KAHIT ilang beses kong basahin ang kontratang nasa harapan ko, hindi ko pa rin maalis ang kaba sa dibdib ko. Alam kong maling-mali ito pero wala na akong matakbuhan. Tama si Mr. Valen, makapangyarihan ito at kaya niya akong proteksyonan.
“Bakit anim na buwan lang?” tanong ni Leonard habang pinirmahan ko ang kasunduan na nasa harapan ko.
“Because after six months, this will all be over. Walang makakaalam na may kasunduan tayo. Walang intimacy, walang emotional attachment. This is a clean deal, Leonard.”
“Para saan pa at naging mag-asawa tayo kung six months lang?”
“Ang kasal ay para lang po sa dalawang taong nagmamahalan at hindi tayo yun Mr. Valen. Inalok mo ako ng kasal kaya tinanggap ko. For my protection diba? Siguro naman by that time, napagod na ang taong gustong manakit sa akin.”
He leaned back in his leather chair, arms crossed, eyes narrowed. Hindi ito makapaniwala sa aking sinabi.
"You're something else, Samantha."
"Maybe. Pero malinaw ang kondisyon ko."
Napabuntong-hininga siya. “You know people will expect us to act like a real couple. What happens when they start asking questions? Walang intimacy? Magiging asawa kita. Alangan naman magtitigan lang tayo.”
“At bakit hindi? Wala naman tayong nararamdaman sa isat-isa? At sa mga magtatanong, tet me handle them,” sagot ko. “I’ve been pretending all my life. One more lie won’t kill me.”
“You know what, I like you. Hindi ko lang maintindihan si Darr---
“Stop it! Huwag mo nang ituloy ang sasabihin mo kung gusto mo pang matuloy ang kasunduang ito.”
“Gusto ko lang linawin sayo na ikaw ang higit na may kailangan sa akin Ms. Villaflor. Higit na mas kailangan kita,” ani pa ni Mr. Valen sa akin.
“Kung ganun, bakit kailangan mo akong pakasalan? Bakit ako?” diretso kong sagot na hindi kumukurap ang mga mata.
“Sabihin na lang natin na business proposal ito. Kailangan mo ako at kailangan kita.”
“See? Kailangan mo rin ako,” ani ko pa. “Kung ano man ang dahilan mo ay wala na rin akong pakialam dun at hindi ko na siguro kailangan pang malaman, gawin mo lang ang proteksyon na pinangako mo sa akin.”
Napapailing na lamang si Leonard sa sinasabi ko. Akala yata nito ay basta na lamang ako tatango sa lahat ng gusto nito.
Kinabukasan, habang nasa opisina si Leonard ay bigla akong pinatawag. Pagdating ko roon, hindi ko inaasahan ang eksenang dadatnan ko dahil nandoon ang stepsister ko at kausap si Mr. Valen.
Galit na tiningnan ako ni Nina pero pinukol ko rin siya ng nakakamatay na tingin. Sa paningin nito ay para akong isang mantsa sa puting damit nito.
"Samantha," ani ni Nina na galit sa kanya…"So you're really doing this, huh? Kumakapit sa taong alam mong magliligtas sayo putik.”
Nagtaas lang ako ng kilay. “Wala akong oras sa drama mo, Nina. Excuse me, marami pa akong trabaho.”
“Kinausap pa kita!” sigaw ni Nina pero si Leonard ay nakikinig lang sa amin.
“She’s just using you, Leonard. Hindi mo ba nakikita? This girl is nothing but a manipulative social climber.”
Bago pa makasagot si Leonard, lumapit ako sa kanya.
“Hindi mo ako kilala, Nina. And you don’t have the right to judge me.”
Tumawa ito... “Oh, I know you. At alam ko rin kung anong meron sayo—wala. Kahit nga si Papa, hindi maintindihan kung saan ka nanggaling. Hindi ba hindi siya sigurado kung anak ka ba talaga niya? At pinagamit niya pa ang apelyido siya sayo at sa totoo katulad ka rin ng nanay mo. Ginagamit ang katawan para sa sariling interes,” ani pa ni Nina.
Naningkit ang mga mata ko. Gustong-gusto ko na itong sampalin para tumigil pero sumigaw si Leonard.
“Enough,” Leonard finally said, tumayo mula sa kinauupuan. “Don’t insult her like that.”
“Why are you defending her?” rumehistrong galit sa mukha ni Nina. “She’s just your fake wife. Hindi pa nga kayo kasal... Everyone knows she’s not your type.”
“I said that’s enough!” Leonard’s voice boomed across the room. “Get out, Nina.”
