Share

tinatanggap ko

Author: Ms Anica
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-18 22:24:00

*KABANATA 3

Kinabukasan, mas maaga akong nagising kaysa kay Leo.

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Siguro mga dalawang oras lang. Pero hindi ako pagod. Yung kaba ko, mas malakas pa sa kape.

Pinaghanda ko si Leo ng almusal. Itlog at kanin lang. Yung paborito niya, yung itlog na medyo runny yung pula. Habang kumakain siya, tinitignan ko lang siya.

"Mama, bakit tinitignan mo ako?" tanong niya.

"Wala lang anak. Ang pogi mo kasi ngayon."

Tumawa siya. "Mama, lagi mo sinasabi yan!"

Pagkatapos ko siyang ihatid sa daycare, diretso na ako sa sakayan ng jeep. Yung kamay ko, pinagpapawisan. Yung folder, hawak ko ulit. Pero ngayon, hindi na ako takot na may makakita. Mas takot ako sa sasabihin ko sa kanya.

Pagdating ko sa Velasco Tower, mas lalo akong kinabahan. Ang taas. Ang lamig ng aircon. Ang bango. Ang linis. Parang hindi ako bagay dito. Naka-plain na t-shirt lang ako at jeans. Yung sapatos ko, medyo luma na.

Umakyat ako sa 30th floor. Pagbukas ng elevator, nandun ulit yung secretary niya.

"Ma'am Amara, pinapapasok na po kayo ni Sir Adrian," sabi niya.

Huminga ako ng malalim. Pagpasok ko, nandun siya. Nakatayo sa may bintana, nakatingin sa labas. Naka-suit na naman. Ang ayos ng buhok. Ang tangkad.

"Good morning," sabi niya. Walang ngiti. Tulad pa rin kahapon.

"Good morning po," sabi ko. Yung boses ko, nanginginig.

Umupo siya sa harap ko. "So? Ano yung desisyon mo?"

Tumingin ako sa kanya. Diretsahan. Ayokong magmukhang duwag.

"Tinatanggap ko po."

Tahimik. Ilang segundo na parang ang tagal. Tinitigan niya lang ako. Parang inaaral niya yung mukha ko kung nagsisinungaling ba ako o hindi.

"Sigurado ka?" tanong niya.

"Opo. Pero may gusto lang po ako itanong. Si Leo... Saan siya titira? Hindi ko po siya pwedeng iwan."

Doon siya parang nagulat ng konti. "Kasama mo siya. Sa bahay ko. May sarili siyang kwarto. Hindi ko siya paghihiwalayan sa'yo."

Doon ako nakahinga ng maluwag. Yun lang naman yung pinaka-importante sa akin eh. Si Leo.

"At saka... hindi niyo po siya sasaktan? Hindi niyo po siya..."

"Hindi," putol niya agad. "Hindi ko siya sasaktan. Hindi ako ganung tao, Amara."

Tumango ako. Naniwala ako. Hindi ko alam bakit, pero naniwala ako sa kanya.

Kinuha niya yung folder at may nilabas na ballpen. "Pirmahan mo na dito."

Tiningnan ko yung papel. CONTRACT MARRIAGE. Yung pangalan ko, naka-print na. Amara Reyes.

Hawak ko na yung ballpen. Nanginginig yung kamay ko.

Ito na. Pag pinirmahan ko to, wala nang atrasan. Isang taon akong magiging Mrs. Velasco. Isang taon akong magpapanggap.

Tiningnan ko yung ballpen. Tiningnan ko si Adrian. Tiningnan ko yung pangalan ni Leo sa utak ko.

At pinirmahan ko.

*KABANATA 3 - Ang Bahay Ni Adrian*

Pagkatapos kong pumirma, akala ko tapos na. Yun pala, simula pa lang.

"Mag-empake ka na ngayon," sabi ni Adrian. "Susundo ako ng 5 PM sa inyo. Isama mo si Leo."

