Home / Romance / MY CONTRACT HUSBAND / Ang Kape Na Nagpago Ng Lahat

Share

MY CONTRACT HUSBAND
MY CONTRACT HUSBAND
Author: Ms Anica

Ang Kape Na Nagpago Ng Lahat

Author: Ms Anica
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-18 21:40:14

*KABANATA 1

Ang Kape na Nagpabago ng Lahat*

"Mama, late ka na naman!"

Napatingin si Amara sa orasan. 7:45 na. Alas-otso ang pasok niya sa Velasco Tower at isang oras pa ang biyahe mula sa maliit nilang apartment sa Quezon City.

"Sorry na anak, bilisan na natin," sabi niya habang sinusuklay ang buhok ni Leo, ang 4-taong gulang niyang anak.

Single mom si Amara. Simula nang iwan sila ng ama ni Leo, siya na lang mag-isa ang bumubuhay sa anak niya. Trabaho sa umaga, raket sa gabi. Naglalaba siya ng uniform ng kapitbahay tuwing Sabado, nagbebenta siya ng lumpia tuwing Linggo, at minsan nag-o-online selling pa siya ng mga lumang damit para lang may pambili ng gatas si Leo. Pero kahit pagod, hindi siya sumusuko. Para kay Leo, lahat kakayanin niya.

"Mama, baon ko?" tanong ni Leo habang niyayakap ang luma niyang backpack na may punit na sa gilid.

"Ay oo, eto na anak." Inabot ni Amara ang maliit na baunan na may kanin, itlog, at isang pirasong hotdog na hinati niya pa sa dalawa para magkasya. "Ubusin mo ha? Para lumaki kang matalino kagaya ni Mama."

"Opo!" Ngumiti si Leo. Yung ngiti na yun, yun ang nagpapalakas kay Amara araw-araw.

Hinahatid niya si Leo sa maliit na daycare sa kanto bago siya sumakay ng jeep papuntang Makati. Habang nasa jeep, nakatingin siya sa bintana at pinagmamasdan ang mga matataas na gusali. Pangarap niya dati na magkaroon ng magandang buhay. Pangarap niya na makapagtapos ng college, magkaroon ng sariling bahay, at magkaroon ng buong pamilya. Pero nagbago ang lahat nang mabuntis siya at iwan siya ng boyfriend niya. Hindi siya nagsisi kay Leo. Si Leo ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya. Pero minsan, pag pagod na pagod na siya, napapaiyak na lang siya sa jeep habang walang nakatingin.

Pagdating niya sa Velasco Tower, halos tumakbo na siya sa lobby. Bitbit niya ang isang tasa ng mainit na kape para sa boss niya. Yun ang utos sa kanya ng supervisor niya, si Ma'am Carla. Bawal ma-late, bawal magkamali, bawal magreklamo. Isang pagkakamali lang, pwede siyang matanggal. At hindi niya pwedeng mawala ang trabahong ito. Ito lang ang bumubuhay sa kanila ni Leo.

At doon nangyari ang hindi niya inaasahan.

Pagbukas ng elevator, bumunggo siya sa isang matangkad na lalaki. Naka-black suit, seryoso ang mukha, at amoy mamahaling pabango.

"Ay sorry po, sir! Sorry po talaga!"

Huli na. Natapon ang buong tasa ng kape sa puting polo ng lalaki. Mainit pa yung kape, kaya napapaso pa ang kamay ni Amara habang pinupunasan niya ang damit nito gamit ang panyo niya.

Napatingin ang buong opisina. Nanlamig si Amara. Lahat ng tao sa lobby, nakatingin sa kanila. Yung ibang empleyado, napatakip ng bibig. Yung guard, napayuko na lang. Alam na alam nila kung sino ang lalaking yun.

Ang lalaking nabasa niya ay walang iba kundi si Adrian Velasco. Ang CEO. Ang bilyonaryong boss niya. Ang pinaka-kinakatakutan sa buong kumpanya.

"Anong pangalan mo?" malamig niyang tanong. Yung boses niya, parang yelo. Walang emosyon, pero nakakatakot.

"A-Amara po, sir. Amara Santos. Sorry po talaga, hindi ko sinasadya, babayaran ko po yung dry clean, kahit hulugan ko po, kahit ilang buwan po, promise po—"

"Sa opisina ko. Ngayon din."

