THIRD PERSON:
"Mukhang minamalas ka na naman, Mr. Ramirez."
Bahagyang napangisi si Sebastian habang umiikot ang baso ng alak sa kanyang palad, tila nilalaro ang kapalaran ng kausap sa bawat galaw nito.Walang naisagot si Ethan. Tahimik siyang nakatitig sa baso sa kanyang harapan, habang ang paligid niya’y unti-unting lumalamig. Napansin niya ang apat na lalaking nakaitim—lahat matitikas, nakasuot ng earpiece, at nakaposisyon sa bawat sulok ng silid. Halatang hindi ordinaryong mga gwardya—mga anino ng lalaking nasa harap niya.
Napalunok siya nang marahan. Ang bawat tunog ng relo sa pader ay parang bomba sa kanyang dibdib.
Hindi kumurap si Sebastian habang itinungga ang alak. Matapos iyon, ibinaling nito ang malamig at matalim na tingin kay Ethan—tila walang awang hukom na naghihintay lang ng dahilan upang ibagsak ang kanyang hatol.
"Kamusta?"
Tahimik pero mabigat ang tinig nito. "Nasabi mo na ba sa kanya?"Napakuyom ng kamao si Ethan. Ramdam niya ang bawat pintig ng kanyang dibdib. Hindi niya makuhang magtagpo ang kanyang mga mata sa titig ni Sebastian—alam niyang walang puwang ang palusot o awa sa lalaking ito.
"Sebastian..."
Pilit niyang pinakalma ang boses. "Give me more time. A few more days. Makakausap ko na siya. I just need to—"Pero bago pa niya matapos ang pangungusap, umiling si Sebastian. Mabagal. Kalmado. Walang emosyon.
At saka muling ngumiti. Isang ngiting sanay na sa pananakot, sanay sa pagdikta ng kapalaran ng iba. Isang ngiting hindi mo malalaman kung kailan hahantong sa ngitngit.
"Time?"
Bahagyang tumawa ito, pero malamig, walang halakhak sa mata. "Ethan, kung oras ang kailangan mo, sana hindi mo ako nilapitan. Ang binili mo sa akin ay lunas sa pagkakalunod—pero ngayon, hinihiling mong pahabain ko pa ang pagkalunod mo."Sabay tayo ni Sebastian mula sa upuan, Marahan niyang ikiniskis ang mabigat na singsing sa ibabaw ng marmol na lamesa. Ang matinis na tunog nito’y tila banta na unti-unting sumayad sa pandinig ng lahat. Tumigil siya sandali, saka lumingon sa kanyang mga tauhan. Isang sulyap lang ang ibinigay—at agad na silang kumilos, parang mga asong sabik sa utos ng amo.
Agad lumapit ang dalawa sa kanila kay Ethan, huminto sa magkabilang gilid ng kanyang upuan.
"Kung hindi mo kaya ang kasunduan,"
bulong ni Sebastian habang papalapit, "sabihin mo ngayon pa lang. Pero kung pipiliin mong tumakas..."Dumikit ang isa sa mga bodyguard sa likod ni Ethan, marahang dumampi ang malamig na dulo ng baril sa gilid ng kanyang tadyang.
"...siguraduhin mong hindi ka na namin maaabutan. Dahil kapag nagkataon, hindi lang negosyo mo ang mabubura—pati apelyido mo."
Tahimik si Ethan. Pigil ang hininga. Sa dami ng araw na inakalang siya ang may kontrol sa buhay nila ni Isabella… ngayon, parang siya ang laruan sa kamay ng isang halimaw.
"Ayusin mo, Ethan,"
huling sabi ni Sebastian habang lumalakad palayo. "Or I’ll take what’s mine… with or without your permission."*****
Isabella's POV:
Abala ako sa pagbabasa ng mga dokumento ng kompanya—mga financial statements, kontrata, at mga record ng transaksyon. Isa-isa kong sinusuri ang bawat detalye, pilit hinahanap ang ugat ng pagkalugi ng negosyo namin ni Ethan.
May kung anong mali. At ramdam ko ito.
Hindi ito basta epekto lang ng pabagsak na ekonomiya. May butas. May sablay. At siguradong hindi lang simpleng kapabayaan.
