Share

Unang Umaga

Author: Ms Anica
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-18 22:28:22

Kabanata 4

Nagising ako sa amoy ng sinangag at tuyo.

Hindi yung amoy ng bahay namin dati. Iba to. Mas tahimik. Mas malamig. Mas... mayaman.

Pagdilat ko, puti lahat. Puti yung kurtina, puti yung kumot, puti yung kisame. Napakaganda pero hindi sa akin. Parang natutulog ako sa hotel.

Tumingin ako sa tabi ko. Walang tao. Walang Adrian.

Nakahinga ako ng maluwag at kasabay nun, medyo nalungkot din ako. Hindi ko alam bakit. Kahapon lang, takot na takot ako na baka tabihan niya ako. Ngayon na wala siya, parang may kulang.

Bumangon ako dahan-dahan. Yung paa ko, lumapat sa malamig na sahig. Yung buhok ko, magulo pa. Yung mukha ko, malamang namamaga pa sa pag-iyak kagabi.

Lumabas ako ng kwarto. Amoy sinangag pa rin.

Sa kusina, nakita ko si Adrian. Naka-puting t-shirt lang siya at jogging pants. Yung buhok niya, medyo magulo din. Hindi siya yung Adrian na naka-suit kahapon. Eto yung Adrian na... tao lang.

Nagluluto siya. Seryoso. Parang exam yung pagprito niya ng itlog.

"Gising ka na pala," sabi niya nang hindi lumilingon. Paano niya nalaman?

"Umupo ka na. Malapit na to."

Umupo ako sa harap ng mesa. Sa harap ko, may baso ng gatas at may platong may tinapay. Parang bata ako na pinaghahanda ng baon.

"Ikaw nagluto?" tanong ko.

"Si Manang. Tinuruan lang ako magprito. Ayaw ko kasing ikaw yung magluto agad sa unang araw mo," sagot niya.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko inaasahan na ganito siya. Akala ko pag gising ko, malamig na naman siya. Akala ko kontrata lang talaga.

Nilapag niya yung plato sa harap ko. Sinangag, itlog, at tuyo. Yung paborito ko. Paano niya nalaman na paborito ko yun?

"Paano mo..." hindi ko natapos.

"Sinabi ni Leo," sabi niya, maikli. "Sabi niya, pag malungkot ka, pakainin ka lang daw ng tuyo. Tatawa ka na."

Napangiti ako. Si Leo talaga.

Kumain kami ng tahimik. Walang TV. Walang radyo. Yung tunog lang ng kutsara at tinidor yung naririnig ko. Pero hindi siya awkward tulad kagabi. Mas... payapa.

Tumingin ako sa kanya habang kumakain siya. May kanin sa gilid ng labi niya. Gusto ko sana sabihin. Pero nahiya ako.

"May kanin ka dito," sabi ko rin sa huli, tinuro ko yung labi ko.

Nagulat siya. Pinunasan niya agad. Namula yung tenga niya. Yung Adrian na laging seryoso, namula. At dun ako natawa ng totoo. Yung unang totoong tawa ko simula nung pumirma ako.

Napatingin siya sa akin. Hindi siya naiinis. Nakangiti din siya. Yung ngiting hindi niya pinapakita sa ibang tao.

"Mas maganda ka pag tumatawa," sabi niya, mahina lang.

Natigilan ako. Yung puso ko, biglang bumilis. Hindi to kasama sa kontrata. Hindi dapat ako kinikilig.

Bago pa ako makasagot, may narinig kaming malakas na busina sa labas. Tapos may sunod-sunod na katok.

Hindi katok na normal. Katok na parang galit. Katok na parang may-ari ng bahay.

Napatingin si Adrian sa p***o. Biglang nawala yung ngiti niya. Bumalik yung seryoso niyang mukha. Yung mukha niya kahapon.

"Sino yan?" tanong ko.

Hindi siya sumagot agad. Tumayo siya ng dahan-dahan.

"Si Mama," sabi niya.

At dun ko naramdaman na parang lumamig ulit yung buong bahay.

