LOGINAFTER THE incident na sinundan ako pauwi, akala ko tapos na ang lahat ng gulo. May bodyguard na raw na discreetly naka-assign sa akin, sabi ng assistant ni Leonard. Pero honestly, ayoko nga sana. Ayoko ng proteksyon. Ayoko ng awa. Gusto ko lang ng katahimikan. Sino ang mga taong gustong manakit sa akin? Si Darren? Si Nina? Pero bakit? Ako ang nasaktan at niloko.
Abala ako sa paghahanda ng pagkain ko nang biglang may kumatok. Akala ko ay ang bodyguard na ibinigay sa akin ni Leonard pero nang silipin ko ay si Leonard mismo ang nasa labas ng pinto ko. Nanginig ang mga kamay ko ng binuksan ko ang pinto.
“Mr. Valen?” bulalas kong nanlalaki ang mata. “Anong ginagawa mo rito?”
Nakatayo siya sa labas ng unit ko, suot pa rin ang paborito niyang black suit kahit alas otso na ng gabi. Tila ba galing pa siya sa isang board meeting at sa condo ko na tumuloy. Hindi ko na kailangan pang magtaka kung bakit alam nito ang address ko.
“May pag-uusapan tayo,” mahinahon niyang sabi.
“Pwede namang sa opisina tayo mag-usap,” sagot ko.
“Hindi ito tungkol sa trabaho,” sagot niyang diretsong pumasok kahit hindi ko pa siya pinapasok. Napabuntong-hininga na lang ako.
“Mr. Va–”
“I want to marry you.”
Natigilan ako at hindi naituloy ang sasabihin. Pakiramdam ko ay natuyuan ako ng laway. Parang may humampas sa ulo ko.
“H-ha?!” sagot ko, muntik ko nang mabitawan ang mug na hawak ko kanina pa. “Tama po ba ang narinig ko? Pakakasalan mo ako?”
“Marriage,” ulit niya. “For protection. Legal. Binding. Strategic.”
Para akong binuhusan ng yelo. Napangisi ako sa narinig ko.
“Are you serious? Is this some twisted version of a rom-com in your head?”
“I don’t joke, Samantha.”
“No, obviously. You don’t even smile,” sarkastikong sagot ko.
Pero seryoso pa rin ang mukha niya.
“It is obvious that somebody is stalking you. May gustong pumatay sayo and your reputation is hanging by the thread. And the other night; the breaking in? It was not just an accident.”
“Oh my God,” napahawak ako sa sentido. “This is insane.”
He stepped forward. “The moment you become my wife, legally, publicly, no one will dare touch you again. Kahit pa dulo ng daliri mo.”
Napalunok ako at napaupo sa maliit kong sofa dahil nanghihina ang mga tuhod ko. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko.
“Oo makapangyarihan ka Mr. Valen at aamin man natin, magulo rin ang mundo mo? And you’re asking me to marry into that chaos? Magulo na nga ang buhay ko ay magdadagdag pa ako?” Huminga ako nang malalim. “No. No way. Hindi ito ang solusyon ng lahat. Hindi para pakasalan ako.”
Tumango ang lalaki sa sinabi ko, mukhang inaasahan naman na nito ang magiging sagot ko.
“I’ll wait. Pag-isipan mo ang sinabi ko. Kailangan mo ako Ms. Villaflor,” ani pa nito sa akin bago nagpaalam na umalis.
Para sa akin ang kasal ay isang banal. Hindi isang proposal at lalong hindi para sa dalawang taong hindi nagmamahalan. Kahit ano pa ang sabihin ni Mr. Valen ay hindi ako papayag sa inaalok nito pero hindi ko akalaing isang araw lang ang kailangan para magbago ang isip ko.
Pag-uwi ko kinabukasan mula sa trabaho, nadatnan ko ang pinto ng unit ko na bukas. At ang loob ay magulo. Wasak ang mga gamit at sinira. Maging ang laptop ko ay dinurog. Napatingin ako sa dresser ko. May nakasulat sa salamin gamit ang spray paint. “You will die.”
Nanginginig ang mga kamay ko. Napaupo ako sa sahig, tulala. Ilang minuto akong hindi gumalaw hanggang dumating ang isa sa mga tauhan ni Leonard na palaging naka-assign sa labas. Huli na raw nilang napansin ang nangyari. Walang nakitang CCTV footage. Mukhang inside job na hindi ko pinaniwalaan.
Hindi na ako natulog sa inuupahan kong condo at bumalik ako sa bahay ni Carla. Ayoko man na madamay siya pero wala akong choice. Matutulog na sana ako nang makatanggap ako ng tawag mula sa aking ama.
“Hello?”
“Samantha Villaflor.”