Palihim akong naghahanap ng ebidensya—ng bakas kung paano nagawang isugal ni Ethan ang lahat. At kung paano siya nakalusot nang hindi ako nasasangkot.
Naputol ang pag-iisip ko nang marahang lumapit ang isa sa mga empleyado, may hawak na brown envelope.
"Ma'am... ito lang po ang nakita namin," maingat nitong sabi, habang iniaabot sa akin ang envelope.
Agad ko iyong kinuha, marahang binuksan. At sa unang tingin pa lang sa mga papeles—mga under-the-table deals, pekeng resibo, at lihim na withdrawals—ay parang biglang nanlamig ang aking katawan.
Parang isang bomba ang sumabog sa tahimik kong mundo.
"God..." bulong ko sa sarili. "Ethan, anong ginawa mo?"
*****
Third Person POV:
Sa isang madilim na lounge bar na kilalang tagpuan ng mga underground na negosyante, tahimik na nakaupo si Ethan Ramirez. Nakayuko ito habang pinipisil ang sentido, halatang hindi na rin alam kung anong direksyon ang dapat tahakin. Ang suot nitong mamahaling coat ay may bahid na ng lamlam—tulad ng kinabukasang unti-unti nang kumakawala sa kanya.
Maya-maya pa, bumukas ang pintuan ng private room. Pumasok ang tatlong lalaking naka-itim na suit, at kasunod ang isang lalaking may nakasinding sigarilyo, may tattoo sa leeg at malamig ang tingin—si Rocco, ang kinikilalang lider ng Black Sheep Syndicate.
“Ramirez,” malamig na bati ni Rocco habang diretsong naupo sa harapan nito. “Mukhang desperado ka na talaga, ah.”
Napatingala si Ethan. Nanunuyo ang lalamunan, pero pinilit pa rin niyang ngumiti, kahit pilit. “I just need… another extension. You said you'd consider helping me if I bring something valuable to the table.”
Napangisi ang lalaki sa kanyang harapan, saka lumingon sa isa sa mga tauhan niya.
“Bakit mo ba hinahanap si Boss? Magbabayad ka na ba ng utang mo?” singit ng lalaking nasa likod ni Rocco. Ang boses nito’y puno ng panunuya.
Hindi sumagot si Ethan. Sa halip, inilabas niya ang isang brown envelope mula sa coat pocket at itinulak ito papalapit sa mesa. Nasa loob nito ang ilang confidential documents na may kinalaman sa negosyo ng Montgomery Group—mga papeles na ninakaw niya ng palihim mula sa opisina.
“These documents are clean. Inside info. Lucrative deals. Everything you can use,” bulong niya. “Just… give me what I need.”
Napataas ang kilay ni Rocco habang binubuklat ang laman ng envelope.
“Kailangan mo ng pera… o proteksyon?” tanong nito, malamig ang tinig.
“Both,” sagot ni Ethan. “My wife… she could be part of the deal. But not yet. I need time.”
Tahimik. Ilang segundo ng katahimikan ang naghari sa loob ng silid. Hanggang sa biglang natawa si Rocco—isang mapait, mapang-asar na tawa.
“Balita ko pati asawa mo… binenta mo kay Sebastian. Sobrang desperado mo na talaga, Ramirez, dahil ba diyan nandito ka?”
Napapitlag si Ethan. Napayuko, parang tinamaan ng kahihiyan.
Pero hindi pa tapos si Rocco.
“Alam mo kung ano ang mas masakit?” patuloy nito. “Kami ang naunang nagpautang sa’yo. Kami ang unang nagbigay ng milyong piso para sa negosyo mo—na winaldas mo lang sa sugal, kababaihan, at ilusyon ng pagiging hari. Pero anong isinukli mo sa amin?”
Lumapit si Rocco, bahagyang yumuko sa mukha ni Ethan.
“Imbes na sa amin mo ibalik ang pera, binenta mo ang asawa mo kay Sebastian. At ngayon, lumalapit ka ulit sa amin? Dalawang beses mo na kaming niloko!”
Muli siyang natawa, mas malamig, mas mapanganib.
“Tangina, Ramirez. Sayang… ako pa naman sana ang unang titikim sa putahe ng asawa mo kung sa amin mo siya inialok.” Napangisi ito, nakatingin nang matalim kay Ethan.
