/ Romance / MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND / CHAPTER 7: A BRIDE AGAINST THE WORLD

공유

CHAPTER 7: A BRIDE AGAINST THE WORLD

작가: DIVINE
last update 최신 업데이트: 2025-08-01 00:29:43

TAHIMIK lang ako sa loob ng sasakyan, pero pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko sa bigat ng lahat. Kanina pa ako nagpipigil ng luha, nagpipigil ng galit, at nagpipigil na saktan si Nina sa harap ng lahat. Hindi kami kailanman naging malapit, pero itinuring ko siyang kapatid. At ngayon, sa harap ng maraming tao, halos lantaran na niya akong hinamak at binaboy ang dignidad ko.

"Nakita mo na kung ano ang nangyari kanina," halos pabulong kong sabi kay Leonard habang nakatitig lang sa kalsada. "Hindi ako matatanggap ng pamilya mo… at itong iniisip mong pakasalan ako? Isa itong malaking pagkakamali. Nakita mo naman kung paano nila ako hinamak, pero okay lang… tanggap ko. Wala ring problema kung ayaw nila sa’kin."

Ramdam ko ang mahigpit na hawak niya sa manibela, pero kalmado ang tinig niya nang sumagot.

"Walang magbabago sa gusto ko. Magpapakasal tayong dalawa. At ang kasunduan natin na kasal tayo sa loob ng anim na buwan ay matutuloy, sa ayaw at sa gusto nila."

Napatingin ako sa kanya, pero agad ko ring ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Hindi ko maintindihan. Bakit? Bakit ganito siya katigas sa desisyon niya? Sa dinami-rami ng babaeng puwede niyang alukin ng kasal ay bakit ako? Isang babae na ayaw tanggapin ng pamilya niya, na handa nilang durugin kahit wala namang kasalanan.

“Bakit kailangan ako ang pakasalan mo, Leonard?” halos pabulong pero nanginginig ang boses ko habang nakatingin sa kalsada. “Hindi tayo nagmamahalan, at wala tayong kahit anong koneksyon sa isa’t isa. Nakalimutan mo bang, ang ex ko ay pamangkin mo, at kaharap natin kanina? Ano na lang iisipin ng pamilya mo sa’yo?”

Napahigpit ang hawak niya sa manibela. Rinig ko ang malalim niyang buntong-hininga bago siya sumagot sa sinabi ko.

“Sam, I don’t care about what they think. This is my life, my decision. At ikaw ang gusto kong pakasalan.”

“Pero Leonard…” Napalingon ako sa kanya, pilit na hinahanap ang sagot sa mga mata niya. “Hindi mo ba naiintindihan? Para akong ipinupuslit sa buhay mo. Lahat ng tao sa paligid mo, against sa’kin. Lalo na si Nina—halos durugin niya ako kanina. Nakakahiya. Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa o di kaya tumakbo.”

Sandaling tumingin sa sa akin si Leonard, seryoso ang mukha. Hindi ko man lang ito nakikitang ngumiti, pakiramdam ko ay galit ang lalaki sa mundo.

“Sam, wala akong pakialam sa iniisip nila. I made up my mind. Magpapakasal tayo. And as long as I’m with you, walang makakapanakit sa’yo. Pinangako ko sayong poprotektahan kita hindi ba?”

Napatawa ako ng mapait, pero may kirot sa dibdib ko. “Ganun lang ba ‘yon sayo? Leonard, hindi ito pelikula. Hindi lahat ng laban na ganito, panalo sa dulo. Kahit ilang beses mong sabihin na kaya mong protektahan ako… paano kung isang araw mapagod ka? Paano kung sila ang piliin mo?”

Umiling si Leonard sa sinabi ko.

“Hinding-hindi ako mapapagod, Sam. At hindi ko sila pipiliin. Pinili na kita.”

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung dahil natatakot ako o dahil unti-unti akong naaapektuhan sa sinasabi nito pero hindi, hindi dapat. Estranghero pa rin si Leonard sa buhay ko.

