Share

SEASON 2- C. 105

Author: Leigh Obrien
last update Last Updated: 2025-06-01 19:13:24

Walang nangangahas na magsalita sa company group, pero sa mga pribadong group chat na walang leader, sumabog ang balita.

“Hindi ba ako namamalik-mata? Sinabi ni Mr. Devon na nililigawan niya si Roxanne?”

“Ni ako hindi makapaniwala, pero ‘yon talaga ang nakasulat sa pahayag ni Mr. Devon.”

“Nainggit naman ako…”

May ilan sa mga matatagal nang empleyado sa Pharmanova na hindi napigilang magtsismisan.

“Actually… ilang taon na ring bukas ang loob ni Mr. Devon sa kanya, pero nahulog siya noon sa dagat, at lahat akala patay na siya. Hindi inaasahang bigla siyang lilitaw ulit pagkatapos ng limang taon.”

“OMG? So nagpalita lang siya ng pangalan. Nagulat ako nang una ko siyang makita, kasi halos kamukhang-kamukha nila. Posible kayang nagpa-retoke siya para lang magmukhang si Roxanne at akitin si Mr. Devon?”

“Ewan ko rin, basta tayo, kain lang ng tsismis.”

“Sige na, tama na ‘yan. Kapag kumalat ‘to, siguradong paninindigan ni Mr. Devon ang sinabi niyang may matatanggal sa trabaho kapag may nakiala
Leigh Obrien

2nd update!

| 2
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 112

    Tahimik ang kabilang linya sa loob ng mahabang sandali, saka narinig ang paos na tinig ni Henry, “Devon, hindi ko kayang pumili. Parehong mahalaga sa akin sina Grace at ang kompanyang ito.”Gustong-gusto niyang tulungan ang pamilya ni Grace, pero hindi niya rin kayang talikuran ang kompanya. Noon, may suporta si Jameson mula kina Lola Ofelia at Madame Julie, kaya hindi siya nakalaban ng maayos kay Jameson.Ngayon, nasa harap na niya ang matagal na niyang pinapangarap. Kailangan lang niyang magsikap, at sa loob ng ilang taon ay maaari na siyang maging tagapangasiwa ng buong kumpanya ng pamilya Delgado.Paano niya ito bibitawan?...Pero hindi rin niya kayang iwan si Grace.“Maraming bagay sa mundo ang hindi puwedeng pagsabayin. Maraming ganitong sitwasyon ang kakaharapin mo sa hinaharap. Kapag ang desisyon mo ay may malaking epekto sa maraming tao, magpapapetiks ka na lang ba at hindi magpapasya?”Mapait ang ngiti ni Henry. “Hindi ko na alam…Devon, ano bang dapat kong gawin?”“Tanungin m

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 111

    Matapos ang ilang segundong katahimikan, tumalikod si Drake at umalis. Nasa di-kalayuang distansya pa rin si Cassie, mga apat o limang metro ang layo, at tahimik na sumusunod.Nainis si Drake kung bakit sunod nang sunod ang babae kaya medyo nakaramdam siya ng kakaiba dito. Tsaka bigla ulit tumunog ang cellphone niya.Mula ito kay Roxanne. [Drake, hindi ka maganda ang itsura ngayon. Kung may pinagdadaanan ka, sabihin mo lang sa akin, tutulungan kitang humanap ng solusyon. Kaya mo 'yan!]Matagal na nakatitig si Drake sa mensaheng iyon bago lamang sumagot ng isang salita. [Okay.]Sa loob ng isang kilalang seafood restaurant sa San Lorenzo.Matagal nang naghihintay si Roxanne, at nang makita niya ang "OK" na sagot ni Drake, may bahagyang pagkadismaya sa kanyang mga mata. Dahan-dahan niyang ibinaligtad ang cellphone sa ibabaw ng mesa.Napansin ni Devon ang lungkot sa mukha niya kaya iniabot niya ang crab meat na pinaghirapan niyang kunin.“Kumain muna tayo. Anong problema mo ngayong gabi?

