Chapter 6
Davis POV Nakamasid lang ako kay Zamara habang nakasandal siya sa pader, nanlalamig at nanginginig sa takot. Matagal ko na siyang hinanap. At ngayong nasa harapan ko na siya, hindi ko na siya hahayaang makawala pa. "Ang tagal mong nagtago, Zamara," malamig kong sabi, pinag-aaralan ang bawat emosyon sa mukha niya—galit, takot, at… isang bahagyang kirot ng pagtataksil. "Pero hindi mo na ako matatakasan ngayon." "Kasalanan mo kung bakit ako tumakas!" mariing sagot niya, nagpipilit na bumangon mula sa takot. "Hindi mo ako pag-aari, Davis!" Napangiti ako. Isang mapanganib na ngiti na alam kong lalo lang magpapakaba sa kanya. "Hindi kita pag-aari?" Inilapit ko pa lalo ang sarili ko sa kanya, pinigilan ang anumang puwang sa pagitan namin. "Kung hindi kita pag-aari, bakit hanggang ngayon, ikaw pa rin ang iniisip ko? Bakit kahit saan ako magpunta, ikaw ang hinahanap ko?" Nakita kong napakapit siya sa palda niya, pilit na pinapakalma ang sarili. Pero hindi niya ako malilinlang. Kilala ko siya. Alam kong sa likod ng tapang na pinapakita niya, may takot pa rin siyang hindi niya kayang itago. "Bitawan mo ako," mahina ngunit matigas niyang utos. Pinagmasdan ko siya, saka dahan-dahang itinukod ang isang kamay ko sa pader, sa tabi ng ulo niya. "At kung hindi?" Nakita kong bumilis ang paghinga niya. Kahit anong gawin niya, hindi niya maitatanggi na may bahagi sa kanya na kinikilala ang koneksyon namin—ang tensyon sa pagitan namin na hindi niya kayang sirain. "Ano ba talaga ang gusto mo, Davis?" tanong niya, may bahid ng pagod at desperasyon. Muli akong ngumiti, mas banayad ngayon. "Simple lang, Zamara." Yumuko ako, inilapit ang labi ko sa tenga niya at bumulong, "Bumalik ka sa akin." Ramdam kong napasinghap siya. "Never," mariin niyang sagot, at sa isang iglap, itinulak niya ako palayo. Napatawa ako, isang tunog na puno ng amusement at pagkaaliw. "Matapang ka pa rin, tulad ng dati." Tumango ako kay Santillian. "Pero alam mong hindi mo kayang takasan ang kapalaran mo, hindi ba?" Nakita kong bahagyang nanlabo ang mga mata niya. Hindi ko alam kung dahil sa takot, galit, o sa alaala ng nakaraan naming dalawa. Pero alam kong isang bagay lang ang sigurado ngayon. Hindi ako aalis nang hindi siya kasama. Tinitigan ko si Zamara, ang babaeng kahit anong pilit niyang takasan ako, ay hindi ko kailanman pakakawalan. "Akin ka lang, Zamara. Mula pa noong ipinanganak ka ng Ina mo," malamig kong sabi. "At alam mo ding hindi kami tunay na magkapatid ng Ina mo, dahil isa lamang akong ampon!" Nakita ko kung paano siya napaiwas ng tingin, halatang gulat siya sa muling pagbanggit ko ng katotohanang pilit niyang kinakalimutan. Pero hindi ako titigil. Kailangan niyang tanggapin ito—na wala siyang ibang pupuntahan kundi sa akin. "Buti na lang at 15 years old pa lang ako, nakilala ko na ang tunay kong pamilya—isang mayamang angkan," dagdag ko, hindi inaalis ang titig ko sa kanya. "Pero kahit na nalaman kong hindi ko sila kadugo, hindi ko magawang iwanan ka." Hinakbang ko ang isa kong paa palapit, dahilan para mapaatras siya. Ngunit wala na siyang matatakbuhan. Muli ko siyang inipit sa pagitan ng pader at ng katawan ko. "Alam mo kung bakit?" bulong ko, ramdam ko ang bahagyang panginginig ng katawan niya. "Dahil kahit noon pa, hindi ko kayang mawala ka sa akin. Kahit hindi ko pa alam kung ano ang tunay kong nararamdaman noon…" Saglit akong huminto, tinitigan ang kanyang mga mata—ang parehong matang matagal ko nang gustong maangkin. Ngumisi ako. "Pero ngayon, Zamara... sigurado na ako. Hindi na kita bibitawan." Nakita ko kung paano siya napalunok, ngunit hindi ko alam kung takot ba iyon o dahil sa hindi niya matanggap ang katotohanan. "Kaya kahit anong gawin mo…" hinaplos ko ang pisngi niya, marahan ngunit puno ng pag-angkin, "hindi mo ako matatakasan." "Alis na kami, Mr. Acosta. Bukas makukuha mo na ang kompanya mo," malamig kong sabi bago hinawakan ang braso ni Zamara upang hilahin siya