Share

CHAPTER TEN

Penulis: Lanny Rodriguez
last update Tanggal publikasi: 2025-09-11 09:29:58
THIRD PERSON:

“Hoy! Ngayon ang uwi ni Sir.”

Mahinang bulong ni Liza habang abala sa pagpupunas ng mesa sa hallway. Sinisilip pa niya kung may ibang tao bago yumuko ulit, kunwari busy.

“Oo nga, sinabi ni Sir Julius sa office. Kaya ayon, todo-utos na naman si Lola,” pag-irap pa ni Marites, sabay taas ng kilay.“Hays, doble-kilos na naman tayo nito.” Dagdag pa ni Marites habang maingat na inaayos ang mga papeles sa tray.

Lola kasi ang bansag nila kay Julius, ang supervisor nilang bakla—kilalang ist
Lanny Rodriguez

“Ayieee! 😍 Mas kikiligin po ako sa suporta ninyo, mga ka-readers. 💕 Maraming salamat sa pag-abang, sana samahan niyo ako hanggang dulo ng kwento! 🥰 Abangan niyo sa next chapter… paano kung ang mismong gwapo at seryosong boss na si Sir Dominic ay makasalubong nila nang harap-harapan? 😳🔥 Kilig overload ‘to, promise! 💖”

| 13
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Rhea Joyce
Morw update
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • MR.CEO and ME   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY-ONE

    THIRD PERSON: Tahimik ang loob ng isang exclusive conference room sa pinakamagandang ospital sa lungsod.Hindi ito pangkaraniwang meeting. Ang mga nakaupo sa mesa ay mga kilalang doktor, mga espesyalista sa operasyon, internal medicine, at critical care. Halatang sanay sa mga kasong life and death.Ngunit sa harap nila, hindi simpleng tao ang kausap nila.Si Doña Celstine Villaruel Lim.Nakaupo siya nang diretso, elegante ang postura, ngunit ramdam ang bigat ng kanyang awtoridad. Isang simpleng galaw lamang ng kamay at ang marahang paglagitik ng kanyang mga kuko sa ibabaw ng mesa ay sapat na para patahimikin ang buong silid.“I want things to be very clear.” malamig pero matatag ang boses niya. “Si Aling Carmen ay hindi basta pasyente.”Nagkatinginan ang mga doktor.“Doc, pwede ba siyang ilipat sa mas kumpletong facility? Gusto ko ng full equipment, complete surgical support, ICU readiness, lahat.”Isang doktor ang nagsalita, ngunit maingat.“Doña Celstine, feasible po ito, pero kai

  • MR.CEO and ME   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY

    MIRA POV:Nananatiling nakatutok ang mga mata ko sa tsekeng inilapag ni Mr. Adrian sa harapan ko.Parang masyadong mabigat iyon para hawakan.Hindi dahil sa halaga kundi sa ibig sabihin nito.Dahan-dahan akong napatingin kay Dominic.Hindi ko alam kung bakit, pero parang sa kanya ko hinahanap ang sagot. Kung tama bang tanggapin iyon o hindi.Tahimik lang siya.Ngunit nang maramdaman niya ang tingin ko, marahan niyang hinawakan ang kamay ko, mahigpit at may mainit na pahiwatig.Saka siya bahagyang tumango. Isang simpleng pagsang-ayon, na para bang sinasabi niya na anuman ang piliin ko ay tama iyon.Napayuko ako.Hindi dahil ayaw ko kundi dahil nahihirapan akong tanggapin.Dahil laging ganito ang nararamdaman ko kapag pera na ang usapan.Noon pa man ayokong tumanggap ng pera na parang naaawa lang sila sa akin.Masakit iyon sa pride ko bilang anak.Mas gusto kong paghirapan ang lahat.“Hindi ko po… kailangan—” mahina kong tanggi, halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses.Ngunit na

  • MR.CEO and ME   CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY-NINE

    THIRD PERSON:Pumasok sina Mira kasama ang grupo sa meeting room.Sa loob, naroon na sina Mr. Adrian at Dominic.At sa sandaling magtama ang paningin nina Mira at Dominic parang huminto ang paligid sa pagitan nilang dalawa.Isang tingin lang.Ngunit may kung anong hindi maipaliwanag doon, parang may lungkot, pag-aalala, at pag-unawang tahimik na hindi kailangan ng salita.Napansin iyon ni Mr. Adrian.Agad siyang napangiti nang may pilyang aura.“Ehem,” pigil niyang tawa, sabay tingin kay Dominic. “Mr. Villaruel… tama na ‘yang titig mo kay Mira, baka matunaw na siya.”Biglang nag-iwas ng tingin si Dominic, halatang nahihiya.Habang si Mira naman ay bahagyang yumuko, pero kita pa rin ang pagod sa kanyang mukha.Isa-isa nilang inilapag ang mga dala nila sa mesa.Ngunit bago pa man magsimula ang usapan huminga nang malalim si Mr. Adrian at itinuro ang mga kahon sa harap nila.“Well,” mahinahon niyang sabi, “kaya ko kayo pinatawag ngayon… dahil ‘yang mga kahon na ‘yan, ibibigay ko na sa in

