LOGINTHIRD PERSON;Nang matapos ang video, nanatiling tahimik ang buong silid.Wala pa ring may lakas ng loob na magsalita, hinayaan na lamang nila si Dominic ang mamuno sa katahimikan.Hanggang sa muling nagsalita si Dominic.Pero bawat salita ay may diin parin.“Dahil sa ginawa niya…” malamig niyang simula, nakatuon ang tingin sa harap, “dahil sa mga salitang binitawan niya… may taong nadamay na wala namang kasalanan.”Saglit siyang tumigil.Bahagyang tumigas ang panga.“Si Aling Carmen.”Napahigpit ang hawak niya sa kamay ni Mira.“Dahil sa stress… at sa emosyon… sa panggugulo niya, lumala ang kalagayan niya.” at doon mas bumigat ang boses niya.“Kaya ngayon… nasa Singapore siya.”Sandaling katahimikan.“Para sumailalim sa operasyon.”Napatingin ang ilan sa isa’t isa.Ramdam ang tensyon pero sa pagkakataong ito bahagyang nagbago ang tono ni Dominic.Mas kalmado na “At ito ang good news, Kanina tumawag si Mom.” dagdag niya.Saglit siyang tumingin kay Mira.“Tagumpay ang operasyon niya.”
THIRD PERSON'Pagbukas ng pinto, agad silang sinalubong ng sunod-sunod na ilaw ng camera.Mga bulungan.Mga tanong na sabay-sabay.“Mira! Totoo ba—”“Sir Dominic, ano ang relasyon n’yong dalawa”“Totoo ba Mira Santos na kumapit ka lang sa patalim?”"Totoo bang isa ka nga gold digger.Mga tanong na tila tumatarak sa pagkatao ni Mira ang bumabagabag sa kanya, dahilan upang lalo niyang higpitan ang kapit kay Dominic, parang nais na niyang magtago sa likod nito.Pero bago pa lumala ang ingay biglang tumigil si Dominic.Hindi niya binitawan ang kamay ni Mira.Sa halip mas hinigpitan pa niya.Isang senyales.Na hindi siya uurong.Dahan-dahan siyang humarap sa lahat.Kalmado ngunit matalim ang tingin at ramdam ang bigat ng presensya niya.“Enough.”Isang salita lang, pero sapat na para tumahimik ang buong silid.“Since all of you are already here,” diretsong sabi niya, malinaw ang bawat bigkas, “I’ll say this once, so listen carefully.”Bahagya niyang hinila si Mira na pilit tinatago ang sar
THIRD PERSON;Saglit na hindi nagsalita si Cyrus bago bahagyang lumingon kay Mira.“Huwag ka munang bumaba,” mariin pero kontrolado ang boses niya. “Just stay here.”Napatingin si Mira sa kanya, naguguluhan, pero wala na siyang lakas para magtanong pa.Tumango na lang siya.Saka naman bumaba si Cyrus ng sasakyan.At pagkasara ng pinto agad niyang inilabas ang cellphone.“Nasaan ka na?” malamig niyang tanong sa kausap sa kabilang linya. “Bilis.”Tahimik siya sandali, nakikinig.Bahagyang tumalim ang tingin niya sa paligid na para bang sinusuri muna kung ligtas ang lugar na iyon. “In the basement, don't worry ligtas siya dito.”Saka niya pinutol ang tawag.Ilang minuto lang ang lumipas may isa pang sasakyang mabilis na pumasok sa parking.Hindi pa tuluyang humihinto, bumukas na agad ang pinto.Bumaba si Dominic.Halos nagmamadali ang hakbang, matalim ang tingin habang hinahanap si Cyrus.Pagkakita sa kanya, diretso siyang lumapit.“Where is she?” mariin at puno ng tensyon ang tanong niy
MIRA'S POV:Nagtagpo ang mga mata namin ni Dominic.Tahimik walang nag salita.Pero parang ang daming gustong sabihin ng bawat titig naming dalawa.Hindi ko alam kung gaano katagal kaming ganoon, nakatingin lang sa isa’t isa, pero sa mga sandaling iyon, parang huminto ang mundo ko.Parang siya lang ang nakikita ko.At sa mga mata niya, parang may sagot sa lahat ng sakit na pilit kong kinakaya.“Dominic…” mahina kong tawag.Naputol ang sandaling katahimikan namin dalawa at napapitlag ako.“Ehemm!!” Si Sir Julius.Nakatayo sa may beranda nakataas pa ang kilay nito dating awrahan nto sa akin sa trabaho.“Sir Dominic, kasama niyo kami… baka nalilimutan niyo lang,” sabi niya, may pagkamataray pero hindi maitatago ang bahagyang pag-aalala nang makita niya akong halatang galing sa iyak.Napatingin ako sa likuran niya.Hindi lang pala silang dalawa kundi kasama din sina Joy, Lisa, Kuya Rod, Felix, at Marites.May mga bitbit na kung anu-ano.Mga kahon.Mga paper bags.Pizza.At kung ano-ano pa
