Share

MHC 5

Author: Sweety Elle
last update publish date: 2026-09-01 17:54:26

WINDY POV

“Huwag ninyo ng takpan Mam Windy nahawakan at natikman ko naman iyan kagabi!," nakangising turan pa nito sa kanya.

"Bastos, umalis ka na nga...haist!," biglang nanlisik ang mga mata niya sa inis kay Rogelio na puro kabastusan ang lumalabas sa bibig.

"Oi, kalma, mam Windy, totoo naman ah! Oi, aminin, nagustuhan mo rin naman ang ginawa ko sa iyo kagabi, hindi ba?," hindi pa rin maawat si Wamoy sa panunukso sa kanya.

"Leche kang lalake ka, ang bunganga mo puwede ba hinaan mo!! baka marinig ka ng anak ko..haist, mali na nga ang tinuro mo kanina dagdagan mo na naman ulit, kainis kang lalake ka, umalis ka na kasi!!!," taboy niya kay Wamoy.

"Oi graveh!, wala man lang thank you sa paghatid ko sa iyo kahapon!," pasaring muli naman nito.

"O sige para makaalis ka na, salamat at huwag na huwag ka ng bumalik dito!," tangka na sana siyang tumalikod para siya na lang mismo ang umiwas dito ng magsalita ito muli na ikinalingon niya.

"Dala ko na ang nawawala mong parcel, Mam Windy," malumanay na imporma pa nito.

"Hah.... talaga, asan? Akin na...," bigla siyang nabuhayan sa sinabi nito hindi rin kasi maliit na halaga ang laman ng parcel na iyon.

"Hep... hep... ibibigay ko lang sa iyo sa isang kondisyon!," bigla siyang napaangat ng isang kilay sa muli na naman nitong hirit sa kanya.

"Hoy, ikaw na lalake ka, nakakarami ka na, talaga bang wala ka ng mabuting idudulot sa umaga ko, ha?!," buwelta niya.

"Hala, Mam Windy, dala ko kaya ang parcel mo, o hindi ba suwerte iyon!," saad pa nito na nakapaskil pa rin ang pagkaaliw nito sa kanya.

"Oo nga kaya ibigay muna ang parcel ko at makakaalis ka na, bastos!," bulalas niya pa.

"Aba'y nakakarami ka na ng salitang bastos mam, bad iyan! Isa pa at hahalikan na kita!," untag pa nito na ikinaurong ng kanyang dila; hindi maaaring makaisa na naman sa kanya itong hudyong nasa harapan niya.

"Ahmmm... o sige, ano ba kailangan mo kapalit ng parcel ko?," walang anu- anong tugon niya.

"Ayan mam Windy, maayos ka naman palang kausap, haist... salamat!," turan pa nito na walang paalam na naupo sa isang monoblock chair nasa entrada mismo ng terasa.

"Ano na kasi para makaalis ka na?," untag niya.

"Hep..hep..hep.. papahingahin mo muna ako mam Windy napagod ako kakahanap ng parcel mo!," para naman siyang nakonsensiya sa sinabi nito.

"O sige magpahinga ka diyan hangga't gusto mo basta ba akin na iyang parcel ko, asan na ba kasi?," inilibot niya ang kanyang paningin kay Windy at sa dala nitong motorsiklo ngunit wala namang parcel itong dala.

"Kiss muna!," biglang hirit na naman muli nito.

"Ulol!!! Pinagloloko mo lang naman siguro ako wala ka namang parcel na dala... haist, alis na dali bago pa magdilim ang paningin ko baka may mataga pa kita!," naiiinis niyang sabi.