Napalunok siya. “Akala mo ba hindi ako nasasaktan? Darren is your nephew. At ang babaeng ito na ginagamit ka ngayon, tulad ng ginawa niya kay Darren ay sasaktan ka lang din! Higit na kilala ko si Sam kaysa sa kilala mo siya Mr. Valen at dahil uncle ka ng magiging asawa ko ay concern lang ako sayo. Nabigla lang talaga ako sa nalaman ko na pakakasalan mo raw ang kapatid ko.”
“Ano naman sayo kung pakakasalan ko si Sam? It’s my decision after all. Hindi mo ako kailangan balaan dahil matanda na ako para hindi ko malaman ang ginagawa ko. “You don’t get to insult her mother. Or question her bloodline. And for the record, Samantha is my fiancée. At kung hindi mo kayang igalang ‘yon, then you don’t belong anywhere near us.”
Napatda si Nina, pero pilit pa rin ang tapang sa kanyang tindig. “I was just being honest. Concern lang ako sa’yo, Leonard. Ayokong masaktan ka.”
Leonard looked at her no longer angry, but disappointed.
“Don’t twist this. You weren’t being honest. You were being cruel. At ayokong makakita ng sinuman na inaapakan ang magiging asawa ko. Sam might not come from the same world as ours, pero mas may dignidad siya sa iyo sa kahit anong bagay.”
Tumikhim si Nina. “Darren will tell you the truth. Kung gusto mong marinig mula sa kanya mismo.”
“Alam ko na lahat,” sagot ni Leonard. “At kahit pa ano ang nangyari sa kanila noon, wala kang karapatan na gamitin ‘yon para siraan siya ngayon. Darren can speak for himself. You? You just want chaos.”
Tumango si Nina na gigil na gigil at nilapitan ako. “Magpakasaya ka habang kaya mo pa Samantha pero sisiguraduhin ko sayo na hindi mo ako pwedeng sundan o lagpasan man lang.”
Tumalikod si Nina at paalis na sana pero may huling sinabi si Leonard dito.
“Maaari mong sabihin kung ano ang gusto mo tungkol sa akin. Sabihin mo pa na niloloko ko ang sarili ko. Sabihin mong bulag ako. Pero kung sasaktan mo si Samantha ulit pisikal man, salita o kahit anong paraan ay ako mismo ang hihila sa ‘yo pababa sa impyerno kung saan ka nababagay.”
“Leonard—”
“No. I’m not finished. From this day forward, anyone who touches my wife will face me. At naniniwala ka man o hindi, Samantha is mine now. And I protect what’s mine.”
Tumahimik ang buong silid dahil sa sinabi ni Leonard.
Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko, hindi dahil sa takot kundi dahil sa bigat ng mga salitang binitiwan ng lalaki para sa akin. Sa unang pagkakataon, naramdaman kong hindi ako nag-iisa sa laban na ito.
Hindi nakasagot si Nina sa sinabi ni Leonard bagkus ay nagmamadali itong umalis.
Pagkasarado ng pinto, nilapitan ako ni Leonard.
“Are you okay?” bulong niya.
“Yes,” sagot ko. “Because you’re here.”
“Maghanda ka mamaya dahil ipapakilala na kita sa buong pamilya,” ani sa akin ni Leonard kung kaya lalo akong kinabahan.
MALAKAS ang kabog ng dibdib ko hanggang sa makarating kami ni Leonard sa kanilang bahay. Alam kong napaka yaman ng pamilya ni Leonard kung kaya abot langit na lamang ang kaba ko. Napansin ko rin si Darren at Nina na magkasama sa dinner na ‘yun.
“Nagtratrabaho ka raw sa kumpanya ni Leonard?” tanong ng Tita ni Leonard sa akin habang kumakain kami. Ang mga tingin nito ay tumatagos hanggang kaluluwa ko.
“Yes po,” sagot ko. Sa tanong pa lang nito ay alam ko ng matapobre ang mga ito at halatang hindi ako gusto.
“At paano kayo umabot sa ganito ni Leonard? Magpapakasal kayo, agad-agad? Bakit? Kilala mo naman siguro ang mga Valen, iha? Hindi kami basta-basta nagpapapasok ng kung sino lang sa pamilya.”
Napakunot-noo ako. Napatingin ako kay Leonard na tahimik na kumakain.
“Ma---hal po namin ang isat-isa kaya po kami magpapakasal,” pagsisinungaling ko.
“O baka ambisyon,” sabat ni Arriana na nakataas ang kilay sa akin.
“Ariana!” singhal ni Leonard.
“What? We have the right to know. She married into our name. Hindi ito laro-laro lang, kuya.”
“Narinig mo naman ang sinabi ni Sam hindi ba? Mahal namin ang isat-isa,” sagot ni Leonard.
