Pagkatapos magdesisyon na magpahinga na lang sa hotel, tinawagan ni Dwyn si Kevin para ipaayos ang hapunan nila.
“Bigay mo na rin ang room card mo. Kukunin ko ‘yung gamit mo sa kwarto mo,” mahinahong utos ni Dwyn habang inaayos ang kanyang cellphone.
Natauhan si Samantha at napakunot-noo. “Ha? Bakit mo kukunin ang mga damit ko?”
Tumitig si Dwyn sa kanya, tila hindi na magpapaligoy-ligoy. “Dito ka na matulog sa kwarto ko ngayong gabi. Para maalagaan kita.”
Napaatras si Samantha sa pagkakaupo niya sa couch, medyo gulat. “No way.”
Ngunit agad siyang tinapik ni Dwyn sa noo. “Ano bang iniisip mo? I booked two rooms in the suite. Separate. Okay?”
Sa huli, napabuntong-hininga na lang si Samantha at inabot ang kanyang room card. Mabuti na lang at hindi niya pa nabubuksan ang maleta mula kaninang umaga. Nandoon pa ang mga malinis niyang damit.
Binuhat ni Dwyn ang maleta at dinala ito sa master bedroom. Ilang sandali pa’y bumalik siya, at walang kaabog-abog na binuhat si Samantha papasok sa kwarto upang siya na mismo ang mag-ayos ng gamit niya.
Tahimik lang si Samantha habang kumukuha ng malinis na damit. Ang gusto lang niya ay makaligo agad at makatulog para hindi na siya masyadong binabantayan ni Dwyn.
Nasa labas lang si Dwyn, nakatayo’t nakasilip. Nang makita niyang patungo na si Samantha sa banyo, pumasok ulit ito at binuhat na naman siya. Mabuti na lang at inupo siya ni Dwyn sa maliit na upuan sa loob ng banyo.
“Tawagin mo lang ako kapag tapos ka na. I’ll be right outside,” bilin nito bago lumabas.
Nagpilit pa si Samantha. “Kaya ko naman... dahan-dahan lang.”
Ngunit ngumiti lang si Dwyn, puno ng biro ang mga mata. “Okay, I’ll let you walk by yourself… tomorrow.”
Napailing na lang si Samantha at mabilis na naligo. Pero habang nagbibihis, napansin niyang may kakaiba.
Nakasuot siya ngayon ng nightgown—hindi naman ito sexy, ngunit pambahay talaga. Simple at maluwag. Pero dahil alam niyang nandoon si Dwyn, parang bigla siyang nahiya.
Habang nakatitig siya sa salamin, narinig niyang kumatok si Dwyn sa pinto.
“Ready ka na ba?”
Nataranta siya at mabilis na sumagot, “Malapit na!”
Dahan-dahan niyang sinuot ang nightgown at lumabas na parang walang nangyari, tinatakpan ang kaba sa dibdib.
Nakahintay na si Dwyn sa may pintuan. Nang makita siyang lumalakad papalapit, agad itong lumapit para buhatin siya.
Pero mabilis na umilag si Samantha. “No need to carry me! Andiyan na yung kama. I can just hop my way there.”
Katatapos lang niyang maligo, kaya bahagyang mamula-mula pa ang kanyang pisngi. Mahigpit niyang hinawakan ang laylayan ng suot niyang damit—isang kilos na tila hindi niya kontrolado. Napansin ito ni Dwyn.
Lumapit si Dwyn, bahagyang yumuko, at bumulong, “Mahaba pala ‘tong damit mo…”
Napakunot-noo si Samantha, hindi agad na-gets.
Ngumiti si Dwyn, may kapilyuhan sa tono. “It’s definitely longer than that black one... the one na hindi man lang umabot sa tuhod.”
Sa isang iglap, parang sinilaban ang mukha ni Samantha sa hiya. Para siyang gustong sumigaw, pero napako sa kinatatayuan.
Natawa si Dwyn at ngumiti ng mas malalim. “Pero kahit naka-maikling skirt ka noon, you still dared to lean on me. Now you’re shy?”
At bago pa siya makapagsalita, marahan siyang nilapitan ni Dwyn, iniakbay ang isang kamay sa baywang niya, at buhat siya bigla.
