Share

CHAPTER 5

      "HOW LONG will take you to do that simple thing?" Halata ang inis sa tinig ni Liam na nakapwesto sa tabi ng pintuan, habang pinagmamasdan niya si Adalina sa pagpapalit ng mga punda at bedsheet ng kaniyang kama.

      Nakasimangot na panandaliang tumigil si Adalina sa ginagawa at tinignan si Liam.

    "Bakit ba kasi ang laki-laki ng kama mo? Hindi tuloy ako matapos-tapos here." Pagkatapos ay tila may naisipang sabihin. "Kung kayang sa iba mo na lang ipagawa ito?"

      Nagsalubong ang kilay ni Liam. "That's your work, Yna. Huwag mong ipapasa sa mga kasama mo ang trabahong nakaatang sa'yo," seryoso at ni walang bahid ng ngiting sabi ni Liam sa dalaga.

      Busangot na muling hinarap ni Adalina ang ginagawa. Gusto niyang mainis sa sarili ni simpleng paglalagay ng bedsheet ay hindi niya magawa, kung alam lang niyang mararanasan niya ito edi sana ay siya na ang nag-aayos nito noon sa silid niya.

     "Palitan mo rin ang mga kurtina," mamaya-maya pa ay sabi ni Liam.

      Agarang napabaling si Yna sa may bintana. Ang tataas ng mga 'yon at ang hahaba ng mga nakalagay na kurtina. Hirap na hirap na nga siya sa paglalagay ng letseng bedsheet, sa mga kurtina pa kaya?

     "After the curtains, punasan mo isa-isa ang mga books ko sa shelves," seryosong sabi pa ni Liam.

      Bigla dumiretso ng tayo si Yna at nameywang  habang inis na nakatitig kay Liam.

     "Bakit ang dami mong utos?" Asik niya sa binata.

    "Bakit ikaw ang dami mong reklamo?" Balik tanong naman ni Liam.

    Nagkatitigan sila at tila doon nagtuos.

    "Sulitin mo na ang pag-uutos sa akin! Dahil never ka ng magkakaroon ng ganitong kagandang personal maid kapag nag-resign na ako!"

     "Really? Well, thank you kung magr-resign ka na. But sad to say, hindi mo magagawa dahil ipapaalala ko lang sa'yo, naka advance ang sahod mo ng tatlong buwan!"

      Napakamot sa ulo si Yna. Totoo ang sinabi ni Liam, bumale na siya ng tatlong buwan dahil bumili siya ng mga mamahaling perfume, damit and kung anu-ano pa. Kaya kahit gustuhin man niya umalis dahil sa kauutos ng lalaking 'to ay hindi niya magagawa 'yon.

      "Doon muna ako sa library. I'll be back in an hour and by that time dapat tapos ka na rito."

      "An hour?!" Bulalas niyang hindi makapaniwala. "Hindi sapat ang oras na 'yon sa dami ng pinapaga- oy, teka! Kinakausap pa kita!" Tawag niya kay Liam na minaniobra na nito ang wheelchair at lumabas ng silid.

    Napapadyak sa frustration si Yna. Wala pa man siyang natatapos ay pagod na siya.

     "Yna!" Tawag ni Mirka sa labas ng pintuan, wari ay napadaan lamang ito at patungo sa isang silid dahil may mga dala itong mga nilabhan na.

    Tumakbo siya palapit sa babae.

    "Maari mo ba akong tulungan dito? I don't know what to do, ang daming utos ni Liam."

    Natawa si Mirka at umiling. "Marami rin akong trabaho, mestizang bangus. Kaya mo 'yan, ang easy lang nga ng mga ipinapagawa sa'yo."

     "Easy ba 'yon? Inuutusan akong magpalit ng kurtina, ang tataas!"

      Nagulat si Mirka. "Ipinapapalit niya? Kakapalit lang niyan at wala pang tatlong araw ang nakalipas, inutos niya kay Jamir."

      Natigilan si Adalina.

    "Nagtataka nga rin ako bakit pinapapalit niya ang bedsheet niya e kakapalit lang din halos niyan," pagpapatuloy pa ni Mirka.

      Naningkit ang mga mata ni Adalina. Gets na niya. Talagang pinapahirapan lang siya ni Liam sa mga gawain na alam nitong hindi siya sanay.