"Ngayon na po agad?" Nagulat ako. Ang bilis naman.

"Mas maaga, mas maganda. Kailangan na tayong makita ng pamilya ko na magkasama ngayong weekend. Wala na tayong oras."

Tumango na lang ako. Wala na akong nagawa. Pumirma na ako eh.

Pag-uwi ko, parang lutang pa rin ako. Nag-empake ako ng mga gamit namin ni Leo. Hindi naman marami. Dalawang bag lang. Yung mga damit ni Leo, yung mga damit ko, yung maliit na teddy bear niya na si Brownie, at yung drawing niya na may pink na bahay.

"Mama, saan tayo pupunta?" tanong ni Leo habang tinitignan niya akong nag-eempake.

"Sa bago nating bahay, anak."

"Yung malaking bahay? Yung katulad ng drawing ko?"

Napahinto ako. "Oo anak. Yung malaking bahay."

Nagsigaw siya sa tuwa. "YEEEY! May malaking bahay na tayo!"

Yung tuwa niya, parang sinaksak ako sa puso. Kasi alam ko, peke lang to. Isang taon lang to. Paano ko sasabihin sa kanya pag natapos na?

Exactly 5 PM, may tumigil na itim na kotse sa tapat ng bahay namin. Ang laki. Ang kinis. Pagbaba ni Adrian, lahat ng kapitbahay namin napatingin.

"Si Amara, mayaman na!" bulong ng isa.

"Mama, sino siya?" tanong ni Leo, nakatago sa likod ko.

Lumuhod si Adrian para magpantay sila. "Hi Leo. Ako si Adrian. Ako yung... kaibigan ni Mama mo."

Tinitigan siya ni Leo. "Mataas ka. Kasing taas ng giraffe."

Natawa ako. Buti na lang hindi sumimangot si Adrian. Parang napangiti pa siya ng konti. Konting-konti lang.

Pagdating namin sa bahay niya, hindi ako makapaniwala. Hindi to bahay. Mansion to!

May gate na automatic. May garden na may mga bulaklak. May swimming pool pa!

"Mama! May pool! May pool!" sigaw ni Leo.

Pagpasok namin sa loob, mas lalo akong nahiya. Ang laki ng sala. Ang puti ng sahig. Yung chandelier, kumikinang. Yung sofa, parang hindi pwedeng upuan kasi baka madumihan.

"Yung kwarto niyo, sa taas. Pangalawang p***o sa kanan," sabi ni Adrian. "Yung kwarto ni Leo, katabi niyo."

Pag-akyat namin, binuksan ko yung kwarto. Halos maiyak ako.

Yung kama, ang laki. Malambot. May mga unan na ang dami. May closet na mas malaki pa sa dati naming

kwarto. May banyo na may bathtub!

"Mama, dito na tayo titira?" tanong ni Leo, tumatakbo pa-ikot.

"Oo anak."

"Totoo ba to? Hindi ba to panaginip?"

Hinawakan ko yung kamay niya. "Totoo to anak."

Pero sa loob-loob ko, ako yung nagtatanong. Totoo ba to? Kasi parang panaginip lang lahat.

Bumaba ako para magpasalamat kay Adrian. Nasa sala siya, nag-aayos ng mga papeles.

"Adrian..." sabi ko.

"Hmm?" Hindi siya tumitingin.

"Thank you. Para kay Leo."

Tumingin siya sa akin. Yung mata niya, hindi na malamig. Parang... may iba.

"Wag mo akong pasalamatan. Kontrata lang to, Amara. Wag mong kalimutan."

Oo nga. Kontrata lang.

Pero bakit ang sakit?

Pagkatapos kong ayusin yung mga gamit namin, bumaba ako para magluto sana. Sanay ako na ako nagluluto eh. Pero pagbaba ko, may babae na sa kusina. Naka-uniform.

