MasukSalamuch
Umiling-iling ang Don. "Huwag ka nang magsinungaling dahil lalo lang akong nasusuklam sa 'yo, Dad!" Napaiyak na lang si Donya Martina dahil sa pag-aaway ng mag-ama niya. "Masuklam ka na, pero wala akong aaminin. Wala akong alam diyan sa sinasabi mo, Nicholas. At oo, aaminin ko na ayoko kay Aya para sa 'yo. Hindi ko siya gusto para maging asawa mo, aminado ako sa bagay na iyan. Pero kahit patayin mo ako ngayon ay hinding-hindi ko aaminin ang ibinibintang mo dahil hindi ko frename-up si Aya." "Talagang paninindigan mo iyang kasinungalingan mo, Dad? Ano bang akala mo, na mapapaikot mo na naman ako?" Umiling-iling si Nick. "Not ever again, Dad. Nakausap ko ang kapatid ni Aya, nalaman ko ang ginawa mo. Pinuntahan mo si Aya sa bahay nila at nagdala ka ng mga larawan ko kasama si Eunice, hindi ba?" Natameme si Don Fausto. "Sinubukan mo siyang bayaran ng pera para iwan ako, 'di ba? Dahil akala mo, lahat ng tao, mukhang pera. Pero nang hindi ka nagtagumpay, naglabas ka ng
Nagkatinginan sina Liam at Miguel dahil sa pahayag na iyon ni Nick. "Mababaliw yata ako kapag nawala nang tuluyan sa akin ang mag-ina ko." "Iyon naman pala, eh. Ano pang hinihintay mo, simulan mo nang hanapin ang asawa mo." "I will." Sagot ni Nick, bago binalingan si Miguel. "Huwag na huwag mo silang hahayaang makatakas, please? Hindi pa ako tapos sa kanila." "Don't worry, ako na ang bahala sa mga ito. Hangga't walang order mula sa 'yo, dito lang sila sa poder ko." Pangako ni Miguel. "Salamat. I have to go. Kailangan ko nang hanapin si Aya bago pa ako maunahan ng pamilya niya." "Sige lang. Kapag kailangan mo ang tulong ko, just give me a call, Pare. Alam mong isang tawag mo lang, kikilos ako." Ilang beses pang nagpasalamat si Nick kay Miguel bago sila tuluyang umalis ni Liam sa lugar na iyon. Bumalik ang magpinsan sa mansyon ng mga San Martin. PAGHIMPIL pa lamang ng sasakyan ay kaagad nang bumaba si Nick. Patakbo itong pumasok sa loob ng mansyon at hinanap
NAGKAKATINGINAN na lamang sina Liam at Miguel habang naririnig ang malutong na pagmumura ni Nick. Sigaw ito nang sigaw sa sobrang galit sa ama. Hinayaan nila ito na mailabas ang galit sa dibdib. "Fvck you, Dad! Fvck you!" Pinagsusuntok ni Nick ang pader. Hindi na nakatiis si Miguel, nilapitan niya ang kaibigan para awatin na ito dahil sinasaktan na maging ang sarili. "Pare, that's enoug-- Nick!" Napasinghap si Miguel nang biglang hugutin ni Nick ang baril sa tagiliran niya at ikinasa. "Anong gagawin mo?" "Papatayin ko ang dalawang iyan!" Sigaw ni Nick sabay tutok ng baril kay Anthony. Akala ni Liam at Miguel ay nagbibiro si Nick sa sinabi. Ngunit parehong nanlaki ang mga mata nila nang umalingawngaw ang dalawang sunod na putok ng baril. Napanganga si Miguel nang makita ang dalawang tuhod ni Anthony na parehong may tama. Binaril ni Nick sa magkabilang tuhod ang lalaki. "Nick, no!" Patakbong nilapitan ni Liam ang pinsan nang muli nitong asentahin si Anthony. Th
Habang nakikinig si Nick kay Joana, wala ng paglagyan ang guilt na nararamdaman niya sa ginawa sa sariling asawa. Punong-puno ng pagsisisi ang puso niya dahil sa ginawa sa kan'yang mag-ina. "Kung alam lang namin na nasasaktan mo lang din siya, sana hindi na namin siya kinumbinsi noon na iba ka. Na hindi ka kagaya ni Anthony. Kasi sa ginawa mo, mas masahol ka pa. Wala kayong pinagkaiba. Hindi porke mabait si Ate, paulit-ulit n'yong sasaktan at aabusuhin. Mga gago kayo!" Dinibdiban ni Joana si Nick. "Ipagdasal mo na lang na walang ginawang masama sa kanya ang tatay mo dahil kapag sinaktan niya ang ate ko, humanda kayong lahat! Wala akong pakialam kahit kayo pa ang pinakamayamang tao sa mundo! Oras na malaman kong may ginawa sa kan'ya ang tatay mo, isusumpa ko kayo!" "Joana..." Naninikip ang dibdib na hinayaan lang ni Nick si Joana na saktan siya. Kahit nang dumapo ang palad nito sa mukha ni Nick, hinayaan lang niya.
