INICIAR SESIÓNThank you. Sana po mabasa n'yo rin si Dok Warren sa kabila. Title: My Uncle's Best Friend Is My Lover po.
HINDI LANG pala magkaibigan ang dalawang bruha. SI Eunice at Diva. Second cousin din pala. Kaya iisa ang likaw ng bituka. Alam na niya iyon. Matagal na. Ang asawa niyang si Nick ang nakatuklas niyon noon pa man. Nang mga sandaling iyon, gustong maiyak ni Aya, pero pinigilan niya ang sarili. "Grabe ka, Anthony." Nasabi niya pagkatapos marinig ang confession nito. Pailing-iling siya bago tiningnan si Anthony, diretso sa mga mata nito. "Hindi ko alam kung ano ang mararamdam ko pagkatapos marinig ang mga sinabi mo. Gusto kong magalit sa 'yo, sobra. Kasi unang-una sa lahat, wala akong pinakitang masama sa 'yo. I loved you. I really do." "I'm sorry." Puno ng pagsisisi ang mukha at boses nito. Bumuntong hininga siya bago nagpatuloy. "Siguro kung noon ko nalaman ang lahat ng mga kakaguhan mo sa akin, magwawala ako. Magagalit. Manunumbat. Mananakit. Gaganti." Bahagya siyang napangiti. "Pero dahil ngayon ko nalaman ang buong katotohanan, hindi ko na para gawin iyon. Hindi na ako
HABANG ALIW NA ALIW sa busangot na mukha ng kaniyang asawa, hindi niya napigilang balikan sa isip ang naging paghaharap nila ni Anthony noong isang araw. Noong araw na nagdesisyon siyang bisitahin ito. As she expected, nagulat ito nang makita siya na siya ang dalaw nito nang araw na iyon. "You?" Mahinang sambit ni Anthony nang makita siya, saka mabagal na naglakad patungo sa kaniya. Hindi tumayo si Aya, mataman lang niyang pinagmasdan si Anthony. Ang dati niyang kasintahan. Malayong-malayo na ito sa dati nitong hitsura. Taon na rin simula nang makulong ito dahil sa pakikipagsabwatan kay Eunice. At makikita ang malaking pagbabago nito lalo na sa pisikal na anyo. Pumayat ito. Tumanda ang hitsura. Basta, malayong-malayo sa Anthony na minahal niya noon. "Aya?" Patanong na ani nito nang makalapit sa kaniya. Tila hindi pa ito sigurado na siya nga ang taong naghihintay rito sa visiting area. Well, she can't blame him. Dahil alam niya na kung malaki ang ipinagbago nito sa mga nakali
"SALAMAT, HIJA." Matamis na nginitian ni Aya ang mommy Martina niya nang magpasalamat ito sa kaniya. At sa maya't maya nitong pasasalamat sa kaniya, hindi na niya mabilang kung ilang beses na sa loob lang ng maghapon. Isang linggo na ang nakalipas mula nang makauwi sa mansiyon ang mga biyenan niya. Yes, nakauwi na ang daddy Fausto niya. After 2 months na pamamalagi sa hospital, finally nakauwi na ito. Hindi pa cancer free ang daddy Fausto niya, pero ang mahalaga, may pag-asa pa. Basta sundin lang nito ang mga bilin ng doktor para kahit papa'no ay maging malakas ang pangangatawan. Upang sa gayon, hindi ito mahirapan sa mga treatment na pagdadaanan pa nito nang matagal-tagal. "Nakailang pasalamat ka na, 'My." Natatawang sambit ni Aya nang muling magpasalamat ang biyenan niyang babae. "Hindi ako magsasawang magpasalamat sa 'yo, Aya. Itong mga kabutihan mo sa amin ng daddy Fausto mo, dadalhin ko sa puso ko hanggang sa huling hininga ko." Na-touch si Aya sa sinabi ng mommy Martina niy
"Matagal ka pa diyan, Attorney? Inaantok na ako." "Subukan mong matulog. Papasukin kita nang tulog." Pananakot nito. "Bilisan mo na kasi riyan. Paano pa tayo makakarami niyan?" "I'm almost done. Maghubo ka na." "Ay ayoko. Mas masarap kapag ikaw mismo ang maghuhubo sa akin. Mas may thrill. Narinig niyang tumawa ang asawa sa loob ng banyo. Umalis na siya sa may pintuan ng banyo at humiga sa kanilang kama. Hindi pa nag-iinit ang likod niya nang marinig niyang bumukas ang p***o ng banyo. He's done. Eksaktong nag-ingay ang cell phone niya. Tumatawag sa group chat si Agatha. Mayamaya, nag-join na rin sina Rachel, Lia at Wella. Pagsilip niya sa group chat, may message si Agatha. Pinagjo-join siya. Hindi pa naman sila nagsisimula ni Nick kaya nag-join siya sa videocall. "Ba't ang tagal mong mag-join, babaita?" Bungad ni Agatha, nakatikwas ang isang kilay. "Parang lagi ka namang bago nang bago sa isang iyan. Alam mo namang simula nang mag-asawa iyan, palaging