"Dala ko nga Mam Windy nasa labas, isang sakong parcel kasi ang dala ko, ang bigat na sa motor ko kaya naiwan ko sa labas ng bakod mo, wait at kukunin ko," tumayo ito ay naglakad palabas ng munti niyang kahoy na bakod.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MR. CEO HOT CRAVINGS (SSPG)   MHC 38

    SUBTLE WARNING!!! SOME SCENES ARE HOT AND STEAMY, READ AT YOUR OWN RISK!!! WAYNE BOLLS POV Bigla siyang nasabik sa kaisipang magiging isang kumpletong pamilya na sila nina Windy at Thea. His done playing around for almost four years already. Nakakapagod rin pala. Sana nga lang ay hindi siya mabigo na masungkit ang pag-ibig ni Windy hindi lamang ang katawan nito. Nagtaka pa siya ng pagpasok niya muli sa loob ng bahay ay naabutan niya si Windy na nag-aayos na ng mga paninda nito at nakaligo na ito dahil iba na ang suot nitong damit at basa pa ang mahaba nitong buhok. He is amaze by Windy’s swift movement. Talaga ngang masinop ito sa oras at napapadali nito gawin ang lahat ng mga gawaing bagay. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng loob ng bahay, sa mallit na sala nito na naroroon ang sofa bed at maliit na kusina ay malinis na malinis na. "Ahhmmn.. nariyan ka na pala, sino iyon?," naulinigan niya ang kakaibigang boses ni Windy tila may hagod ng kiliti sa kanyang kaibuturan. "Kasa

  • MR. CEO HOT CRAVINGS (SSPG)   MHC 37

    SUBTLE WARNING!!! SOME SCENES ARE HOT AND STEAMY, READ AT YOUR OWN RISK!!! WAYNE BOLLS POV "Tao po.... tao po," malalakas na salitan ng baritong boses ang biglang nagpahiwalay sa kanila ni Windy na imbes na lumalalim na ang kanilang palitan ng halik ay nauwi pa sa bitin pa more. "Uhmnnn....let us save it next time sweety!," tangi niya na lang nasambit dahil ayaw pa rin tumigil ng mga tauhan niyang riders sa labas ng bakuran, boses pa lang ng mga ito ay kilalang- kilala niya na. "Dammit!!!! Why are you here?," mahinang boses na anas niya sa takot na baka marinig siya ni Windy, sigurado naman siyang hindi ito nakasunod sa kanya dahil halos mahubaran na nga ito sa mabilis na paggapang ng kanyang alistong mga kamay. Nabungaran niya si Lyndon at Dex pagbukas niya ng gate na nakangisi sa kanya na tila ba may pinapakahulugan. Sa init ng ulo niya dahil halos tatlong pagkakataon na siyang nabitin na maitodo niya ng maangkin si Windy ay gusto niya na lang pagsasapakin ang dalawa.

  • MR. CEO HOT CRAVINGS (SSPG)   MHC 36

    WINDY POVNang matapos niyang makuso ang mga labahin ay agad niya rin binanlawan ang mga ito. Mag-iisang oras din bago siya natapos sa paglalaba. Tumayo siya at nag-inat inat ng katawan. Magpapahinga muna siya sa loob ng silid nila ng anak bago maligo. May rason na siya para idahilan kay Wamoy na kailangan niya munang ipahinga ang katawan kaya't hindi na ito magpupumilit na makalapit na naman muli sa kanya. Dahan- dahan niyang binuksan ang pinto ng banyo at paglabas niya ay nadatnan nga niyang walang katao- tao. Naglakad siya patungo sa pinto palabas sa teresa upang susihin kung naglalaro nga ba sa labas sina Wamoy at Thea. Napatda siya ng mabungaran niyang napakatahimik ng kabuuan ng teresa niya. Nasa lagayan pa ang mga laruan ni Thea. Walang palatandaan na naglaro ang mga ito. Bigla siyang nag-alala sa anak kung saan ito dinala ni Wamoy. Naisip niyang baka kinidnap na si Thea ni Wamoy. Hindi niya pa lubusang kilala si Wamoy.Malay niya ba kung masamang tao ito at may masama