Nanlambot ang tuhod ni Amara. Ito na ba ang katapusan ng trabaho niya? Paano na si Leo? Paano na ang pang-gatas, pang-diap... pang-tuition niya? Paano na ang pambayad niya sa upa? Nanginginig ang mga kamay niya habang sumusunod siya kay Adrian. Pakiramdam niya, bawat hakbang niya sa mahabang hallway, parang papunta siya sa bitayan.

Habang naglalakad sila, ramdam ni Amara ang tingin ng lahat ng katrabaho niya. May bumubulong, may naka-irap, may naaawa. Sanay na siya sa ganon. Simula pa lang nang maging single mom siya, sanay na siyang huhusgahan ng mga tao. Pero iba ngayon. Ang boss mismo ang galit sa kanya.

Pagpasok nila sa opisina, mas lalo siyang kinabahan. Napakalaki ng opisina ni Adrian. May malaking bintana na kita ang buong Makati, may mamahaling sofa, at may mesa na mas malaki pa sa kwarto nila ni Leo. Amoy mamahaling pabango at bagong leather ang buong kwarto. Para siyang pumasok sa ibang mundo.

"Upo ka," sabi ni Adrian.

Umupo si Amara sa dulo ng upuan, halos hindi humihinga. Hawak niya ng mahigpit ang bag niya, kung saan naroon ang larawan ni Leo. Yun ang lagi niyang tinitingnan kapag natatakot siya. Yun ang nagpapaalala sa kanya kung bakit kailangan niyang lumaban.

"Alam mo ba kung magkano ang polo na tinapunan mo?" tanong ni Adrian habang tinatanggal ang coat niya.

"Pasensya na po sir, babayaran ko po kahit hulugan, kahit ilang buwan po—"

"Hindi pera ang kailangan ko."

Natigilan si Amara. Tumingin siya kay Adrian. Sa unang pagkakataon, nakita niya na hindi lang galit ang nasa mga mata nito. May pagod. May lungkot. Parang may mabigat itong dinadala na matagal na niyang kinikimkim. Yung mga mata niya, parang pagod na pagod na sa kakapanggap na matapang siya.

"Maupo ka ng maayos, Amara. Makikinig ka ba sa offer ko?"

Tumango si Amara kahit nanginginig pa ang tuhod niya. Hindi niya alam, pero pakiramdam niya, ang araw na ito ang magbabago ng buong buhay niya at ni Leo.

May inilapag si Adrian na isang folder sa harap niya.

"May offer ako sa'yo, Amara."

Binuksan niya ang folder. Nanlaki ang mga mata niya.

CONTRACT MARRIAGE. ISANG TAON. SAMPUNG MILYON.

"Magpanggap ka bilang asawa ko sa loob ng isang taon. Sa harap ng lahat, asawa kita. Sa harap ng pamilya ko, asawa kita."

Nanginginig ang kamay ni Amara. Sampung milyon. Yun ang makakapagpabago ng buhay nila ni Leo. Makakabili siya ng bahay, makakapag-aral si Leo sa magandang school, hindi na siya magtitinda ng lumpia tuwing Linggo. Hindi na siya magpupuyat para maglaba ng uniform ng iba.

Pero kapalit nito, ang puso niya?

"Bakit ako, sir? Ang dami niyong pwedeng kunin. Ang daming magaganda, mayayaman, edukada. Bakit ako na isang single mom lang? Isa lang akong ordinaryong empleyado, sir. Wala akong alam sa mundo niyo."

Tumingin si Adrian sa kanya. Sa unang pagkakataon, nakita ni Amara ang lungkot sa likod ng malamig niyang mga mata. Lumapit siya at umupo sa harap ni Amara, at sa sandaling yun, hindi siya mukhang CEO. Mukha siyang isang lalaking pagod na pagod na.

"Kasi ikaw lang ang hindi natatakot sa akin. At ikaw lang ang kailangan ko."

Tumigil ang buong mundo ni Amara nang magsalita si Adrian. Hindi niya alam kung matatakot ba siya o maiiyak. Ang puso niya, kumakabog ng napakabilis. Parang may nagsasabi sa kanya na delikado ang lalaking ito. Pero may isa pang boses sa utak niya na nagsasabi na baka ito na yung sagot sa lahat ng dasal niya gabi-gabi para kay Leo.

"Sir, hindi ko po alam kung kaya ko—"

"Hindi mo kailangan mahalin ako, Amara. Kailangan mo lang magpanggap. Isang taon lang. Pagkatapos nun, malaya ka na. At si Leo, hindi na magugutom. Hindi na siya mag-aaral sa sira-sirang daycare. Magkakaroon siya ng magandang buhay."