Nilingon ko ulit ang kalsada, sabay kagat-labi. Ang bigat sa dibdib ko, parang gusto kong umiyak pero pinipigilan ko. Ang gulo-gulo ng isip ko. Sarili ko ngan ama ay hindi ako kayang protektahan at ang masakit pa ay itinatwa niya ako, pero si Leonard na bagong kilala ko pa lamang ay handa akong proteksyonan.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ko ang tanong ni Leonard habang nagmamaneho ito.

“Sam?” tawag nito sa akin dahil hindi ako sumagot.."Totoo bang hindi ka tunay na anak ng Papa mo?”

Parang sumikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong nito. Ramdam kong nanlalabo na ang paningin ko habang unti-unting tumutulo ang luha ko.

“L-Leonard…” nanginginig ang boses ko. “Ano bang… sinasabi mo?”

“Sam… I’m sorry. Pero lahat ng tao sa dining table kanina ay narinig nila. Si Nina, she said it. Sinabi niya na anak ka raw sa ibang lalaki ng Mama mo.”

Parang may sumabog sa dibdib ko. Hindi ko alam kung galit, takot, o sakit ang nangingibabaw.

“Ano? Hindi—hindi totoo ‘yon. Hindi ko alam ‘yon, Leonard.. Wala namang nagsabi sa akin.”

Dumiretso lang siya sa kalsada pero nilingon ako sandali, ramdam ko ang pag-aalala niya.

“Sam, I’m not judging you. I just need to know if it’s true. Kasi kanina, nakita ko sa mga mata ni Nina ang galit sayo.”

Napakuyom ako ng kamao ko at napahawak sa dibdib ko.

“Leonard, hindi ko alam. Ni minsan, hindi sinabi ni Mama o ni Papa na hindi ako anak ni Papa. Pero kanina ng sinabi ni Nina ‘yon sa harap ng lahat…”

Humugot ako ng malalim na hininga at tuluyang bumigay. Humagulhol ako habang nakatingin sa labas ng bintana.

“Pakiramdam ko para akong walang lugar sa mundo. Kanina lang, pakiramdam ko sapat na yung sakit ng pangmamaliit nila sa’kin. Pero ngayon, pati dugo at pati pagkatao ko ay tinanggal nila sa’kin.”

Pinark ni Leonard ang kotse sa gilid ng kalsada at marahan akong hinawakan sa kamay.

“Sam, tingnan mo ako.”

Dahan-dahan akong lumingon sa lalaki, nangingilid ang luha ko.

“Kahit ano pa ‘yung totoo, hindi ka nag-iisa. I don’t care about your bloodline, your family name… ikaw pa rin ‘yung babaeng gusto kong pakasalan.”

Umiling ako at mapait na natawa sa gitna ng pag-iyak.

“Hindi kita maintindihan, Leonard. Bakit mo ‘to ginagawa? Bakit mo pinipili ‘yung babaeng kinamumuhian ng pamilya mo? ‘Yung babaeng ni hindi sigurado kung saan talaga siya nabibilang?”

Mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.

“Dahil gusto ko na maging asawa ka. Hindi ‘yung pangalan mo, hindi ‘yung nakaraan mo. And I won’t let anyone break you. Not my family, not anyone.”

Napapikit ako at pinilit pigilan ang pag-iyak, pero mas lalo lang akong humagulgol.

“Leonard ang sakit. Ang sakit marinig na baka hindi ako anak ng Papa ko.. Alam mo ba kung bakit pumayag akong pakasalan ka at pumayag sa inaalok mong kasal? Yun ay dahil wala na akong malapitan, pakiramdam ko ay wala na akong pwedeng sandalan lalo nang sabihin sa akin ni papa na hindi niya ako anak at magpasalamat ako dahil ibinigay niya sa akin ang apelyido niya. Parang—parang gusto ko na lang maglaho,” humihikbi kong wika.

Niyakap ako ni Leonard ng, mahigpit, parang gusto niyang kunin lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hinaplos ni Leonard ang likod ko at sa unang pagkakataon pakiramdam ko ay ligtas ako.