“Ang bilis naman yata?” sabat Nina kung kaya napatingin ang lahat dito. “Hindi ba kakahiwalay niyo palang ni Darren? Bakit may Leonard na agad? Isa lang ang ibig sabihin sa nakikita ko, pinaglaruan mo sila pareho. Tama ang narinig ninyo, Tita, Tito,” pagtawag nito sa mga magulang ni Leonard. May relasyon po si Darren at Sam. Mabuti nalang at nagising si Darren at nakipaghiwalay kay Sam. And yes, stepsister ko si Sam pero hindi siya tunay na anak ni Papa, anak si Sam ng nanay niya sa ibang lalaki.”
“Nina, stop this,” pakiusap ni Darren.
“She’s destroying this family!” sigaw ni Nina. “Pinaghiwalay niya kami ni Darren, and now she’s worming her way into the Valens! She’s nothing but a homewrecker! Una si Darren, ngayon si Leonard? What’s next? Si Grandpa?”
“Tumigil ka na!!” bulyaw ni Leonard kay Nina. Napaiyak na lamang ako sa aking mga naririnig lalo na sa mga kasinungalingan na lumalabas sa bibig ni Nina.
Tumayo si Leonard at hinawakan ang kamay ko. “Nina, I’ve tolerated your outbursts long enough. But you don’t get to ruin this family with your insecurities.”
“Insecurities?” tanong ni Nina. “You’re choosing her over your own blood?!”
“Yes,” sagot ni Leonard. “Because at least she has honor. You? All you ever do is scream and lie.”
Napatingin si Leonard kay Darren. “At ikaw? Umalis na kayo ng girlfriend mo sa bahay namin! Ayokong makita ang mga mukha niyo rito.”
“Kung may dapat man na umalis ay si Sam yun! Bakit ka ba kuya galit-galit? Totoo naman ang sinasabi ni Nina diba? Masakit ba ang katotohanan? Pera mo lang ang habol ng babaeng yan!” sabat ni Ariana.
Hindi napigilan ni Leonard ang sarili at nasampal niya si Ariana. Sapo nito ang pisnging nasaktan.
“Hindi ko dinala dito si Sam para hamakin ninyo! Pagpapakasal kami sa ayaw at gusto ninyo! At ‘wag na ‘wag ninyo akong papipiliin dahil siguradong si Sam ang pipiliin ko!” sigaw ni Leonard sabay hila sa akin palabas ng bahay ng mga ito.
Darren’s POV“Pero,magkapatid kayong dalawa ni Uncle Leonard, bakit wala kang boses sa kumpanya? Bakit wala kang share?” naguguluhan na tanong ko sa ina.Napatingin siya sa akin… “Anak…” Huminga siya nang malalim, “Alam mo na ang sagot sa tanong na yan.”“Kahit na. Kapatid mo pa rin siya.”“Hindi ako tunay na anak ni Greco Valen. Pinulot niya lang ako. Binihisan, pinag-aral, binigyan ng pamilya pero hindi ako dugo niya. Sa madaling salita ay wala akong karapatan sa lahat ng mayroon si Leonard ngayon.”“Masakit na katotohanan,” sagot ko sa ina.Tumango siya, pero may mapait na ngiti. “Oo. Kaya wala akong boses sa kumpanya, wala akong share. At dapat magpasalamat tayo na kahit ganun, binibigyan pa rin tayo ng trabaho ni Leonard.”Napailing ako. “Pero Ma, that’s not fair. Lahat ng meron sila — pera, power, respeto, hawak nila. Tayo? Umaasa lang sa awa ni Uncle. And now, papakasalan pa niya si Sam! Alam mo ba kung gaano kalaking insulto ‘yon para sa akin? Kailangan ba na magbigay ako dah
Darren’s povILANG beses na pinag-isipan ni Darren kung tatawagan niya ba si Leonard. Gusto kong humingi ng tawad dahil sa inasal ni Nina at gusto ko rin tanungin kung bakit si Sam ang pakakasalan nito. Simula ng malaman ko na ikakasal na si Sam ay hindi na ako mapakali. Oo, nauna akong nagproposed ng kasal kay Nina pero napilitan lang ako sa gusto ni Nina. After two rings, sumagot ni Leonard ang tawag.“What is it, Darren?” malamig at walang ganang sagot sa akin.“Uncle, gusto ko lang humingi ng pasensya about Nina. Hindi niya sinasadya ang mga nasabi niya kahapon about Sam. Alam mo naman, minsan—”“Hindi ko kailangan ng paliwanag, Darren.” Pinutol niya agad ako. “Pero may isang bagay akong malinaw na sasabihin sa’yo—layuan mo at ni Nina ang magiging asawa ko. Nagkakaintindihan ba tayo?” Napalunok ako sa narinig ko.“Kung ganun seryoso ka nga, na ikakasal ka kay Sam?”Tahimik siya sandali bago sumagot. “Yes.”Ramdam ko kung paano kumunot ang noo ko. “Yes? ‘Yun lang? Wala ka bang p