NAPAPANGITI si Aya habang kasabay na kumakain ang asawang si Nick. Paano, sunod-sunod ang pagsubo nito. Halatang nagmamadaling matapos. "Baka naman mabilaukan ka na niyan, hubby. Chill," sabi ni Aya habang may nakapaskil na pilyang ngiti sa mga labi. Nilunok muna ni Nick ang laman ng bibig bago nagsalita. "Chill?" "Hmm. Chill lang. Mahaba pa ang gabi. Makakarami pa tayo." "Chill? How can I do that kung iyang mga paa mo, nasa gitna ng hita ko?" Napahagikhik nang wala sa oras si Aya. Dahil totoo ang sinabi ng kaniyang asawa. Nasa pagitan ng mga hita nito ang mga paa niya. Ewan, pero gustong-gusto niyang akitin ngayon ang kaniyang asawa. She missed him, yeah. Isa pa, wala namang masama kung akitin niya ito dahil mag-asawa sila. Puwede nilang gawin ang kahit na ano. Anytime. Dahil do'n, hindi niya tinigilang hagurin ng paa ang bagay na namumukol na sa pagitan ng mga hita nito. She loves teasing him. Lalo na kapag naggagalawan ang ugat nito sa mukha. "Stop it, wife
NATAWA NANG MAHINA si Aya nang makita ang asawa na tulog na tulog sa kanilang kama. Katatapos lamang niyang maligo dahil ungot nang ungot ng sexy time ang kaniyang asawa. Pauwi pa lamang sila kanina mula sa hospital ay wala na itong ginawa kundi ang harutin siya sa loob ng sasakyan. At sino ba naman siya para pahindian ang naglalambing na asawa. Kaya pagdating nila sa mansiyon, kaagad siyang naligo. Wala, eh. Excited rin siya. "Nagsabon pa naman ako nang maige para mabango tapos iyon pala, tutulugan lang ako." Napapangiti niyang nilapitan ang asawa. "Ang yabang mong magyaya tapos tutulugan mo lang pala ako. Paasa ka, ha." Pagbibiro niya, saka masuyong hinaplos-haplos ang mukha ng kaniyang asawa. "Bakit ba sobrang guwapo mo, ha? Wala na. In love na in love na naman ako sa 'yo." Iyong asawa na niya ito, pero sa tuwing tinititigan niya ito, kinikilig pa rin siya. Ang guwapo naman kasi talaga nito. Kahit pagod, puyat at stress, hindi halata. Mahahalata lang na pagod talaga i
AMAYA'S POV "OKAY LANG BA SA 'YO?" tanong ni Tita Paula nang makiusap si Ate Mica na bukas nang umaga na kami umalis dahil kailangan pa raw nila ng tulong dito sa mansyon. "Sige po." Mabilis na sang-ayon ko dahil plano kong muling kausapin si Atty. Nick kapag nabigyan ako ng pagkakataon. "S
AMAYA'S POV "ANG LIKOT MO." Hindi na nakatiis na reklamo ni Pat sa tabi ko nang hindi pa rin ako tumigil sa kapapabaling-baling sa higaan. May dalawang oras na yata kaming nakahiga, pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Hindi ako makatulog. Iniisip ko si Anthony. Alam kong hindi siya kum
AMAYA'S POV "BESTY, pagkakataon mo na 'to para masabi sa kan'ya ang kailangan mo." Bulong ni Pat sa akin habang nagtitimpla ng hot choco ng lalaking 'yon. Nang hindi ako sumagot, dinunggol ni Pat ang braso ko. "Hoy, kinakausap kita." "Narinig ko.""E, ba't hindi ka sumasagot?" "Iniisi
AMAYA'S POV "ANONG BILIN KO SA INYONG dalawa? Lalo na sa 'yo, Patricia?" tanong ni Tita Paula sa amin ni Pat pagbaba pa lamang namin ng dyip dito sa harap ng gate ng hacienda. Ngayon ko lang nalaman na sa Hacienda Martina pala nagtatrabaho ang ina ni Patricia. At ngayon ko lang din nalaman n







