Sam’s povPagkababa ko mula sa hagdan, bitbit ang isang basong tubig na kanina ko pa iniinom sa kwarto, hindi ko inasahan ang tanawing sasalubong sa akin. Nanlamig ang mga kamay ko at halos mabitawan ko ang baso nang makita kong nakaupo sa sala si… Papa.Nakaayos pa rin siya tulad ng dati—neatly pressed polo, matikas ang tindig pero hindi iyon ang pumigil sa tibok ng puso ko. Ang mismong presensya niya rito, sa bahay ni Leonard, ang dahilan kung bakit halos hindi ako makahinga.“Papa?” mahina kong bulong, halos hindi ko makapaniwala. Hindi ba’t itinakwil niya na ako noon? Hindi ba’t sinabi niyang wala na akong karapatang tawagin siyang ama? Bakit ngayon, nandito siya?“Sam,” lumingon siya sa akin, at sa unang pagkakataon matapos ang napakahabang panahon, narinig kong muli ang boses niyang dati ay nagbibigay sa akin ng lakas pero ngayo’y parang pako na tumutusok sa dibdib ko. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko ang sarili ko.Nanatili akong nakatayo sa hagdan, hindi makagalaw. Pero mas
Darren’s povNang marinig ko ang balita sa TV habang nasa hotel pa kami ni Nina, para akong binuhusan ng malamig na tubig. The footage of the accident flashed before my eyes, Sam’s car. Hindi ko na halos narinig ang ibang sinabi ng reporter dahil ang tanging nasa isip ko lang ay: What if something happened to her? What if I lost her for good?Agad kong kinuha ang cellphone ko. Gusto kong tumakbo papunta sa bahay nina Uncle Leonard, gusto kong makita mismo si Sam at masigurong ligtas siya. Pero sa kabilang banda, alam kong hindi ko dapat gawin ‘yon. Control yourself, Darren. She’s not yours anymore. She’s married. To your uncle.Napakagat ako sa labi at pinilit pigilan ang sarili ko. Ang tanging nagawa ko na lang ay tumawag. Kahit malamig ang boses ni Uncle Leonard nang sagutin niya, kahit ramdam kong ayaw niya akong makialam—at least I heard she’s fine. That was enough to calm me… kahit kaunti.Pagkababa ko ng tawag, napansin kong nakatingin sa akin si Nina. The anger in her eyes was
Leonard’s povPagkatapos ng interview ng mga pulis, halata ko pa rin ang panginginig ng mga kamay ni Sam. Hindi man niya aminin, kitang-kita ko sa mga mata niya ang takot na hindi niya mailarawan. Kaya’t agad ko siyang inalalayan, hawak ang kanyang likod habang naglalakad kami papunta sa sasakyan.Pagpasok namin sa loob, tahimik lamang siya, mahigpit na nakakapit sa kanyang bag, parang iyon lang ang sandalan niya sa mga oras na iyon. Ako naman, pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang inaandar ang kotse. Pero kahit anong pilit, hindi ko maiwasang tumingin ng paulit-ulit sa kanya sa gilid ng aking mga mata.“Sam…” tawag ko, mahina, habang nakatutok pa rin sa kalsada. “Sigurado ka bang hindi mo siya kilala? Kahit isang beses man lang?”Umiling siya ng mariin. Kita ko kung paano kumurap ang kanyang mga mata, puno ng kaba at pag-aalala. “Hindi. Hindi ko pa siya nakikilala. Wala akong ideya kung sino siya…” sagot niya, tapos tumigil sandali bago muling nagsalita. “Pero naaalala ko lang
Nakatitig ako sa orasan sa loob ng opisina. Alas-siete na, at kanina pa ako naghihintay kay Sam para sabay kaming mag-dinner. Inayos ko pa nga ang mga papeles ko nang mas maaga para hindi na siya maghintay sa akin. Pero ilang minuto na ang lumipas, wala pa rin siya.Bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Number niya. Agad kong sinagot.“Sam? Nasaan ka na? Kanina pa ako—”Bago ko pa matapos, boses niya ang narinig ko, nanginginig, puno ng kaba.“Leonard… may sumusunod sa akin…”Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Napaupo ako ulit sa swivel chair ko, pero ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.“A-anong ibig mong sabihin? Nasaan ka?!”“Hindi ko alam! Kanina pa siya nakasunod mula sa bahay… Leonard, hindi ko alam ang gagawin ko!” Halos pabulong na ang boses niya, parang pinipilit itago ang takot.“Sam, makinig ka sa akin. Stay on the line. Sabihin mo kung nasaan ka, pupuntahan kita agad!”Pero bago pa siya sumagot, narinig ko ang isang sigaw. Malakas, puno ng takot.“LEONARD!”Tu
Totoong wala na akong nararamdaman para kay Darren nang makita ko sa balita na ikinasal na siya kay Nina, ang aking step-sister. Natatawa na lamang ako dahil ginawa pa nilang e- live sa TV ang kasal nila. Panatag na ako sa buhay ko ngayon kasama si Leonard. Mahal ko na siya, at walang dudang handa akong ipaglaban ang aming kasal.Hindi na rin ako sumama kay Leonard na umattend sa kasal. Gusto kong maging maayos ang lahat at maiwasan ang anumang gulo.Pinatay ko na lamang ang TV at hindi na nagpatuloy sa panonood. Isa sa mga bagay na ikinulungkot ko ay makita ang aking ama na naroroon sa kasal ni Nina, samantalang sa kasal ko, wala man lang siya. Kahit sabihin pa na hindi ako tunay na anak, siya pa rin ang kinilala kong ama, at masakit para sa akin ang pagtalikod nito sa akin.Napangiti ako nang tumawag sa akin si Leonard. Agad kong sinagot ang tawag.“Miss mo na ako agad?” tanong niya, may halong kilig sa boses. Hindi ko mapigilan ang mapangiti.“Palagi naman kitang namimiss,” hirit
Nina’s povKanina pa nanginginig ang kamay ko, hindi dahil sa kaba kundi dahil sa matinding kaligayahang nararamdaman ko. Sa wakas, ito na ang araw na pinakahihintay ko, ang kasal namin ni Darren. Suot ko ang pinakamagandang gown na para bang disenyo mismo ng langit para sa akin. Nakangiti ang mga bisita, may ilan pang napapaluha habang naglalakad kami sa gitna ng aisle. Ang mga camera ay nagkikislapan din at may ilang media rin akong inimbetahan. Ayoko na may makalamang sa araw ng kasal ko.Ngunit sa tabi ko, ang lalaking pakakasalan ay tila ba pasan ang mundo. Hindi man lang siya makatingin ng diretso sa akin. Siniko ko ito upang sabihin na araw ito ng kasal namin.“Ngumiti ka naman,” bulong ko sa kanya habang magkahawak ang aming mga kamay. Sa halip na sagutin ako ng isang mainit na titig, mas lalo lang niyang ipinakita sa akin na hindi niya gusto ang mga nangyayari... “Anong magagawa ko kung hindi ako masaya?” malamig niyang tugon, halos pabulong pero sapat para marinig ko..“Alan