One
UMALINGAW- ngaw ang pagsuntok sa lamesa ni Ivan pagkatapos niyang marinig ang isinasaad ng testamentong hawak - hawak ng abogado ng kanilang pamilya ng mga oras na iyon.
Naroon ito upang basahin sa kanya ang nilalaman ng last will testament ng kanyang ama kung saan ilang taon na itong namayapa. Hindi niya inasahan na may iniwan pala itong last will and testament dahil nag - iisa lang naman siyang anak nito kaya laking pagtataka niya na meron pa itong ganuon.
Hindi niya napigilan na mapakuyom ang kanyang mga kamay ng mga oras na iyon, wala sa sarili siyang napasandal sa kanyang swivel chair pagkatapos ay inagaw ang hawak - hawak na papel ng kanilang abogado na nasa harap niya lamang at nakaupo.
Binasa niya ang sinasaad ng kasulatan, hindi niya napigilan na magtagis ang kanyang mga bagang nang mabasa nga ang kasulatan. Hindi siya makapaniwala sa nakasaad doon, it was insane.
Ivan needs to marry the daughter of my kompare to have all my wealth. If he don't, all the assets and money will be donated on a foundation.
He greeted his teeth. Halos malukot na rin ang hawak - hawak niyang papel dahil sa sobrang inis niya.
Napakatanda na niya para sa ganoong bagay kaya hindi niya lubos maisip ang gustong ipagawa sa kanya ng kanyang ama. Napakahirap naman yata nitong sundin isa pa ay hindi pa naman siya handa para sa bagay na iyon.
Napakadami niya pang dapat gawin, napakadami niyang inaasikaso sa araw - araw at halos hindi na niya makuha pa ang magpahinga tapos ngayon ay kailangan na niyang magpakasal sa isang babaeng hindi niya naman kilala?
"This is ridiculous!" He hissed, pagkatapos ay napahilot ito sa kanyang sentido. Napakadami niya pang dapat na asikasuhin at hindi niya iyon maharap.
Isa pa ay tyaka lang naman siya nagkakaroon ng mga oras para sa babae kapag nasa mood siya.
Naihilamos niya ang kanyang kamay sa kanyang mukha sa labis na pagkainis, damn that last will and testament!
Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin ng mga oras na iyon. Naguhuluhan siya sa mga pangyayari, hindi pa gumagana ang utak niya upang mag - isip ng tama niyang gagawin.
Napabuga siya ng hangin at napatingala ng mga oras na iyon. Ano na lamang kaya ang pumasok sa utak ng kanyang ama upang isulat iyon sa last will and testament nito. Iniisip siguro nito na hindi na siya mag - aasawa dahil trenta'y tres anyos na siya na kung tutuusin ay hindi pa naman ganun katanda upang magpakasal.
Muli siyang napabuga ng hangin pagkatapos ay napapikit ng mariin. Napakadami niya pang dapat na gawin ng mga oras na iyon, napakadami pang papeles ang dapat niyang basahin. Isa pa ay kailangan niya pang i - review ang plano ng isa sa mga ipapatayo nilang dam na dagdag upang mapagkunan nila ng elektresidad.
Bakit ba kase nakasaad sa papel na iyon na kailangan niya mag - asawa. Isa pa ay hindi niya naman iyon kailangan dahil kung babae lang din naman ang pag - uusapan ay napakadali niyang humanap o makatikim ng babae. Idagdag pa na hindi na niya kailangan pang manligaw pa dahil sino ba namang babae ang hindi magkaka - interes sa kanya?
Isa lang naman siya sa mga kilalang tao sa lipunan dahil sa kanyang yumaong ama ang nagsusuplay ng kuryente sa buong luzon kaya kilalang kilala siya.
Kaya bakit kailangan niya pang sumunod sa nakasulat doon?
Pero alam niya sa sarili niya na kapag hindi niya sinunod iyon ay mawawala ang lahat ng pinaghirapan niya, hindi lang ang pinaghirapan niya kundi lalo na ang pinaghirapan ng mga magulang niya sa pagpapalago ng kumpanya nila.
"Damn it!" He cursed under his breath. Hindi niya pwedeng isantabi ang lahat ng iyon dahil yaman na nila ang nakataya doon.