“Huwag mong hayaang sirain ka ng sinabi ni Nina o di kaya ng sinabi ng Papa mo. Kapag naging asawa na kita, makikita nila na hindi na ikaw ang Sam na kaya nilang saktan.”

Naiilang na kumalas ako ng yakap sa lalaki at naka kung ano pa ang isipin nito.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 13: PLANS

    Darren’s POV“Pero,magkapatid kayong dalawa ni Uncle Leonard, bakit wala kang boses sa kumpanya? Bakit wala kang share?” naguguluhan na tanong ko sa ina.Napatingin siya sa akin… “Anak…” Huminga siya nang malalim, “Alam mo na ang sagot sa tanong na yan.”“Kahit na. Kapatid mo pa rin siya.”“Hindi ako tunay na anak ni Greco Valen. Pinulot niya lang ako. Binihisan, pinag-aral, binigyan ng pamilya pero hindi ako dugo niya. Sa madaling salita ay wala akong karapatan sa lahat ng mayroon si Leonard ngayon.”“Masakit na katotohanan,” sagot ko sa ina.Tumango siya, pero may mapait na ngiti. “Oo. Kaya wala akong boses sa kumpanya, wala akong share. At dapat magpasalamat tayo na kahit ganun, binibigyan pa rin tayo ng trabaho ni Leonard.”Napailing ako. “Pero Ma, that’s not fair. Lahat ng meron sila — pera, power, respeto, hawak nila. Tayo? Umaasa lang sa awa ni Uncle. And now, papakasalan pa niya si Sam! Alam mo ba kung gaano kalaking insulto ‘yon para sa akin? Kailangan ba na magbigay ako dah

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 12: WALLS I CAN’T BREAK

    Darren’s povILANG beses na pinag-isipan ni Darren kung tatawagan niya ba si Leonard. Gusto kong humingi ng tawad dahil sa inasal ni Nina at gusto ko rin tanungin kung bakit si Sam ang pakakasalan nito. Simula ng malaman ko na ikakasal na si Sam ay hindi na ako mapakali. Oo, nauna akong nagproposed ng kasal kay Nina pero napilitan lang ako sa gusto ni Nina. After two rings, sumagot ni Leonard ang tawag.“What is it, Darren?” malamig at walang ganang sagot sa akin.“Uncle, gusto ko lang humingi ng pasensya about Nina. Hindi niya sinasadya ang mga nasabi niya kahapon about Sam. Alam mo naman, minsan—”“Hindi ko kailangan ng paliwanag, Darren.” Pinutol niya agad ako. “Pero may isang bagay akong malinaw na sasabihin sa’yo—layuan mo at ni Nina ang magiging asawa ko. Nagkakaintindihan ba tayo?” Napalunok ako sa narinig ko.“Kung ganun seryoso ka nga, na ikakasal ka kay Sam?”Tahimik siya sandali bago sumagot. “Yes.”Ramdam ko kung paano kumunot ang noo ko. “Yes? ‘Yun lang? Wala ka bang p

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 11: WHEN LOVE TURNS INTO LOVE

    Darren’s povGoing into the condo, I felt as if a bomb would go off in my chest any moment due to the level of tension there. My breath was stopped, and I held my fists tight and every step I made was burdened with anger and contempt not only about her, but also about myself. I had been trying and trying not to hit on Nina but I could not help it. Hindi ko man lang naipagtanggol si Sam katulad ng dati kong ginagawa noong kami pa.Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya si Nina na nasa harap siya ng salamin, nagsusuklay ng buhok, at nang makita ako sa salamin ay ngumiti ito na parang inosente.“Hey babe,” bati niyang hahalikan sana ako pero umiwas ako…“You look mad. Traffic ba?” kunot ang noo na tanong ni Nina.“Cut the act, Nina,” mariin kong sabi. “We need to talk.”Napalingon siya, at agad nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. “About what?”“Don’t pretend like you don’t know,” sagot ko habang lumapit. “Bakit mo ginawa ‘yon kay Sam?”Napaangat siya ng kilay. “What? What did I do?”“Don

