Home / Romance / MY CONTRACT HUSBAND / Kabanata2. Isang gabing di Ako Makatulog

Share

Kabanata2. Isang gabing di Ako Makatulog

Author: Ms Anica
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-18 22:19:49

Paglabas ko ng Velasco Tower, parang hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.

Hawak ko pa rin yung folder. Yung folder na may nakasulat na CONTRACT MARRIAGE. SAMPUNG MILYON. ISANG TAON.

Sampung milyon. Ulit-ulitin ko man sa utak ko, hindi pa rin siya nagsi-sink in. Parang ang weird. Kaninang umaga lang, ang problema ko lang ay kung paano ko pagkakasyahin yung isang hotdog para sa baon ni Leo. Tapos ngayon, may lalaking nag-aalok sa akin ng sampung milyon para lang magpanggap na asawa niya?

Habang naglalakad ako papuntang sakayan ng jeep, napatingin ako sa mga tao sa paligid ko. Ang daming nagmamadali, ang daming pagod na pagod na rin kagaya ko. Naisip ko, kung sila kaya yung nasa lugar ko, tatanggapin kaya nila? O iisipin nilang baliw ako kasi pinag-iisipan ko pa?

Kasi sa totoo lang, ang hirap eh. Hindi naman ako yung tipo ng babae na basta-basta na lang magpapakasal kahit peke lang. Kahit sabihin mong kontrata lang, kasal pa rin yun. May pipirmahan ako. May pamilya siyang makikilala ako bilang asawa niya. Paano kung malaman nila na peke lang? Paano kung mapahiya ako? Paano kung masaktan si Leo?

Pero...

Nung sumakay na ako ng jeep, bigla kong naalala yung mukha ni Leo kaninang umaga. Yung ngiti niya nung binigay ko yung baunan niya. Yung punit niyang backpack. Yung sapatos niya na medyo masikip na pero ayaw pa niyang ipapalit kasi sabi niya, "Okay pa to Mama, maluwag pa naman."

Hay. Ang sakit sa dibdib.

Alam mo yung feeling na gusto mong ibigay lahat sa anak mo pero hindi mo magawa kasi kapos ka talaga? Yung gusto mong bilhan siya ng bagong sapatos, pero pag binili mo yun, wala na kayong pambayad ng upa? Ganun yung araw-araw kong buhay.

Pagdating ko sa daycare, nakita ko si Leo na nakaupo sa maliit na upuan, nagdo-drawing. Pagkakita niya sa akin, tumakbo siya agad.

"Mama! Mama! Tignan mo drawing ko! Ikaw to, ako to, tapos may bahay tayo na malaki!"

Napalunok ako. Yung drawing niya, may malaking bahay na may kulay pink na bubong. May araw, may mga bulaklak. May kotse pa sa harap.

"Ang ganda naman anak," sabi ko, pero parang may bumabara sa lalamunan ko. "Gusto mo ng ganyang bahay?"

"Opo! Tapos may kwarto ako na may maraming laruan. Tapos hindi na tayo magugutom, Mama."

Doon ako halos maiyak sa harap ng maraming tao. Buti na lang napigilan ko.

Pag-uwi namin sa apartment, tahimik lang ako. Nagluto ako ng sinigang na miso na may konting baboy, yun lang yung kaya ng budget namin ngayon. Habang kumakain si Leo, ako naman, hindi ako makakain. Yung folder, nasa bag ko pa rin. Hindi ko siya maalis sa isip ko.

Pagkatapos kumain ni Leo, pinaliguan ko na siya. Nag-toothbrush kami sabay. Yung paborito niyang part, yung magpapabula siya ng toothpaste tapos tatawa siya kasi mukha daw siyang si Santa Claus.

"Mama, kwento mo ako bago matulog," sabi niya habang nakahiga na kami sa maliit naming kama.

"Anong kwento gusto mo anak?"

"Yung kwento ng prinsesa na may malaking bahay. Tapos hindi na siya umiiyak."

Napahinto ako. Ayan na naman. Yung malaking bahay.