Boses ng ama ko ang nasa kabilang linya. Galit ito.
“Pa—”
“Anong kalokohan na naman itong nababalitaan ko sa social media? Nadungisan mo na naman ang pangalan natin. Akala ko kapag nasa malayo ka na ay matatahimik na ang bahay pero Samantha, pinag-uusapan tayo ng mga kaibigan natin… Nang una si Darren, ngayon may Valen na naman, anong ugnayan mo sa kanya?”
“Pa, wala akong kasalanan. Lahat nalang ba ako ang may kasalanan? Alam mo kung sino ang may kasalanan sa lahat ng ito at kung ano man ang nababasa ninyo sa social media ay kasalanan yan ng paborito mong anak. At tungkol kay Mr. Valen, he is my boss. Pa, I didn’t do anything wrong para magalit kayo ng ganyan sa akin. Hindi ko na maintindihan.”
"Don’t you dare make excuses. Everything you touch turns into a scandal. I can't even look people in the eye anymore because of you."
"Kaya nga lumayo na ako…I just wanted to move on to start over."
"Then do it far away from us. You're on your own now."
“Alam niyo ba, Pa na may gustong pumatay sa akin? Hindi niyo man lang ba ako tatanungin kung kumusta na ako?” tanong ko.
“Samantha, kilala kita. Bata ka pa lang ay alam kong marunong kang gumawa ng mga kwentong hindi naman totoo. Sa tingin mo ba paniniwalaan pa kita? Lumayas ka na hindi ba? Isa lang ang ibig sabihin niyan, kaya mo na ang sarili mo. Naging ama na ako sayo nang mahabang panahon kahit hindi ako sigurado na anak talaga kita.”
Napakagat labi ako sa aking narinig. Tumulo ang luha ko pagkatapos akong babaan ng tawag ng ama.
That same night, tinawagan ko si Leonard. Ang lalaki ang naisip ko na magiging kakampi ko.
“Is the proposal still open?” tanong ko, mahina.
“Oo. Handa ka na bang maging asawa ko Ms. Villaflor?”
Napalunok ako. “Yes, I will marry you.”
Narinig ni Ariana ang pagbukas ng pinto bago pa man siya makalingon. Nakatayo si Leonard, mas malamig ang mga mata kaysa sa aircon ng opisina. Tumikhim ito, halatang pinipigil ang galit. “Akala ko we were finally okay pero bakit nagawa niyo ito sa asawa ko? Ayaw niyo ba talaga ni Mama na maging masaya ako?” diretsong tanong ni Leonard, bawat salita ay parang yelo sa balat niya. Napalunok si Ariana. Tumayo siya mula sa upuan, pilit na kalmado. “Kuya, please… maniwala ka naman sa akin,” pakiusap niya. “Tanggap ko na si Sam. And about what Mama did, sinabihan ko na siya pero hindi siya nakinig. I did my part.” Ngunit hindi gumalaw si Leonard. Mas lalong tumigas ang panga nito. “Kung ayaw ninyo sa asawa ko hindi ko kayo pinipilit. Pero huwag ninyong saktan si Sam. She doesn’t deserve this.” “Kuya…” “Enough, Ariana.” Lumapit ito, nakapatong ang dalawang palad sa mesa sa harap niya. “I trusted you. Ikaw mismo ang nagsabi na tanggap mo na. So tell me, why does it look like you’re do
Hinaplos ni Leonard ang mukha ko—banayad, parang takot siyang masaktan ako. Ramdam ko ang init ng palad niya sa malamig kong pisngi, at doon ko lang napansin kung gaano na ako katagal nakatingin sa kawalan.“Sam,” mahina niyang sabi, “you look sad. What’s wrong?”Umiling ako, pilit na ngumiti. “Wala ito, Leonard. I’m fine.”“Don’t lie to me,” tugon niya, bahagyang kumunot ang noo. “You’ve been quiet these past days. And you still haven’t opened your coffee shop. I thought it was your dream.”Napayuko ako. “Dream nga… pero minsan, parang ang hirap na ipaglaban kung wala kang gana, ‘di ba?”Tahimik siya sandali, saka dahan-dahang tinanggal ang kamay niya sa pisngi ko para hawakan ang aking mga kamay. “Sam,” aniya, “you don’t have to do everything perfectly right away. Just start. Even if it’s small. Even if you’re scared.”Napatingin ako sa kanya. “Hindi mo kasi alam, Leonard..Every time I think about that place, naiisip ko rin kung gaano ako kabigo noon. The last time I tried, everyth