Napatayo siya ng wala sa oras mula sa kanyang pagkakaupo ng mga oras na iyon. Kailangan niyang huminga mula sa nalaman niya dahil tila sasabog ang ulo niya sa sakit.
Nang makatayo ay niluwangan niya ng kaunti ang kanyang necktie at pagkatapos ay tiningnan ang abogado na hanggang sa mga oras na iyon ay naroon pa at nakatingin lamang sa kanya.
"I'll think about it attorney." Sabi niya rito at pagkatapos ay naglakad na palabas sa kanyang opisina.
Wala na siyang pakialam kung marami pa siyang dapat gawin, gusto niyang makahinga. Gusto niyang mag - isip isip kaya nagtuloy - tuloy siyang naglakad. Hindi na niya pinansin ang ilang beses na pagtawag sa kanya ng kanyang sekretarya at nagbingi - bingihan na lang.
Dumiretso siya sa elevator upang bumabab na sa ground floor kung nasaan ang kanyang sasakyan.
I can feel the breeze from the afternoon wind from the sea. Niyakap ko ang tuhod ko at tumanaw sa dagat. I closed my eyes and feel the fresh air, at ngumiti sa kawalan.Tumayo ako at lumakad papunta sa dalampasigan. Hinubad ko ang aking sandals at hinayaang abutin ng tubig ang aking mga paa.Lumingon ako sa aking dinaan at nakita ko kung paano tinangay ng alon ang marka ng aking mga paa.Sana ganun din kadali makalimot ang tao na sa isang iglap ay wala na agad.Itinuloy ko ang ang aking paglalakad hanggang umabot sa ako sa isang malaking bato na nasa tabing-dagat din. Sumampa ako doon at tahimik na umupo at pinanuod ang papalubog na araw. Ang ganda, ang ganda ng kulay ng araw at ang ulap na nakapaligid dito pati na rin ang kumikintab na dagat na nagkukulay orange.Nagpakawala ako ng isang buntung-hininga.I closed my eyes. Its been 6 months, yeah six hell months. Bigla nanamang uminit ang gilid ng mga mata ko.He's gone for six months. I don't know where is he if he died or what. Hin
Nagising ako na nakatali ang mga kamay at nakatali sa isang upuan. May panyo rin sa aking bunganga kaya hindi ako makapagsalita.Nakita ko si Ivan sa harapan ko na kasalukuyan nilang binubugbog. Gusto ko man sumigaw ay hindi ko magawa kaya napaiyak nalang ako.Tulungan niyo kami.Nakita kong dumura ng dugo si Ivan at binitawan nila ito. Naiwan siyang nakalugmok doon.Iniwan nila kaming dalawa roon at lumabas sila. Narinig ko ang kalansing ng mga kadena sa labas. Kumawag-kawag ako para sana makaalis ngunit mahigpit ang pagkakatali sa akin.Patuloy sa pag-agos ang aking mga luha. Sino sila?Sino ang mga taong may gawa nito?Kahit hirap siyang bumangon ay pinilit pa rin niyang tumayo upang puntahan ako. Mas lalo akong napaiyak nang masubsob siya sa mismong mga hita ko. Putok ang labi, may pasa sa pisngi at may umaagos na dugo sa kanyang kaliwang kilay.Tumingala siya sa akin kahit na alam kong sobrang sakit ng katawan niya ay ngumiti siya sa akin."Don't cry babe..." Marahang bulong n
Nakatingin siya sa kanyang repleksiyon sa salamin. Nakasuot siya ng tan gown at kitang kita ang hubog na kanyang katawan. Hindi daring ang tabas nito dahil ayaw ni Ivan ng ganun. Ito rin ang pumili sa damit niya, isinuot niya na ang kanyang kwintas na binili rin nito at ang pares na hikaw. Nakangiti siya ng mapagmasdan ang sariling repleksyon.Perfect!Narinig niya ang katok sa pinto."Lalabas na ako." Sigaw niya at pinulot ang kanyang purse ng bumukas ang pinto at pumasok si Ivan.Napatitig siya rito dahil ang gwapo nito sa suot niyang coat and tie.Ngumiti ito sa kanya kaya sinuklian niya rin ito ng isang ngiti."You are so beautiful babe." He said while his eyes is twinkling."And you are so handsome." She said and walk towards him."Lets go?" Tanong niya at bilang sagot ay itinaas nito ang braso kayat kumapit naman siya agad dito.Sabay silang lumabas ng silid at bumaba."Bagay na bagay talaga kayo." Nakangiting sambit ni Nana Yuling. Ngumiti naman kami pareho at nagpaalam na dit
