Home / Romance / MR.CEO and ME / CHAPTER FOUR

Share

CHAPTER FOUR

last update Huling Na-update: 2025-09-01 22:27:22

THIRD PERSON:

Pagkalabas ni Mira sa Room 305, dali-dali siyang nagtungo sa staff room para mailagay muna ang mga chocolate sa locker niya. Habang inaayos ang mga ito at tiniyak na maayos ang pagkakatabi, narinig niya ang tinig ng kanyang tita na sumisigaw mula sa labas ng pinto.

“Mira… anak, bakit?” tanong ni Tita Marlyn, halatang nagtataka sa pagmamadali ng pamangkin.

“Tita… mabait po yung client sa Room 305!” sagot niya, sabay kuha ng isa sa mga chocolate at ipinakita. “Tingnan niyo po! Binigyan pa niya ako ng mga ito, at isa… ito para naman po sa inyo.”

Napangiti si Tita Marlyn, at bahagyang napatingin sa paligid bago tumungo sa locker ni Mira. “Wow, ang sweet naman niya. Thank you anak."

"Halos ka edaran niyo po ni Inay, akala ko nga Tita papagalitan niya ako kanina kasi diko namalayan na nailagay ko pala sa basket yong pandesal na baon ko."

"Oh di anong sabi sayo?"

“Hindi siya masungit at parang hindi din siya maarte, kagaya ng inaasahan ko kanina. Humingi pa nga po siya ng pandesal,” kwento niya.

“Talaga? Eh di ikaw naman ngayon ang walang pandesal, hahaha!” natawa si Tita Marlyn, halatang natuwa rin sa sitwasyon.

“Siya… bilisan na natin, maraming guest ang dadating, at gawa ng uuwi na rin daw ang CEO nitong hotel,” paalala ni Tita Marlyn habang inaayos ang mga gamit.

“Opo,” sabay dali ng pagtango ni Mira, at magkasama silang lumabas ng staff area, nagmamadali upang hindi madatnan ng masungit na supervisor.

Habang naglalakad silang mag-tita palabas ng staff area, hindi maiwasan ni Mira ang mapangiti pa rin. Ramdam niya sa kamay ang lamig ng tsokolate na hawak, parang may kakaibang saya na idinulot nito sa kanya. Hindi naman lagi akong natutuwa sa mga ganito… pero kakaiba siya. Iba ang dating ng client na ‘yon, bulong ng isip niya, sabay pigil ng sarili na magpaka-excited.

Nang makarating sila sa lobby, agad nilang naramdaman ang pagbabago ng hangin—mas naging abala, mas mabilis ang galaw ng mga tao. May mga staff na patakbo-takbo, may nag-aayos ng bulaklak sa gilid, at ang ilan nama’y nagbubulungan tungkol sa nalalapit na pagdating ng CEO.

“Anak, d’yan ka muna sa front desk. Ako na sa kabilang side,” utos ni Tita Marlyn, sabay lingon pa muli sa kanya na may ngiti. “At Mira, ingat ka palagi, ha? Hindi lahat ng mababait ay mababait talaga.”

Tumango siya, pilit na ngumiti, at saka pumunta sa puwesto.

****

****

THIRD PERSON

“Nauna na ang ina mong umuwi ng Pinas,” sambit ni Mr. Lim, habang nakatitig sa anak niya, hawak ang tasa ng kape.

“Hanggang ngayon, nagtatampo pa rin iyon, Dad,” tugon ni Dominic, may halong biro sa tono, kahit halatang alam niyang may tensyon sa paligid.

“Hangga’t hindi mo tinutuloy ang wedding niyo ni Monica, oo—magtatampo siya,”

Napabuntong-hininga si Dominic, at bahagyang napapailing. “Dad… kailangan pa ako ng hotel. Wala pa sa vocabulary ko ‘yung magpakasal ngayon…” sabi ni Dominic, may sarcastic na smirk. “Alam mo na, work first, love later, diba?”