"Ma'am, ako po si Manang Rosa. Ako po yung kasambahay dito. Magluluto na po ako ng hapunan," sabi niya.

Nahiya ako bigla. Hindi ako sanay na may nagluluto para sa akin. Sa dati naming bahay, ako lahat. Luto, linis, laba.

"Ay, ako na lang po sana..." sabi ko.

"Hindi na po, Ma'am. Utos po ni Sir Adrian. Umupo na lang po kayo."

Umupo ako sa may dining table. Ang laki ng lamesa. Pang-walo yata. Pero tatlo lang kami kakain. Si Adrian, ako, at si Leo.

Pagbaba ni Adrian, naka-t-shirt na lang siya. Hindi na naka-suit. Mas mukha siyang tao ngayon. Mas... normal.

Si Leo, tumatakbo pa rin. Tuwang-tuwa sa bahay.

"Mama, ang laki ng bahay ni Kuya Adrian! Pwede ba ako mag-slide dito?" tanong niya habang nakaturo sa hagdan.

"Leo! Wag kang makulit!" saway ko.

Pero si Adrian, nagsalita. "Pwede. Basta mag-ingat ka."

Nagulat ako. Hinayaan niya? Akala ko magagalit siya kasi baka masira yung bahay niya.

Umupo kami para kumain. May adobo, may sinigang, may kanin na ang dami. May juice pa.

"Mama, ang sarap!" sabi ni Leo, ang takaw kumain.

Tumingin sa akin si Adrian. "Kumain ka na rin. Kanina ka pa hindi kumakain."

Tumango ako at kumuha ng kanin. Tahimik lang kami kumakain. Ang awkward. Parang hindi ako makalunok.

"Adrian..." sabi ko ng mahina.

"Hmm?"

"Paano tayo... paano tayo kikilos pag nandito yung pamilya mo? Yung... mag-asawa?"

Tiningnan niya ako. "Simple lang. Hawak kamay pag may tao. Tatawagin mo akong love pag may ibang tao. Sa harap nila, mag-asawa tayo. Pag tayong dalawa lang, kontrata lang."

Tumango ako. "Ah, okay."

Pero sa loob-loob ko, kinabahan ako. Hawak kamay? Love? Hindi ko pa nagawa yun kahit kanino. Kahit sa tatay ni Leo, hindi ko naranasan yung ganun.

Pagkatapos kumain, pinatulog ko na si Leo. Pagod na pagod siya kakatakbo. Pagbalik ko sa baba, nandun pa rin si Adrian. Nakaupo sa sofa, may hawak na baso ng tubig.

"Natutulog na siya?" tanong niya.

"Opo."

Tahimik ulit. Ako, nakatayo lang. Hindi ko alam kung saan ako uupo. Sa kanya ba? Sa malayo?

"Amara," tawag niya.

"Opo?"

"Bukas, pupunta yung mama ko dito. Gusto ka niyang makilala. Mag-ayos ka ng maayos. Magpanggap tayo na maayos."

"Okay po."

Tumingin siya sa akin ulit. "At Amara..."

"Ano po?"

"Wag kang matakot sa mama ko. Ako bahala sa'yo."

Hindi ko alam bakit, pero nung sinabi niya yun, parang gumaan yung dibdib ko ng konti.

Umakyat na ako sa kwarto ko. Humiga ako sa malambot na kama. Ang lamig ng aircon. Ang tahimik.

Pero yung utak ko, ang ingay. Bukas, makikilala ko na yung mama niya. Yung totoong pamilya ni Adrian.

Kaya ko ba to? Magpanggap na asawa niya?