Sige, nagkwento ako. Tungkol sa prinsesa, sa maliit na prinsipe, at sa bahay na pink yung bubong. Hanggang sa nakatulog na siya. Yung kamay niya, nakahawak pa rin sa damit ko. Mahigpit. Parang takot siyang bitawan ako.

Ako naman, gising na gising pa rin.

Tumingin ako sa kisame. Yung kisame namin na may konting tagas pag umuulan. Yung electric fan na maingay. Yung ilaw na minsan kumukurap-kurap.

Kinuha ko yung folder sa bag ko. Dahan-dahan ko siyang binuksan. Baka magising si Leo eh.

Binasa ko ulit.

_CONTRACT MARRIAGE - 1 YEAR_

_PHP 10,000,000_

_Conditions:_

_1. Maninirahan sa bahay ni Adrian Velasco._

_2. Magpapanggap bilang asawa sa harap ng publiko at pamilya._

_3. Bawal ma-inlove._

Natawa ako ng mahina. Bawal ma-inlove? Sino ba naman mai-inlove sa isang Adrian Velasco na ang sungit-sungit? Yung halos hindi nga ngumiti kanina? Yung ang lamig makatingin?

Pero naalala ko yung mata niya kanina nung nagkwento siya tungkol sa lola niya. Yung biglang lumambot. Yung parang may lungkot na tinatago.

Amara, ano ba. Wag kang ganyan. Trabaho lang to. Kontrata lang to.

Pero paano kung tanggapin ko, tapos may magbago? Paano kung maging maayos yung buhay namin ni Leo? Makakabili ako ng bagong sapatos niya. Makakabili ako ng bagong backpack. Hindi na kami magtitipid sa ulam. Makakapasok siya sa mas magandang school.

Paano kung hindi ko tanggapin? Balik na naman ako sa dati. Yung araw-araw na pag-compute kung kasya pa ba yung pera hanggang katapusan. Yung takot na baka paalisin kami dito kasi late na naman yung upa.

Tumingin ako kay Leo. Tulog na tulog siya. Ang payapa ng mukha niya. Ang amo.

Hinaplos ko yung buhok niya.

"Anak, ano ba gagawin ni Mama?"

Hindi siya sumagot. Syempre, tulog siya eh.

Kinuha ko yung cellphone ko. 11:47 PM na pala. Ang tagal ko na palang gising.

Binuksan ko yung calculator. Nag-compute ako.

Uupa - 6,000

Kuryente at tubig - 1,500

Daycare ni Leo - 3,000

Pamasahe - 2,000

Pagkain???

Kulang

Kulang na kulang talaga.

Tapos tinignan ko ulit yung folder.

Sampung milyon.

Sampung milyon, Amara. Isang taon lang.

Isang taon na pagpapanggap, kapalit ng buong buhay ni Leo na magiging mas magaan.

Tumulo na pala yung luha ko. Hindi ko namalayan. Pinunasan ko agad. Baka magising si Leo at magtanong kung bakit umiiyak si Mama.

Huminga ako ng malalim.

"Lord," bulong ko. "Bigyan niyo po ako ng sign. Kahit konti lang. Tama po ba to?"

Walang sumagot. Yung electric fan lang yung maingay. Yung tahol ng aso sa labas.

Pero sa loob-loob ko, alam ko na yung sagot ko.

Bukas ng umaga, babalik ako sa Velasco Tower.

At sasabihin ko sa kanya...

"Tinatanngap ko."

> Pinatay ko yung ilaw at humiga ulit sa tabi ni Leo. Niyakap ko siya ng mahigpit. Amoy baby pa rin siya kahit 4 years old na siya. Doon ko naramdaman, kahit anong takot ko, kaya ko to. Para sa kanya, kaya ko lahat. Hindi na ako magdadalawang-isip pa bukas. tatanggapin ko para Kay leo para sa kinabukasan nya ah!