"Work first, love later?!" bulyaw ni Mr. Lim, halos pasabog ang tinig. "Hindi ito biro, Dominic! Alam mo ba kung ilang tao ang umaasa sa desisyon mo?”

“Alam ko naman, Dad… pero bakit kasi kayo ni Mom ang nauunang magdesisyon? Alam niyo namang di ko gusto si Monica. At mas gugustuhin ko na lang magpayaman kaysa ipakasal niyo ako sa baabeng di ko naman mahal."

Tahimik sandali si Mr. Lim. Pinagmamasdan ang anak. Alam niyang mailap si Dominic sa mga babae—palaging may dahilan, palaging may paliwanag. Ngunit higit pa riyan, alam niyang sabik ang ina ni Dominic na makita itong mag-asawa, lalo na’t siya mismo ang nag-set ng wedding plans. At sa kabila ng lahat, hindi sumipot si Dominic sa wedding plan nila ni Monica.

Napabuntong hininga na lamang si Mr. Lim. "Kakausapin ko na lang ang parents ni Monica, kaya mauna ka na din umuwi. Dahil sa ginawa mo, baka masira pa ‘yang hotel na inaalagaan mo sa kalokohan mo!” bumulong si Mr. Lim, halatang galit at frustrated.

Dominic, na parang walang pakialam pero may halong kaunting joke, ngumisi at humarap sa ama. “Ahhh… Dad, Dad… alam mo, parang gusto ko lang mag-‘test drive’ ng drama nyo. Pero okay lang, promise, hindi ko naman itatapon ang hotel… well, hindi pa naman,” sabay wink, para parang nagpapatawa sa tension.

“Hindi ito biro, Dominic! Isa kang responsableng CEO sa hotel na iyon, hindi puwede puro kalokohan!” halos pasabog na tinig ng kanyang ama, kasabay ng biglang pagbagsak ng kamao nito sa lamesa.

Bahagyang nag-shrug si Dominic, pero halata ang higpit ng kapit niya sa hawak na cellphone. Pilit siyang ngumiti, nakatago sa ngiti ang inis at kaba.

“Okay, okay… seryoso na, Dad. Promise, hindi ko sisirain ang pagiging CEO ko,” sagot niya, sabay pakawala ng pilit na tawa para lang mapawi ang bigat ng atmosphere.

“Alis na ako, Dad. 1 PM ang flight ko, baka maiwan pa ako ng eroplano.” Kumaway pa siya, pero bago tumalikod ay saglit siyang napabuntong-hininga—isang hiningang mabigat, na tila ba sinusubukan niyang ilabas lahat ng bigat na hindi niya masabi.

Napakamot na lang sa batok ang kanyang ama, pero hindi na rin nito napigilan ang mabigat na titig habang pinagmamasdan ang anak na palayo.

Flashback:

Tatlong linggo silang nagtagal doon, dala ng kagustuhan ng kanyang ina. Akala niya’y simpleng bakasyon lang—pahinga sa gitna ng nakakapagod na pamamalakad sa hotel. Kaya naman pumayag siyang iwan pansamantala ang trabaho.

Ngunit laking gulat niya nang malaman ang totoong dahilan: ang biglaang kasal nila ni Monica. Isang plano ng kanyang ina na itinago sa kanya. Sa halip na bakasyon, isang kasal pala ang pinuntahan niya.

At sa mismong araw na iyon… tumanggi siya.

“I’m sorry, Mom… pero hindi ko kayang gawin ito ang gusto mo.” Ang malamig ngunit mariin niyang tinig ang siyang nagpatigil sa lahat ng preparasyon.

Ang saya sa mukha ng kanyang ina ay napalitan ng tampo at galit. At mula noon, tila ba isang malaking lamat ang nabuo sa pagitan nila.

Bumalik siya sa kasalukuyan. “Mom will never forgive me for that,” bulong niya sa sarili, habang tinatabunan ng biro at tawa ang bigat ng alaala.

