FAZER LOGINDominic’s POVDahan-dahan kong inabot sa kanya ang hawak kong bulaklak.“Uhm… habang papunta ako dito, may nadaanan akong flower shop,” sabi ko, pilit na pinapakalma ang sarili. “Naisipan ko lang bumili… para sa magandang ngiti mo.”Pagkasabi ko noon, parang bigla kong na-realize kung gaano ka-OA ang tunog ng sinabi ko.Napakamot tuloy ako sa batok ko sa hiya.Sa harap ko, dahan-dahang kinuha ni Mira ang bulaklak.“Salamat po,” mahina niyang sabi.Sa sandaling iyon, biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Mr. Adrian kanina.“You’re lucky to have her.”Bahagya akong napangiti.“Ako dapat ang magpasalamat sa’yo.”Napakunot ang noo ni Mira habang nakatingin sa akin.“Po?”Bahagya lang akong napailing.“Wala… basta.”Sandali akong natahimik bago ko naalala ang dahilan kung bakit ako pumunta.“Nga pala,” sabi ko habang nakatingin sa kanya, “pwede ka bang pumasok muna bukas sa hotel?”"Sino po?"“May gustong kumausap sa’yo,” dagdag ko. “Isa sa mga mahalagang guest namin.”Kita sa mukha niy
THIRD PERSON:Matapos ang mahabang araw sa hotel, kung saan inasikaso nina Dominic ang pagdating at pag-welcome kay Mr. Adrian, halos gumabi na nang tuluyang matapos ang lahat ng gawain.At natuloy rin ang pag punta niya sa bahay nila Mira.Pagdating niya roon, napansin niyang may nakaupo sa beranda ng maliit na bahay. Tahimik itong nakatanaw sa kalsada, para bang may hinihintay.Nang makalapit siya ay saka niya nakilala ang nakaupo.Si Aling Carmen.“Magandang gabi po, Nanay Carmen,” magalang na bati ni Dominic.Bahagyang nagulat ang ginang at agad na napatingin sa kanya.“Sir Dominic?” gulat nitong sambit habang dahan-dahang tumatayo mula sa pagkakaupo nang mamukhaan ang binata.“Bukas po iyan, tuloy ka,” sabi pa ni Aling Carmen habang itinuro ang maliit na pinto ng bakod.Ngumiti si Dominic at agad na binuksan ang bakod bago pumasok sa loob ng bakuran.“Salamat po,” sagot niya.Napansin ni Aling Carmen ang dala ni Dominic na boque ng bulaklak at maliit na paper bag, at agad niyang
THIRD PERSON:Sa lobby ng Grand Aurelius Hotel , abala ang entourage ni Mr. Adrian Klaus Villanueva sa paglalabas ng kanilang mga maleta habang papunta sa main entrance.Isa-isa nilang itinutulak ang mga luggage cart patungo sa driveway kung saan naghihintay ang kanilang mga sasakyan.Napansin iyon ng isa sa mga manager ng hotel kaya agad itong nagmamadaling lumapit.“Please wait,” maingat nitong sabi.Bahagya itong yumuko.“We sincerely apologize for the inconvenience earlier, especially about the car incident involving Mr. Adrian. It was never our intention to cause him any trouble.”Ngunit nanatiling tahimik lamang ang mga assistant at stylist ni Adrian habang patuloy sa paglalakad.“Please… allow us to make it up to Mr. Adrian,” dagdag pa ng manager na halatang nag-aalala.Ngunit magalang lamang na tumango ang isa sa mga assistant.“I appreciate the apology, but Mr. Adrian has already made his decision.”Pagkatapos noon ay nagpatuloy na silang maglakad palabas ng hotel.Isa-isa si
THIRD PERSON:Samantala sa loob ng sasakyan, si Mr. Adrian Klaus Villanueva ay halatang hindi kontento sa paliwanag ng kausap. "Are you serious?!” sigaw niya sa cellphone habang kausap ang receptionist ng hotel."Did you even check the car properly before sending it to pick me up?! This is unacceptable!"Pilit niyang pinipigilan ang init ng galit, pero halata ang pagkairita sa kanyang tinig.“Alam mo, hindi ko gusto tong mga nangyayari! Ang init na dito my god!""Sorry po talaga Mr. Adrian." sagot ng receptionist sa kabilang linya at may kaba sa tinig.“Next time, siguraduhin mong maayos lahat bago ako ipadala sa pick-up, ha?” dagdag niya, halatang hindi pa rin mapakali, habang hawak ang cellphone at minamasdan ang paligid.Habang nag-uusap sa cellphone, napansin niya ang isang babae na lumapit sa driver.“Salamat,” mahinang sabi ng driver habang tinatanggap ang tubig, sabay haplos sa pawis na mukha.Hindi nagtagal, bumalik na rin ang babae sa loob ng restaurant, mabilis na lumakad n
THIRD PERSON:Mukha siyang kalmado, pero hindi maitago ang bahagyang ngiti sa kanyang mga labi habang nakatingin sa cellphone.Napapailing na lamang si Doña Celestine mula sa kinauupuan niya sa sofa habang pinagmamasdan ang anak.“Felix,” tawag niya, bahagyang ibinababa ang hawak na tablet.“Tingnan mo nga ang ngiti ng amo mo.”Lumapit si Felix at pasimpleng sumilip kay Dominic.Bahagya itong napangiwi bago napabuntong-hininga.“Iba po talaga nagagawa ng pag-ibig,” sabi niya habang umiiling.Lalo pang napangiti si Doña Celestine.“Hindi ba?” sagot niya na halatang aliw na aliw.Sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagsasawang tingnan ang mga litrato at video na nakunan kagabi.Mga kuha iyon nina Mira at Dominic habang nasa dinner date.Siya mismo ang may pakana noon.Sa sobrang excitement niyang malaman na may dinate ang anak niya, halos pilitin niya ang photographer ng hotel na siguraduhing may mga kuha ang dalawa.Pero agad din niya itong sinabihan na siguraduhing sa
THIRD PERSON:Kinabukasan, tulala si Mira habang nakaupo sa maliit na mesa sa kusina.Tahimik lang siyang nakatitig sa kanyang kamay, ang parehong kamay kung saan marahan itong hinawakan ni Dominic kagabi… at hinalikan.Para bang hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya ang malambot at mainit na labi ni Dominic sa balat niya.Hindi niya mapigilan ang bahagyang pagngiti.Paminsan-minsan ay hinahaplos pa niya ang likod ng kamay niya, parang sinusubukang tiyakin kung totoo nga ba ang nangyari kagabi at hindi lang bunga ng kanyang imahinasyon.“Anak…”Napakurap si Mira nang marinig ang boses ni Aling Carmen mula sa may kusina.Nakatayo ito roon habang naghahanda ng almusal, pero ang mga mata ay paminsan-minsang napapalingon sa kanya.Napapailing na lamang si Aling Carmen habang pinagmamasdan ang anak.“Meron ka bang dapat ikuwento sa akin?” tanong niya, kunwari’y kaswal lang ang tono. “Kung bakit late ka kagabi?”Bahagyang napatigil si Mira.Doon lamang niya napansin na kanina pa pala