"Pinili mo?" Tumawa yung mama ni Adrian, pero hindi masaya yung tawa niya. "O napilitan ka lang kasi wala ka nang ibang choice?"

Bago pa makasagot si Adrian, biglang tumunog yung phone niya.

Hindi siya yung normal na ringtone. Ibang tunog. Yung tunog na parang... espesyal.

Napatingin si Adrian sa phone niya. At dun ko nakita. Yung kamay niya, nanginginig ng konti. Yung mukha niya na kanina lang matapang sa harap ng mama niya, biglang natigilan.

Sino yung tumatawag na ganun yung epekto sa kanya?

"Sinong tumatawag?" tanong ng mama niya. Parang alam na niya yung sagot.

Hindi sumagot si Adrian. Pinatay niya yung tawag. Pero after 2 seconds, tumawag ulit. At ulit. At ulit.

"Mama, sorry. Kailangan ko lang sagutin to," sabi niya, at lumabas siya ng kusina. Iniwan niya ako mag-isa kasama yung mama niya.

Akala ko magagalit pa rin yung mama niya sa akin. Pero pag-alis ni Adrian, biglang lumambot yung mukha niya. Umupo siya ulit. Tumingin siya sa akin, pero hindi na yung parang scanner. Mas... malungkot.

"Pasensya ka na, hija," sabi niya. "Hindi ko sinasadya na saktan ka. Natatakot lang ako para sa anak ko."

Nagulat ako. Hija? Kanina, "bisita" lang ako.

"Bakit po kayo natatakot?" tanong ko, mahina lang.

Kasi bago pa siya makasagot, narinig namin si Adrian sa labas. Hindi siya sumisigaw, pero yung boses niya, halatang galit at... nasasaktan.

"Sabi ko na, tigilan mo na ako, Bea! May asawa na ako!"

Bea.

Yun yung pangalan ng ex niya.

Napatingin sa akin yung mama ni Adrian. Yung mata niya, parang nagsasabi ng "Yan na nga yung sinasabi ko."

"Si Bea yung ex niya," sabi niya, mahina lang para hindi kami marinig ni Adrian. "Pitong taon sila. Akala ng lahat, sila na yung magpapakasal. Tapos biglang naghiwalay sila. Hindi pa rin siya makamove-on."

Pitong taon. Pitong taon sila ni Bea. Ako? Isang araw pa lang kaming kasal.

Paano ako lalaban dun?

Pagbalik ni Adrian sa kusina, pawis na pawis siya. Yung mata niya, namumula. Hindi ko alam kung galit siya o maiiyak na siya.

"Okay ka lang?" tanong ko.

Hindi siya sumagot. Tumingin lang siya sa akin, tapos sa mama niya.

"Mama, pwede bang bukas na lang tayo mag-usap? Pagod nal si... pagod na kami," sabi niya.

Tumango yung mama niya. Tumayo siya at kinuha yung bag niya. Bago siya umalis, hinawakan niya yung kamay ko. Mainit yung kamay niya.

"Hija, hindi ako galit sa'yo. Galit ako sa sitwasyon," bulong niya. "Pero mag-iingat ka. Si Bea, hindi siya basta-basta susuko. Pag nalaman niyang kasal na si Adrian, siguradong gagawa siya ng paraan."

At pagkasabi niya nun, umalis na siya.

Naiwan kami ni Adrian na dalawa. Tahimik. Yung sinangag, lumamig na. Yung tuyo, hindi na masarap.

"Adrian," sabi ko. "Sino si Bea?"

Tumingin siya sa akin ng matagal. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.

"Siya yung babaeng dapat na pinakasalan ko," sabi niya sa wakas.

At dun, parang may kumurot sa puso ko. Ang sakit pala. Kahit kontrata lang to, ang sakit palang marinig na may ibang babae na dapat nandito sa pwesto

*Kabanata 4 - Part 4: Dumating si Bea*

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.

Paulit-ulit sa utak ko yung sinabi ni Adrian. _"Siya yung babaeng dapat na pinakasalan ko."_

Dapat. Ibig sabihin, ako yung hindi dapat. Ako yung pamalit lang. Ako yung pang-kontrata.