Habang naglalakad sa corridor, iniisip ni Dominic ang kabigatan ng responsibilidad, ang inaasam na kasiyahan ng ina, at ang kanyang sariling kagustuhan na hindi magmadali sa pag-ibig. Bahagyang ngumiti siya sa sarili, may halo ng pagka-joker at pagka-maangas—tulad ng laging signature niyang estilo sa buhay.

*****

Pahapon na at oras na ng meryenda. Lumapit si Joy, isa sa mga madaldal at palakaibigang katrabaho ni Mira, at biglang umakbay dito.

“Mira, sabay ka na sa’min,” masiglang aya ni Joy, habang kasama ang ilan pang mga katrabaho na halatang excited magkasama-sama.

Bahagya lamang umiling si Mira, saka mahina ang tinig na sumagot, “Kayo na lang… may gagawin pa ako eh.”

Nakita niya ang liwanag sa mga mata ng mga kasama, saka unti-unting kumupas nang muli siyang tumanggi. Ramdam niya ang bigat ng katahimikan, kahit pilit pa rin silang ngumiti.

Ito na naman ang palaging dahilan niya tuwing nagyayaya ang mga kasama—isang simpleng palusot para hindi na siya pilitin. At dahil kilala na siya ng lahat, alam nilang bihira, kung hindi man imposible, na makisama si Mira sa ganitong kasayahan.

Hindi naman sila sumusuko. Kahit tatlong buwan na siyang nagtatrabaho roon at kahit minsan hindi pa siya napapayag, patuloy pa rin silang nagbabakasakali. Umaasa sila na kahit isang beses man lang, makakasama nila si Mira sa simpleng meryenda o bonding.

Ngunit hanggang ngayon, nananatili pa rin siyang mailap—tahimik, abala sa trabaho, at palaging nasa sariling mundo. Dahil dito, napabansagan na siya ng mga katrabaho bilang “Intro-staff”—maikli para sa introvert staff. Isang bansag na may halong biro pero totoo rin sa mata ng lahat. 

“Aysss, ano ba ‘yan…” maktol ni Joy, sabay irap na may halong biro. “Okay, ikaw bahala. Pero sana minsan sumama ka rin.”

Tahimik lang si Mira at ngumiti nang tipid, pilit na itinatago ang tunay na dahilan. Hindi naman siya suplada—nagtitipid lang talaga. Nahihiya siyang makita ng mga katrabaho na ang baon niya ay simpleng tinapay lang, o kung minsan ay kanin na ang ulam ay itlog.

Sa loob-loob niya, gusto rin naman niyang makisama. Pero ayaw niyang maging tampulan ng tanong o, mas masakit pa, kaawaan. Kaya mas pinipili niyang magkunwaring abala sa trabaho, kahit minsan ay ramdam niyang may parte ng sarili niyang gusto ring sumama at tumawa kasama nila.

Pagkatapos niyang umiwas kay Joy at sa mga kasamahan, dumeretso si Mira sa paborito niyang tagpuan—isang lugar na siya lang ang nakakaalam. Sa likod ng hotel, may isang malaking puno na nagsisilbing silong at takbuhan niya tuwing gusto niyang mapag-isa. Doon, may isang lumang bench na tila nakalaan lang para sa kanya.

Tahimik siyang umupo, inilapag ang bag sa tabi at saka dahan-dahang inilabas ang chocolate na ibinigay ng client kanina. Ito ang magiging meryenda niya. Sa bawat kagat, ramdam niya ang tamis na kahit papaano’y bumabawas sa bigat ng araw.

