THIRD PERSON:
Habang abala si Mira sa pag-aayos ng mga gamit sa front desk—maingat niyang pinapantay ang mga papeles, inaayos ang ballpen holder, at tinitiyak na malinis ang bawat sulok ng mesa—hindi niya namalayan ang mabilis na paglapit ng kanilang supervisor mula sa likuran. Tahimik ang paligid maliban sa kaluskos ng kanyang kamay sa mga dokumento at mahihinang yabag ng mga bisitang nagdaraan, ngunit ang katahimikan ay biglang nagulantang nang sumabog ang malakas at malamig na tinig ng kanilang supervisor.
“Mira! Ano na naman ang ginagawa mo?!” singhal nito, puno ng pagkainis at panunumbat ang boses.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Mira. Napatigil siya sa ginagawa, mabilis na napatingin sa supervisor, at halos hindi makakilos sa biglaang sigaw. Ramdam niya ang nanlalamig niyang palad na mahigpit na nakakapit sa isang folder, na wari bang iyon lang ang nagsisilbing lakas niya sa sandaling iyon.
"Ang bagal mo namang kumilos!" Hindi pa man siya nakapagsasalita, sunod-sunod nang bumuga ng mga reklamo ang supervisor. “Ilang beses ko bang sasabihin na huwag mong patagalin ang mga gawain mo? At nasaan ka kanina? Hinahanap ka ng guest sa Room 305! Lagi ka na lang nawawala sa oras ng pangangailangan!”
Napayuko si Mira, mariing pinipigil ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula ng paliwanag. Gusto niyang sabihin na sandali lamang siyang umalis para ayusin ang mga dokumentong inatas sa kanya sa likod, ngunit natabunan ng takot at hiya ang kanyang tinig. Ramdam niya ang mga matang nakatuon sa kanila ng ilang bisita, na marahil ay nakakarinig sa bawat salitang binibitawan ng kanilang supervisor.
Kagat-labi siyang nagpasensya. “Pasensya na po Sir.… aayusin ko po agad.” Mahina ngunit taos-pusong sabi ni Mira, halos hindi marinig dahil nanginginig ang kanyang boses.
Mariing napahinga ang supervisor, halatang sukang-suka na sa nakikita niyang tila inosenteng mukha ng dalaga. “Hayss!” malakas na buntong-hininga nito, bago muling sumiklab ang tinig. “Alam mo ba kung sino ang nasa Room 305? Hindi lang basta guest, Mira, kundi ang mommy mismo ng CEO natin!”
Parang naubusan ng dugo sa katawan si Mira. Lalong namutla ang kanyang mukha at halos hindi na makatingin sa supervisor. Napako ang mga mata niya sa sahig, na para bang kung magtatago siya roon ay mawawala rin ang matalim na tingin at mabibigat na salita na ibinabato sa kanya. Sa isang iglap, ramdam niyang tumindi pa ang bigat ng sitwasyon—kung ordinaryong guest lang iyon, sapat na sana ang simpleng paghingi ng tawad, ngunit dahil pamilya ng CEO, alam niyang nakataya na ang trabaho hindi lang niya, kundi pati ng lahat.
“Kaya kung ano man ang mali mong ginawa, naku Mira!” halos umalingawngaw sa buong lobby ang sigaw ng supervisor. “Malilintikan tayong lahat! Isang reklamo lang mula sa kanila, at siguradong tayo ang sisisihin. Naiintindihan mo ba ‘yon?”
Mula sa gilid, nagsimulang mag-usap-usap ang ibang staff. May mga nagbubulungan, may nagtataas ng kilay, at ang iba nama’y nagtatago ng ngiti na tila nanonood lang ng isang palabas. Bawat bulungan, bawat sulyap ay parang patalim na tumutusok sa likod ni Mira. Ang kaba na kanina’y maliit lang ay biglang lumalim at lumawak, para bang bumigat ang hangin sa paligid at naging mahirap huminga.
Naglakad pa palapit ang supervisor, at sa bawat hakbang ay lalong bumibilis ang pintig ng puso ni Mira. Nang halos magkadikit na sila, mararamdaman na niya ang init ng hininga nito sa kanyang pisngi. “So, ano?” halos ilapit na sa tainga niya ang tinig na puno ng galit. “Ano bang ginawa mo doon, ha? Ano na naman ang kapalpakan mo?”
Mabilis na lumunok si Mira. Pinilit niyang makahanap ng tinig sa lalamunan niya, kahit nanginginig ang labi at nanunuyo ang kanyang bibig. “So-sorry po…” paos at halos hindi marinig na sagot niya. Pinilit pa niyang dagdagan, pilit pinapakalma ang boses. “Pu-pupunta na po ako doon. Tatanungin ko po kung may kailangan sila.”
