LOGINThank you sa inyong lahat! Muah!
Amaya Shannel Week had passed "NICK!" Halos mapatalon ako sa gulat nang paglabas ko ng banyo ay nasa loob na siya ng bahay ko. "A-Anong ginagawa mo rito? A-At paano ka nakapasok?" Nagkandautal-utal ang boses ko dahil sa nerbiyos. Bakit hindi? Kagagaling ko lang sa banyo dahil naligo ako. Tanging tuwalya lang ang nakatakip sa katawan ko. Humigpit ang hawak ko sa tuwalya nang makita ko ang kakaibang kislap sa mga mata niya nang magkatinginan kami. "A-Ano bang ginagawa mo rito? P-Paano ka nakapasok?" Gulat na gulat talaga ako. Isang linggo ko siyang hindi nakita sa opisina at dito sa bahay ko. Noong pumunta siya ng Manila last week para sa hearing, hindi na siya bumalik. Ngayon lang ulit. At hindi ko inaasahan na magkikita kami ulit sa ganitong ayos ko. Wala akong kahit anong suot sa loob ng tuwalya. "P-Paano ka ba nakapasok dito? H-Hindi ka ba marunong kumatok?" "Paano ako nakapasok?" Nagtaka ako dahil may bahid ng inis ang tono niya. "Nakapasok ako dahil iniwan
Amaya Shannel NAPAPAILING NA NAPAPANGITI na lamang ako habang nakatingin sa mga bulaklak na nakapatong sa table ko. Ang lalaking 'yon talaga. Sinabi nang tigilan na 'tong paglalagay ng bulaklak sa table ko. Hindi pa rin talaga tumitigil. Sa loob-loob ko, saka kinuha ang mga bulaklak. Eksaktong dumating si Wella, kasunod si Lia. Parehong natuon ang tingin nila sa mga bulaklak na hawak ko. "Every morning na lang talaga?" Si Lia na sa mga bulaklak pa rin nakatuon ang pansin. "Nahihiwagaan na talaga kami sa mga bulaklak na iyan." Komento ni Wella. "True. Bukod sa hindi basta-bastang bulaklak lang, napaka-consistent din. Araw-araw talaga may pa-flowers sa 'yo? Sino ba iyang secret admirer mo na iyan, Aya, ha?" Segundang komento ni Lia at kinuha sa akin ang mga bulaklak. "Have a good day, gorgeous. A.N." Malakas na binasa ni Lia ang nakalagay sa card. "A.N?" Sambit ni Wella sa initial na nakalagay sa card. Nagkatinginan sila ni Lia at tila parehong nag-isip kung
Amaya Shannel Wala pa rin itong imik kaya nagpatuloy ako. "Ayokong paasahin ka, Nick. Sabi mo nga, matanda ka na kaya kung ako sa 'yo sa iba mo na lang ibaling ang pagmamahal na sinasabi mo. Iba na lang. Huwag na ako." Nakita ko pagdaan ng lungkot sa mga mata niya. Ngunit sandali lamang iyon at muling ngumiti. "Ikaw na yata ang pinaka-honest na taong nakilala ko. Kahit alam mong masasaktan ako sa pagiging prangka mo, ginawa mo pa rin. Sinabi mo pa rin. And thank you for that." "Dahil ayokong paasahin ka. Ayokong gawin sa 'yo ang bagay na naranasan ko na. It's not easy. Hindi madaling tanggapin na iyong taong minahal mo ay paaasahin ka lang sa huli at iiwan sa ere. Masakit iyon. At ayokong gawin sa 'yo iyon kaya ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa 'yo na hindi ko pa kaya. Hindi ko rin sigurado kung darating pa ang araw na magiging kaya ko nang magmahal ulit." Habang sinasabi iyon, ramdam ko ang unti-unting paggaan ng dibdib ko. "I truly appreciate you, Nick. Pero hanggan
Amaya Shannel "Sa tingin mo ba papayag ako na gano'n-gano'n na lang? Pagkatapos mo 'kong tikman, mawawala ka na lang nang parang bula? Paano naman ako?" Hinampo niyang litanya, pero halatang nang-aasar lang. Inirapan ko siya at alistong itinukod ang mga kamay sa dibdib niya nang tangkaing idiin ang sarili sa akin. "Tumigil ka nga, Nick. Huwag mo 'kong artehan na para bang may nawala sa 'yo. Lalaki ka." Pumalatak ito. "Iyan ang mahirap sa inyong mga babae, eh. Porke kayo ang babae, akala n'yo ay okay lang sa amin iyon? Na lalaki naman kami kaya kahit magpakasasa kayo sa amin ay okay lang? Anong tingin mo sa akin? Kaladkaring lalaki na papatol sa kung sino-sino lang?" Napamaang ako sa kaniya. Hindi ako makapaniwala na siya pa ang may ganang magsalita nang gano'n. Na para bang siya ang luging-lugi sa nangyari sa amin. Na para bang siya ang virgin sa mga pinagsasasabi niya. "Puwede ba, Nick, huwag mo 'kong artehan na para bang totoong nalugi ka at malaki ang nawala sa 'y
Amaya Shannel AT DAHIL SA BIGLANG pagsulpot ni Nicholas sa kumpanya, hindi tuloy ako makapag-concentrate sa ginagawa ko. Kaya natapos at natapos ang buong maghapon, wala na akong nagawa. Hanggang sa mag-uwian na ang mga empleyado. Laking pasalamat ko na nakauwi at nakauwi ako sa bahay na inuupuahan ko ay hindi ko na nakita pa si Nicholas sa kumpanya. Dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung paano siya pakikiharapan. Dahil aminin ko man o hindi, hanggang ngayon ay hiyang-hiya pa rin ako dahil sa pinaggagawa ko nang gabing iyon. Kapag naiisip ko kung gaano ako kaharot nang gabing 'yon, parang hindi ko makilala ang sarili ko. Nahihiya ako. Mas lamang ang hiyang nararamdaman ko kaysa sa galit na dapat ay maramdaman ko sa kaniya dahil sa panloloko niya sa akin. Nasa bahay na ako, pero laman pa rin ng isip ko kung paano ko naging boss si Nicholas sa Realty Group na iyon. At para masagot ang tanong sa isip ko, tinawagan ko si Patricia. Gusto kong matiyak na hindi na naman niya ak
Amaya Shannel "She's here? As in here?" Tila hindi makapaniwalang tanong ni Rachel. "Yes, she's here." Hindi ko na maipaliwanag ang kab0g ng dibdib ko. Lalo na nang sabay-sabay na lumingon sa akin ang mga kasama ko. Lahat sila, nagtatanong ang mga matang nakatingin sa akin. Shít! Umiling-iling ako. Kumunot ang noo ni Agatha at nagtanong rin kay Nicholas kung sigurado itong nandito ang asawa nito. "Yes, she's here." Sabay-sabay na iginala ng mga ito ang tingin sa paligid. Sa kabuuan ng silid. At nang makitang wala ng ibang taong naroon sa malaking opisina na iyon kundi kami ay muling ibinalik ang tingin kay Nicholas na ngiting-ngiti. Na para bang aliw na aliw sa mga hitsura ng mga kasama ko. "Sir, are you sure? She's here?" Hindi nakatiis na muling paniniyak ni Agatha. "Kung nandito siya, sino po? E, kaming limang girls lang po ang narito." Nang mga sandaling iyon, gusto ko nang patayin sa sama ng tingin si Nicholas. "Oo nga po, Sir. Kung nandito siya, sin