Kukuyakoy pa siya habang ngumunguya ng chocolate, pinagmamasdan ang langit na unti-unti nang namumula dahil papalubog na ang araw. Sa ganitong mga sandali, pakiramdam ni Mira’y siya lang ang tao sa buong mundo—malayo sa ingay, malayo sa mga tanong, at malayo sa mga mata na baka maka-alam ng sikreto niyang simpleng baon.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • MR.CEO and ME   CHAPTER SIXTY-TWO

    THIRD PERSON:Hindi siya basta nakamasid lamang. Nakaalerto ang mga mata niya, para bang naghihintay ng kahit anong senyales na may kakaiba o hindi komportableng mangyari kay Mira. Sa una, akma na sana siyang lalapit, ngunit pinigilan niya ang sarili. Kusang huminto ang mga paa niya.'Hayaan mo muna siya.'Binibigyan niya si Mira ng pagkakataong mag-isa. Isang tahimik na pagsubok sa sarili niya kung kaya ba ng dalaga ang ganitong lugar nang mag-isa, nang walang kasama.Ilang minuto ang lumipas.Bahagyang napatingkad ang tingin ni Dominic nang makita niyang napapitlag si Mira nang may isang staff na lumapit sa dalaga. Hindi niya inalis ang mga mata rito, sinusukat ang bawat kilos, bawat reaksyon. Handa siyang pumasok anumang oras.Ngunit ngumiti lamang si Mira.Ngiting magaan at natural. Doon lang nakahugot ng mahabang hininga si Dominic, isang hiningang hindi niya namalayang kanina pa niya pinipigilan.Hanggang sa makapili na nga si Mira at papalabas na ito ng store. Akma na sanang l

  • MR.CEO and ME   CHAPTER SIXTY-ONE

    DOMINIC POV:Paulit-ulit pa ring bumabalik sa isipan ko ang nangyari kagabi.Kung paano ako tumitig lang sa kanya, kung paano malinaw na malinaw sa dibdib ko ang gusto kong sabihin…pero biglang nagkasundo ang bibig at boses ko na manahimik.Sa hangin ko tuloy inamin ang nararamdaman ko.Napahawak ako sa noo at mariing ipinikit ang mga mata."Damn this feeling!!""Torpe. Kaiinis!"Parang lalong sumasakit ang ulo ko sa sobrang inis.“Ahm… sir?”Napadilat ako at masamang tumingin sa pumasok.Si Felix.“What?!” halos maputol ang pasensya kong sagot.“Uhm… tungkol po sa parents ni Monica,” maingat na sabi nito. “Nag-check out na po sila kaninang umaga. Tumawag na lang po sila sa mommy niyo para magpaalam.”Bahagya lang akong tumango. "Buti naman kung ganon." Ibinalik ko ang atensyon ko sa laptop, nagkunwari na lang akong abala sa trabaho.Pero hindi pa rin umaalis ang kumag.“Si Monica naman po ay hindi pa rin umaalis.”“Hayaan mo lang siya, ume-stay.”“Pero, pagkakaalam ko po, sir, pinag

  • MR.CEO and ME   CHAPTER SIXTY

    THIRD PERSON:Hindi nga pumasok si Mira sa hotel dahil tinuloy nga ni Doña Celestine ang balak nitong mag all-around shopping kasama siya at higit sa lahat, kasama rin nila ang kanyang ina, si Aling Carmen.Sa una pa lamang, hindi na mapigilan ni Mira ang kabog ng dibdib. Hindi kabog na hindi kaba, kundi isang kakaibang uri ng saya na matagal na niyang hindi pa naramdaman. Isang damdaming kailangan niyang itago, dahil sa sandaling pakawalan niya ito, kasabay nitong guguho ang kanyang mga luha.Unang beses niyang makita ang kanyang ina na pumapasok sa mga mamahaling boutique.Unang beses niyang makita ang mga mata nitong kumikislap habang hinahaplos ang tela ng isang damit, na para bang bata na nakatagpo ng laruan.May kaunting hiya si Mira, oo.Alam niyang kung hindi dahil kay Doña Celestine, hindi sila naroroon.Hindi nila basta kayang pumasok sa mga ganong store.Ngunit sa tuwing lilingon siya sa kanyang ina, sa tuwing makikita niya ang malapad na ngiti ni Aling Carmen, napapawi ang