Napakuyom ng kamao si Ethan, nanginginig ang balikat sa galit at hiya. Ngunit wala siyang karapatang sumagot. Alam niya—lahat ng ito, kagagawan niya.
Tahimik na nagtagpo ang tingin ng mga tauhan ni Rocco. Lahat sila—nakamasid sa lalaking dati’y CEO, ngayon ay isang basurang giniling ng sariling kasakiman.
Tumayo si Rocco, pinatay ang sigarilyo sa marmol na ashtray at sinenyasan ang kanyang mga tauhan.
“Pero sige. Pag-iisipan ko. Baka sakaling may silbi ka pa. Pero tandaan mo, Ramirez…” Dumapo ang malamig na palad ni Rocco sa balikat ni Ethan. “Sa laro ng mga hayop, ang mahinang leon… inuuna ng mga buwitre.”
At iniwan nila si Ethan—mag-isa, tahimik, tulala—hindi batid na ang sinubukan niyang takbuhan ay mas mabangis pa kaysa sa una niyang nilapitan.
The Grand Wedding: Ang buong lungsod ay tila tumigil nang araw na iyon. Isang engrandeng kasal ang ginaganap sa isa sa pinakamalalaking hotel-resort sa bansa—isang five-star property na pagmamay-ari mismo ni Sebastian Montgomery. Labas pa lang, nagsisiksikan na ang mga mamamahayag, photographers, at mga taong nais masaksihan ang kaganapan. Ang buong paligid ay nababalot ng ningning: nakapila ang mga luxury cars, nakasabit ang mga kandelabra at bulaklak na imported mula sa iba’t ibang panig ng mundo, at bawat sulok ay punô ng mahigpit na seguridad. Hindi lamang ito basta kasal—ito ay isang selebrasyon ng kapangyarihan, ng yaman, at higit sa lahat, ng pag-ibig na pinagdaanan ang lahat ng unos bago tuluyang nagtagumpay. ANCHOR (voice-over, kasabay ng montage): “Ngayong araw, saksi kayo sa kasaysayan—ito ang kasal ng taon!—ang pagbubuklod ng tagapagmana ng Santiago’s Corporation na si Isabella Santiago, at ng bilyonaryo at makapangyarihang negosyanteng si Sebastian Montgomery.” Ang
THIRD PERSON:Ilang araw na ang nakalipas mula nang bumalik si Sebastian. Paulit-ulit na inaatay ni Isabella ang sandaling magsasalita ito, umaasang magkukwento o magpapaliwanag kung ano nga ba ang nangyari at bakit siya natagalan matapos ang engkuwentro laban kina Rocco. May mga pagkakataong nais na niyang itanong, ngunit sa tuwing napapatingin siya kay Sebastian at masasalubong ang matalim nitong mga mata, kusa na lang siyang tumitikom.Napatingin pa siya rito ngayon—abala si Sebastian sa pagbabalat ng hilaw na mangga sa mesa. Seryoso ang mukha nito habang maingat na hinihiwa ang maasim na prutas, para bang nakatuon lamang ang mundo nito sa hawak na kutsilyo.Samantala, si Isabella naman ay nakaupo sa sofa, bahagyang nakahilig at tutok na tutok sa pinapanood na drama sa TV. Wala siyang imik, halos nakalimutan ang paligid dahil sa lalim ng eksenang pinapanuod niya, subalit sa loob-loob niya’y ramdam pa rin ang bigat ng mga tanong na hindi niya masabi.Biglang bumukas ang pinto at puma
THIRD PERSON:Lumapit ulit si Isabella sa lalaking nakausap niya kanina, halos nanginginig pa rin sa kaba at galit. “At please lang, huh! Huwag mo na akong matawag-tawag sa pangalang ‘Bella’,” madiin niyang sabi, nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata. Bahagyang tumigil siya, saka halos pabulong na dagdag—puno ng kirot, ngunit matapang: “Siya lang… siya lang ang may karapatang tumawag no’n sa akin…”Napayuko ang lalaki, halatang nahiya at natigilan, habang si Isabella ay mariing pumikit, pinipigilan ang luha na pilit gustong kumawala. Sa bawat banggit ng pangalang iyon, bumabalik sa kanyang alaala ang tinig ni Sebastian—malumanay, puno ng lambing, at parang musika na kailanman ay ayaw niyang kalimutan.“Pa-pasensya na po…” mahina lamang ang naging sagot ng lalaki, nakayuko at tila walang lakas ng loob na tumingin sa kanya. Napairap si Isabella, pilit itinatago ang namumuong emosyon, saka siya marahang lumakad palapit sa isang itim na van na nakaparada sa unahan.At doon… parang