“Wait—Dwyn!” Hindi na siya nakapalag.
Sabay silang bumagsak sa malambot na kama.
Sandaling natulala si Samantha, at nang mahimasmasan ay agad siyang pumalag.
“Hey! What are you doing?”
Nakatingin si Dwyn sa kanya, may bahid ng seryosong damdamin sa mata. “Sam… ganito rin ang posisyon natin nung gabing hinalikan mo ako.”
Namilog ang mata ni Samantha. “I was drunk! I didn’t even know what I was doing.”
Tumitig lang si Dwyn. “And now? You’re not drunk. Do you hate me for this?”
“I…” Hindi niya alam ang isasagot. Totoo, naguguluhan siya. Pero... hindi niya ito kinamumuhian.
Tila masaya sa sagot niyang bitin, hinaplos ni Dwyn ang pisngi niya gamit ang isang kamay. Sa kabilang kamay, marahan nitong tinapik-tapik ang labi ni Samantha, na para bang sinusubukang alalahanin ang tamis ng unang halik.
Bahagyang yumuko si Dwyn at lumapit ang kanyang mukha—hanggang sa...
Unti-unting napatid ang paghinga ni Samantha. Tuluyan siyang nadala sa ritmo ni Dwyn—pati ang kanyang atensyon, bumaba mula sa halik, papunta sa kamay nitong gumagapang sa kanyang dibdib…hanggang sa may nag-doorbell.
Napamulagat si Samantha. Mabilis siyang natauhan.
Tumigil si Dwyn, napabuntong-hininga, at dahan-dahang ibinaon ang mukha sa leeg ni Samantha, tila nadismaya.
Maya-maya’y hinalikan niya ang noo ni Samantha. “Let’s eat first.”
Muling binuhat ni Dwyn si Samantha at maingat siyang inilagay sa silya malapit sa dining table. Saka ito tumayo at binuksan ang pinto.
Tama nga. Si Kevin ang nandoon, dala ang pagkain.
Tahimik lang na kinuha ni Dwyn ang lunchbox mula kay Kevin, sabay utos, “Book us a high-speed train tomorrow morning.”
Sabay sara ng pinto, walang pasintabi.
Napatingin na lang si Kevin sa pintuang isinara sa harap niya. Gusto niyang sumigaw: "Alam ko na masyado marami... mabubuhay pa ba ako bukas?"
***
Pagkatapos ng hapunan, sinamantala ni Samantha ang pagkakataong naliligo si Dwyn. Dali-dali siyang tumalon pabalik sa guest room, isinara ang pinto, at ini-lock.
Ayaw na niyang madala ulit sa mga “banayad” na panlilinlang ni Dwyn.
Nang makita ni Dwyn na nakasara at naka-lock na ang pinto, natawa na lang siya. Napailing habang nakangiti.
“Talaga naman… torture ‘to.”
***
Kinabukasan, habang papunta na sila sa istasyon, hindi na siya binuhat ni Dwyn. Sa halip, kumuha ito ng wheelchair at maingat siyang isinakay. Siya na mismo ang nagtulak nito papunta sa sasakyan.
Pagbalik nila sa City, pinayuhan ni Dwyn si Samantha na magpahinga pa ng ilang araw. Pero sa kabila ng kanyang alok, dalawang araw lang ang kinuha nitong bakasyon.
Pagkahatid niya kay Samantha sa bahay, dumiretso na si Dwyn sa opisina.
Wala pang isang oras mula nang makarating si Samantha sa bahay ay tumunog na ang kanyang cellphone. Napakunot-noo siya nang makita kung sino ang tumatawag.
"Ariane?" sagot niya, medyo naguguluhan. "Nagpakabit ka ba ng CCTV sa bahay ko? Kasi kaka-uwi ko lang, tapos tumawag ka kaagad," biro niya habang humihiga sa sofa.
Tumawa si Ariane. "Eh kasi naman, we’re spiritually connected!"
"Seriously though, what brings you to me on a Monday? Don’t you usually get buried in reports by this time?"
"I have a surprise!" tugon ni Ariane, puno ng excitement ang boses. "Nandito si Theo! Business trip lang siya dito sa Makati. He wants us to meet tonight!"
