LOGINPAGBUKAS pa lang ng pinto ng presinto, rinig na ang kalabog ng yabag ko.“Nasaan siya?” galit kong tanong sa desk officer. “Nasaan si Simon?”Hindi na nila ako pinigilan. Parang alam ng lahat na hindi na ako mapipigilan. Nagliliyab ang galit sa dibdib ko, sa mata ko, sa boses ko. Wala na ang natitirang respeto ko sa asawa ng mama ko. Sa ginawa niya, hindi na siya karespe-respeto.Pagliko ko sa loob, nakita ko si Simon—nakaupo, may dalawang pulis sa tabi. Pagkakita ko pa lang sa kanya, parang may sumabog sa dibdib ko.“Simon!” sigaw ko sabay sugod.Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sinunggaban ko ang kuwelyo niya, itinulak siya palayo sa upuan, at sunod-sunod kong inundayan ng suntok. Nandoon si Ariana, pilit akong inaawat.“Kuya! Tama na ‘yan!”“Ano’ng ginawa mo sa asawa ko?” galit na galit kong tanong. “Anong klaseng tao ka para idamay si Sam sa gulo mo?”“Leonard, kalma!” sigaw ng isang pulis habang sinusubukang awatin ako.Pero huli na.“Don’t you dare touch me like that,” pilit
“Ano’ng nangyari sa anak ko, Leonard?” tanong ni Edmund, halatang pigil ang galit pero ramdam ang kaba sa boses.Nakaharap si Leonard sa kanya, halata ang pagod at tensyon sa mukha. Saglit siyang huminga ng malalim bago sumagot, parang pinipili ang mga salitang bibitawan.“Mahaba pong paliwanag, Pa,” maingat niyang sabi. “Pero ang mahalaga, nasa presinto na po ngayon ang taong dapat managot.”Napatigil si Edmund. “Ibig mong sabihin, may inaresto na?”“Opo,” sagot ni Leonard. “Hawak na po sila ng pulis. May mga ebidensya na rin. Hindi na po makakatakas.”Napaupo si Edmund t napahawak sa noo. Hindi niya alam kung magagalit ba siya o magpapasalamat na lang na buhay pa ang anak niya. “Dapat lang na magbayad siya sa ginawa niya sa anak ko. Anong sabi ng doctor sa lagay ng anak ko?”“Stable na, pero kailangan pa ring bantayan.”Tumango si Edmund, mabigat ang dibdib. Sandaling natahimik si Leonard bago magsalita ulit. “Pa… kung maaari po, kayo na muna dito.”Napatingin si Edmund sa kanya. “
Nang isakay ng patrol car si Simon, doon ako tuluyang nataranta. Hindi ko alam kung sino ang tatawagan ko. Halos kagigising ko lang, mabigat pa ang ulo ko, at parang hindi pa umaabot sa utak ko ang nangyayari. What is going on? Bakit may pulis? Nakatayo lang ako sa may pinto, pinapanood ang patrol car habang palayo nang palayo. Gusto kong magsalita, magtanong, sumigaw, pero parang may nakabara sa lalamunan ko. Walang lumabas na boses. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang kidnapping na sinasabi ng mga pulis.Pagbalik ko sa loob ng bahay, mabilis na ang lakad ko, diretso sa sala. Doon ko nakita ang mga maid na nagbubulungan.“Si Ariana, nasaan siya?” tanong ko agad. Halata sa boses ko ang panic.Nagkatinginan sila bago sumagot ang isa. “Ma’am, hindi po namin alam. Wala rin po ang sasakyan ni Miss Ariana.”Nanlamig ako. Wala ang sasakyan. Saka ko lamang napagtanto na sinabi sa akin ni Simon na wala si Ariana kagabi… Kung kailan pa naman na kailangan ko siya. Lalo lamang akong nastress.
MAINGAT kong niyugyog si Camia para gisingin siya.“Camia,” mahinang tawag ko, pero may diin. “Gising.”Umungol siya at bahagyang dumilat. “Bakit ba?” aniya, antok na antok. “Anong oras na?”“Ang anak mo… wala ang sasakyan ni Ariana sa parking,” sagot ko agad. “Kanina lang pagdating ko, nandoon pa ’yon. Ngayon, wala na.”Napaupo siya nang bahagya pero halata pa rin ang pagkaantok. “Baka umalis lang sandali,” sabi niya. “May lakad siguro.”“Madaling-araw na, Camia,” giit ko. “Hindi man lang siya nagpaalam.. Alam mo ba kung nasaan siya? Bakit siya umaalis nang ganitong oras?”Napabuntong-hininga si Camia sa mga tanong ko at muling humiga, hinila ang kumot.“Ano ka ba naman, Simon. Matanda na ang anak mo. Hindi mo na kailangang bantayan lahat ng galaw niya. Hindi ka na ba sanay?”Natigilan ako. Hindi ko alam kung bakit, pero biglang may kaba sa dibdib ko. Parang may mali. Hindi ko maipaliwanag kung ano, pero ramdam ko. Lalo na at galing ako kay Sam kanina. Gabi na nang ihatid ko sa kanya
UMIIYAK kong niyakap ang mag-ina ko. Dahan-dahan lang, maingat at baka maipit ko ang bata. Ramdam ko ang liit ng katawan niya sa mga bisig ko, ang bigat na matagal kong hinanap, matagal kong pinangarap na muling mahawakan. Napansin kong hapis ang mukha ni Sam at malalim ang mga mata.“Paano ka napunta dito?” mahina kong tanong, halos pabulong. “Matagal kitang hinanap.”Hindi ko mapigilan ang luha. Hindi ko na inintindi kung makita ni Ariana na kanina pa nakamasid sa amin. Umiiyak din…. Wala na akong pakialam.“Akala ko ayaw mo lang magpakita sa akin,” dugtong ko. “Akala ko galit ka. Akala ko ayaw mo na akong makita kaya hindi kita mahanap yun pala---- ikinulong ka.” Hinaplos ko ang likod niya, parang baka maglaho siya kapag binitiwan ko. “I looked everywhere,” sabi ko. “Every place I thought you might be. Araw-araw, gabi-gabi. I kept asking myself kung saan ako nagkamali.”Naramdaman kong gumalaw ang bata sa pagitan namin. Napatingin ako sa kanya, maputla, payat, pero buhay. Buhay sil
HINDI pa rin tumitigil ang iyak ng bata. Kahit pareho na kaming kinakabahan ni Kuya, wala kaming magawa kundi manatili sa pwesto namin at alamin kung ano ba talaga ang meron sa bahay na pinupuntahan ni Papa.“Kanino ba talaga itong bahay?” bulong ni Kuya Leonard, halatang iritado. “Sa kabit ba ng papa mo? At idadamay mo pa talaga ako sa gulo na ito? Alam mo naman na marami akong iniisip.”Hindi agad nakasagot si Ariana. “Hindi ko rin alam, Kuya. Basta… magmatyag muna tayo,” mahina niyang sabi. “Baka pag nag-umaga na, bumalik si Papa. Kapag nahuli tayo rito, siguradong lagot tayo.”Napatingin si Leonard sa paligid. Tahimik ang bahay dahil sa sobrang dilim. “Fine…Just stay alert,” sabi niya. “Kapag may narinig kang kahit ano, sabihin mo agad.”Tumango si Ariana. Sa gabing iyon, walang nagsalita sa kanila ng matagal—pareho silang nakikinig, nag-aabang, at umaasang walang mangyayaring mas masama pa.Malapit na kami sa isang extended na bahay na mukhang abandonado rin, pero may ilaw sa loo