"SANDALI!" Nagulat si Nick nang biglang hilahin ni Joana ang braso niya nang pasakay na siya ng kotse. Maging si Liam ay nagulat sa ginawa nito. "Joana--""Anong ibig mong sabihin na you need to find her? Ibig mong sabihin wala sa poder mo si Ate Aya? Na hindi kayo magkasama?" Hindi kaagad nakahuma si Nick. "K-Kung hindi mo kasama si Ate Aya, nasaan siya?" Muling tanong ni Joana kay Nick. Nasa mukha na ni Joana ang matinding pag-aalala para sa kapatid. "Kuya, nasaan si Ate Aya? Bakit hindi ka makasagot? Nasaan ba siya?" Nagsimula nang mag-hysterical si Joana dahil sa hindi pagsagot ni Nick sa tanong nito. "Kuya, sumagot ka! Nasaan ang ate ko?" Nanlaki ang mga mata ni Joana nang umiling si Nick. "Anong ibig mong sabihin? Hindi mo alam kung nasaan ang ate ko? Bakit hindi mo alam?" Niyugyog ni Joana ang braso ng bayaw niya. "Kuya, ano ba?! Sumagot ka!" "Hindi ko alam, Joana." Tila may bara sa lalamunang sagot niya. "Hindi ko alam." "Anong hindi mo ala
MALAYO-LAYO na ang nararating ni Nick at Liam nang makipagpalit si Liam sa kan'ya sa driver's seat. Hindi na tumanggi si Nick dahil pakiramdam niya anumang sandali ay bibigay na ang katawan niya. Hindi pa siya fully recover, pero hindi niya puwedeng ipagpaliban ang paghaharap nila ni Anthony. Habang tahimik na nakaupo sa passenger seat, ang daming tumatakbo sa isip ni Nick. So sobrang dami, hindi niya alam kung alin ang uunahin. Kumirot ang ulo niya. Hinilot-hilot niya iyon. Napapikit na siya sa sunod-sunod na pagsigid ng kirot sa parte kung nasaan ang sugat niya sa ulo. Isinandal niya ang ulo sa head rest. Mayamaya, napadilat siya nang ihinto ni Liam ang sasakyan. "Bakit tayo huminto? Nandito na ba tayo sa lugar kung saan nila dinala si Anthony?" tanong niya kay Liam. "Wala pa. Ayon dito sa waze, 2 kilometers away pa." "Bakit ka tumigil dito?" "Hindi naman makakatakas si Anthony sa mga taong may hawak sa kanya kaya kumain ka muna." "Liam, no--""Nick, k
"Hindi nga akin iyan. Bakit ba ayaw ninyong maniwala? Malamang talaga kay Shine iyan." Mukhang diskumpiyado pa rin sila. "Promise. Ilang beses ko nang nakapalitan ng ulam si Shine, at kilala ko iyan. Ilang beses ko na ring nakita na may naghatid-sundo sa kaniya diyan. Kaniya talaga iyan. Teka, at
Amaya Shannel KAHIT GALING sa bar kagabi, maaga pa rin akong bumangon para ihanda ang mga gamit na dadalhin ko. Paalis kasi kami ngayon ng mga bago kong officemates. Aakyat kami ng Batangas. Nagyaya silang mag-hiking at hindi ako nagdawang-isip na sumama. Kagabi sa bar, pinag-usapan na namin ang
NICHOLAS "N-NICK, PLEASE," she begged. Tumigil ako sa pag-angkin sa kaniya dahil nakikita kong nahihirapan siya sa akin. I'm huge. At dahil ako ang una, alam kong masakit sa part niya. "W-Why did you stop?" "You're hurting." Emosyonal ko siyang tiningnan sa kaniyang mga mata. "Yeah, i
NICHOLAS POV "FVCK!" Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napamura dahil kay Aya. Kanina ko pa inaalis ang kamay niya sa pagkalalakí ko, pero paulit-ulit lang niyang ibinabalik. Hindi naging sapat ang makapal na tela ng pantalon ko upang hindi ako makaramdam ng matinding init. Dahil oo,