Napaiyak si Amara. Hindi niya napigilan. Ang tagal niyang pinipigilan ang iyak niya sa jeep, sa trabaho, sa gabi habang tulog si Leo. Ngayon, sa harap ng isang estranghero, bumigay siya.

"Bigyan mo ako ng isang gabi para mag-isip, sir. Please. Para kay Leo, kailangan ko mag-isip ng maayos."

Tumango si Adrian. "Bukas, alas-otso ng umaga. Dito sa opisina ko. Magdala ka ng sagot mo."

Tumayo si Amara, dala ang folder, at lumabas ng opisina. Habang nasa elevator siya, niyakap niya ng mahigpit ang folder sa dibdib niya. Hindi niya alam kung ito ba ang simula ng impyerno niya, o simula ng bagong buhay nila ni Leo .

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • MY CONTRACT HUSBAND   Kabanata8 Harapan

    Gosh. !hindi ko alam kung paano ko sisimulan to.Kasi pagbaba namin ng kotse, yung tuhod ko, parang jelly na. As in, nanginginig talaga. Hindi yung pa-cute na nginig. Yung totoo. Yung parang anytime, matutumba ako.Si Adrian, hawak pa rin yung kamay ko. Mahigpit. Parang kung bibitawan niya ako, tatakbo ako palayo. At sa totoo lang, gusto ko talagang tumakbo palayo. Gusto kong bumalik sa bahay, magkulong sa kwarto, at magpanggap na hindi ko nabasa yung text ni Bea.Pero andito na kami eh. Nasa harap na kami ng condo ni Bea.“Amara, okay ka lang ba?” tanong ni Adrian. Yung boses niya, ang hina. Parang siya rin, takot.“Ahh... hindi,” sabi ko. Totoo lang. “Jusko, Adrian, kinakabahan ako. Paano kung... paano kung totoo nga?”Hindi siya sumagot. Kasi alam ko, yun din yung kinakatakutan niya.Tapos biglang bumukas yung pinto. Si Bea. Naka-pajama. Walang makeup. Yung mata niya, namumula. At yung kamay niya, nasa tiyan niya.Hay nako. Doon pa lang, parang gusto ko nang umiyak ulit.“Adrian,”

  • MY CONTRACT HUSBAND   Chapter7 Sayo To.

    Hindi ko agad nabasa ng buo yung message.Kasi nung una, yung pangalan lang yung nakita ko. BEA. Tapos yung kamay ni Adrian na nanginginig habang hawak yung phone niya. Tapos yung mukha niya na biglang namutla, parang naubusan ng dugo.“Adrian?” tawag ko. Hinawakan ko yung braso niya, mahigpit. “Adrian, ano yan? Bakit ka namumutla?”Hindi siya sumagot. Tinitigan lang niya yung phone niya na parang hindi siya makapaniwala sa binabasa niya. Parang gusto niyang mabura yung message sa kakatingin niya.Kinuha ko yung phone sa kamay niya. Hindi siya pumalag. Parang wala siya sa sarili niya.At doon ko nabasa._“Adrian, kailangan mo umuwi ngayon. Buntis ako. At sa'yo to.”_Isang linya lang. Pero parang sampal na paulit-ulit sa mukha ko.Buntis siya. Si Bea. At kay Adrian daw.Nabitawan ko yung phone. Bumagsak siya sa sahig, pero hindi namin pinansin. Pareho kaming nakatayo lang doon, sa hallway, magkayakap pa kami kanina, ngayon parang may pader na biglang tumayo sa pagitan namin.“Amara, ma

  • MY CONTRACT HUSBAND   kabanata6 Hindi Ako Aalis

    Hindi ako lumabas.Kahit isang oras na siyang nasa labas ng pinto, hindi pa rin ako lumabas. Naririnig ko pa rin yung paghinga niya. Naririnig ko yung pag-upo niya sa sahig. Naririnig ko yung paggalaw ng sapatos niya tuwing tumatayo siya at uupo ulit, parang hindi siya mapakali. Parang bata na naghihintay na buksan yung pinto.Nakaupo lang ako sa likod ng pinto, yakap yung tuhod ko. Yung likod ko nakasandal sa malamig na kahoy. Yung mata ko, masakit na kakaiyak. Yung ilong ko, barado na. Pero yung puso ko, hindi pa rin tumitigil. Ang bilis pa rin ng tibok niya, parang gusto niyang tumakas sa dibdib ko.Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano yung mas masakit. Yung sinabi ni Bea na ako daw yung dahilan kung bakit sila naghiwalay, o yung pananahimik ni Adrian kanina. Yung pagyuko niya. Yung hindi niya ako kayang tingnan.Kasi nung humarap siya sa mama niya para sa akin, akala ko, kakampi ko na siya. Akala ko, kahit peke lang tong kasal namin, totoo siyang lalaban para sa akin. Pero kanina