Saglit na natahimik ang supervisor, bago ito nagtaas ng kilay at mariing kumaway ng kamay na para bang itinataboy siya palayo. “Oo! At bilisan mo!” madiin na utos nito. “Bago pa tayo tuluyang mapahamak dahil sa kapabayaan mo!”
Tumigil saglit si Mira, nakayuko, pinipigil ang sarili na hindi tumulo ang mga luhang nagbabadya na sa kanyang mga mata. Ramdam niya ang init sa sulok ng kanyang mga mata, ngunit pinilit niyang lunukin ang sakit at huminga nang malalim. Kaya ko ‘to… hindi ako puwedeng umiyak ngayon. Hindi sa harap nila.
Mabilis niyang inayos ang hawak na folder, saka naglakad patungo sa elevator. Bawat yabag ay mabigat, at ramdam niya pa rin ang mga tingin ng kanyang mga kasamahan na tila sinusundan siya hanggang sa mawala siya sa paningin. At habang papalapit siya sa elevator, lalo lamang bumigat ang kaba sa kanyang dibdib—hindi dahil sa sermon na natanggap niya, kundi dahil alam niyang sa kabila ng pinto ng Room 305 ay naghihintay ang mas delikadong hamon.
Pagkarating ni Mira sa Room 305, bahagya pa siyang natigilan bago kumatok. Kinakabahan, mahigpit ang pagkakahawak niya sa doorknob, ramdam ang bilis ng tibok ng puso.
Tok. Tok. Tok.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto matapos marinig ang malumanay na “Come in.”
Pagpasok niya, agad niyang nakita ang kalat ng mga damit na nakapatong sa kama at nakasampay kung saan-saan. Ang guest ay abala sa paglalagay ng mga ito sa isang maleta.
“M-Ma’am… hinahanap niyo daw po ako?” halos pabulong na tanong ni Mira, halatang nanginginig ang boses sa kaba.
Napalingon ang ginang, agad na napangiti. “Oh! Yes, iha. Sorry ha, naabala pa kita ngayon.” Lumapit ito kay Mira na may dalang maliit na eco bag.
“Meron kasi akong gustong ibigay sa’yo.” Bahagyang huminto ito, saka tumingin diretso sa mga mata ni Mira. “Ewan ko ba, pero napakagaan ng loob ko sa’yo, iha. First time kong maka-encounter ng tulad mong tumanggi sa pera. Rare na rare ‘yan ngayon.”
Nanlaki ang mga mata ni Mira, parang hindi makapaniwala sa naririnig. “P-po?” halos mapaatras siya, ramdam ang biglang init sa pisngi niya.
Ngumiti ang ginang, sabay abot ng eco bag. “Ito para sa’yo. Kunting groceries lang naman. Iuwi mo na.”
Tila nanigas si Mira. Napakagat-labi siya, hindi malaman kung tatanggapin o tatanggihan. Pinagpawisan ang kanyang mga palad habang nakatitig sa eco bag. Sa isip-isip niya: Groceries? Para sa’kin? Ako?
Nagpumilit siyang ngumiti, pilit na inaayos ang sarili. “Naku po, Ma’am, huwag niyo na pong dagdagan. Sobra-sobra na po ‘yung chocolate kanina. Okay na po talaga ako dun.”
Ngunit hindi siya pinakinggan ng ginang. Malumanay pero mariin ang tono. “Not much, but I can at least give you this. Please, tanggapin mo. Hindi ako mapapalagay kung hindi.”
Parang lalong lumaki ang mundo ni Mira—para siyang batang nabigyan ng regalo sa unang pagkakataon. Hindi niya mapigilang mapangiti ng bahagya, kahit halatang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.
“Maraming salamat po, Ma’am,” mahina ngunit taos-pusong sabi ni Mira. Ngumiti ang ginang, tila ba alam na nitong tatanggapin niya ang alok, saka marahang hinimas ang balikat ng dalaga bago muling bumalik sa pagtutupi at pag-aayos ng mga damit sa maleta.
“T-tulungan ko na po kayo, Ma’am,” walang pag-aalinlangang sabi ni Mira. Inilapag niya muna ang eco bag sa lapag at mabilis na lumapit upang makisabay sa ginagawa nito.
“Sige iha,” tugon ng ginang na may bahagyang buntong-hininga. “Uuwi na kasi ako ng mansion. Ayokong abutan pa ako ng anak ko rito… hays, naiinis pa rin ako sa kanya.”
