Share

Tristan&Avajell - 018

Author: JASS ANNE
last update Last Updated: 2025-10-02 19:53:08

Ang bilis ng naging oras. Parang kanina lang ay nasa boutique pa kami ni Sir Tristan at pinipili niya ang dress na isusuot ko. At ngayon na paglipas ng ilang oras ay nandito na ako sa harap ng salamin at nakatayo na. Tapos na akong maligo at mag-blower ng buhok.

Ang pastel blue na cocktail dress na pinili ni Sir Tristan ang suot ko ngayon. Hindi ito bastusin tingnan pero sapat para ipakita ang katawan kong lagi kong pilit tinatago sa mga formal wear. Wala akong anomang alahas na suot dahil hindi ko naman expect na may pary akong pupuntahan kaya hindi ako nakapagdala.

Hindi ako marunong mag-ayos ng bongga kaya nag-make up ako ng para sa akin ay babagay na sa party. Sa tingin ko naman ay prensentable na ako.

Nakakaramdam ako ng kaba at hindi ko mawari kung bakit ko nararamdaman ‘yon. Marami naman na akong party na kagaya nitong napuntahan. Pero si Sir Thomas ang kasama ko no’n. At sa mga party na ‘yon ay ilang beses ko nang nakita si Sir Tristan.

Habang nakatingin ako sa repleksyon ko,
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (16)
goodnovel comment avatar
Imee Pelaez
Yong October daw na update wala na. ...
goodnovel comment avatar
rachel cenal-Pagaduan
Aww wala ng update 🥹
goodnovel comment avatar
dhing
wala na update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • MY HEARTLESS EX-HUSBAND'S OFFER   Tristan&Avajell - 018

    Ang bilis ng naging oras. Parang kanina lang ay nasa boutique pa kami ni Sir Tristan at pinipili niya ang dress na isusuot ko. At ngayon na paglipas ng ilang oras ay nandito na ako sa harap ng salamin at nakatayo na. Tapos na akong maligo at mag-blower ng buhok. Ang pastel blue na cocktail dress na pinili ni Sir Tristan ang suot ko ngayon. Hindi ito bastusin tingnan pero sapat para ipakita ang katawan kong lagi kong pilit tinatago sa mga formal wear. Wala akong anomang alahas na suot dahil hindi ko naman expect na may pary akong pupuntahan kaya hindi ako nakapagdala.Hindi ako marunong mag-ayos ng bongga kaya nag-make up ako ng para sa akin ay babagay na sa party. Sa tingin ko naman ay prensentable na ako.Nakakaramdam ako ng kaba at hindi ko mawari kung bakit ko nararamdaman ‘yon. Marami naman na akong party na kagaya nitong napuntahan. Pero si Sir Thomas ang kasama ko no’n. At sa mga party na ‘yon ay ilang beses ko nang nakita si Sir Tristan.Habang nakatingin ako sa repleksyon ko,

  • MY HEARTLESS EX-HUSBAND'S OFFER   Tristan&Avajell - 017

    Avajell MarasiganTahimik na naman kami pagkatapos ng sinabi niya about sa hotel suite kung saan kami mag-stay. Pero hindi mapigilan ng utak ko na mag-imagine ng kung ano ano. Isang suite lang? Kahit may dalawang bedroom, paano kung magkasalubong kami sa loob? Paano kung…“Miss Marasigan, stop fidgeting!” biglang sabi ni Sir Tristan habang nakatutok pa rin sa kalsada nang nilingon ko.“Sir?”Tinapunan niya ako ng mabilis na tingin.“You’ve been tapping your fingers on your lap for the past five minutes. Nakaka-distract!” Masungit niyang sabi.Napahiya ako. Agad kong inipit ang dalawang kamay ko sa bag ko. Hindi na ako nagsalita at nanahimik na lang.Hindi pa kami nakakalabas ng city ay nag-stop over kami sa isang restaurant at nag-breakfast. Halos hindi ko naman manguya ang kinakain ko. Parang feeling ko na sa bawat subo ko ng kutsara ay nakatitig sa akin ang amo ko. Hindi ako nagfo-focus ng tingin sa kanya.Ilang sandali lang kaming nag-stay sa restaurant at nagpapababa ng konti ng k