Pumikit ako. Para kay Leo. Para kay Leo lang to.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • MY CONTRACT HUSBAND   Kabanata8 Harapan

    Gosh. !hindi ko alam kung paano ko sisimulan to.Kasi pagbaba namin ng kotse, yung tuhod ko, parang jelly na. As in, nanginginig talaga. Hindi yung pa-cute na nginig. Yung totoo. Yung parang anytime, matutumba ako.Si Adrian, hawak pa rin yung kamay ko. Mahigpit. Parang kung bibitawan niya ako, tatakbo ako palayo. At sa totoo lang, gusto ko talagang tumakbo palayo. Gusto kong bumalik sa bahay, magkulong sa kwarto, at magpanggap na hindi ko nabasa yung text ni Bea.Pero andito na kami eh. Nasa harap na kami ng condo ni Bea.“Amara, okay ka lang ba?” tanong ni Adrian. Yung boses niya, ang hina. Parang siya rin, takot.“Ahh... hindi,” sabi ko. Totoo lang. “Jusko, Adrian, kinakabahan ako. Paano kung... paano kung totoo nga?”Hindi siya sumagot. Kasi alam ko, yun din yung kinakatakutan niya.Tapos biglang bumukas yung pinto. Si Bea. Naka-pajama. Walang makeup. Yung mata niya, namumula. At yung kamay niya, nasa tiyan niya.Hay nako. Doon pa lang, parang gusto ko nang umiyak ulit.“Adrian,”

  • MY CONTRACT HUSBAND   Chapter7 Sayo To.

    Hindi ko agad nabasa ng buo yung message.Kasi nung una, yung pangalan lang yung nakita ko. BEA. Tapos yung kamay ni Adrian na nanginginig habang hawak yung phone niya. Tapos yung mukha niya na biglang namutla, parang naubusan ng dugo.“Adrian?” tawag ko. Hinawakan ko yung braso niya, mahigpit. “Adrian, ano yan? Bakit ka namumutla?”Hindi siya sumagot. Tinitigan lang niya yung phone niya na parang hindi siya makapaniwala sa binabasa niya. Parang gusto niyang mabura yung message sa kakatingin niya.Kinuha ko yung phone sa kamay niya. Hindi siya pumalag. Parang wala siya sa sarili niya.At doon ko nabasa._“Adrian, kailangan mo umuwi ngayon. Buntis ako. At sa'yo to.”_Isang linya lang. Pero parang sampal na paulit-ulit sa mukha ko.Buntis siya. Si Bea. At kay Adrian daw.Nabitawan ko yung phone. Bumagsak siya sa sahig, pero hindi namin pinansin. Pareho kaming nakatayo lang doon, sa hallway, magkayakap pa kami kanina, ngayon parang may pader na biglang tumayo sa pagitan namin.“Amara, ma

  • MY CONTRACT HUSBAND   kabanata6 Hindi Ako Aalis

    Hindi ako lumabas.Kahit isang oras na siyang nasa labas ng pinto, hindi pa rin ako lumabas. Naririnig ko pa rin yung paghinga niya. Naririnig ko yung pag-upo niya sa sahig. Naririnig ko yung paggalaw ng sapatos niya tuwing tumatayo siya at uupo ulit, parang hindi siya mapakali. Parang bata na naghihintay na buksan yung pinto.Nakaupo lang ako sa likod ng pinto, yakap yung tuhod ko. Yung likod ko nakasandal sa malamig na kahoy. Yung mata ko, masakit na kakaiyak. Yung ilong ko, barado na. Pero yung puso ko, hindi pa rin tumitigil. Ang bilis pa rin ng tibok niya, parang gusto niyang tumakas sa dibdib ko.Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano yung mas masakit. Yung sinabi ni Bea na ako daw yung dahilan kung bakit sila naghiwalay, o yung pananahimik ni Adrian kanina. Yung pagyuko niya. Yung hindi niya ako kayang tingnan.Kasi nung humarap siya sa mama niya para sa akin, akala ko, kakampi ko na siya. Akala ko, kahit peke lang tong kasal namin, totoo siyang lalaban para sa akin. Pero kanina