  • MR. CEO HOT CRAVINGS (SSPG)   MHC 35

    WINDY POV "My--- Win, ligo na tayo!!!," mabilis siyang nakalayo kay Wamoy sa kanyang likuran at humarap sa anak na may bitbit ng hello kitty towel nito at may dala na rin itong damit na pamalit. "Sure... baby!," inakay niya na papunta sa loob ng banyo si Thea upang paliguan ito. Makailang beses niyang kinastigo ang sarili kung bakit hinahayaan niya ang kanyang sarili na molestiyahin ni Wamoy. Imbes na nga mabastusan siya sa ginawa sa kanya ni Wamoy ay may nadama siyang kilig at kasabikang sana ay maulit muli ito. "Nahhhh.... haist, tangengok mo talaga...!!!," hindi niya mapigilang sisihin ang sarili sa paulit- ulit niyang katangahan. "What are you saying my-- Win?,” tanong pa ng anak. "Nothing baby, ligo ka na!!," binilasan na lamang niya ang pagliligo sa anak. Matapos niyang mapaliguan si Thea ng maayos ay doon niya lang din ito binihasan sa loob ng banyo. Hindi pa rin kasi humuhupa ang init at pamumula ng kanyang pisngi sa kahihiyan sa ginawang pag-atake sa kanya ni Wa

  • MR. CEO HOT CRAVINGS (SSPG)   MHC 34

    SUBTLE WARNING!!! SOME SCENES WITH HOT AND STEAMY, READ AT YOUR OWN RISK!!! WAYNE BOLLS POV "Oh, sorry ti--to, hindi sadya my---na, wawa naman pala kayo... sakit pa ulo mo?," nalukot ang mukha nito na tila gustong bumalik at lumapit sa kanya ngunit pinaupo na ito ni Regina sa hapag kainan. "Hmnnnp... okay lang siya baby! Hindi naman malakas ang pagkapokpok ko sa ulo niya. Buti pa kumain ka muna!," sinubuan na nga ni Regina ang anak, siya naman ay naaliw na pagmasdan ang mag-ina na hindi naman kalayuan ang distansiya sa kanya dahil maliit lang ang bahay ng mga ito. "Mmmmm... yummy talaga my---na luto veggies, sarap!," kumuha ito ng isang steamed okra at tila tsokolate lang nitong pinapak. Napahanga siya kay Windy sa maayos nitong pagpapalaki kay Thea. Nakaluto na pala ito ng agahan ng anak. Hindi niya napansin kanina dahil deretso na siya sa pagbukas sa ref at handa ng mga ingredients sa maliit nitong kitchen sink. Hindi lang masinop sa bahay at madiskarte sa buhay si Win

  • MR. CEO HOT CRAVINGS (SSPG)   MHC 33

    SUBTLE WARNING!!! SOME SCENES WITH HOT AND STEAMY, READ AT YOUR OWN RISK!!! WAYNE BOLLS POV "Tito Moy.... good morning, you are here, yehey!!!," bati sa kanya ni Thea pagkalabas nito sa maliit na silid. "Oh, hi baby, good morning too!," hindi na nga maawat si Thea at patakbong nagpakarga sa kanya nakasuot pa ito ng terno pajama na kawangis ng ina nito. The child is so cuddly and sweet. Thea planted a smack kiss in both of his cheeks making him feel light- headed with her cutest charm. He also hugged her tight at ginulo- gulo ang mahaba at maitim nitong buhok. Doon niya pa natutukan ng malapitan ang mukha ni Thea. Mahahaba ang pilik mata nito at kulay abo ang mga bilugang mata naman ng bata. Sa palagay niya ay may lahing banyaga ang ama ni Thea. Biglang may kumurot sa kanyang dibdib sa kaisipang hindi niya na mababago pa ang realidad na may nakauna na sa babaeng ninanais niya ngayon. Tumikhim siya at ipinagkibit balikat na lamang ang katotohanan. Wala na nga siyang magaga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status