THIRD PERSON:
Biglang naputol ang usapan nilang tatlo nang biglang nag-ring ang cellphone ni Isabella. Sabay-sabay silang napalingon dito, at pansamantalang natahimik ang silid.
Napatingin si Isabella sa screen. “Si Ethan...” bulong niya, halos hindi sigurado kung matutuwa ba o mas lalong kakabahan.
“Sagutin mo na, girl,” sabi ni Riley habang marahang tinatapik ang balikat niya.
Nagkatinginan pa sina Riley at Jane, parehong may halong kaba at kuryosidad sa mga mata. Pinipigil man nila ang sarili, halata sa mukha nila na gusto rin nilang marinig ang sasabihin ni Ethan.
Napabuntong-hininga si Isabella bago niya pinindot ang sagot button.
“Hey... Hon?” malamig ngunit pilit malambing na boses ni Ethan ang bumungad sa kabilang linya. “Where are you? We need to talk.”
Napakunot ang noo ni Isabella. Sandali siyang napatitig sa sahig bago siya sumagot.
“Talk about what?” tanong niyang diretso, may bahid ng lamig ang tinig niya.
Nagkatinginan sina Jane at Riley, at sabay-sabay na sumenyas kay Isabella, parang sinasabing “Kalma lang, huwag masyadong cold.”
Tahimik lang si Isabella, hindi muna pinansin ang mga kaibigan.
“Dito na lang tayo mag-usap sa bahay, hmm?” ani Ethan sa kabilang linya, pilit pa ring pinapakalma ang sitwasyon sa pamamagitan ng kanyang malambing na tono. “I’ll wait. Please, just come home.”
Napapikit si Isabella. Marami siyang gustong sabihin—gustong isigaw, gustong itanong. Pero sa dami ng nararamdaman niya, iisa lang ang lumabas mula sa labi niya:
“I’ll think about it.”
Agad niyang pinatay ang tawag bago pa siya magbago ng isip.
Tahimik.
“Grabe 'yon, girl...” bulong ni Jane, habang si Riley ay parang lalapit pa para yakapin siya.
“Hindi ko alam kung handa na akong harapin siya,” mahinang sabi ni Isabella habang nakatingin sa kisame. “Hindi ko pa rin alam kung anong dapat kong maramdaman. Galit ba... o awa?”
“Take your time, Isa.” sagot ni Riley, seryoso na ngayon. “Pero tandaan mo, huwag kang babalik hangga’t hindi mo sigurado kung bakit ka bumabalik.”
Tumango si Isabella, ngunit sa loob-loob niya, mas lalo lang siyang nalilito.
****
“Talo ka na naman, babe,” sabay tawa ng babaeng nakapulupot sa kanyang batok. Halatang hindi interesado sa laro, kundi sa kung anong makukuha niya kay Ethan.
Napairap si Ethan at agad na kinalas ang braso nito mula sa kanya, halatang inis. “Ano ba,” singhal niya. “Pwede ba? Huwag kang dumikit.”
Bahagyang napatda ang babae, sabay ngisi na parang sanay na sa ganoong ugali. Umatras ito at dumiretso sa bar, iniwan siyang mag-isa.
Sa gitna ng tensyon, lumapit ang isang staff—naka-itim na suit, may earpiece at may pin sa dibdib na may insignia ng casino. Para itong elite butler na nakatalaga para sa mga VIP guests.
“Mr. Ramirez,” magalang ngunit may halong panunuya ang tono, “Mukhang minamalas na naman po kayo ngayong gabi.”
Napabuntong-hininga si Ethan habang marahang isinandal ang likod sa upuan. Tiningnan niya ang huling baraha sa kamay—wala.
Napapailing na lang ang mga kalaban niya sa lamesa, kabilang ang isang matandang negosyanteng Intsik na may suot na gold ring at isang dayuhang mukhang playboy. May isa pang babae sa kabilang dulo ng mesa ang napahagikgik pa, sabay sabing:
"Not your night, Mr. Ramirez.” Maarte nitong sabi
“Put the rest all in,” mahinang sambit ni Ethan, pilit pinapakalma ang sarili.
Nagtinginan ang mga nasa mesa, halatang naiilang. Ilang sandali pa’y muling natalo si Ethan. Wala na. Ubus na ang chip stack niya. Napakamot na lang siya sa sentido, pilit pinipigil ang inis at pagkadismaya.
Tumayo siya mula sa kinauupuan at diretso sa bar. Umorder siya ng whisky double. Malalim ang kanyang buntong-hininga, at sa loob-loob niya, mas ramdam niya ngayon ang bigat ng lahat ng pagkatalo—hindi lang sa baraha, kundi sa buhay.
“Kahit saan ako tumingin, palpak,” bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang yelo sa kanyang baso, iniikot-ikot ito bago uminom. Tila sinusubukan niyang lunurin ang katotohanan sa bawat lagok ng alak.