THIRD PERSON:“Mira…” mahinang tawag niya, pilit pinapakalma ang boses.Pinunasan ni Mira ang luha niya, umiwas pa rin ng tingin.“Dominic… hindi ko alam kung kakayanin ko pang tanggapin iyang tulong niyo ni Ma'am Celestine-”“Makikinig ka muna sa akin,” mariin ngunit banayad na sabi niya.Natigilan si Mira at napatitig sa kanya.Saglit na katahimikan.Hanggang sa nagsalita ulit si Dominic.“Naasikaso na ni Mom ang lahat.”Nalilitong napatingin si Mira sa kanya.“A-ano?”Tumango si Dominic.“Ang flight, clearance, lahat ng kailangan para sa paglipat ni Aling Carmen… nakaayos na.”Sandaling hindi nakagalaw si Mira.Parang hindi agad nag-sink in sa kanya ang narinig.“Paparating na rin ang mga doktor na hahawak sa kanya,” dagdag pa ni Dominic, nanatiling seryoso parin ang tono. “Specialists sila na hindi basta-basta.”Napahawak si Mira sa dibdib niya.“Pero… Dominic…”Umiling siya agad, pinutol ang sasabihin nito.“Walang pero.”Mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ni Mira.“Hindi ito
THIRD PERSON:Pagdating nina Felix at Dominic sa ospital, agad nilang tinungo ang labas ng Emergency Room, yung hanay ng upuan kung saan naghihintay ang mga bantay ng pasyente.Doon niya natagpuan si Mira, basang-basa, nanginginig sa lamig, at halos ubos na ubos, parang anumang oras ay bibigay na, habang katabi si Aling Marlyn na marahang hinihimas ang likod nito, pilit siyang pinapakalma.“Si-Sir Dominic…” ngatal na tawag nito, pilit pang tumatayo kahit halatang nanghihina.“Anong—”Hindi na niya natuloy ang sasabihin.Mabilis na lumapit si Dominic,at hinubad ang suot niyang business coat at agad itong ipinasuot kay Mira.“Naabutan po kasi ako ng ulan sa labas…” mahina nitong paliwanag.Nanatiling tahimik lang si Dominic.Pero sa paraan ng pagtingin niya mabigat at puno ng hindi masabing galit at awa. Galit sa nangyayaring pilit sinisira ng publiko kay Mira. At awa, dahil alam niyang kahit gaano katatag si Mira, may mga laban na hindi kayang harapin nang mag-isa… at ngayon, kitang-k
DOMINIC POV: “Siya si Mira Santos,” sabi ni Felix, sabay upo sa gilid ng mesa at medyo nakakulot ang noo, parang proud na proud. “25 years old, 2nd year college lang ang natapos… naputol kasi nagkasakit ang nanay niya, si Aling Carmen. May problema siya sa puso, tanging sila lang mag-ina… wala na
THIRD PERSON:Biglang nagbago ang atmosphere ng lobby—tila ba lahat ng ingay ay naglaho. Ang bawat hakbang ni Dominic ay parang may sariling background music, bumabagal ang oras, at bawat empleyado ay napanganga na lang sa presensyang dumating. Hindi lang basta boss ang pumasok—kundi isang karakter
THIRD PERSON:“Hoy! Ngayon ang uwi ni Sir.” Mahinang bulong ni Liza habang abala sa pagpupunas ng mesa sa hallway. Sinisilip pa niya kung may ibang tao bago yumuko ulit, kunwari busy.“Oo nga, sinabi ni Sir Julius sa office. Kaya ayon, todo-utos na naman si Lola,” pag-irap pa ni Marites, sabay taas
THIRD PERSON:“Hi, sa Tita kong tampururot!” masiglang bati ni Cyrus pagkabukas ng pinto. Unang lumitaw ang ngisi niyang pilyo bago ang buong mukha. Parang walang pakialam na late na naman siya, samantalang si Donya Celestine ay nakaupo sa gilid ng sofa, naka-cross legs, at halatang inip na inip na