  • MY CONTRACT HUSBAND   Hindi Ako papatalo

    *KABANATA 5Hindi ako nakasagot kay Bea.Nakatayo lang ako dun, parang statue. Yung kamay ko, nanginginig. Yung puso ko, parang may nakadagan."Ikaw yung dahilan kung bakit hindi kami nagkabalikan," ulit niya. Yung boses niya, galit na galit na.Tumingin ako kay Adrian. Umaasa ako na ipagtatanggol niya ulit ako tulad nung ginawa niya sa mama niya. Pero si Adrian, nakayuko lang. Hindi siya makatingin sa akin. Hindi rin siya makatingin kay Bea.At dun ko naramdaman, mas masakit pala yung pananahimik kaysa sa sigaw."Bea, umalis ka na muna," sabi ni Adrian sa wakas. Mahina lang. Hindi yung matapang na boses na narinig ko kahapon. Yung boses niya ngayon, pagod. Parang hindi niya alam kung sino yung kakampihan niya."Adrian—" simula ni Bea."Please," putol ni Adrian. "Kailangan naming mag-usap ng asawa ko."Asawa ko.Dalawang salita lang yun, pero parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Natauhan ako.Tumingin sa akin si Bea. Yung tingin niya, parang gusto niya akong lamunin ng buhay. Per

  • MY CONTRACT HUSBAND   Unang Umaga

    Kabanata 4 Nagising ako sa amoy ng sinangag at tuyo.Hindi yung amoy ng bahay namin dati. Iba to. Mas tahimik. Mas malamig. Mas... mayaman.Pagdilat ko, puti lahat. Puti yung kurtina, puti yung kumot, puti yung kisame. Napakaganda pero hindi sa akin. Parang natutulog ako sa hotel.Tumingin ako sa tabi ko. Walang tao. Walang Adrian.Nakahinga ako ng maluwag at kasabay nun, medyo nalungkot din ako. Hindi ko alam bakit. Kahapon lang, takot na takot ako na baka tabihan niya ako. Ngayon na wala siya, parang may kulang.Bumangon ako dahan-dahan. Yung paa ko, lumapat sa malamig na sahig. Yung buhok ko, magulo pa. Yung mukha ko, malamang namamaga pa sa pag-iyak kagabi.Lumabas ako ng kwarto. Amoy sinangag pa rin.Sa kusina, nakita ko si Adrian. Naka-puting t-shirt lang siya at jogging pants. Yung buhok niya, medyo magulo din. Hindi siya yung Adrian na naka-suit kahapon. Eto yung Adrian na... tao lang.Nagluluto siya. Seryoso. Parang exam yung pagprito niya ng itlog."Gising ka na pala," sabi

  • MY CONTRACT HUSBAND   tinatanggap ko

    *KABANATA 3 Kinabukasan, mas maaga akong nagising kaysa kay Leo.Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Siguro mga dalawang oras lang. Pero hindi ako pagod. Yung kaba ko, mas malakas pa sa kape.Pinaghanda ko si Leo ng almusal. Itlog at kanin lang. Yung paborito niya, yung itlog na medyo runny yung pula. Habang kumakain siya, tinitignan ko lang siya."Mama, bakit tinitignan mo ako?" tanong niya."Wala lang anak. Ang pogi mo kasi ngayon."Tumawa siya. "Mama, lagi mo sinasabi yan!"Pagkatapos ko siyang ihatid sa daycare, diretso na ako sa sakayan ng jeep. Yung kamay ko, pinagpapawisan. Yung folder, hawak ko ulit. Pero ngayon, hindi na ako takot na may makakita. Mas takot ako sa sasabihin ko sa kanya.Pagdating ko sa Velasco Tower, mas lalo akong kinabahan. Ang taas. Ang lamig ng aircon. Ang bango. Ang linis. Parang hindi ako bagay dito. Naka-plain na t-shirt lang ako at jeans. Yung sapatos ko, medyo luma na.Umakyat ako sa 30th floor. Pagbukas ng elevator, nandun ulit yung secretary niy

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status