Napakunot-noo siya, pero hindi nagtanong.
Nanatiling tahimik lamang na nakisabay si Mira, maingat na tumutupi ng mga damit. Habang ginagawa iyon, hindi niya maiwasang mapansin ang bawat tela na dumadampi sa kanyang mga daliri. Makinis, malambot, at halatang mamahalin ang tahi at disenyo.
Napakagat-labi siya, halos hindi makapaniwala. “Ganito pala ang tela ng mamahaling damit,” bulong niya sa isip, para bang isang bagong mundo ang biglang bumukas sa kanya. Noon lang siya nakahawak ng ganoong klase ng kasuotan—mga damit na dati’y nakikita lang niya sa mga panonood ng TV o sa mga suot ng piling guest sa hotel.
Sandaling natigilan si Mira, hinagod ng kanyang palad ang tela na parang kinakapkap ang isang bagay na hindi niya pag-aari. Muling bumalik ang tingin niya sa ginang—isang babaeng sanay na sa karangyaan, ngunit heto’t nakikipagkuwentuhan at nakikipaglapit sa isang simpleng katulad niya.
At sa kaibuturan ng kanyang dibdib, may kakaibang kirot na halo ng hiya at paghanga ang sumulpot.
✨📚 Hello mga beshy! Sama niyo ulit sa library niyo ang MR. CEO AND ME 💕 Ang bagong kwento na tiyak na magpapakilig at magpapaiyak sa inyo 🥹❤️ Huwag palampasin ang mga pasabog at kilig moments na siguradong tatatak sa puso ninyo! ✨ 👉 Add to library now and fall in love again! 💖
THIRD PERSON:Pagdating ni Mira sa staff room, agad niyang inilapag ang eco bag sa lamesa at sinimulang ilagay isa-isa ang mga tsokolate sa loob. Mabilis ang kilos ng kanyang mga kamay, halatang gustong matapos agad, ngunit sa sobrang pag-aapura ay hindi na niya namalayan ang pagdating ng kanyang supervisor.'Ay hala!"“Aba’t—ano ka ba naman, Mira! Sadyang magugulatin ka ba talagang bata ka?!” biglang sigaw ni Sir Julius, dahilan para mapatalon si Mira at muntik nang mahulog ang hawak na tsokolate.Napahawak pa ito sa dibdib na para bang siya rin ay nabigla sa sariling sigaw. “Ay, Diyos ko! Huwag kang ganyan, baka inatake na ako sa puso, ikaw pa man din ang dahilan!” dagdag pa nito, dramatiko ang pagkumpas ng kamay sa hangin na wari’y nasa entablado ng teatro.“Su-sorry po, Sir…” mahina at nahihiyang sabi ni Mira, nakayuko at pilit na itinatago ang pamumula ng kanyang pisngi.Humalukipkip si Sir Julius, taas ang isang kilay at naka-pamewang na parang mahistrado sa korte na naghihintay
THIRD PERSON:Habang abala si Mira sa pag-aayos ng mga gamit sa front desk—maingat niyang pinapantay ang mga papeles, inaayos ang ballpen holder, at tinitiyak na malinis ang bawat sulok ng mesa—hindi niya namalayan ang mabilis na paglapit ng kanilang supervisor mula sa likuran. Tahimik ang paligid maliban sa kaluskos ng kanyang kamay sa mga dokumento at mahihinang yabag ng mga bisitang nagdaraan, ngunit ang katahimikan ay biglang nagulantang nang sumabog ang malakas at malamig na tinig ng kanilang supervisor.“Mira! Ano na naman ang ginagawa mo?!” singhal nito, puno ng pagkainis at panunumbat ang boses.Parang binuhusan ng malamig na tubig si Mira. Napatigil siya sa ginagawa, mabilis na napatingin sa supervisor, at halos hindi makakilos sa biglaang sigaw. Ramdam niya ang nanlalamig niyang palad na mahigpit na nakakapit sa isang folder, na wari bang iyon lang ang nagsisilbing lakas niya sa sandaling iyon."Ang bagal mo namang kumilos!" Hindi pa man siya nakapagsasalita, sunod-sunod nang