  • MY CONTRACT HUSBAND   Hindi Ako papatalo

    *KABANATA 5Hindi ako nakasagot kay Bea.Nakatayo lang ako dun, parang statue. Yung kamay ko, nanginginig. Yung puso ko, parang may nakadagan."Ikaw yung dahilan kung bakit hindi kami nagkabalikan," ulit niya. Yung boses niya, galit na galit na.Tumingin ako kay Adrian. Umaasa ako na ipagtatanggol niya ulit ako tulad nung ginawa niya sa mama niya. Pero si Adrian, nakayuko lang. Hindi siya makatingin sa akin. Hindi rin siya makatingin kay Bea.At dun ko naramdaman, mas masakit pala yung pananahimik kaysa sa sigaw."Bea, umalis ka na muna," sabi ni Adrian sa wakas. Mahina lang. Hindi yung matapang na boses na narinig ko kahapon. Yung boses niya ngayon, pagod. Parang hindi niya alam kung sino yung kakampihan niya."Adrian—" simula ni Bea."Please," putol ni Adrian. "Kailangan naming mag-usap ng asawa ko."Asawa ko.Dalawang salita lang yun, pero parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Natauhan ako.Tumingin sa akin si Bea. Yung tingin niya, parang gusto niya akong lamunin ng buhay. Per

  • MY CONTRACT HUSBAND   Unang Umaga

    Kabanata 4 Nagising ako sa amoy ng sinangag at tuyo.Hindi yung amoy ng bahay namin dati. Iba to. Mas tahimik. Mas malamig. Mas... mayaman.Pagdilat ko, puti lahat. Puti yung kurtina, puti yung kumot, puti yung kisame. Napakaganda pero hindi sa akin. Parang natutulog ako sa hotel.Tumingin ako sa tabi ko. Walang tao. Walang Adrian.Nakahinga ako ng maluwag at kasabay nun, medyo nalungkot din ako. Hindi ko alam bakit. Kahapon lang, takot na takot ako na baka tabihan niya ako. Ngayon na wala siya, parang may kulang.Bumangon ako dahan-dahan. Yung paa ko, lumapat sa malamig na sahig. Yung buhok ko, magulo pa. Yung mukha ko, malamang namamaga pa sa pag-iyak kagabi.Lumabas ako ng kwarto. Amoy sinangag pa rin.Sa kusina, nakita ko si Adrian. Naka-puting t-shirt lang siya at jogging pants. Yung buhok niya, medyo magulo din. Hindi siya yung Adrian na naka-suit kahapon. Eto yung Adrian na... tao lang.Nagluluto siya. Seryoso. Parang exam yung pagprito niya ng itlog."Gising ka na pala," sabi

  • MY CONTRACT HUSBAND   tinatanggap ko

    *KABANATA 3 Kinabukasan, mas maaga akong nagising kaysa kay Leo.Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Siguro mga dalawang oras lang. Pero hindi ako pagod. Yung kaba ko, mas malakas pa sa kape.Pinaghanda ko si Leo ng almusal. Itlog at kanin lang. Yung paborito niya, yung itlog na medyo runny yung pula. Habang kumakain siya, tinitignan ko lang siya."Mama, bakit tinitignan mo ako?" tanong niya."Wala lang anak. Ang pogi mo kasi ngayon."Tumawa siya. "Mama, lagi mo sinasabi yan!"Pagkatapos ko siyang ihatid sa daycare, diretso na ako sa sakayan ng jeep. Yung kamay ko, pinagpapawisan. Yung folder, hawak ko ulit. Pero ngayon, hindi na ako takot na may makakita. Mas takot ako sa sasabihin ko sa kanya.Pagdating ko sa Velasco Tower, mas lalo akong kinabahan. Ang taas. Ang lamig ng aircon. Ang bango. Ang linis. Parang hindi ako bagay dito. Naka-plain na t-shirt lang ako at jeans. Yung sapatos ko, medyo luma na.Umakyat ako sa 30th floor. Pagbukas ng elevator, nandun ulit yung secretary niy

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status