    "That monkey!" Gigil niyang bulong

    "O sige na at maiwan na kita, ilalagay ko pa ito sa kabilang silid. Bye, Yna! Enjoy!" May pang-aasar pa sa tinig ni Mirka bago umalis.

      Naiwan na walang choice ang dalaga at ginawa na lamang ang iniuutos ni Liam. Halata ang inis sa mukha niya habang ginagawa iyon. Siguro kung nasa Spain lang siya, ang sarap pa ng hilata niya sa kaniyang malaki at malambot na kama. Hindi niya kailangan bumangon ng maaga sana at magpakapagod katulad ng ginagawa niya ngayon.

      Napapadyak si Yna dahil sa inis. "Nakakatulog kaya ng mahusay ang mga magulang ko, knowing na narito ako sa Pilipinas at naghihirap?!" Madiin ngunit mahinang bulong niya. Patong-patong na ang inis niya sa mga ito.

Nang matapos sa ginagawa ay lumabas na siya sa silid ni Liam. Hindi niya sinunod ang utos ni Liam na punasan ang isa-isa ang mga librong nasa shelves. Nagpunas lang siya ng lima at umalis na.

     "Ang bilis mo, ah? Tapos ka na?" Bungad ni Mirka kay Yna nang magkita sila sa kusina.

    "Ako pa ba?," Aniya at umupo sa stool na nasa island counter.

"Gusto mo?" Alok ni Mirka sa kaniya habang hawak ang isang plato ng pritong saging.

Nalukot ang ilong niya. "No, thanks. I don't eat banana, I am not a monkey by the way," maarte niyang saad.

Natigilan naman si Janice sa isang sulok habang kumakain ng saging. "So, anong akala mo sa amin? Unggoy ganoon kasi kumakain kami ng saging?" Sawata nito.

Nagkibit ng balikat si Yna. "Wala akong sinasabi, ah," aniya na pigil ang tawa.

Si Mirka at Janice lang ang madalas niyang kausap sa hacienda sa ngayon. Si Majoy kasi ay mainit ang ulo sa kaniya, may mga ibang kasambahay pa naman kaso ay may sari-sariling group ang mga 'yon.

"Bullshit! Yna!"

Nagkatinginan silang tatlo nang marinig ang sigaw ni Liam.

"Si Sir Liam ba 'yon?" Kinakabahang sabi ni Mirka at napatingin kay Yna. "Ano na naman ang ginawa mo?"

Patay malisya lamang si Yna na tila hindi nan nakakaramdam ng kaba. "Ba't ako na naman?" She hissed.

"E, malamang ikaw ang tinatawag. Lumapit ka na roon," taboy ni Mirka sa kaniya.

"Tara samahan mo ako." Wala nang nagawa pa si Mirka nang hinila na siya ni Yna patungo sa second floor.

Nakita nila si Liam sa pinto ng silid nito. Madilim ang mukha at mas lalo pang dumilim nang makita si Yna.

"Look what have you done!" Salubong nito sa dalaga.

Napapangiwi si Mirka at hindi alam paano makakawala sa higpit ng kapit ni Yna sa kaniyang braso. Ayaw sana nitong madamay sa galit ni Liam.

"Ano na naman ba ang kasalanan ko?" Usisa ni Yna na pumasok sa silid ni Liam nang ituro ng lalaki ang loob. Isinama niya siyempre si Mirka.

"Loka ka, Yna. Baligtad ang kobre kama at pagkakalagay mo ng kurtina," bulong ni Mirka na napapangiwi.

"Hindi ko nga kasi alam, nagpapatulong kasi ako sa'yo kanina," balik bulong ni Yna sa babae na tila may paninisi pa nga sa tono nito.

"Tignan mo ang ginawa mo sa mga libro!" Muli ay ang tinig ni Liam na inis na inis. "Sinabi ko punasan mo, right?"

"Pinunasan ko naman..."

"Tama. Pinunasan mo lang naman ng basang basahan!"

"E, wala ka naman kasing sinabing bawal punasan ng basa."

Nasapo ni Liam ang noo dahil sa frustration.

"My God, Yna. Wala ka bang common sense or what?"

Hindi nakaimik si Yna, pero sa kaloob-looban niya ay naiinis siya sa binata. Buti nga e lima lang ang pinunasan niya, kung nagkataon pa lang lahat ay yari talaga siya.

      

      

   

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status