ginawa. Hindi ka man lang lumapit." Wari ko nanlamig ang pakiramdam niya. Sobra mo kasing bagsik, iyan karma mo. Bukod tanging siya lang ang mainit sa akin, palihim akong kinukumpetensya. He really knows what exactly happened last night pero pinalalabas bumukaka lang ako, ganoon ba? Sigurado nakita niya rin paano ako sapilitan hinila ng malalakas na braso papapasok ng sasakyan kaya alam niya pero ginamit niya lang laban sa akin para pasimple akong siraan. "Is this really how you hate her? You'll let a woman get r*pe just because you don't like the way she is?" panguusig pa ni Sir. Busco kaya biglang napatayo si Tres. "I apologize for my unprofessionalism—" "I think, it was not about professionalism." Natigilan sila nang ako na ang magsalita. I stood up and looked at him lazily like he's just a waste of time, inilagay ang isa kong kamay sa bulsa ng jacket ko, at inihawak naman ang isa sa tangkay ng lollipop at inilabas ko sandali sa bibig at itinuro siya gamit ito. "It's your problem with your own personal conduct, at samahan mo na rin ng agenda mong tago dahil nasa loob talaga ang kulo mo," dagdag ko pa na may pagtatama at pangdidiretso dahil masyado siyang hipokrito. Nanlaki ang mga mata niya ganoon din ang iba, and I just rolled my eyes and turned my back and I walked to the doorway to leave. Commander Busco called me at pinababalik akong pilit. "AGENT DELLA! The Meeting isn't adjourned yet! Bumalik ka rito!" But I just waved my hand in dismissal. "Kailangan ko ng day off, kalbo! Just give me a peaceful rest today!" sigaw ko rin pabalik at lumabas na sa nakakasulasok na tactical room. Narinig ko na lang silang nagtawanan sa loob sigurado pulang-pula ang mukha ng aming Commander in charge. I smiled slightly remembering what happened inside and I do appreciate Mr. Commander Busco, I commended him for standing to what is right... for reminding his fellow Soldiers under his supervision what is real humanity serves for.QUEEN DELLA Nagpalakad-lakad ako suot ng racer back at baggy pants and my usual boots. Wala man ako sa actual na mission nila handa ako sa anumang oras sa paparating na panganib. Iniisip-isip ko lalo si Henrick kanina pa... kung kamusta na at napaano na kaya, ganun din sina Papa... at ang mga ibang kasamahan. Kapag naubos sila, paano na? Pero nananatili akong positibo, magagaling ang Falcon Militar at hindi sila padadaig, at magkamatayan man ay hinding-hindi sila papayag na mapatumba na lang basta. Naupo ako sandali, kagat-kagat ang hinlalaki ko, nang tumayo ako at nag-tungo sa tactical tech room aakyat sana ng hagdanan ngunit nagulat ako nang makasalubong ko si Mama... laking gulat ko sa itsura. D*mn... is she my Mom who loves in the kitchen? She's now wearing a black flitted long sleeves, baggy military black pants at combat boots. Ngayon ko lang siya nakitang nag-suot nito, and she never talked about her background, even Papa never mentioned to me who she was before they go
Third Person's POV"YOU. KNOW. NOTHING." Buo at nangangalit na sinabi ni Semion at kinalabit ang gatilyo nakaiwas si Raheen pero nadaplisan sa braso pero hindi nakitaan ng pag-inda."RAHEEN!" sigaw ni Zaldivar na labis ang pagaalala sa kanya pero ngumiti lang siya rito."I'm fine, I'm fine!" Nagawa pa niyang tumawa kaya ang hayup na si Semion napahalakhak habang nakita siyang natamaan."Magaling ka sa lahat ng larangan pero mukang hindi sa pag-ilag..." Ngiting-ngiting ito na para bang nasisiyahan sa paghaharap nila.Natawa na lang siya na hindi man lang hinawakan ang braso na may tama nang tanungin niya ito."Malaki ang pinagbago mo, Semion dala ng kasakiman mo pero sira ulo ka pa rin talaga. Laro na talaga gusto mo?" Sabay kalabit ng baril niya ng isang putok lang na hindi nito inaasahan at tinamaan niya sa binti.Napahawak ito rito, at napasagitsit ngunit hindi rin maman ininda at sa halip tumawa pa at sumenyas sa mga tauhan wag silang makikialam dahil itinutok ang mga hawak sa kany
