ANMELDENGusto n'yo pa ba ng special chapters ni Atty? Hehe. Sagot lang kayo para maituloy ko na sila. Sana pala basahin n'yo rin si Dok at Rome sa YUGTO. Salamat.
"What?" ani niya nang makabawi. "I got scared when I found out you went to see him. I get jealous because I know you were his." "Nick, ano bang pinagsasasabi mo? Hindi pa ba malinaw sa 'yo na ikaw na ang mahal ko? Si Anthony, para na lang siyang isang pocketbook na tapos na ang kuwento. May wakas na." "I know. I'm just--" "I love you. Akala ko nang magpakasal tayo ulit, malinaw na sa 'yo iyan." Marahas itong bumuntong hininga. "I'm sorry." "I think kailangan nating pag-usapan ito." "Wife..." "Dahil ayoko nang marinig muli na iniisip mong kaya kitang talikuran para kay Anthony." "Hindi sa gano'n--" "Iyon ang dating ng mga sinabi mo ngayon, Nick. Ayoko niyon. Ayoko nang gano'n. Kasi kahit kailan, hinding-hindi kita tatalikuran. Hinding-hindi kita iiwan para sa ibang lalaki. Mahal na mahal kita, Nick. At gusto kong malinaw sa 'yo 'yan." "Mahal kita, Nick. Ikaw lang. Oo, nauna kong minahal si Anthony. Pero tapos na iyon. Matagal na. Ikaw na ang mahal ko. At itong pa
Nawala ang ngiti niya nang baklasin nito ang mga braso niyang nakapulupot sa leeg nito. Nagpapakipot pa rin talaga. "Tingnan mo po siya, Lord, nagpapakipot pa rin talaga." Sumbong niya kay Lord. Tinalikuran siya ni Nick. Mukhang aalis na ito at iiwan siya. Sa halip na sundan ito, hindi niya ginawa. Sa halip, inalis niya ang suot na roba at tumalon sa tubig. Napasigaw siya nang manuot sa katawan niya ang malamig na tubig sa pool. "Malamig pala." Natatawa niyang sabi at pagkuwa'y lumangoy nang lumangoy. "Hubby, come here. Join me." Tawag niya sa asawa. "Ang lamig na, Aya. Umahon ka na riyan. Matutulog na tayo. Maaga pa ako bukas." Pagmamatigas nito. "Kung hindi mo 'ko kakausapin, magsu-swimming na lang ako." "Aya, baka magkasakit ka. Gabing-gabi na ang magsu-swimming mo." "Hindi iyan. Halika na. Ang sarap kaya ng tubig. Ang lamig. Come here, hubby!" Nang hindi ito tumalon sa tubig, nakaisip siya ng kapilyahan. Ayaw mong mag-swimming, huh? Sa loob-loob niya habang
NANG matiyak ni Aya na himbing na ang tulog ng kaniyang mga anak, saka siya nagdesisyong hanapin ang asawa na hindi na bumalik pagkatapos mag-walk out kanina. "Pinagseselosan talaga niya si Anthony?" Napapangiting usal ni Aya habang hinahanap ang kaniyang asawa sa posible nitong puntahan. "Saan kaya pumunta iyon?" Pabulong-bulong niyang tanong sa sarili nang hindi ito makita sa mga lugar sa mansiyon na alam niyang doon ito posibleng tumambay habang nagpapalipas ng selos. Kung saan-saan na niya ito hinanap, pero wala. Hindi pa rin niya nakita. Dumiretso siya sa kitchen. Magbabakasakaling naroon ang asawa. Pero wala rin. Ang nadatnan niya roon, ang mayordoma sa mansiyon ng kaniyang mga biyenan. Si Micah. "Señorita, may kailangan po kayo?" tanong ni Micah sa kaniya. "May gusto po kayong kainin o ipaluto? Magsabi lang po kayo, Señorita. Ipaluluto ko po agad." Nginitian niya si Micah. "Wala akong ipaluluto. Hinahanap ko kasi si Nick. Nakita n'yo ba siya?" "Ah, si Atty. po?" A
HINDI LANG pala magkaibigan ang dalawang bruha. SI Eunice at Diva. Second cousin din pala. Kaya iisa ang likaw ng bituka. Alam na niya iyon. Matagal na. Ang asawa niyang si Nick ang nakatuklas niyon noon pa man. Nang mga sandaling iyon, gustong maiyak ni Aya, pero pinigilan niya ang sarili. "Grabe ka, Anthony." Nasabi niya pagkatapos marinig ang confession nito. Pailing-iling siya bago tiningnan si Anthony, diretso sa mga mata nito. "Hindi ko alam kung ano ang mararamdam ko pagkatapos marinig ang mga sinabi mo. Gusto kong magalit sa 'yo, sobra. Kasi unang-una sa lahat, wala akong pinakitang masama sa 'yo. I loved you. I really do." "I'm sorry." Puno ng pagsisisi ang mukha at boses nito. Bumuntong hininga siya bago nagpatuloy. "Siguro kung noon ko nalaman ang lahat ng mga kakaguhan mo sa akin, magwawala ako. Magagalit. Manunumbat. Mananakit. Gaganti." Bahagya siyang napangiti. "Pero dahil ngayon ko nalaman ang buong katotohanan, hindi ko na para gawin iyon. Hindi