  • MR.CEO and ME   CHAPTER FIFTY-NINE

    THIRD PERSON:Kinabukasan sa hotel, puno parin ng bulung-bulungan at pag-alala ang lobby. Nasa isang sulok sina Joy, Rod, Marites, at Lisa.“Kahapon, di ko na nakita si Mira. Umuwi ba siya ng maaga?” tanong ni Lisa.Umiling si Joy. “Hindi siguro, kasi narinig ko sila Aling Marlyn at Sir Juluis na utos daw ni Sir Dominic na panatilihin na safety si Mira, dahil nga sa mga report kahapon, di siya makakalabas ng hotel sa raming naka abang kahapon, kaya malamang um-stay sa isang room ng hotel si Mira.”"Kamusta na kaya iyon?" singit naman ni Rod Napabuntong-hininga si Marites. “Hayss…Di pa siya dumadating ehh, ano oras na.""Grabe talaga ang nangyayari. Ang taong ayaw sa gulo at hindi dapat makaranas ng ganitong bagay… eh nararanasan pa ni Mira. Kawawa naman.” si Lisa na may pag lingon pa nga sa entrance lobby na para bang inaabangan ang pag dating ni Mira.Mabilis namang tumango si Joy. “Uhm… kaya siguro mabilis ang proteksyon ni Sir Dominic sa kanya dahil nga sa kondisyon ni Mira.”Nagl

  • MR.CEO and ME   CHAPTER FIFTY-EIGHT

    THIRD PERSON: Magkasabay na naglakad sina Doña Celestine, Mr. Lim, at Dominic papunta sa silid kung saan nagpapahinga si Mira. Tahimik lang si Dominic habang naglalakad, pero hindi niya parin mapigilan ng puso niyang bumilis ang tibok. Ang bawat hakbang niya papalapit kay Mira ay nagpapainit sa dibdib niya. Pagdating nila sa kwarto, binuksan niya ang pinto at tumambad agad si Mira na bahagyang bangon, tila nahihiya at aligagang salubungin sila. “Ma’am Celestine-” agad siyang tumayo para yumuko ngunit- Mas mabilis ang kilos ng ginang. Bigla nitong niyakap si Mira, mahigpit, parang ina. Isang yakap na hindi inaasahan ng sinuman… lalo na ni Mira. “Oh, dear… masyado ka atang na-stress ngayon,” sabi ni Doña Celestine, habang banayad na hinihimas ang likod ni Mira na parang pinapawi ang lahat ng bigat nito. Nanlaki ang mga mata ni Mira sa gulat, halos hindi makapagsalita. “O-okay lang po ako, Ma’am. Ako nga po itong-” “Ssshh. Stop.” Maamo ngunit matatag na putol ng gina

  • MR.CEO and ME   CHAPTER FIFTY-SEVEN

    THIRD PERSON:Nadatnan ni Cyrus si Monica sa pool area, na nakahiga sa chaise lounge, naka-two piece, sunglasses on pa kahit palubog na ang araw, at parang wala siyang kahit anong pakialam sa gulong ginawa niya sa buong araw.Relax na relax.Parang hindi trending sa social media.Parang walang pinahiya.At parang walang nilagay sa alanganin.Napailing si Cyrus, bahagyang naiinis.Kung ibang lalaki iyon, siguradong matutulala kay Monica.Hubog ng katawan, kutis na parang porselana, ganito ang dahilan kung bakit sikat siyang modelo.Pero ngayon?Wala na iyon sa taste ni Cyrus.Hindi na siya natuturn-on sa mga tulad ni Monica.Simula nang makilala niya si Mira… nagbago ang sentro ng mundo niya.Ang dating party boy, babaero, at walang pakialam?Ngayon, iisang babae lang ang laman ng utak niya.At si Mira iyon.Kaya ngayong alam niyang tinulak ni Monica ang dalaga sa video, kahit “accident daw,”hindi niya papalagpasin.Lumapit siya.Walang pasabi, walang ingay.Pagdating sa tabi ng chais

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status