-

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • MY CONTRACT HUSBAND   Kabanata8 Harapan

    Gosh. !hindi ko alam kung paano ko sisimulan to.Kasi pagbaba namin ng kotse, yung tuhod ko, parang jelly na. As in, nanginginig talaga. Hindi yung pa-cute na nginig. Yung totoo. Yung parang anytime, matutumba ako.Si Adrian, hawak pa rin yung kamay ko. Mahigpit. Parang kung bibitawan niya ako, tatakbo ako palayo. At sa totoo lang, gusto ko talagang tumakbo palayo. Gusto kong bumalik sa bahay, magkulong sa kwarto, at magpanggap na hindi ko nabasa yung text ni Bea.Pero andito na kami eh. Nasa harap na kami ng condo ni Bea.“Amara, okay ka lang ba?” tanong ni Adrian. Yung boses niya, ang hina. Parang siya rin, takot.“Ahh... hindi,” sabi ko. Totoo lang. “Jusko, Adrian, kinakabahan ako. Paano kung... paano kung totoo nga?”Hindi siya sumagot. Kasi alam ko, yun din yung kinakatakutan niya.Tapos biglang bumukas yung pinto. Si Bea. Naka-pajama. Walang makeup. Yung mata niya, namumula. At yung kamay niya, nasa tiyan niya.Hay nako. Doon pa lang, parang gusto ko nang umiyak ulit.“Adrian,”

  • MY CONTRACT HUSBAND   Chapter7 Sayo To.

    Hindi ko agad nabasa ng buo yung message.Kasi nung una, yung pangalan lang yung nakita ko. BEA. Tapos yung kamay ni Adrian na nanginginig habang hawak yung phone niya. Tapos yung mukha niya na biglang namutla, parang naubusan ng dugo.“Adrian?” tawag ko. Hinawakan ko yung braso niya, mahigpit. “Adrian, ano yan? Bakit ka namumutla?”Hindi siya sumagot. Tinitigan lang niya yung phone niya na parang hindi siya makapaniwala sa binabasa niya. Parang gusto niyang mabura yung message sa kakatingin niya.Kinuha ko yung phone sa kamay niya. Hindi siya pumalag. Parang wala siya sa sarili niya.At doon ko nabasa._“Adrian, kailangan mo umuwi ngayon. Buntis ako. At sa'yo to.”_Isang linya lang. Pero parang sampal na paulit-ulit sa mukha ko.Buntis siya. Si Bea. At kay Adrian daw.Nabitawan ko yung phone. Bumagsak siya sa sahig, pero hindi namin pinansin. Pareho kaming nakatayo lang doon, sa hallway, magkayakap pa kami kanina, ngayon parang may pader na biglang tumayo sa pagitan namin.“Amara, ma

  • MY CONTRACT HUSBAND   kabanata6 Hindi Ako Aalis

    Hindi ako lumabas.Kahit isang oras na siyang nasa labas ng pinto, hindi pa rin ako lumabas. Naririnig ko pa rin yung paghinga niya. Naririnig ko yung pag-upo niya sa sahig. Naririnig ko yung paggalaw ng sapatos niya tuwing tumatayo siya at uupo ulit, parang hindi siya mapakali. Parang bata na naghihintay na buksan yung pinto.Nakaupo lang ako sa likod ng pinto, yakap yung tuhod ko. Yung likod ko nakasandal sa malamig na kahoy. Yung mata ko, masakit na kakaiyak. Yung ilong ko, barado na. Pero yung puso ko, hindi pa rin tumitigil. Ang bilis pa rin ng tibok niya, parang gusto niyang tumakas sa dibdib ko.Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano yung mas masakit. Yung sinabi ni Bea na ako daw yung dahilan kung bakit sila naghiwalay, o yung pananahimik ni Adrian kanina. Yung pagyuko niya. Yung hindi niya ako kayang tingnan.Kasi nung humarap siya sa mama niya para sa akin, akala ko, kakampi ko na siya. Akala ko, kahit peke lang tong kasal namin, totoo siyang lalaban para sa akin. Pero kanina

