MasukThank you so much
CHAPTER 58MATAGAL NA TINITIGAN ni Aya ang kuwintas na hawak niya. Hindi niya maintindihan dahil habang nakatitig sa kuwintas, nag-iba ang pintig ng puso niya."Baka ang kuwintas na iyan ang magturo sa 'yo kung sino ang tunay mong mga magulang." Mula sa kuwintas ay nag-angat ng tingin si Aya sa kaniyang Mama Julie. Namumula ang mga mata nito, tanda na nagpipigil ng pag-iyak. "Ma, akin po ito?" Tumango ito. "Oo, anak. Iyan ang kaisa-isang bagay na kasama mo nang mapunta ka sa amin ng Papa mo." Hindi siya nagsalita. Hinintay niyang magpatuloy ang kaniyang ina dahil naguguluhan siya na mayro'n palang ganito, ngunit ngayon lang ibinigay at ipinaalam sa kaniya ang tungkol sa kuwintas. "Pasensya ka na kung ngayon lang kami nagkaroon ng lakas ng loob na ibigay sa 'yo iyan." Panimula nito, pagkuwa'y nagpakawala ng buntong hininga na para bang hirap na hirap magsalita. "Sobrang napamahal ka na sa amin. Natakot kami na kapag nalaman mo ang tungkol sa kuwintas ay magpursigi k
NAG-AAGAW na ang liwanag at dilim sa paligid, pero nakahiga pa rin siya sa kama. Hinayaan siyang mapag-isa ng kaniyang pamilya tulad ng hiling niya. Ilang oras na siyang nakahiga at sinusubukang makatulog ngunit gising na gising ang diwa niya.Hindi siya makatulog sa dami ng gumugulo sa isipan niya. Natulala siya habang nakatitig sa kisame na para bang nando'n lahat ng sagot sa mga tanong na naglalaro sa isip niya. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nakatitig sa kisame nang tumunog ang cell phone niya. Muling umantak ang puso niya nang makitang si Nick ang tumatawag. Nagdawang-isip siya kung sasagutin ba iyon o hindi. Ngunit sa huli, pinagbigyan niya ang sigaw ng kan'yang puso. Sinagot niya ang asawa dahil gusto rin niyang malaman kung nasa Manila na ito. "Wife..." Bungad nito mula sa kabilang linya. "I miss you." "N-Nick..." Nabibikig ang lalamunang sambit niya sa pangalan nito. "Hindi pa lumilipas ang isang araw na hindi kita kasama, pero feeling ko i
NANG TULUYANG mawala sa paningin ni Aya ang sasakyan ni Nick sa labas ng kanilang bahay ay kusang namalisbis ang mga luha niya. Hindi naging madali sa kaniya ang desisyon na huwag sumama rito pabalik ng Manila kahit gusto niya. Gusto niya. Oo. Gustong-gusto niyang sumama sa asawa pabalik ng Manila. Pero pinangunahan siya ng takot at pangamba. Takot na totohanin ng ama nito ang banta na kung hindi niya lalayuan ang anak nito ay ito mismo ang gagawa ng paraan para magkahiwalay silang dalawa ni Nick. Natatakot siya. Dahil na-realize niya na kung ang pamilya nga ng dating kasintahan ay pinagplanuhan siyang mawala sa buhay ni Anthony, si Don Fausto pa kaya na alam niyang kayang-kaya nitong gawin iyon sa kaniya. Mayaman sila at kayang-kaya nitong gawan na mawala siya sa mundo nang walang bahid ng bakas na ito ang may gawa. Alam niyang sa yaman ng angkan ng mga San Martin, marami silang koneksyon. Impit siyang napaiyak habang nakatingin kung saan nakaparada ang sasakyan ni Nick kani
"Matanda ka na, Fausto, kaunting panahon na lang ang ilalagi natin sa mundo. Huwag mo nang pakialaman ang mga anak mo lalo na si Nicholas. Matanda na siya at alam na niya kung ano ang gusto at magpapasaya sa kaniya. Huwag ka nang makialam, puwede ba?!" Lalong naging mabagsik ang anyo ng kan'yang ama. Palitan silang mag-ina na tiningnan niyo nang matalim. "At ano? Pagkakampihan n'yo akong mag-ina?" "Hindi ko kinakampihan ang anak natin. Pero, Fausto, mali ka. Hindi palaging ikaw ang masusunod. Matanda na si Nicholas." "Ayon na nga, eh. Kung kailan tumanda iyang anak mo, saka naging bobo!" Walang gatol na sabi nito. "Fausto!" Namula sa matinding galit ang mukha ni Nick dahil sa sinabi ng ama. "Hindi kabobohan ang mahalin ang isang babaeng kamahal-mahal, Dad. Hindi kabobohan na sa isang babaeng hindi natin ka-level sabi mo ang babaeng minahal ko! She deserves to be love!" "Bobo!" "Fausto!" Nilamukos ng kaniyang ina ang bibig nito. "Tumigil ka na!" "Tawagin mo n