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 110

    Umiling si Drake. “Ah, Miss Roxanne, ayos lang po ako. Hindi lang ako masyadong nakatulog kagabi. Ah, m-may gusto po kayong ipautos sa akin?”Paano naman mamamaga nang ganyan ang mga mata kung kulang lang sa tulog?Bagamat alam ni Roxanne na hindi nagsasabi ng totoo si Drake, hindi na siya nagtanong pa. Lahat naman kasi ng tao ay may mga bagay na ayaw pag-usapan, at magiging panghihimasok na kung pipilitin pa niya.“Plano kong palitan ang catalyst para sa eksperimento. Puwede mo bang subukan ang mga ito mamayang hapon?”Iniabot ni Roxanne ang isang papel na may listahan ng mga catalyst na gusto niyang subukan.Tiningnan iyon ni Drake at chi-neck ang dalawa sa mga ito. “Sa tingin ko, ito ang puwedeng subukan. Nasubukan ko na ang iba noon sa laboratoryo pero hindi maganda ang naging epekto ng katalisador at masyadong matagal ang reaksyon.”Tumango si Roxanne. “Sige, gawin natin 'yan.”Matapos nilang pag-usapan ang tungkol sa catalyst, babalik na sana si Roxanne sa workstation niya nang

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 109

    Ngumiti si Cassie, "Matagal na akong nandito. May kausap ka kasi kanina kaya hindi kita inistorbo.""Oh."Sumilay ang pagkainis sa mga mata ni Drake. Matagal na raw itong naroon? Ibig sabihin ba'y nakiusyoso ito sa tawag niya kanina?Noon ay may maganda siyang impresyon kay Cassie, pero ngayon, hindi niya maiwasang madama ang pagkadismaya. Paanong magiging mabuting tao ang isang naki-eavesdrop sa tawag ng iba?Napansin ni Cassie ang kanyang pagkainis kaya muling nagsalita, "Pasensya na talaga. Wala akong balak makinig, kaya tumayo lang ako sa labas ng pinto. Pero medyo malakas ang boses mo, maririnig kahit nasa katabing laboratoryo."Kumunot ang noo ni Drake. "Miss Cassie, may kailangan ka ba? Kung wala, kakain na ako.""May dala akong dokumento para kay Miss Roxanne. Dahil wala siya rito, pakiabot na lang mamayang hapon.""Sige."Pagkakuha ng dokumento, inilagay ito ni Drake sa drawer at nagplano nang pumunta sa kantina.Pagdating niya sa pinto, naroon pa rin si Cassie, tila hinihint

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 108

    "Well, gUwardya lang ng subdivision n’yo ‘yon, pero sa tingin ko may taong nasa likod niyon."GUwardya?Napakunot-noo si Roxanne, iniisip ang mga nakaraan. Ni minsan ay hindi pa siya nagkaroon ng komunikasyon sa guwardya ng kanilang lugar.At hindi kailanman sinabi ng guwardya sa kanya ang katagang, “Welcome back.”Nang makita ni Devon ang pag-aalala sa kanyang mukha, nagsalita siya nang seryoso, “Huwag mo nang intindihin ‘yon, ako na ang bahala. Ipapakuha ko na rin si Lance sa driver sa mga susunod na araw. Sasabay ka na lang sa akin papasok at pauwi sa trabaho, para siguradong ligtas ka.”Naalala ni Roxanne ang mga mensaheng natanggap niya kagabi at muling naramdaman ang malamig na kilabot sa puso.Tumango siya. “Sige, susundin kita.”Matapos mag-almusal, sinamahan sila ng driver papunta sa kumpanya. Habang nasa daan, tinanong ni Devon si Roxanne kung kailangan ba nilang ilihim ang relasyon nila.Nag-isip sandali si Roxanne, tumingin sa kanya at sinabing, “Hindi na. Kahit itago nati

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 107

    Pagkatapos ng hapunan, inihiga na ni Roxanne si Lance para matulog at balak na sanang magbasa ng libro sa sala nang biglang tumunog ang cellphone niya.Nakita niyang hindi pamilyar ang numero kaya agad niya itong ibinaba.Hindi na ito tumawag muli, pero maya-maya lang ay nag-vibrate ang kanyang cellphone, tanda ng bagong mensahe.[Bakit mo itinapon ang rosas na binigay ko sa’yo? Dahil ba hindi mo ito gusto?]Nanlaki ang mga mata ni Roxanne at agad siyang tumawag pabalik, pero patay na ang cellphone ng kabilang linya. Nanlamig ang kanyang mga daliri habang hawak ang phone, at namutla ang kanyang mukha.Hindi na ulit nagpakita ang taong nagpadala ng rosas nitong mga nakaraang linggo, kaya unti-unti na siyang nakalimot.Ngunit hindi niya inakala... na magpaparamdam ulit ito.Pagkatapos mag-isip sandali, agad niyang tinawagan si Zach. "Kuya, kailangan kong ipatrace ang isang numero."Hindi na nagtanong pa si Zach nang mapansin niyang ayaw na talagang magsalita ni Roxanne."Hays. Hindi ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status