  • MR.CEO and ME   CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY-EIGHT

    THIRD PERSON:Habang unti-unting nilalamon ng gabi ang paligid, nangingibabaw ang nakakabinging katahimikan sa silid ni Aling Carmen. Tanging ang mahinang pag-ugong ng mga makina at marahang paghinga niya ang pumupuno sa katahimikan.Sa gilid ng kama nakaupo si Mira.Nakayuko, halos sumubsob ang noo sa gilid ng higaan habang mahigpit niyang hawak ang kamay ng kanyang ina, parang iyon na lang ang natitirang dahilan kung bakit siya nananatiling matatag.Hindi siya gumagalaw.Ayaw niyang kumalas.Takot siyang baka sa sandaling pakawalan niya ito… tuluyan na ring mawala ang init na kanyang pinanghahawakan.Sa sobrang pagod, sa walang tigil na pag-iyak. Sa mga takot at dasal na kinikimkim niya sa dibdib unti-unting nanghina ang kanyang katawan.Naging mabigat ang kanyang mga talukap.At sa gitna ng katahimikan dahan-dahan siyang nilamon ng antok.Hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog na nakayuko pa rin, nakahilig sa kama at mahigpit pa ring nakakapit sa kamay ni Aling Carmen, na para ban

  • MR.CEO and ME   CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY-SEVEN

    THIRD PERSON:Agad na umalis sina Mira at Dominic mula sa event.Wala nang paalam.Wala nang lingon pabalik kay Mr. Adrian.Sa sobrang kaba ni Mira, hindi na niya inisip ang ingay ng paligid, ang mga taong nasa event, o ang eleganteng gabi na iniwan nila.Ang nasa isip lang niya ang kanyang ina.Mabilis ang takbo ng sasakyan hanggang sa makarating sila sa ospital.Pagkababa pa lang ni Mira, agad siyang tumakbo sa loob, halos hindi na hinintay si Dominic.“Nay…!” sigaw ni Mira habang hinahanap ang kwarto.“Mira, hija…” agad siyang sinalubong ni Doña Celestine at niyakap nang mahigpit.“Ma’am Celestine…” sagot naman ni Mira, bahagyang nanginginig ang boses.Pagpasok niya sa loob, agad niyang nakita si Aling Carmen na nakahiga sa kama, namumutla, ngunit pilit na ngumingiti upang hindi mag-alala ang kanyang anak.”Agad siyang lumapit, hingal na hingal, nangingilid na ang luha.“Nay… mu–musta? Ayos lang ba kayo?” alalang tanong niya habang tinititigan ang mukha ng ina, tila hinahanap kung

  • MR.CEO and ME   CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY-SIX

    THIRD PERSON:Tanging ilaw mula sa telebisyon ang nagbibigay liwanag sa mukha nina Doña Celestine at Aling Carmen.Paulit-ulit na pinapatugtog ang video na ipinadala ni Felix ang mismong sandali kung saan rumampa si Mira sa runway.At sa bawat ulit hindi nagbabago ang reaksyon ni Doña Celestine.“My goodness… look at her…” bulalas niya, halos hindi makapaniwala habang nakatitig sa screen. “She’s absolutely stunning. Ang ganda-ganda ni Mira!”Napapailing siya, pero ang ngiti sa labi ay hindi matanggal.“Did you see that walk? The confidence… the grace… Diyos ko, parang ipinanganak talaga siya para sa runway!” dagdag pa niya, halos mapatayo sa sobrang tuwa.Muli niyang pinindot ang replay.“Alam mo ba, Carmen,” halos pabulong ngunit punong-puno ng paghanga ang tinig ni Doña Celestine, “ang lalaking kasama ni Mira? Isa lamang naman siyang pinakasikat na designer, may-ari ng mga fashion show sa iba’t ibang panig ng mundo.”Muling lumitaw si Mira sa gitna ng runway, habang magkahawak-kamay

  • MR.CEO and ME   CHAPTER THIRTY

    THIRD PERSON:“Bilang bahagi ng Hospitality Showcase, ipapakita natin sa VIP guests ang aming mga best-sellers—mula sa masasarap na appetizer, main courses, hanggang sa dessert. Sa ganitong paraan, hindi lang nila matitikman ang ganda ng hotel amenities, kundi pati ang culinary excellence na tanging

  • MR.CEO and ME   CHAPTER TWENTY-NINE

    THIRD PERSON:“Anak, nakakagulat naman ang amo mong iyon,” ani Aling Carmen habang papasok sila sa loob ng bahay. “Walang kaarte-arte, kahit halatang sanay siya sa marangyang buhay.”Napangiti si Mira at bahagyang tumango. “Sabi ko naman po sa inyo, Nay, mabait siya. Kahit noong una, paran masungit

  • MR.CEO and ME   CHAPTER TWENTY-EIGHT

    THIRD PERSON:Pagkatapos ng mahabang oras ng pamimili, dinala naman siya ni Doña Celestine sa isang mamahaling Italian restaurant. Sa unang tingin pa lang ni Mira sa loob, agad siyang napatigil—ang mga gintong chandelier na nakasabit, ang mamahaling carpet, at ang malalaking painting sa dingding ay

  • MR.CEO and ME   CHAPTER TWENTY-SEVEN

    THIRD PERSON:Nasa kabilang boutique na sila, ngunit halata pa rin ang bahagyang inis ng ginang. Agad namang nagbago ang kanyang mood nang mapansin niya ang magalang na pagbati at maayos na paglapit sa kanila. Sa sandaling iyon, pinaupo na sila ng mga staff, at ramdam ang maingat na pag-aasikaso sa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status