THIRD PERSON:Pagkalabas ni Mira sa Room 305, dali-dali siyang nagtungo sa staff room para mailagay muna ang mga chocolate sa locker niya. Habang inaayos ang mga ito at tiniyak na maayos ang pagkakatabi, narinig niya ang tinig ng kanyang tita na sumisigaw mula sa labas ng pinto.“Mira… anak, bakit?” tanong ni Tita Marlyn, halatang nagtataka sa pagmamadali ng pamangkin.“Tita… mabait po yung client sa Room 305!” sagot niya, sabay kuha ng isa sa mga chocolate at ipinakita. “Tingnan niyo po! Binigyan pa niya ako ng mga ito, at isa… ito para naman po sa inyo.”Napangiti si Tita Marlyn, at bahagyang napatingin sa paligid bago tumungo sa locker ni Mira. “Wow, ang sweet naman niya. Thank you anak.""Halos ka edaran niyo po ni Inay, akala ko nga Tita papagalitan niya ako kanina kasi diko namalayan na nailagay ko pala sa basket yong pandesal na baon ko.""Oh di anong sabi sayo?"“Hindi siya masungit at parang hindi din siya maarte, kagaya ng inaasahan ko kanina. Humingi pa nga po siya ng pande
THIRD PERSON:Sa kabila ng gutom at pagod, napalunok siya at agad kinuha ang mga gamit sa paglilinis. Pagdating sa corridor, muli niyang nasilayan ang kinang ng mamahaling chandelier at kintab ng marmol na sahig. Para bang ipinapaalala ng bawat kislap kung gaano siya kaliit sa mundo ng marangyang hotel na ito.Huminga siya nang malalim at pumasok sa Room 305. Mabilis niyang inayos ang mga unan, pinunasan ang lamesa, at tiniyak na walang bakas ng alikabok. Kahit nanginginig ang kamay sa gutom, pinilit niyang maging maingat—alam niyang isang pagkakamali lang, sermon na agad ang aabutin niya kay Sir Julius.Saka niya lang napansin na naisama pala niya ang plastik ng pandesal, nakahalo sa basket ng mga panlinis. Buti na lang may makakain ako mamaya, bulong niya sa sarili, kahit may kaunting hiya sa ideya na bitbit niya iyon sa loob ng marangyang silid. Marahan niyang inilabas ang supot at ipinatong muna sa lamesita bago muling nagpunas ng mesa.Ngunit bago pa siya muling makakilos, narini
THIRD PERSON: Mabilis ang lakad ni Mira habang tinatahak ang kalsada, halos nagmamadali sa bawat hakbang. Ramdam niya ang init ng sikat ng araw na dumidikit sa kanyang balat, dahilan para unti-unting bumakat ang pawis sa kanyang sentido. Sandali siyang napahinto nang sumalubong sa kanya ang amoy ng bagong lutong pandesal mula sa maliit na bakery sa kanto—mainit-init pa at nakakaakit, tila ba pilit siyang hinihila papasok. Pumasok siya at bumili ng ilang piraso, iyon na ang magiging baon niya sa maghapon. Madalas, tinapay na lamang ang kanyang pananghalian upang makatipid, at pag-uwi na lang siya bumabawi sa mga simpleng luto ng kanyang inay. Paglabas ng bakery, mahigpit niyang hinawakan ang plastik ng pandesal, parang ayaw niyang mabitiwan ang tanging kasiguraduhan niyang pagkain sa araw na iyon. Muli siyang naglakad-takbo patungo sa sakayan. Habang tinatahak ang maingay na kalsada, ramdam niya ang halo-halong amoy ng usok ng jeep, prito ng mga kakanin sa bangketa, at pawis ng mga t
THIRD PERSON:Pinagmasdan muna ni Aling Carmen ang kanyang anak. Halatang pagod na pagod ito—bakas sa mukha ang puyat at bigat ng responsibilidad na pasan niya araw-araw. Ilang beses na niya itong ginising pero tila ayaw pang bumangon, marahil dahil sa sobrang pagod. Napabuntong-hininga si Aling Carmen, ramdam ang kirot sa dibdib habang marahang tinatapik ang balikat nito.“Anak, gising na… male-late ka na sa trabaho,” malumanay niyang wika, kahit nais na sana niyang hayaan pa itong magpahinga.Napabalikwas si Mira, pupungas-pungas pa at pilit kinakapa ang cellphone niya sa gilid ng unan. “Ha? Anong oras na po?” medyo paos pa ang boses nito.“Alas sais na,” sagot ng ina.Parang binuhusan ng malamig na tubig si Mira. Bigla itong tumayo at nagmamadaling pumunta sa banyo. “Hala, alas otso po ang pasok ko!” ” sigaw niya habang nagkukumahog.“Dahan-dahan naman kasi, anak baka ikaw—” Hindi pa man natatapos ang salita ni Aling Carmen ay napairap si Mira sa sakit nang matisod ang paa sa kant