Napabangon si Samantha. Matagal na rin kasi mula nang huli nilang makasama si Theo. Sobrang bihira silang makapagkita dahil sa kanya-kanyang abala sa trabaho.
"Talaga? Okay, game ako. Pero ikaw ang susundo sa’kin mamaya..." Bahagyang lumungkot ang tono niya. "Medyo masakit pa rin ‘yung paa ko. Nahihirapan pa akong maglakad."
Nag-alala agad si Ariane. "Ha? Grabe naman. Dinala mo na ba sa ospital?"
"Oo, nagpapatingin na ako. Sabi ng doctor, minor sprain lang daw. Kailangan ko lang magpahinga at iwasan muna ang paglalakad."
Bahagyang gumaan ang loob ni Ariane sa narinig. "Sige, susunduin kita after work. Stay home and wait for me, okay?"
***
Maghapong nakahiga lang si Samantha sa kama, nagpapahinga. Ipinangako ni Dwyn na dadalhan siya ng hapunan, pero maaga pa lang ay tinanggihan na niya ito at sinabing may lakad sila ni Ariane.
Nang makita ni Dwyn ang mensahe, ilang minuto niya lang itong tinitigan. Tahimik. Sa huli, nagdesisyon siyang i-clear ang schedule niya sa gabi.
Dumating si Ariane bandang alas-sais ng gabi. Si Theo mismo ang nag-drive papunta sa bahay ni Samantha.
Dahan-dahang inalalayan ni Ariane si Samantha palabas ng bahay. Sa labas ng kotse, nakatayo na si Theo, mataas at maayos ang postura. Kahit medyo kaswal na — nakabukas na ang kaniyang kurbata — nandoon pa rin ang karisma at propesyonal na tindig sa suot niyang puting polo at dark slacks.
“Theo, grabe ka pa rin... bakit parang hindi ka tumatanda? Ang guwapo mo pa rin,” biro ni Samantha habang pilit pinapawi ang hiya’t excitement.
Napangiti si Theo. Na-miss niya ang energy nina Ariane at Samantha. Matagal-tagal na rin mula nang huli silang magkita.
“More than half a year na siguro simula nung huli tayong nagkita,” sambit niya habang inaakay si Samantha. “Ano’ng nangyari sa paa mo?”
“Na-twist lang. Hindi naman malala,” sagot ni Samantha habang papalapit sila sa sasakyan. Binuksan ni Theo ang pinto para sa kanila.
Napagdesisyunan ng tatlo na sa Huamao na lang kumain. May wheelchair sa mall, kaya hindi na kailangang mabinat si Samantha.
***
Sa kabilang dako, si Dwyn ay dumiretso sa unit ni Samantha pagkagaling sa opisina. Agad siyang pumunta sa ika-labindalawang palapag at pinindot ang doorbell.
Walang sumagot.
Tumitig siya sa pintuan. Tahimik. Doon lang niya napagtanto na hindi pala ito palusot ni Samantha. Totoo ngang lumabas siya kahit masakit ang paa.
Napasandal si Dwyn sa pader, mariing pumikit.
“You really went out like this, Samantha?”
***
Bandang alas-diyes na ng gabi, isang sasakyan ang huminto sa tapat ng gusali. Bumaba si Theo mula sa driver's seat at binuksan ang pintuan sa likod.
Maingat niyang inalalayan si Samantha palabas. Hawak nito ang isang braso niya habang inaasikaso ang bawat hakbang.
Pagkatapos, bumalik si Theo sa passenger seat at kinuha ang dalawang stuffed toys.
“Oh, ‘wag mo kalimutan ‘tong mga to. Mahirap manalo ng claw machine, ha. At least nakabawi ako sa inyo ni Ariane.”
Ang tinig ni Theo ay tulad ng kanyang pangalan — banayad, malinaw, at nakakagaan ng loob.
Tumawa si Samantha, genuine ang ngiti. “You definitely practiced. Ang laki ng improvement mo. Dati, zero ka.”
Sa di kalayuan, nakaupo si Dwyn sa loob ng kanyang sasakyan, tahimik na pinagmamasdan ang eksena. Lalo na ang masayang mukha ni Samantha — isang ngiti na matagal na rin niyang hindi nakita.