Hindi mapakali si Via sa kanyang kwarto. Agad siyang umakyat pagkatapos nilang kumain ng agahan. Kinakabahan pa rin siya. Tumayo siya at palakad-lakad sa harap ng kanyang kama ng malingunan ang kanyang cellphone.Anong gagawin ko? Tatawagan ko ba si Nate? Argh!Naisabunot niya ang kanyang kamay sa kanyang buhok. Nafru-frustrate na siya. Hindi na niya alam ang kanyang gagawin.May gustong pumatay kay Ivan. Sino kaya ito at ano ang motibo? Hindi kaya isa sa mga kakomptensiya niya ito sa negosyo?Naupo siya sa kanyang kama at huminga ng malalim. Kailangan malaman ito ni Nate.Saktong pagtayo niya ay ang pagbukas naman ng pinto ng kanyang silid. Sumungaw doon si Ivan na naka walking shorts at naka V-neck na T-shirt.Pumasok ito sa kanyang silid at sumandal sa pintuan. "Magbihis ka at may pupuntahan tayo." Seryosong sabi nito."Sa-saan?" Nauutal niya namang tanong."Sa isang boutique. Kailangan nating pumili ng ating isusuot sa engagement party natin bukas."Bukas na pala iyon.Isang tan
Nakadulog na si Via sa lamesa at si Nana Yuling ay naghahain na ng almusal. Nangalumbaba siya habang nakatingin sa nakatalikod na matanda habang nagsasandok ng sinangag.Humikab pa siya at napapikit saka isinandal ang ulo sa upuan. Inaantok pa ako. At muli siyang humikab ulit."O mukhang puyat na puyat ka ah." Puna sa kanya ng matanda kaya napamulat siya ng kanyang mga mata. Nakita niyang ibinaba na nito ang sinangag sa lamesa at ang pinirito nitong itlog, hotdog at bacon. Nalanghap niya kaagad ang mabangong amoy ng sinangag."Ah hindi naman ho pero parang kinulang parin ako sa tulog." Lie. Sagot niya rito. Ang totoo napuyat talaga siya dahil sa bruhong lalaki paano ba naman hindi na ito matanggal sa isip niya. Sa kanyang pagpikit ay mukha nito ang nakikita niya kaya imbis na matulog siya ay nanatili siyang gising na gising. Nakaidlip naman siya pero nagising din siya kaagad dahil umaga na pala. Kaya wala na siyang nagawa kundi ang bumangon dahil ayaw niya namang tanghaliin ng gising
Nakatanaw si Via sa dagat habang nakaupo sa buhanginan. Katatapos lang nilang kumain at talaga namang busog na busog siya. Sa totoo lang ang dami niyang nakain at hindi niya malaman kung saan niya inilagay ang lahat ng mga iyon. Hindi niya rin maimagine sa sarili niya na ganun siya kalakas kumain. Para bang hindi siya kumain ng isang dekada. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntung-hininga. "Lets swim." halos masigaw siya dahil sa pagkagulat. Masama niya itong tiningnan. Nasapo niya tuloy ang kanyang dibdib. "Wag mo nga akong ginugulat. Gusto mo naman na ata akong mamatay sa gulat." "Sorry." mahinang usal nito at umupo sa tabi ko. "Maligo tayo." at tumingin siya sa akin at ang mga mata niya ay tila may ibang kislap, kasiyahan o kapilyuhan? Aba ewan. "Ayoko." Nakangusong sagot ko at saka humalukipkip. "Ayaw mo?" "Oo ayaw ko." Sagot ko at tumayo na siya. Napangiti naman ako ng lihim. Hindi dahil sa ayokong maligo. Ayoko lang talagang maligo sa dagat natatakot ako baka malunod