Kinaumagahan, maaga akong bumangon para magluto. Gusto kong patunayan na kahit hindi ako si Bea, kaya kong maging asawa. Kahit sa papel lang.

Nasa kusina ako, nagluluto ng itlog, nang may nag-doorbell.

Hindi ko binuksan agad. Baka si Mama ulit. Baka si Manang. Pero nung binuksan ko, hindi sila.

Isang babae. Matangkad. Maputi. Mahaba yung buhok na parang sa shampoo commercial. Naka-red na dress kahit umaga pa lang. Naka-heels. Amoy mamahaling pabango. Yung tipong pag pumasok siya sa kwarto, lahat mapapatingin.

Ngumiti siya sa akin. Yung ngiting matamis pero parang may lason.

"Hi! Ikaw ba yung... katulong?" sabi niya.

Katulong.

Dalawang beses na akong tinawag na hindi asawa sa loob ng dalawang araw. Una, bisita. Ngayon, katulong.

"Hindi po. Ako po yung asawa ni Adrian," sabi ko. Pinilit kong tumayo ng tuwid kahit nanginginig yung tuhod ko.

Biglang nawala yung ngiti niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Yung suot ko, simpleng t-shirt at shorts lang. Yung buhok ko, nakatali lang ng basta-basta. Yung mukha ko, walang make-up.

"Ikaw?" Tumawa siya. "Ikaw yung pinakasalan niya?"

Hindi ako nakasagot. Kasi paano ako sasagot sa tanong na parang insulto na?

"Ay sorry, hindi ako naniniwala eh," sabi niya, at pumasok siya ng walang paalam. Parang bahay niya. "Adrian! Adrian, nasaan ka?"

Lumabas si Adrian galing sa kwarto. Naka-tshirt lang siya. Pagkakita niya kay Bea, natigilan siya. Parang nakakita siya ng multo.

"Bea, anong ginagawa mo dito?" tanong niya. Yung boses niya, hindi galit. Mas parang... gulat. At may konting... saya? Hindi ko alam. Baka guni-guni ko lang.

"Namiss kita," sabi ni Bea. At walang paalam, niyakap niya si Adrian. Mahigpit. Yung yakap na matagal. Yung yakap na alam na alam yung katawan ng isa't isa.

Nakatayo lang ako dun. Nanonood. Asawa ako, pero parang ako yung outsider. Ako yung bisita sa sarili kong bahay.

Bumitaw si Bea pero hindi niya binitawan yung braso ni Adrian. Nakakapit pa rin siya.

"Nabalitaan ko kasal ka na daw. Totoo ba? Sabihin mo sa akin na hindi totoo. Sabihin mo na prank lang to," sabi niya. Yung mata niya, nagtutubig na. Yung boses niya, nanginginig.

Tumingin si Adrian sa akin. Tapos kay Bea. Parang nahihirapan siya.

"Bea, totoo. Kasal na ako," sabi niya.

"Kanino? Sa kanya?" Turo niya sa akin. "Adrian, pitong taon tayo! Pitong taon! Tapos ipagpapalit mo ako sa... sa kanya? Ano meron siya na wala ako?"

Gusto kong sumagot. Gusto kong sabihin na wala nga. Na mas maganda siya. Mas mayaman siya. Mas bagay sila. Gusto kong sabihin na tama siya.

Pero bago ako makapagsalita, nagsalita si Adrian.

"Bea, tapos na tayo. Ikaw yung umalis, hindi ako."

"Umalis ako kasi natakot ako! Pero bumalik ako! Adrian, bumalik ako para sa'yo!" Umiiyak na si Bea ngayon. Yung make-up niya, medyo kumalat na. Pero maganda pa rin siya kahit umiiyak. Paano yun? Ako pag umiiyak, mukha akong binugbog.

"Late ka na," sabi ni Adrian. Mahina lang, pero madiin.

At dun, tumingin sa akin si Bea. Yung mata niya, hindi na malungkot. Galit na. Yung galit na parang ako yung sumira sa buhay niya.

"Ikaw," sabi niya. "Ikaw yung dahilan kung bakit hindi kami nagkabalikan. Kung hindi ka dumating, kami pa rin ni Adrian."