  • MY CONTRACT HUSBAND   Hindi Ako papatalo

    *KABANATA 5Hindi ako nakasagot kay Bea.Nakatayo lang ako dun, parang statue. Yung kamay ko, nanginginig. Yung puso ko, parang may nakadagan."Ikaw yung dahilan kung bakit hindi kami nagkabalikan," ulit niya. Yung boses niya, galit na galit na.Tumingin ako kay Adrian. Umaasa ako na ipagtatanggol niya ulit ako tulad nung ginawa niya sa mama niya. Pero si Adrian, nakayuko lang. Hindi siya makatingin sa akin. Hindi rin siya makatingin kay Bea.At dun ko naramdaman, mas masakit pala yung pananahimik kaysa sa sigaw."Bea, umalis ka na muna," sabi ni Adrian sa wakas. Mahina lang. Hindi yung matapang na boses na narinig ko kahapon. Yung boses niya ngayon, pagod. Parang hindi niya alam kung sino yung kakampihan niya."Adrian—" simula ni Bea."Please," putol ni Adrian. "Kailangan naming mag-usap ng asawa ko."Asawa ko.Dalawang salita lang yun, pero parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Natauhan ako.Tumingin sa akin si Bea. Yung tingin niya, parang gusto niya akong lamunin ng buhay. Per

  • MY CONTRACT HUSBAND   Unang Umaga

    Kabanata 4 Nagising ako sa amoy ng sinangag at tuyo.Hindi yung amoy ng bahay namin dati. Iba to. Mas tahimik. Mas malamig. Mas... mayaman.Pagdilat ko, puti lahat. Puti yung kurtina, puti yung kumot, puti yung kisame. Napakaganda pero hindi sa akin. Parang natutulog ako sa hotel.Tumingin ako sa tabi ko. Walang tao. Walang Adrian.Nakahinga ako ng maluwag at kasabay nun, medyo nalungkot din ako. Hindi ko alam bakit. Kahapon lang, takot na takot ako na baka tabihan niya ako. Ngayon na wala siya, parang may kulang.Bumangon ako dahan-dahan. Yung paa ko, lumapat sa malamig na sahig. Yung buhok ko, magulo pa. Yung mukha ko, malamang namamaga pa sa pag-iyak kagabi.Lumabas ako ng kwarto. Amoy sinangag pa rin.Sa kusina, nakita ko si Adrian. Naka-puting t-shirt lang siya at jogging pants. Yung buhok niya, medyo magulo din. Hindi siya yung Adrian na naka-suit kahapon. Eto yung Adrian na... tao lang.Nagluluto siya. Seryoso. Parang exam yung pagprito niya ng itlog."Gising ka na pala," sabi

  • MY CONTRACT HUSBAND   tinatanggap ko

    *KABANATA 3 Kinabukasan, mas maaga akong nagising kaysa kay Leo.Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Siguro mga dalawang oras lang. Pero hindi ako pagod. Yung kaba ko, mas malakas pa sa kape.Pinaghanda ko si Leo ng almusal. Itlog at kanin lang. Yung paborito niya, yung itlog na medyo runny yung pula. Habang kumakain siya, tinitignan ko lang siya."Mama, bakit tinitignan mo ako?" tanong niya."Wala lang anak. Ang pogi mo kasi ngayon."Tumawa siya. "Mama, lagi mo sinasabi yan!"Pagkatapos ko siyang ihatid sa daycare, diretso na ako sa sakayan ng jeep. Yung kamay ko, pinagpapawisan. Yung folder, hawak ko ulit. Pero ngayon, hindi na ako takot na may makakita. Mas takot ako sa sasabihin ko sa kanya.Pagdating ko sa Velasco Tower, mas lalo akong kinabahan. Ang taas. Ang lamig ng aircon. Ang bango. Ang linis. Parang hindi ako bagay dito. Naka-plain na t-shirt lang ako at jeans. Yung sapatos ko, medyo luma na.Umakyat ako sa 30th floor. Pagbukas ng elevator, nandun ulit yung secretary niy

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status