"Aya..." Bigla siyang nanlambot at nanghina. Mukhang napansin naman ni Aya iyon dahil kaagad itong nag-explain sa kaniya. At doon niya nalaman kung ano ang tumatakbo sa isip nito ngayon. Na kaya pala biglang ayaw na nitong sumama sa kaniya pabalik ng Manila ay natatakot daw ito na baka totohanin ng daddy niya ang banta na kung hindi ito makikipaghiwalay sa kaniya nang kusa ay ito mismo ang gagawa ng paraan. Natatakot daw ito na baka saktan ito ng daddy niya. Nakaramdam siya ng galit sa ama dahil sa pananakot na iyon sa asawa niya. "Aya, no. It won't happen. Hindi ako papayag na may gawing masama sa 'yo si Dad o ang kahit na sino. I'm here. I will protect you." "Hindi ko alam kung hanggang saan ang kayang gawin ng daddy mo, Nick. At ayokong maulit iyong nangyari noon na sa kagustuhan kong ilaban, muntik na akong mapahamak. Dahila akala ko, hanggang pananakot lang iyon na gagawin nila ang lahat para mawala ako." Hindi siya nakapagsalita. Naiintindihan niya kung saan ito n
MARIING NAKUYOM ni Nick ang mga kamao nang sabihin ni Aya na gusto nitong sa mga magulang muna umuwi kaysa ang sumama sa kan'ya pabalik ng Manila. Pagkatapos nitong sabihin iyon ay hindi na ito muling nagsalita. Ni hindi siya magawang tingnan. Lumipas ang ilang sandali. "Wife..." Untag niya dahil hindi na niya kaya ang pagiging tahimik ng kaniyang asawa. "Wife, please. Umuwi tayo sa Manila." Pakiusap niya rito. "Hindi kita puwedeng iwan dito sa Isabela. Gusto kong kasama ka sa pag-alis ko. Hindi kita iiwan rito," dagdag niya. Ngunit wala pa ring sagot o reaksyon man lang. "Wife, talk to me, please? Nahihirapan na ako. Hindi ko alam kung ano ang iniisip mo. Bakit bigla-bigla na gusto mong sa inyo umuwi?" Frustrated na marahas na napahagod sa sariling buhok si Nick nang hindi pa rin kumibo ang asawa niya.Nanatili itong nakatingin sa labas ng bintana. Tahimik. At ang pagiging tahimik nito ang mas nakadagdag sa alalahanin niya. Dahil hindi niya alam kung ano ang tu
Nanigas siya sa pinagkukublihan. Ramdam na ramdam niya ang disgusto sa boses ni Don Fausto. Ni hindi nito nagawang sabihin ang pangalan niya. "Hindi ako baliw, Dad! I love her! Did you hear me, Dad? I fvcking love her. At hindi kabaliwan na minahal ko siya!" "Bullshit! How old is she? 25? 26?
NAGISING si Aya mula sa masarap na tulog dahil sa mahihinang katok sa labas ng pinto ng kuwarto ni Nick dito sa mansyon. "Sir Nick." Anang pamilyar na boses mula sa labas kasunod ang dalawang katok. "Sir Nick, ipinatatawag na po kayo ni Donya Martina sa hapag." Muling sabi ng pamilyar na boses
Nang sumunod na sandali, medyo na-o-off na siya dahil wala itong bukambibig kundi si Nick. 'Yong memories ng mga ito noon. Kung gaano ka-close ang mga ito. Hindi niya alam kung sinadya ba nito o hindi, pero nabanggit nito na nagkaroon din ang mga ito ng relasyon. Hindi lang daw nag-click dahil k
"NICHO!" Muling tawag ng boses babae kay Nick. Bakas ang excitement sa boses nito. Sabay silang napalingon ni Nick sa babaeng tumawag rito. At gano'n na lamang ang paghangang naramdaman niya para sa babaeng nasa harapan nila ngayon ng asawa. Babaeng mala-dyosa sa ganda. Maputi, matangos ang i