Darren’s povGoing into the condo, I felt as if a bomb would go off in my chest any moment due to the level of tension there. My breath was stopped, and I held my fists tight and every step I made was burdened with anger and contempt not only about her, but also about myself. I had been trying and trying not to hit on Nina but I could not help it. Hindi ko man lang naipagtanggol si Sam katulad ng dati kong ginagawa noong kami pa.Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya si Nina na nasa harap siya ng salamin, nagsusuklay ng buhok, at nang makita ako sa salamin ay ngumiti ito na parang inosente.“Hey babe,” bati niyang hahalikan sana ako pero umiwas ako…“You look mad. Traffic ba?” kunot ang noo na tanong ni Nina.“Cut the act, Nina,” mariin kong sabi. “We need to talk.”Napalingon siya, at agad nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. “About what?”“Don’t pretend like you don’t know,” sagot ko habang lumapit. “Bakit mo ginawa ‘yon kay Sam?”Napaangat siya ng kilay. “What? What did I do?”“Don
Samantha’s POVPAGKASARADO pa lang ng pintuan ay para akong natulala. Nanghina ang mga tuhod ko. Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang huling sinabi ni Leonard bago siya lumabas ng kwarto.“Gusto kitang pakasalan, Sam. Gusto ko ng anak mula sayo.”Napatitig lang ako sa pinto. Parang may namuong usok sa paligid, isang uri ng katahimikan na parang sinasakal ako. Sa dami ng posibleng sinabi niya, bakit 'yon pa?Okay na sana ang kasal pero ang anak?Dahil lang ba sa idea ng “tagapagmana? HIndi ko alam kung bakit ako ang naisip niya gawing babymaker ng kanyang anak.Tumingin ako sa salamin. May maayos bang babae na tatanggap ng alok ng kasal at anak mula sa lalaking hindi siya mahal?At higit sa lahat—lalaking hindi rin niya mahal?“Hindi nga tayo totoo, Leonard,” mahina kong bulong sa sarili ko. Napabalikwas ako ng bangon ng may kumatok sa pinto. Huminga muna ako ng malalim bago bumangon dahil sa sunod-sunod nitong katok.“Sam,” ani Leonard habang nakatayo sa may pinto ng kwarto ko. May
Samantha’s POVHINDI ko alam kung bakit may kabang kasama ang bawat minuto habang binabaybay namin ang daan. Tahimik si Leonard habang nakatutok sa manibela, samantalang ako, hindi mapakali sa upuan ko lalo na at hindi ito ang daan pabalik sa condo ng aking kaibigan. Pagkatapos ng trabaho ay hindi naman ako nito kailangan ihatid pero nagpumilit si Leonard na ihatid ako kung kaya wala akong nagawa.“Leonard, saan tayo pupunta? Hindi ito ang daan pauwi ng condo,” tanong ko habang pilit pinapakalma ang boses ko.“Sa bahay,” maikli niyang sagot, tila ba wala siyang intensyong magpaliwanag sa akin. “Bahay mo?” Hindi ko maitago ang gulat. “Akala ko ihahatid mo lang ako—”“Hindi ka na uuwi roon, Sam.” Napatingin siya sa akin. “Mas ligtas ka sa bahay ko. Mas tahimik, mas secured. Wala tayong dapat ikatakot at hindi ako dapat na matakot na may mangyari sayo.”“Wait—what?” Napatitig ako sa kanya. “Are you serious? Doon ako titira?”Tumango siya. “Oo. Mag-isa lang ako sa bahay. And let’s face i
Camia’s pov “Hindi ba sinabi ko na sa inyo na itigil ninyo ang mga bibig niyo? Lalo na ikaw, Ariana!” galit na wika ko.Napapikit ako sa sobrang inis. Umalingawngaw pa sa isip ko ang sigawan sa engagement party kanina. Isang okasyong dapat ay masaya, pero nauwi sa kahihiyan at lahat ng ‘yon ay dahil sa isang babaeng bagong salta, isang Samantha na hindi ko man lang kilala pero sapat na ang sinabi ni Nina kanina para malaman ko kung sino ba talaga ang Samantha na yun.Bumaling ako kay Ariana na nakayuko sa harapan ko. “Ginalit mo ang kuya mo. Ngayon, ano? Ano pa ngayon ang gagawin natin?”“Gusto niya na talagang pakasalan ang Samantha na ‘yon? Ma, papayag ka ba? Hindi ko pa nga lubusang nakakabisado ang mukha ng babaeng ‘yon. Ni background, ni pamilya, ni ugali, wala tayong alam. Pero si Kuya? Buong buo ang tiwala niya sa babaeng yun. Isang pagkakamaling hindi ko papayagang magpatuloy. Ayokong makialam, Ma,” mahina pero matigas ang boses ni Ariana. “Pero hindi ko rin kayang manahimik