  • MY HEARTLESS EX-HUSBAND'S OFFER   Tristan&Avajell - 016

    Avajell MarasiganLumipas ang maghapon na iyon na puno na badtrip na ako dahil sa sinabi ni Sir Tristan sa akin tungkol sa connivance, office relationships at kung ano-ano pa.Idagdag pa na isasama pa ako sa isang out-of-town. Sana lang ay maging maayos naman ang lagay ko sa susunod na linggo.Pinilit ko pa rin na maging productive. Napansin ko rin ang panay tawag sa akin ni Sir Tristan. Parang nanadya na pagurin ako sa kakabalik balik sa office niya at nagpapakuha ng mga files na sa tingin ko naman ay hindi kailangan.Pagkauwi ko sa bahay ay halos sabog na ako sa pagod. Nagpahinga ako sa kwarto ko bago tawagin ni Mama para kumain na. Matapos kumain ay konting usapan muna kami ng family ko sa sala. Kagaya ng madalas naming ginagawa.Doon na rin ako nagpaalam kay Mama at Papa tungkol sa ilang araw na out-of-town ko kasama ng boss ko.Maaga pa para sa oras ng pagtulog ay nagpaalam na ako na aakyat ng kwarto. Ginawa ko na rin ang night routine ko nang mas maaga para hindi ako tamarin kun

  • MY HEARTLESS EX-HUSBAND'S OFFER   Tristan&Avajell - 015

    Avajell Marasigan“Ah, Sir Tristan, dito na lang po kayo umupo.” Biglang sabi ni Maria matapos naming magulat. Tinuro niya ang bakanteng upuan sa tabi ni Rosemarie.Pero parang hangin lang si Rosemarie na hindi pinansin ni Sir Trista. Dumeretso siyang umupo sa tabi ko at nilapag ang tray na parang ‘yon talaga ang dapat mangyari.“I’ll sit here,” malamig niyang sabi na hindi man lang nagbigay ng tingin sa iba.Para akong natuyuan ng laway. Ang lapit niya at ramdam ko ang bigat ng presensya niya. Tahimik lang ako at pilit na pinapakalma ang sarili.Sakto namang dumating si Jeric na dala ang tray ng mga order namin. Masigla pa siyang papalapit pero agad siyang natigilan nang makita si Sir Tristan sa tabi ko. Nakita ko ang disappointment sa mata niya. Todo hila pa naman siya ng silya kanina at gusto talaga akong makatabi.“Eto na, guys, mga order natin…” halos mahina ang boses ni Jeric na isa isang inilalapag ang pagkain. “Good afternoon, Sir,” dagdag pa niya na medyo nakayuko.Sir Tristan

  • MY HEARTLESS EX-HUSBAND'S OFFER   Tristan&Avajell - 014

    Naging busy ang umaga ko. Nagkaroon ng meeting ang mga concerned department para sa bidding. Pinahapyawan na rin ang action plan kapag kami ang nanalo. Naging productive rin ako kahit maya-maya ay panay tawag sa akin ni Sir Tristan. Kahit simpleng instruction lang na pwede naman nitong sabihin over intercom ay gusto pa na pupunta ako sa office niya.Hanggang sa dumating ang tanghalian. Tinanong ko pa si Sir Tristan kung o-orderan ko siya ng lunch pero sinabi niya naman na lunch out siya.Sabay sabay naman kaming bumaba ng ilang officemate ko para mag-lunch sa jollibee malapit sa building.Agad kaming naghanap ng bakanteng mesa.“Dito ka na, Ava…” Biglang sabi naman sa akin ni Jeric na pinaghila pa ako ng upuan. As usual ay gusto nito na nasa tabi ko ito.Taga admin si Jeric at halos kasabayan ko lang din dito sa kumpanya. Nauna lang siya ng isang buwan sa akin na-hire. At hindi naman lingid sa akin na may gusto siya sa akin. Obvious naman kasi sa paraan ng pagtingin nito sa akin. Sa p

  • MY HEARTLESS EX-HUSBAND'S OFFER   Tristan&Avajell - 013

    “Good morning, Ma’am Ganda!” Masayang bati sa akin ng guard na agad ko rin na binati pabalik.Kararating ko lang dito sa office at sakto lang ang dating ko. May 5 minutes akong allowance pa bago pumatak ang alas otso. Naabutan din kasi ako ng traffic. Ganito talaga kapag Monday at iba ang daloy ng traffic sa kalsada.Magaan ang pakiramdam ko ngayon at energetic na hindi katulad nang nakaraang linggo. Naging sagana ako sa tulog nitong nagdaang dalawang araw na day-off ko. Okay na naman ang Lolo ko na sinugod namin sa ospital. Nakabawi na at ngayon ay sa amin pa rin tumutuloy at ang alam ko nga ay susunduin ngayon ng kapatid ni Papa kaya hindi ko na rin ito madadatnan pauwi.Pagdating ko sa floor namin ay sinalubong agad ako ng pamilyar na tunog ng mga telepono at tipa ng mga keyboard. Maaga rin ang ibang staff. Abala na sa kani-kaniyang mesa. Busy na kasi ang lahat dahil nga sa darating na bidding sa susunod na buwan. At gustong gusto ng Board of directors na ang Wilson Holding Inc. an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status