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 10: ANNOUNCEMENT

    Samantha’s POVPAGKASARADO pa lang ng pintuan ay para akong natulala. Nanghina ang mga tuhod ko. Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang huling sinabi ni Leonard bago siya lumabas ng kwarto.“Gusto kitang pakasalan, Sam. Gusto ko ng anak mula sayo.”Napatitig lang ako sa pinto. Parang may namuong usok sa paligid, isang uri ng katahimikan na parang sinasakal ako. Sa dami ng posibleng sinabi niya, bakit 'yon pa?Okay na sana ang kasal pero ang anak?Dahil lang ba sa idea ng “tagapagmana? HIndi ko alam kung bakit ako ang naisip niya gawing babymaker ng kanyang anak.Tumingin ako sa salamin. May maayos bang babae na tatanggap ng alok ng kasal at anak mula sa lalaking hindi siya mahal?At higit sa lahat—lalaking hindi rin niya mahal?“Hindi nga tayo totoo, Leonard,” mahina kong bulong sa sarili ko. Napabalikwas ako ng bangon ng may kumatok sa pinto. Huminga muna ako ng malalim bago bumangon dahil sa sunod-sunod nitong katok.“Sam,” ani Leonard habang nakatayo sa may pinto ng kwarto ko. May

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 9: THE LINE I WON’T CROSS

    Samantha’s POVHINDI ko alam kung bakit may kabang kasama ang bawat minuto habang binabaybay namin ang daan. Tahimik si Leonard habang nakatutok sa manibela, samantalang ako, hindi mapakali sa upuan ko lalo na at hindi ito ang daan pabalik sa condo ng aking kaibigan. Pagkatapos ng trabaho ay hindi naman ako nito kailangan ihatid pero nagpumilit si Leonard na ihatid ako kung kaya wala akong nagawa.“Leonard, saan tayo pupunta? Hindi ito ang daan pauwi ng condo,” tanong ko habang pilit pinapakalma ang boses ko.“Sa bahay,” maikli niyang sagot, tila ba wala siyang intensyong magpaliwanag sa akin. “Bahay mo?” Hindi ko maitago ang gulat. “Akala ko ihahatid mo lang ako—”“Hindi ka na uuwi roon, Sam.” Napatingin siya sa akin. “Mas ligtas ka sa bahay ko. Mas tahimik, mas secured. Wala tayong dapat ikatakot at hindi ako dapat na matakot na may mangyari sayo.”“Wait—what?” Napatitig ako sa kanya. “Are you serious? Doon ako titira?”Tumango siya. “Oo. Mag-isa lang ako sa bahay. And let’s face i

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 8: CAMIA'S DECLARATION OF WAR

    Camia’s pov “Hindi ba sinabi ko na sa inyo na itigil ninyo ang mga bibig niyo? Lalo na ikaw, Ariana!” galit na wika ko.Napapikit ako sa sobrang inis. Umalingawngaw pa sa isip ko ang sigawan sa engagement party kanina. Isang okasyong dapat ay masaya, pero nauwi sa kahihiyan at lahat ng ‘yon ay dahil sa isang babaeng bagong salta, isang Samantha na hindi ko man lang kilala pero sapat na ang sinabi ni Nina kanina para malaman ko kung sino ba talaga ang Samantha na yun.Bumaling ako kay Ariana na nakayuko sa harapan ko. “Ginalit mo ang kuya mo. Ngayon, ano? Ano pa ngayon ang gagawin natin?”“Gusto niya na talagang pakasalan ang Samantha na ‘yon? Ma, papayag ka ba? Hindi ko pa nga lubusang nakakabisado ang mukha ng babaeng ‘yon. Ni background, ni pamilya, ni ugali, wala tayong alam. Pero si Kuya? Buong buo ang tiwala niya sa babaeng yun. Isang pagkakamaling hindi ko papayagang magpatuloy. Ayokong makialam, Ma,” mahina pero matigas ang boses ni Ariana. “Pero hindi ko rin kayang manahimik

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status