palabas ng opisina ni Martin Acosta. "Sandali, bitawan mo ako!" mariin niyang sigaw habang nagpupumiglas. Ngunit hindi ko siya bibigyan ng pagkakataong makawala. Napagod na akong hayaan siyang tumakbo palayo. Wala siyang ibang pupuntahan. Mabilis ko siyang binuhat at isinampay sa aking balikat, dahilan para mas lumakas ang kanyang pag-alma. "Bitawan mo ako, hayop ka! Tulong!" pilit niyang sigaw habang pumapalag, ngunit lalo ko lang hinigpitan ang hawak ko sa kanyang mga hita upang hindi siya makagalaw. "Walang makakatulong sa'yo, Zamara," malamig kong bulong habang palabas kami ng gusali. Nagsisigaw siya, pinagsusuntok ang likuran ko, ngunit wala akong pakialam. Sa pagkakataong ito, sisiguraduhin kong hindi na siya muling makakatakas. "Agad kong pinalo ang kanyang pwitan dahilan upang tumigil ito sa kakaingay." Napasinghap si Zamara at saglit na nanahimik, marahil sa gulat at inis sa ginawa ko. Ngunit ramdam ko pa rin ang tensyon sa kanyang katawan. "Good girl," bulong ko, may bahid ng pang-aasar. "H-hayop ka, Davis! Ibaba mo ako ngayon din!" sigaw niya, pero mas mahina na ang pagpupumiglas niya kaysa kanina. Napangisi ako. "Aba, at least ngayon, hindi ka na sumisigaw ng tulong," sagot ko habang patuloy na naglalakad palabas ng gusali. "Hayaan mo lang akong makawala, malilintikan ka sa akin!" mariing banta niya. Natawa ako nang mahina. "Kung gusto mong makawala, Zamara, edi tumigil ka na lang sa pagtakbo." "Hinding-hindi ako titigil!" mariin niyang tugon. Umiling ako. "Tingnan natin." Sa sandaling ito, hindi lang siya basta isang babae na gusto kong angkinin. Siya ang larong matagal ko nang sinimulan—at hinding-hindi ko hahayaang matapos nang hindi ko nakukuha ang gusto ko. Alam kong inis na inis si Zamara sa akin. Kitang-kita ko sa kanyang nanlilisik na mga mata at sa naninigas niyang katawan habang pilit niyang tinutulak ang sarili palayo sa akin. Pero wala siyang magagawa. Hawak ko na siya ngayon. Kilala ko siya. Dati, noong bata pa siya at kinikilala pa niya akong tiyuhin, palaging nakasunod ito sa akin. Kapag umuuwi ako mula sa eskwela o sa trabaho, siya ang unang sumasalubong. Malambing, palakaibigan, at walang takot na ipinapakita sa akin ang kanyang pagiging malapit. Pero nagbago ang lahat nang isang gabi, narinig niya ang pinag-uusapan namin ng kanyang mga magulang. Alam kong doon nagsimula ang pagbabago sa kanya—ang pag-iwas, ang malamig na pakikitungo, at ang tahimik niyang paglayo. Hanggang sa tuluyan na siyang nagdalaga, at mula noon, ginawa niya ang lahat para makalayo sa akin. Ngayon, heto na siya, nasa mga braso ko muli. At sa pagkakataong ito, hinding-hindi ko na siya hahayaang tumakas.Chapter 26Hindi ko akalain na sa mga oras na ito ay buo kami — malayo sa kapahamakan, sa mga kalaban ko sa negosyo, at sa organisasyong dati’y puno ng panganib at karahasan. Ngayon, ibang klase na ang mundo namin.At higit sa lahat, si Zamara… hindi lang basta naging parte ng buhay ko. Kasama ko na rin siya sa mundong pilit kong binuo — sa organisasyong minsang bumaon sa kanya sa kadiliman. Pero ngayon, hindi siya biktima. Isa na siyang lider. Isang boses ng hustisya. Isa sa mga haligi ng pagbabagong unti-unti naming tinatamasa.Sa mga pagpupulong namin, tahimik siyang nakikinig — ngunit kapag nagsalita siya, lahat ay tumatahimik. May bigat ang kanyang mga salita. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa respeto. Sa kanyang mga mata, hindi mo na makikita ang takot o alinlangan. Ang makikita mo ay apoy — hindi para sa paghihiganti, kundi para sa proteksyon ng mga walang laban.“Alam mo ba?” bulong niya habang nagpapahinga kami sa terasa ng bahay, yakap ko siya habang pinagmamasdan ang bit
Author note Hi all..... Maraming salamat po sa inyong support. Aasahan po ninyo ay pagbutihan ko ang pagsulat .Thank you so much.... Love: Author ANNE JANE NAVALPS. Nagkasakit po ako kaya hindi ako naka update. Pero ngayon ay medyo okay na ang pakiramdam ko....