Third Person's POVMatagal na nakatutok kay Zaldivar ang hawak na baril ni Semion na natigilan nang sanang kakalabitin na ng gatilyo nang bigla marinig ang pamilyar na boses ng isa pang dating kaibigan..."Iputok mo at kakalabitin ko," matigas at may tatas na sigaw ni Raheen, na nagawa nang makasapok sa basement niya na ikinabigla nito.Papaanong? Tanging nasambit niya na lang sa isip. Nakapasok sila, napatumba ng ganun lang ang mga tauhan niya?Nang bigla siyang napahalakhak nang maibaba niya ang hawak, at ang mga tauhan niyang naririto kasama niya ay nakipagtapatan sa grupo militar.Si Raheen, kaya mabilis na nakapasok kasama ang iba pa, si Henrick ang ngayo'y nakikipaglaban sa mga tauhan ni Semion sa entrada ng mansion, kaya sila nakapasok.Nakatutok ang baril niya sa direksyon ni Semion, they are all wearing dark green, hawak ang kani-kanilang baril.Nakipagtutukan, nakipagtapatan."Long time no see, my friend!" bulalas nito nang itaas pa ang dalawang kamay, batid na nasaan kunwar
Third Person's POVNagagawa pang ngumisi ni Zaldivar kaharap ang taong matagal na rin niyang gustong makaharap.Nakaupo siya sa isang silya habang nakatali ang katawan sa sandalan, mahigpit and they made sure he couldn't escape.At sa tutok niya may bumbilyang nag-iisang silbing ilaw. Nang tumawa siya kaya ang mga tauhan nito napatingn sa kanya, ganoon din ito.Nakaupo sa silyang katapat niya, at may hawak na tobacco-ng umuusok usok pa, nakatingin lang ito sa kanya at tahimik siyang pinanunuod.Bunsong anak lang din naman pala nito ang makakapagpalabas sa kanya sana ay noon pa niya ginawa. Ang kaso... nito niya lang din nalaman na Alta si Quin. Nakakagulat pero hindi na rin nakakapagtaka. Sa galing ng bata, alam kaagad kung kanino nagmana.Semion was his schoolmate back in college, kasa-kasama niya na rin noon si Busco at Raheen... tingnan mo nga naman kung gaano kaliit ang mundo.Talagang anak pa nito ang napunta sa kaibigan niya, na kung sino pang ibang tao, iyun pa talaga ang nagp
QUIN DELLAWalang sabi-sabing pumasok ako sa silid kung saan nag-mi-meeting sina Papa at ang buong samahan na halos mamuno, narito na ang lahat upang iligtas ang taong bumuo ng grupo kung ba't kami magkakasama ngayon.Nagulat pa si Papa. "Quin, I told you not to—""I'm here for Henrick." Hinawakan ko ang magiging asawa ko sa braso at iniharap kay Papa. "Itong mamanugangin niyo, gusto niya mag-volunteer. He's going to be my reliver."Bumalatay ang gulat sa mga mukha ng kasamahan ko, at si Papa napatingin kay Henrick na seryoso ang mukha, buo ang loob...That's my man.Kahit kinabakahan ako sa trip niya."Ayaw paawat eh, hala sige siya raw ang makikipag-bakbakan." Tinapik-tapik ko pa ang balikat niya batid na ipinagtutulakan ko na.Natawa si Papa. "Are you sure, young man?" Humalukipkip pa ito. "You've never been into a mission. Mapanganib ito kaya mabuti pang samahan mo na lang ang asawa mo rito—""I know it's dangerous," Henrick immediately said he didn't let him finish his sentence.
QUIN DELLAKagat-kagat ko ang hinlalaki ko habang nakaupong lalaking mag-isa rito sa living room nang iakyat si Commander sa guest room nang makapag-pahinga na, at meron na rin Doctor ang dumating at sinabing nasa maayos na itong kalagayan at ligtas na.Makakahing na sana ng maluwag ang lahat, ngunit hindi pa kaya.... Ang founder, hawak ngayon ni Daddy... ano bang gusto niya?Mukang iisa-isahin ko sa isip ang mga posibleng dahilan dahil kung Falcon lang din naman dapat noon pa nga niya ginawa dati pa man hadlang na ang grupo sa mga aktibidad niya...Pero hindi niya ginalaw ang organisasyon sa loob ng mga lumipas na maraming taon, na bukod tanging ngayon lang.Imposible rin na ibinabawi niya si Connar Magonda sa pagkakahuli ng autoridad dito because this old man is nothing to him, some a piece of useless trash now that he's old... so my biological father surely won't. Mataas ang kompiyansa ni Semion na hinding-hindi siya mahuhuli ng kahit sino pang autoridad sa lawak ng impluwensya ni







