Share

CHAPTER 52

Author: GirlonFire28
last update publish date: 2026-04-03 22:44:30

"NICHO!" Muling tawag ng boses babae kay Nick. Bakas ang excitement sa boses nito.

Sabay silang napalingon ni Nick sa babaeng tumawag rito. At gano'n na lamang ang paghangang naramdaman niya para sa babaeng nasa harapan nila ngayon ng asawa.

Babaeng mala-dyosa sa ganda. Maputi, matangos ang ilong, bilugan ang mga mata at matangkad.

Ngiting-ngiti ito habang nakatingin sa kaniyang asawa.

Ayaw man niya, ngunit hindi niya napigilan ang sarili na makaramdam ng panliliit kumpara sa babae.
GirlonFire28

Sorry po sa late, nasa province ako spending time with my family.

| 15
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 54 PART 2

    "Hindi sa gano'n, Dad. Pero taong humarap sa inyo ang asawa ko kaya sana naman, pakitunguhan n'yo siya nang maayos. Napakahirap bang gawin niyon?" Si Nick, halatang nagtitimpi na pagtaasan ng boses ang ama. Mapaklang tumawa ang Don bago nagsalita. "Bakit kasi kukuha ka na lang ng asawa, hindi pa ka-level ni Eunic--""Fausto!" Maagap na awat ni Mommy Martina sa asawa. "Enough. Huwag mong ipahiya ang anak natin sa harapan ng asawa niya.""That's enough, Papa Fausto." Singit ni Eunice at hinawakan sa braso si Don Fausto. "Hija." "Let's enjoy our dinner, Papa Fausto. Mas'yadong masasarap ang pagkain para masira ang mga mood n'yo." Tumingin ito sa kaniya bago muling nagsalita. "Pasensya ka na kay Papa Fausto, hindi pa lang siya nakaka-move on sa kung anong meron sa amin ni Nicho noon. But eventually, makaka-move on din siya. Give him time." Pagkatapos nitong sabihin iyon sa kaniya, muli nitong binalingan ang matanda. "Kasal na sila ni Nicho, Papa Fausto. Just give her a chance. Malay n

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 54 PART 1

    PAGKATAPOS malaman ni Aya ang tunay na motibo ni Eunice sa kaniyang asawa, hindi na niya kayang makipag-plastikan pa rito. Kaya ngayong nasa harap sila ng iisang hapagkainan, hindi siya makakain nang maayos. Kahit anong sasarap ng mga pagkain. Kahit anong gawin niya, hindi niya makalimutan ang mga salitang binitawan nito kanina. ."He was mine. At kahit ngayon, puwede siyang maging akin, Aya. Kahit pa asawa ka na niya." Wala sa loob na napatingin siya kay Eunice na ngayon ay masayang nakikipagkuwentuhan kay Don Fausto na halatang giliw na giliw sa babae.Sweet na sweet silang dalawa. Kung hindi lang niya alam kung sino si Eunice, mapagkakamalang mag-ama ang mga ito. Sa harap ng hapagkainan, silang dalawa lang ang maingay. Paminsan-minsan ring nakikisali si Mommy Martina at Rome. Sa kabila niyon, hindi iparamdam sa kaniya ni Nick na out place siya. Habang masayang nakikipagkuwentuhan si Eunice sa mga ito, si Nick nama'y walang tigil ng paglalambing sa kaniya. Maya-maya'y biglang h

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 53

    NAGISING si Aya mula sa masarap na tulog dahil sa mahihinang katok sa labas ng pinto ng kuwarto ni Nick dito sa mansyon. "Sir Nick." Anang pamilyar na boses mula sa labas kasunod ang dalawang katok. "Sir Nick, ipinatatawag na po kayo ni Donya Martina sa hapag." Muling sabi ng pamilyar na boses babae.."Maghahapunan na raw po kayo, Sir Nick." Pinakinggang mabuti ni Aya ang ang nagsasalita at maya-maya ay naalala niyang boses iyon ng Tita Paula niya. Akma siyang babangon nang pigilan siya ng asawa. Mabilis na pumulupot sa katawan niya ang mga braso nito. "Kanina pa yata kumakatok si Tita Paula." Sabi niya at sinubukang baklasin ang mga braso nito dahil muling kumatok at tumawag ang Tita Paula niya. "Sir? Tulog po ba kayo? Pinatatawag po kayo ni Donya Martina, kakain daw po." "Nick, buksan mo--""Let her leave." "Pero--" "Ate Pau, pakisabi kay Mommy, mamaya na kami." Biglang sabi ni Nick. "Pero kakain daw po, Sir.""Pakisabi mauna na sila, Ate Pau, h