HABANG ALIW NA ALIW sa busangot na mukha ng kaniyang asawa, hindi niya napigilang balikan sa isip ang naging paghaharap nila ni Anthony noong isang araw. Noong araw na nagdesisyon siyang bisitahin ito. As she expected, nagulat ito nang makita siya na siya ang dalaw nito nang araw na iyon. "You?" Mahinang sambit ni Anthony nang makita siya, saka mabagal na naglakad patungo sa kaniya. Hindi tumayo si Aya, mataman lang niyang pinagmasdan si Anthony. Ang dati niyang kasintahan. Malayong-malayo na ito sa dati nitong hitsura. Taon na rin simula nang makulong ito dahil sa pakikipagsabwatan kay Eunice. At makikita ang malaking pagbabago nito lalo na sa pisikal na anyo. Pumayat ito. Tumanda ang hitsura. Basta, malayong-malayo sa Anthony na minahal niya noon. "Aya?" Patanong na ani nito nang makalapit sa kaniya. Tila hindi pa ito sigurado na siya nga ang taong naghihintay rito sa visiting area. Well, she can't blame him. Dahil alam niya na kung malaki ang ipinagbago nito sa mga nak
"SALAMAT, HIJA." Matamis na nginitian ni Aya ang mommy Martina niya nang magpasalamat ito sa kaniya. At sa maya't maya nitong pasasalamat sa kaniya, hindi na niya mabilang kung ilang beses na sa loob lang ng maghapon. Isang linggo na ang nakalipas mula nang makauwi sa mansiyon ang mga biyenan niya. Yes, nakauwi na ang daddy Fausto niya. After 2 months na pamamalagi sa hospital, finally nakauwi na ito. Hindi pa cancer free ang daddy Fausto niya, pero ang mahalaga, may pag-asa pa. Basta sundin lang nito ang mga bilin ng doktor para kahit papa'no ay maging malakas ang pangangatawan. Upang sa gayon, hindi ito mahirapan sa mga treatment na pagdadaanan pa nito nang matagal-tagal. "Nakailang pasalamat ka na, 'My." Natatawang sambit ni Aya nang muling magpasalamat ang biyenan niyang babae. "Hindi ako magsasawang magpasalamat sa 'yo, Aya. Itong mga kabutihan mo sa amin ng daddy Fausto mo, dadalhin ko sa puso ko hanggang sa huling hininga ko." Na-touch si Aya sa sinabi ng mommy Martina niy
AMAYA'S POV "OKAY LANG BA SA 'YO?" tanong ni Tita Paula nang makiusap si Ate Mica na bukas nang umaga na kami umalis dahil kailangan pa raw nila ng tulong dito sa mansyon. "Sige po." Mabilis na sang-ayon ko dahil plano kong muling kausapin si Atty. Nick kapag nabigyan ako ng pagkakataon. "S
AMAYA'S POV "ANG LIKOT MO." Hindi na nakatiis na reklamo ni Pat sa tabi ko nang hindi pa rin ako tumigil sa kapapabaling-baling sa higaan. May dalawang oras na yata kaming nakahiga, pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Hindi ako makatulog. Iniisip ko si Anthony. Alam kong hindi siya kum
AMAYA'S POV "BESTY, pagkakataon mo na 'to para masabi sa kan'ya ang kailangan mo." Bulong ni Pat sa akin habang nagtitimpla ng hot choco ng lalaking 'yon. Nang hindi ako sumagot, dinunggol ni Pat ang braso ko. "Hoy, kinakausap kita." "Narinig ko.""E, ba't hindi ka sumasagot?" "Iniisi
AMAYA'S POV "ANONG BILIN KO SA INYONG dalawa? Lalo na sa 'yo, Patricia?" tanong ni Tita Paula sa amin ni Pat pagbaba pa lamang namin ng dyip dito sa harap ng gate ng hacienda. Ngayon ko lang nalaman na sa Hacienda Martina pala nagtatrabaho ang ina ni Patricia. At ngayon ko lang din nalaman n