Unti-unting nagdilim ang ekspresyon niya. Isang matang puno ng tensyon at selos ang nanonood mula sa dilim.
Pagkatapos ng maikling usapan, hindi na nagpahatid pa si Samantha paakyat. Pinanood lang siya ni Theo hanggang makapasok ito sa elevator. Nang sumara ang pinto, saka lang siya bumalik sa sasakyan.
Samantala, nabigla si Dwyn sa sarili nang mapatayo siya sa loob ng kotse. Papunta na sana siya sa unit ni Samantha upang harapin ito, pero bigla siyang natigilan. May naalala siyang mahalagang bagay, kaya sa halip na pumasok, tumalikod siya at lumabas ng compound.
Pagbalik sa bahay, inilagay ni Samantha ang stuffed toy sa tabi ng kanyang kama. Medyo nanakit na ulit ang kanyang paa, kaya dumiretso na siyang naligo at nagpahinga.
Habang nakahiga, bahagya siyang ngumiti habang nakatitig sa kisame.
Hindi niya alam kung dahil sa pagod o sa mga alaala ng gabi, pero mabilis siyang nakatulog, ni hindi na nakapag-reply kay Dwyn.
Matapos mag-isip sandali, diretsong tinawagan ni Samantha si Dwyn. Mabilis namang sinagot ang tawag."Tapos ka na kumain?" tanong agad ni Dwyn sa kabilang linya."Oo," sagot ni Samantha habang nakatayo sa gilid ng kalsada, inaapakan ang maliliit na batong nasa paanan niya.Pagkababa ng tawag, agad tumayo si Dwyn mula sa kanyang kinauupuan. Wala siyang pakialam sa mga kaibigang abalang kumakain sa mesa."May aasikasuhin lang ako, mauna na ako. Ako na rin bahala sa bayad," sabi niya habang inaabot ang wallet."Hoy, ano ba? Bihira ka na nga sumama, aalis ka pa sa kalagitnaan!" reklamo ni Shawn. Napapailing na lang siya. Grabe to, kung makasama ng girlfriend parang asawa na agad!Paglabas ni Dwyn sa restaurant, agad niyang natanaw si Samantha sa kalsada. Nilapitan niya ito at agad hinawakan ang kamay."Hoy, ang daming tao, wag mo akong hawakan!" gulat ni Samantha."Takot ka ba?" balik ni Dwyn habang tumingin sa paligid, dahilan para mapaatras si Samantha."Delikado ‘pag may makakilala sa
Habang naglalakad sila, pilit naghahanap si Samantha ng topic para sa usapan.“Ang daming lumapit kay Mr. Sebastian kanina. May nangyari ba?” tanong niya. Hindi niya namalayang naalala niya ang mga tagpo habang sila’y papunta roon. May ilang urban village sa paligid ng ospital, at maayos naman ang kapaligiran. Ang problema lang, iisa lang ang kalsadang papunta roon kaya medyo mahirap ang biyahe, lalo na kung pabalik.Maingat na nagsalita si Samantha, “Sir… magpapagawa po ba kayo ng bagong daan?”Napangiti si Ryan. “Ang talino talaga ni Ms. Gallego. Ganun na nga, may mga bahay lang sa gilid ng kalsada na kailangang gibain. Hindi pa kasi tapos ang kasunduan, at ngayon pa talaga nagkita sila ni Mr. Sebastian.”Habang nagsasalita siya, dumating na sila sa harap ng operating room. Agad na lumapit ang pamilya ng buntis nang makita ang kanilang tagapagligtas. Hindi komportable si Samantha sa sobrang pasasalamat ng mga ito, kaya paulit-ulit siyang nagsabi ng, “Naku, huwag po, okay lang po ta
Pagkatapos kumain, ni-reheat pa ni Dwyn ang mga ulam bago sila nagsimulang kumain. Habang kumakain, siya pa mismo ang naglalagay ng pagkain sa plato ni Samantha, sinisigurado niyang busog ito bago siya paalisin.Pagkatapos ng hapunan, nag-ayos na ng gamit si Samantha para umuwi, pero ayaw siyang paalisin ni Dwyn.“Dito ka na matulog. I’ve already prepared everything you might need ,toiletries, clothes, even your favorite brand of tea,” sabi ni Dwyn, may konting panunuyo sa boses. “Very impressive talaga ang foresight mo,” sagot ni Samantha habang nakakunot ang noo at ginawang X ang mga braso sa harap ng dibdib. “Pero gusto ko ng civilized relationship. No live-in, please!”Alam ni Dwyn na hindi pwedeng pilitin si Samantha. Ayaw rin niyang magalit ito, kaya wala siyang nagawa kundi kunin ang susi ng kotse at ihatid siya pauwi.Pagbaba sa tapat ng condo ni Samantha, naalala nitong may kailangan siyang i-report kay Dwyn.“I’ll be visiting a private hospital in the suburbs tomorrow. Si Ari