THIRD PERSON: Dalawang linggo na ang lumipas mula nang magising si Isabella sa ospital. Dalawang linggo rin siyang araw-araw na umaasang papasok si Sebastian sa pintuan, may ngiti sa labi at yakap para sa kanya. Ngunit heto siya ngayon—nakaupo sa gilid ng kama, mahigpit na hinihimas ang kanyang tiyan, habang dahan-dahang bumabalot sa kanya ang malamig na katahimikan. Mabigat ang dibdib niya, at bawat araw ng paghihintay ay parang tingga sa puso. Sa bawat pagdilat niya ng mata, si Sebastian pa rin ang una at huling laman ng kanyang isip. Ngunit wala. Wala pa ring balita, wala pa ring presensya. Dahan-dahang pumatak ang kanyang luha, dumulas pababa sa pisngi. "Sebastian…" bulong niya, mahina at halos hindi marinig. Naramdaman niyang lalong lumakas ang pintig ng kanyang puso, para bang may kulang, may iniwang malaking butas na hindi niya alam kung kailan muling mapupunan. Sa sandaling iyon, bumukas ang pinto. Pumasok sina Riley at Jane, parehong may pilit na ngiti, ngunit halatang
THIRD PERSON:Dahan-dahang iminulat ni Isabella ang kanyang mga mata, ngunit nanlalabo pa ang kanyang paningin. Puti. Puti ang paligid. Naamoy niya ang malinis at malamig na hangin na agad niyang nakilala—ospital.Ang malamig na amoy ng alcohol, ang tunog ng beeping monitor, at ang bigat ng katahimikan ang lalong nagpakaba sa kanya. Ospital... mahina niyang bulong, halos maputol ang hininga. Ito ang lugar na pinakaayaw niyang puntahan, ang lugar na madalas nagdadala ng takot at alaala ng pagkawala.Pilit niyang inangat ang kanyang likod ngunit agad siyang napasinghap, “Ahhh!” Napakapit siya sa kamay niya nang mahila ang dextrose na nakakabit dito.Agad na lumapit si Riley, halatang gulat. “Oyyy, Isa! Huwag ka munang kumilos, baka mas matagal pa yang dextrose mo. Please, wag ka na munang magpumilit.”Doon lang niya napansin ang noo ni Riley, may nakabalot na benda at bakas ang sugat sa ilalim nito.“A-asan si Seb?” aniya, halos pabulong pero puno ng kaba nang di niya ito makita sa tabi
THIRD PERSON:“At ikaw naman…” malamig na sabi ni Rocco, mabagal, tila nilalasap ang bawat salita. “Ang susunod naming lalaruin.”“Hindi!!! Bitiwan niyo ako, hayop ka!!!” sigaw ni Isabella, nagpupumiglas, halos mamamaos na ang boses. “Sebastian!!” desperado niyang tawag, nanginginig sa takot.“Hayop ka!!!” bulyaw ni Sebastian, nanginginig ang buong katawan sa matinding galit. Pilit siyang tumayo, ngunit bago pa man siya makalapit—pumutok ang baril.“Arghhh!!” sigaw niya nang tamaan sa hita, at napahandusay sa malamig na sahig. Ramdam niya ang nagbabagang apoy ng bala sa laman, umaagos ang dugo sa kanyang binti, nanginginig ang mga kamay sa kirot. Ngunit higit pa sa sakit, mas nag-alab ang galit sa kanyang mga mata. Kahit sugatan, desperado siyang naghahanap ng kahit anong tyempo para makalaban.Ngumisi si Rocco at yumuko, halos idikit ang mukha kay Sebastian. “Manood ka na lang, hari. Manood ka kung paano namin lalaruin ang pinakamamahal mo.”Pilit na umaangat si Sebastian mula sa sahi