Ariana’s pov “Ma…” halos pabulong kong sabi habang nakatingin sa inang si Camia. Hawak ko ang cellphone ko habang pinapanood ang pinadalang footage ni Sam. Ang video ay kuha ng kanyang ina na sinasabotahe ang coffee shop ni Sam. Nanginginig ang mga daliri ko habang pinipisil ko ang laylayan ng damit ko. Napatingin sa akin si Mama. “Alam na ni Sam.” Biglang napatigil si Mama Camia sa ginagawa niyang pag-aayos ng mga bulaklak sa mesa. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin, at sa mga mata niya, nakita ko agad ang pagkabigla at takot pero tulad ng inaasahan ko ay wala itong pakialam. “A-ano’ng sabi mo?” mahinang tanong niya, pero ramdam ko ang panginginig sa boses niya. “Alam na niya, Ma. Alam na niya ‘yung mga ginagawa, ‘yung mga plano mo laban sa kanya. Sinabi niya sa akin at iniisip nya na magkasabwat tayo na siraan ang negosyo niya.” Napalunok ako, pilit pinapakalma ang tibok ng puso kong parang gustong kumawala. “At pati ako, nadamay. Wala naman akong ginagawa, pero ako ‘yung una
Sam’s pov HINDI ko na matiis pa kaya agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Ariana. Akala ko ay tanggap na ako ng mga ito pero hindi pala, ngayong hawak ko na ang ebidensya, hindi ko na palalampasin pa. Akala ko kalaban ang naninira sa akin. Hindi pala kundi ang pamilya mismo ni Leonard. Hindi ko mapigilan ang hindi masaktan. Pagka-connect ng tawag, agad kong narinig ang boses ni Ariana. “Sam?” ani Ariana na nagtataka kung bakit bigla akong tumawag. Huminga ako nang malalim at mariing nagsalita. “Ariana, alam ko na ang ginagawa mo at ng mama mo. Hindi mo na kailangan pang magtago o magpanggap. Nakita ko sa CCTV ang ginawa niya sa coffee shop ko—kung paanong may nilagay siya sa lagayan ng kape.” Tahimik siya sa kabilang linya. Naririnig ko lang ang mahina niyang paghinga. Pinilit kong patigasin ang boses ko kahit nanginginig ang dibdib ko sa galit pero hindi ko mailabas.. Kamag-anak pa rin ang mga ito ng asawa niya. “You know what? I don’t deserve this. Hindi ko k
Hindi ako mapakali habang pauwi kami ng ina ko mula sa coffee shop. Buong biyahe, hindi tumigil ang mga mata ko sa eco bag na nakalagay sa tabi niya. Parang mabigat ang dibdib ko hindi lang dahil sa dala nito kundi dahil alam kong may ginawa si Mama. “Ma, can we talk?” tanong ko na seryoso ang boses. “About what, anak?”Huminga ako ng malalim. Pinilit kong maging kalmado. “About Sam. About the coffee shop. Ma, stop it na. Tama na ang paninira. Alam kong ikaw ang may gawa sa lahat ng mga nangyayari.” “What are you talking about? Wala akong ginagawa,” pagtanggi ng ina niya. Hindi ako nagpatalo.“Ma, I saw you. I know what you did kanina sa storage room. You were carrying that eco bag, and then suddenly bigat na bigat ka. Don’t deny it, Ma. I know you put something inside the coffee beans.”Sandaling natahimik si Mama dahil sa sinabi ko.. Tumango at agad nagbago ang tono ng boses nito. “Anak, you don’t understand. Ginagawa ko ito para sa’yo, para sa pamilya natin. Hindi siya dapat
Katatapos ko lang mag-post sa social media ng ebidensya tungkol sa sabotahe nang bigla akong makatanggap ng tawag mula kay Leonard.“Sam…” rinig ko ang boses niya mula sa kabilang linya…. “Nabasa ko ang post mo ngayon. Totoo bang may sumasabotahe sa coffee shop mo?”Napabuntong-hininga ako bago sumagot. “Oo, Leonard. Hindi ko lang agad nabanggit sa’yo kasi ayokong mag-alala ka. Isa pa, nasa abroad ka para sa trabaho mo. Okay lang naman ako dito, nagagawa ko pang i-handle.”“Pero Sam,” malungkot niyang tugon. “Sana sinasabi mo sa akin. Ang hirap isipin na may pinagdadaanan ka pala nang hindi ko alam. Sana man lang nadamayan kita, kahit papaano.”Ngumiti ako nang pilit kahit hindi niya nakikita. “Kaya ko naman. I can take care of it. At least ngayon, may hawak na akong ebidensya. Maipapakita ko na sa mga tao na wala akong kinalaman sa lahat ng sabotahe.”Natahimik siya sandali bago nagsalita. “Kailan ka ba uuwi?” tanong ko, halos may lambing sa tono.“Baka sa makalawa nandiyan na ako. M