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 52 PART 2

    Nang sumunod na sandali, medyo na-o-off na siya dahil wala itong bukambibig kundi si Nick. 'Yong memories ng mga ito noon. Kung gaano ka-close ang mga ito. Hindi niya alam kung sinadya ba nito o hindi, pero nabanggit nito na nagkaroon din ang mga ito ng relasyon. Hindi lang daw nag-click dahil kailangan nito at ni Nick na mag-focus muna sa pag-aaral. Maya-maya'y sinaway ito ni Rome at sinabing baka hindi na raw siya kumportable sa sinasabi nito. "Oh, don't worry, Aya, that was long time ago. Huwag kang magseselos, ha?" ani Eunice. "Hindi, okay lang. Hindi naman ako magseselos. Iyong sa inyo, parte na lang ng nakaraan ni Nick iyon." Natuwa si Rome sa naging sagot niya dahil pasimple siya nitong kinindatan. At pagkuwa'y lumapit sa kaniya at bumulong. "That's my Uncle's wife. Palaban. Huwag kang papatalo kay Ate Eunice, okay?" "Oo naman. Salamat sa support, Rome." Ganting bulong niya kay Rome. "You're welcome, Auntie Aya." Humagikhik ito sabay baling sa abuela. "M

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 52

    "NICHO!" Muling tawag ng boses babae kay Nick. Bakas ang excitement sa boses nito. Sabay silang napalingon ni Nick sa babaeng tumawag rito. At gano'n na lamang ang paghangang naramdaman niya para sa babaeng nasa harapan nila ngayon ng asawa. Babaeng mala-dyosa sa ganda. Maputi, matangos ang ilong, bilugan ang mga mata at matangkad. Ngiting-ngiti ito habang nakatingin sa kaniyang asawa. Ayaw man niya, ngunit hindi niya napigilan ang sarili na makaramdam ng panliliit kumpara sa babae. Lalo na't nakita niya ang napakagandang ngiti ng ama ni Nick. Ngiting hindi nito nagawang ibigay sa kaniya nang makita siya. "Eunice?" May tuwang sambit ni Nick sa pangalan ng babaeng nasa harapan nila. "Yes! It's me. I thought, hindi mo na ako kilala." Nakalabing sabi ng babaeng Eunice ang pangalan. "Puwede ba naman iyon? Paano ko makakalimutan ang pinakamaligalig na babaeng nakilala ko sa buong buhay ko?" sabi ni Nick dito. Napatulala na lamang siya nang takbuhin ng babae ang asaw

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 51 PART 2

    SA SUMUNOD NA araw, pakiramdam ni Aya ay lumulutang siya sa alapaap. Everything felt so surreal. She almost wished that they could stay this way forever. Pero alam niyang hindi sila puwedeng mag-stay lang sa bahay ni Nick.At ngayong araw ay haharapin niya ang isang bagay na kinatatakutan niya. Ang makaharap ang pamilya ni Nick. Oo, naging mabait sa kaniya noon ang ina ni Nick, pero hindi siya sigurado kung tatanggapin siya nito bilang asawa ng bunsong anak. Kaninang umaga pa lamang paggising niya ay kinakabahan na siya. At habang palapit nang palapit ang oras ng pag-uwi nila sa Isabela, mas lalong lumalala ang kabang nadarama niya para sa pagkikita nila ng pamilya ni Nick. Tatanggapin kaya nila ako? Piping tanong niya sa sarili habang nakaharap sa malaking salamin. Nakailang buga siya ng hangin para tulungang kalmahin ang sarili at alisin ang mga negatibong bagay sa isip. "Are you ready?" Awtomatikong sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi nang marinig ang malambi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status