Hindi ako mapakali habang pauwi kami ng ina ko mula sa coffee shop. Buong biyahe, hindi tumigil ang mga mata ko sa eco bag na nakalagay sa tabi niya. Parang mabigat ang dibdib ko hindi lang dahil sa dala nito kundi dahil alam kong may ginawa si Mama. “Ma, can we talk?” tanong ko na seryoso ang boses. “About what, anak?”Huminga ako ng malalim. Pinilit kong maging kalmado. “About Sam. About the coffee shop. Ma, stop it na. Tama na ang paninira. Alam kong ikaw ang may gawa sa lahat ng mga nangyayari.” “What are you talking about? Wala akong ginagawa,” pagtanggi ng ina niya. Hindi ako nagpatalo.“Ma, I saw you. I know what you did kanina sa storage room. You were carrying that eco bag, and then suddenly bigat na bigat ka. Don’t deny it, Ma. I know you put something inside the coffee beans.”Sandaling natahimik si Mama dahil sa sinabi ko.. Tumango at agad nagbago ang tono ng boses nito. “Anak, you don’t understand. Ginagawa ko ito para sa’yo, para sa pamilya natin. Hindi siya dapat
Katatapos ko lang mag-post sa social media ng ebidensya tungkol sa sabotahe nang bigla akong makatanggap ng tawag mula kay Leonard.“Sam…” rinig ko ang boses niya mula sa kabilang linya…. “Nabasa ko ang post mo ngayon. Totoo bang may sumasabotahe sa coffee shop mo?”Napabuntong-hininga ako bago sumagot. “Oo, Leonard. Hindi ko lang agad nabanggit sa’yo kasi ayokong mag-alala ka. Isa pa, nasa abroad ka para sa trabaho mo. Okay lang naman ako dito, nagagawa ko pang i-handle.”“Pero Sam,” malungkot niyang tugon. “Sana sinasabi mo sa akin. Ang hirap isipin na may pinagdadaanan ka pala nang hindi ko alam. Sana man lang nadamayan kita, kahit papaano.”Ngumiti ako nang pilit kahit hindi niya nakikita. “Kaya ko naman. I can take care of it. At least ngayon, may hawak na akong ebidensya. Maipapakita ko na sa mga tao na wala akong kinalaman sa lahat ng sabotahe.”Natahimik siya sandali bago nagsalita. “Kailan ka ba uuwi?” tanong ko, halos may lambing sa tono.“Baka sa makalawa nandiyan na ako. M
Hindi ko mapigilan ang hindi magtaka kung bakit biglang dumami ang mga negatibong komento tungkol sa coffee shop ko sa social media. Lahat ng sipag at passion ko inilaan ko rito, pero ngayon, iba-ibang salita ang naririnig ko, lalo na tungkol sa pastries namin. Ang sabi nila, “mapait,” “parang luma,” at “hindi na katulad ng dati ang lasa.”Una kong naranasan ang problema sa loob mismo ng shop.“Excuse me, miss,” sabi ng isang babaeng customer habang nakakunot ang noo. “Bakit ganito ang lasa ng kape ninyo ngayon? Hindi ito iyong usual na inoorder ko dati. Parang… burnt at watery.”Agad akong lumapit, ramdam ko ang kaba. “Pasensya na po, Ma’am. Pwedeng matikman ko?” Kinuha ko ang tasa at lumagok ng kaunti. Totoo nga, may kakaiba sa lasa. Hindi iyon ang signature blend na palagi naming ginagamit.Kaagad kong tinawagan ang supplier pagkatapos humingi ng sorry customer.. “Hello, bakit iba ang lasa ng beans na dine-deliver n’yo?” tanong ko na may halong inis at gulat. “Pasensya na, maam
Nina's pov Hindi ko mapigilan ang init ng ulo ko buong magdamag. Alas-dos na ng madaling araw pero wala pa ring dumadating si Darren. Dalawang araw ng hindi umuuwi ang asawa niya.Paulit-ulit kong chine-check ang cellphone ko pero ni isang text o tawag, wala. Ano bang ginagawa niya? At saan siya nagpupuyat? Pagkalipas ng halos tatlong oras, narinig ko na rin ang pagbukas ng pinto. Dahan-dahan siyang pumasok, parang nagtatago. Tumayo ako agad mula sa sofa, nakapamewang, at sinalubong siya. “Ano, Darren? Anong oras na?!” singhal ko agad. “Wala man lang tawag, wala man lang text! Para kang walang asawa!” Ngumiti lang siya ng pilit, halatang ayaw makipagtalo. “Pagod lang ako, Nina. May inasikaso lang.” “Pagod?” halos mapasigaw ako. “Dalawang araw kang nawawala! Kung trabaho yan, sana naiintindihan ko. Pero bakit amoy alak ka?!” Hindi siya sumagot. Dumiretso siya sa kwarto, at doon ko napansin ng magtanggal siya ng polo, doon ako nanlaki ang mata. May mga pulang marka sa dibdib niya—h
Camia's pov Pagkauwi namin mula sa opening ng coffee shop ni Sam, halos sumakit na ang buong katawan ko sa pagod. Ang tagal kong nakatayo, paulit-ulit na ngumiti, at pilit na pinapakita na proud ako sa asawa ng anak ko. Pero kahit anong inis ang nararamdaman ko, hindi ako puwedeng magreklamo kanina. I had to endure it. For Leonard. Kung nagpakita ako ng tunay kong ugali, siguradong magdududa na naman ang anak ko. “Tama ka, Ariana,” bulong ko sa sarili habang inaalis ang sapatos. “Kailangan ipakita kay Leonard na kakampi niya ako. Kahit pa kumukulo ang dugo ko pero bakit kasi kailangan pa nating pumunta sa coffee shop niya? Tuloy pagod na pagod tayo pareho. Ang sakit ng paa ko sa katatayo,” reklamo ko habang umuupo sa sofa. Napatingin sa akin si Ariana, medyo ngiting natutuwa pa. “To be honest, Ma, nag-enjoy naman ako kanina. Parang gusto ko tuloy magkaroon ng sarili kong coffee shop.” Napataas ang kilay ko. “The hell are you talking about, Ariana? Ang sabihin mo, naglabas ng malak
Leonard's pov Hindi ko inaasahan ang biglaang pagsulpot ni Mama at ni Ariana sa coffee shop ni Sam. Kanina lang ay ramdam ko ang kaba sa dibdib ng asawa ko, halatang natatakot na baka gawin na naman nilang mag-ina ang nakasanayan nilang pang-aapi. Pero ikinagulat ko nang makita kong maamo ang mga ngiti nila, lalo na si Ariana na masigasig pang nagse-serve ng kape sa mga bumibili, habang si Mama ay panay ang bati at pakikipag-usap sa mga tao na parang siya pa ang proud na may-ari ng shop. Lumapit ako palihim kay Mama, halos nakayuko pa para hindi mahalata ni Sam.. “Totoo po ba ang pinapakita ninyo kay Sam? Kasi parang nakakapagtaka lang, Ma. Bigla-bigla na lang ang pagbabago n’yo ni Ariana. I’m just worried na baka isang araw, you’ll go back to cursing her as my wife.” Hindi ko mapigilang maging prangka. Napatingin si Mama sa akin, seryoso ang mga mata pero may bahid ng lambing. “Pinagbibigyan na kita, Leonard. Tinatanggap ko na si Sam bilang asawa mo. Siguro naman mabibigyan mo ak