Hindi ako nakasagot. Kasi sa totoo lang, baka tama siya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • MY CONTRACT HUSBAND   Kabanata8 Harapan

    Gosh. !hindi ko alam kung paano ko sisimulan to.Kasi pagbaba namin ng kotse, yung tuhod ko, parang jelly na. As in, nanginginig talaga. Hindi yung pa-cute na nginig. Yung totoo. Yung parang anytime, matutumba ako.Si Adrian, hawak pa rin yung kamay ko. Mahigpit. Parang kung bibitawan niya ako, tatakbo ako palayo. At sa totoo lang, gusto ko talagang tumakbo palayo. Gusto kong bumalik sa bahay, magkulong sa kwarto, at magpanggap na hindi ko nabasa yung text ni Bea.Pero andito na kami eh. Nasa harap na kami ng condo ni Bea.“Amara, okay ka lang ba?” tanong ni Adrian. Yung boses niya, ang hina. Parang siya rin, takot.“Ahh... hindi,” sabi ko. Totoo lang. “Jusko, Adrian, kinakabahan ako. Paano kung... paano kung totoo nga?”Hindi siya sumagot. Kasi alam ko, yun din yung kinakatakutan niya.Tapos biglang bumukas yung pinto. Si Bea. Naka-pajama. Walang makeup. Yung mata niya, namumula. At yung kamay niya, nasa tiyan niya.Hay nako. Doon pa lang, parang gusto ko nang umiyak ulit.“Adrian,”

  • MY CONTRACT HUSBAND   Chapter7 Sayo To.

    Hindi ko agad nabasa ng buo yung message.Kasi nung una, yung pangalan lang yung nakita ko. BEA. Tapos yung kamay ni Adrian na nanginginig habang hawak yung phone niya. Tapos yung mukha niya na biglang namutla, parang naubusan ng dugo.“Adrian?” tawag ko. Hinawakan ko yung braso niya, mahigpit. “Adrian, ano yan? Bakit ka namumutla?”Hindi siya sumagot. Tinitigan lang niya yung phone niya na parang hindi siya makapaniwala sa binabasa niya. Parang gusto niyang mabura yung message sa kakatingin niya.Kinuha ko yung phone sa kamay niya. Hindi siya pumalag. Parang wala siya sa sarili niya.At doon ko nabasa._“Adrian, kailangan mo umuwi ngayon. Buntis ako. At sa'yo to.”_Isang linya lang. Pero parang sampal na paulit-ulit sa mukha ko.Buntis siya. Si Bea. At kay Adrian daw.Nabitawan ko yung phone. Bumagsak siya sa sahig, pero hindi namin pinansin. Pareho kaming nakatayo lang doon, sa hallway, magkayakap pa kami kanina, ngayon parang may pader na biglang tumayo sa pagitan namin.“Amara, ma

  • MY CONTRACT HUSBAND   kabanata6 Hindi Ako Aalis

    Hindi ako lumabas.Kahit isang oras na siyang nasa labas ng pinto, hindi pa rin ako lumabas. Naririnig ko pa rin yung paghinga niya. Naririnig ko yung pag-upo niya sa sahig. Naririnig ko yung paggalaw ng sapatos niya tuwing tumatayo siya at uupo ulit, parang hindi siya mapakali. Parang bata na naghihintay na buksan yung pinto.Nakaupo lang ako sa likod ng pinto, yakap yung tuhod ko. Yung likod ko nakasandal sa malamig na kahoy. Yung mata ko, masakit na kakaiyak. Yung ilong ko, barado na. Pero yung puso ko, hindi pa rin tumitigil. Ang bilis pa rin ng tibok niya, parang gusto niyang tumakas sa dibdib ko.Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano yung mas masakit. Yung sinabi ni Bea na ako daw yung dahilan kung bakit sila naghiwalay, o yung pananahimik ni Adrian kanina. Yung pagyuko niya. Yung hindi niya ako kayang tingnan.Kasi nung humarap siya sa mama niya para sa akin, akala ko, kakampi ko na siya. Akala ko, kahit peke lang tong kasal namin, totoo siyang lalaban para sa akin. Pero kanina