Chapter 25Isang taon na ang lumipas mula nang tuluyang kumawala si Zamara sa tanikala ng kanyang nakaraan. At sa unang pagkakataon, tunay naming naranasan ang kapayapaan — ang klase ng katahimikang dati’y para bang imposible naming makamtan.Masaya kami ngayon. Malayo na sa mga anino ng eksperimento, sa mga malamig na silid na puno ng takot at sakit. Sa isang simpleng bayan na tahimik at ligtas, namumuhay kami ng normal. Si Zamara? Mas lalo siyang gumanda. Hindi lang sa panlabas, kundi sa kung paano siya ngumiti, tumawa, at tumingin sa mundo — isang babaeng malaya, buo, at masaya."Naalala mo pa ba nung una kitang tinuruan sa training room?" tanong ko habang sabay kaming naglalakad sa tabing-dagat, hawak ang aming mga tsinelas habang ang mga paa namin ay nilalaro ng malamig na alon.Napangiti siya, sabay kurot sa tagiliran ko. "Naalala ko kung paano mo akong pinagod araw-araw! Pero salamat, dahil doon ko nalaman na may kakayahan pala akong lumaban para sa sarili ko.""At ngayon, ting
Pagkatapos ng matinding pag-uusap namin ni Zamara, ramdam ko pa rin ang bigat ng bawat salitang binitiwan niya. Hindi ko siya masisisi. Sa loob ng maraming taon, siya ay naging simbolo ng eksperimento ng organisasyon — isang bagay na walang kalayaan, isang Subject Zero.Ngunit ngayon, siya na si Zamara."Handa ka na ba?" tanong ko habang tinatapakan ko ang lumang kahoy na sahig ng training room."Hindi na ako babalik sa dati," tugon niya, walang bahid ng pag-aalinlangan sa boses. "At kung kailangan kong labanan sila para makuha ang kalayaan ko, gagawin ko."Tumango ako. Nasa mga mata niya ang determinasyon, ngunit ramdam ko rin ang takot na pilit niyang itinatago. Sa bawat hakbang niya ay dala niya ang bigat ng mga alaala — ang mga sugat, ang mga eksperimento, at ang kawalan ng kontrol sa sarili niyang katawan."Nagsimula na ang laban natin," sabi ko, itinuro ang mga lumang kagamitan sa paligid. "Hindi lang ito tungkol sa lakas ng katawan, Zamara. Kailangan mong pag-aralan ang isip ng
Chapter 23Davis POVPinagmamasdan ko si Subject Zero habang inuulit niya ang bawat suntok sa punching bag. Hindi ko siya tinatawag sa pangalan niya sa isip ko. Hindi pa rin ako sanay. Para sa akin, isa pa rin siyang eksperimento na nabuhay sa ilalim ng mga kasinungalingan ng organisasyon.Ngunit hindi ko maikakaila ang pagbabago sa kanya. Ang mga mata niya, puno ng determinasyon. Ang mga galaw niya, mabilis at matalas. Hindi na siya ang takot na batang tinulak nila sa loob ng malamig na laboratoryo. Ngayon, siya na ang pinakamalaking banta sa kanila.“Mabagal pa rin ang kilos mo,” sabi ko, inilalagay ang kamay ko sa balikat niya. “Hindi ka dapat magpadala sa galit. Gamitin mo ang isip mo.”Huminga siya nang malalim, halatang naiirita. Naiintindihan ko. Alam kong gusto niyang patunayan ang sarili niya. Pero kung gagamitin niya lang ang galit sa laban, matatalo siya.“Ulitin mo,” utos ko. “Ngayon, isipin mo na kalaban mo ay hindi lang punching bag. May intensyon siyang patayin ka. Magp
Chapter 22 Nanlamig ako sa narinig. Ang mga tulad ko ay naglalakad na mga armas. Kung totoo ngang may darating na laban, magiging impyerno iyon. "At ano ang meron ako na wala sila?" tanong ko, halos pabulong. "Tibay ng loob," sagot ni Davis, diretso ang titig sa akin. "Ikaw ang nag-iisang Subject na may kalayaang magdesisyon. Hindi ka nasira ng eksperimento. Hindi ka ginawang sunud-sunuran. Ikaw ang banta sa kanila, dahil ikaw ang patunay na hindi nila kayang kontrolin ang lahat." Huminga ako nang malalim, pilit na nilalabanan ang takot. Alam ko na wala nang atrasan. Kung hindi ako kikilos, ako mismo ang magiging dahilan ng pagkawasak ng lahat ng mahal ko. "Anong susunod nating gagawin?" tanong ko, puno ng determinasyon. "Maghanda," sagot ni Davis. "Kailangan mong muling sanayin ang katawan mo, palakasin ang isipan mo. At higit sa lahat, kailangan mong matutunan kung paano labanan ang mga tulad mo." Nagkatinginan kami, at sa titig pa lang, alam kong wala nang pag-aalinlangan.