Buong umaga ay abala si Samantha sa pagtawag sa iba't ibang ospital sa lungsod, sinusubukang makipag-collaborate para makakuha ng access sa kanilang database ng medical records.Pero karamihan sa mga ospital ay hindi interesado. Naniniwala silang hindi pa practical ang medical robot industry ngayon ,isa raw itong produkto na mukhang walang silbi sa kasalukuyan.Tanghali na at halos lahat ng tao ay kumakain na. Hindi na rin nagplano si Samantha na maghintay pa, kaya’t kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Ariane.“Has the beautiful girl eaten yet?” tanong niya, pabirong tono.“I was just about to go to the cafeteria. Bakit, anong meron at biglang nagparamdam ka?” sagot ni Ariane sa kabilang linya.“Let’s go out to eat. How about that Grill’s restaurant na gusto mong puntahan dati?”“Okay, I’ve been craving it for days! Kita tayo dun, ha.”Masaya si Samantha. Kinuha niya ang bag at tumayo, pero saktong lumabas si Dwyn mula sa opisina. Napansin ng lalaki na paalis si Samantha kaya’t
Akala ni Samantha, ang nanay ni Dwyn ay seryoso at mahigpit na matandang ginang. Base kasi sa ugali ng lalaki — tahimik, madalas walang emosyon — inakala niyang galing ito sa pamilyang mahigpit at tradisyonal.Pero laking gulat niya nang makaharap si Dina — masayahin, kwela, at parang barkada lang kung kumilos. Biglang nabawasan ang kaba ni Samantha. Kanina’y inisip pa niyang baka hindi siya makakain nang maayos dahil sa nerbiyos, pero kabaligtaran ang nangyari. Nakahanap pa siya ng ka-vibes sa pagkain.Habang kumakain, panay ang abot ni Dwyn ng pagkain kay Samantha — tahimik, pero maalaga. Napansin naman iyon ng ina niya at binigyan siya ng makahulugang tingin.Ngumiti si Dina nang may biro, pero hindi na lang pinansin ni Dwyn. Si Christine naman, na buong meal ay walang ibang ginawa kundi mag-observe, ay tahimik na nagpipigil ng emosyon. Hindi ko pa siya nakitang ganyan ka-sweet… Pilit man niyang ngumiti at sumabay sa kwentuhan, hindi na niya malasahan ang kinakain.Pagkatapos ng
Nasa malalim na pag-iisip si Samantha habang nasa loob ng sasakyan nang biglang hawakan ni Dwyn ang kamay niya at ipinatong iyon sa hita nito. Nagulat siya. Agad siyang napatingin sa driver na seryosong nagmamaneho, saka muling tumingin kay Dwyn at sinamaan ito ng tingin.Ngumiti lang si Dwyn at marahang pinisil ang kamay niya—tila pampakalma. Pero gamit ang kabilang kamay, kinuha nito ang cellphone at nagsimulang mag-type nang kalmado. Ilang saglit lang, tumunog ang phone ni Samantha. May natanggap siyang message.“Just paid Kevin and the driver’s wages.”Napakunot-noo si Samantha. Anong ibig sabihin no’n?Napatingin siya kay Dwyn, halatang may tanong sa mga mata. Muling nag-type si Dwyn.“I didn’t know you were working overtime the night before the holiday. Kevin and the driver reminded me.”Napalingon ulit si Samantha sa driver. Ah… kaya pala. So, sinasabi niya na alam na ng driver ang lahat kaya wala nang dapat ikahiya?Talagang magaling si Dwyn. Marunong sa timing, magaling magb