  • MY CONTRACT HUSBAND   Hindi Ako papatalo

    *KABANATA 5Hindi ako nakasagot kay Bea.Nakatayo lang ako dun, parang statue. Yung kamay ko, nanginginig. Yung puso ko, parang may nakadagan."Ikaw yung dahilan kung bakit hindi kami nagkabalikan," ulit niya. Yung boses niya, galit na galit na.Tumingin ako kay Adrian. Umaasa ako na ipagtatanggol niya ulit ako tulad nung ginawa niya sa mama niya. Pero si Adrian, nakayuko lang. Hindi siya makatingin sa akin. Hindi rin siya makatingin kay Bea.At dun ko naramdaman, mas masakit pala yung pananahimik kaysa sa sigaw."Bea, umalis ka na muna," sabi ni Adrian sa wakas. Mahina lang. Hindi yung matapang na boses na narinig ko kahapon. Yung boses niya ngayon, pagod. Parang hindi niya alam kung sino yung kakampihan niya."Adrian—" simula ni Bea."Please," putol ni Adrian. "Kailangan naming mag-usap ng asawa ko."Asawa ko.Dalawang salita lang yun, pero parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Natauhan ako.Tumingin sa akin si Bea. Yung tingin niya, parang gusto niya akong lamunin ng buhay. Per

  • MY CONTRACT HUSBAND   Unang Umaga

    Kabanata 4 Nagising ako sa amoy ng sinangag at tuyo.Hindi yung amoy ng bahay namin dati. Iba to. Mas tahimik. Mas malamig. Mas... mayaman.Pagdilat ko, puti lahat. Puti yung kurtina, puti yung kumot, puti yung kisame. Napakaganda pero hindi sa akin. Parang natutulog ako sa hotel.Tumingin ako sa tabi ko. Walang tao. Walang Adrian.Nakahinga ako ng maluwag at kasabay nun, medyo nalungkot din ako. Hindi ko alam bakit. Kahapon lang, takot na takot ako na baka tabihan niya ako. Ngayon na wala siya, parang may kulang.Bumangon ako dahan-dahan. Yung paa ko, lumapat sa malamig na sahig. Yung buhok ko, magulo pa. Yung mukha ko, malamang namamaga pa sa pag-iyak kagabi.Lumabas ako ng kwarto. Amoy sinangag pa rin.Sa kusina, nakita ko si Adrian. Naka-puting t-shirt lang siya at jogging pants. Yung buhok niya, medyo magulo din. Hindi siya yung Adrian na naka-suit kahapon. Eto yung Adrian na... tao lang.Nagluluto siya. Seryoso. Parang exam yung pagprito niya ng itlog."Gising ka na pala," sabi

  • MY CONTRACT HUSBAND   tinatanggap ko

    *KABANATA 3 Kinabukasan, mas maaga akong nagising kaysa kay Leo.Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Siguro mga dalawang oras lang. Pero hindi ako pagod. Yung kaba ko, mas malakas pa sa kape.Pinaghanda ko si Leo ng almusal. Itlog at kanin lang. Yung paborito niya, yung itlog na medyo runny yung pula. Habang kumakain siya, tinitignan ko lang siya."Mama, bakit tinitignan mo ako?" tanong niya."Wala lang anak. Ang pogi mo kasi ngayon."Tumawa siya. "Mama, lagi mo sinasabi yan!"Pagkatapos ko siyang ihatid sa daycare, diretso na ako sa sakayan ng jeep. Yung kamay ko, pinagpapawisan. Yung folder, hawak ko ulit. Pero ngayon, hindi na ako takot na may makakita. Mas takot ako sa sasabihin ko sa kanya.Pagdating ko sa Velasco Tower, mas lalo akong kinabahan. Ang taas. Ang lamig ng aircon. Ang bango. Ang linis. Parang hindi ako bagay dito. Naka-plain na t-shirt lang ako at jeans. Yung sapatos ko, medyo luma na.Umakyat ako sa 30th floor. Pagbukas ng elevator, nandun ulit yung secretary niy

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status