Sa sulok ng kanyang mata, napansin niyang may ilang lalaki sa kabilang VIP area ang tila nagmamasid sa kanya. Isa sa kanila ay kilalang investor... isa sa mga taong gusto sana niyang lapitan, kausapin—pero ngayon, wala na siyang mukha para gawin iyon.
“Shit!” mariing bulong ni Ethan, bago tuluyang nilaklak ang natitirang laman ng kanyang baso. Madiin ang hawak niya rito, para bang sa baso niya gustong ibuhos ang lahat ng inis, kaba, at pagkalito na bumabalot sa isipan niya.
Muling dumukot si Ethan ng cellphone sa bulsa. Inilabas ito, nanginginig pa ang daliri habang tinititigan ang pangalan sa screen, Isabella. May lima, anim… pito na siyang tawag dito mula pa kanina, pero hanggang ngayon, wala pa rin siyang natatanggap kahit isang sagot.
“Damn it, Isabella… sagutin mo naman.” bulong niya habang paulit-ulit na pinipindot ang redial button. Bawat pag-ring, parang lalo lang siyang nauubusan ng hangin.
Pinatong niya ang cellphone sa mesa, marahas. Sa bawat segundo ng katahimikan, ramdam niya ang pangambang baka… baka tuluyan na siyang tinalikuran ni Isabella. Na baka… alam na nito ang lahat.
Napahawak si Ethan sa kanyang sintido, pinipigilan ang kirot ng ulo at bigat ng konsensyang unti-unting kumakain sa kanya. Sa paligid niya, patuloy pa rin ang kasiyahan ng casino, mga taong tumatawa, nagsusugal, nagsasayawan—pero para sa kanya, ang lahat ay tunog ng pagkatalo.
Hawak pa rin niya ang baso ng whisky, malamig ang yelo, ngunit mas malamig ang pakiramdam niya.
Tahimik niyang pinagmamasdan ang mga taong patuloy sa kasiyahan, parang lahat sila ay walang problema.
Samantalang siya, inuubos na ng utang, pagkatalo, at kasinungalingan ang buong pagkatao niya.
Bigla… isang malamig na presensya ang lumapit sa tabi niya. Sinundan ito ng isa pa. Dalawang lalaking naka-itim na suit, parehong matangkad, may earpiece sa tainga, at seryoso ang ekspresyon. Para silang bodyguard's ng sindikato, o mas kilala bilang mga kamay ng isang makapangyarihang lalaki.
“Mr. Ramirez,” sabi ng isa, malamig at diretso. “Pinapatawag ka ni Boss.”
Napakurap si Ethan. Saglit siyang hindi kumibo. Ngunit nang marinig ang salitang "Boss," agad nangilabot ang buo niyang katawan. Hindi na niya kailangang tanungin kung sino—si Mr. Montgomery.
“Shit…” mahinang bulong niya sa sarili. Halos automatic na tumayo siya, pero kasabay nito ay ang lihim niyang balak na tumakas. Luminga siya palihim sa paligid, tinatantya kung kaya pa niyang lumusot palabas.
Ngunit bago pa man siya makagawa ng isang hakbang, mahigpit na humawak ang dalawang lalaki sa magkabila niyang braso.
“Wag ka nang tumakas pa, Mr. Ramirez,” mariing bulong ng isa, habang ramdam niya ang presyon ng kamay nitong halos pumuputok sa lakas. “Kung gusto mo pang maging kumpleto 'yang katawan mo, sumama ka na lang nang tahimik.”
Napalunok si Ethan, pilit pinapanatiling matatag ang mukha pero kitang-kita ang takot sa mga mata niya. Sa lakas ng hawak ng mga lalaki, alam niyang hindi ito basta-bastang pakiusap, ito ay utos.
Dahan-dahan siyang napaatras habang hawak pa rin sa braso. Ilang bisita sa VIP area ang napalingon, ngunit wala ni isa ang naglakas-loob na makialam. Tahimik ang lahat. Parang may di-nakikitang batas na alam ng lahat na kapag
Montgomery ang kumilos… walang sinuman ang puwedeng humarang.
Habang nilalakad nila ang daan papunta sa isang private elevator sa dulo ng hallway, naramdaman ni Ethan ang lalim ng kanyang pagkakalubog. Mula sa pagiging CEO ng isang kilalang kompanya, ngayo’y para na lamang siyang kaluluwang isinangla sa kamay ng isang walang-awang nilalang.
At sa likod ng pintuang iyon... naghihintay ang lalaking may kapangyarihang durugin siya.
The Grand Wedding: Ang buong lungsod ay tila tumigil nang araw na iyon. Isang engrandeng kasal ang ginaganap sa isa sa pinakamalalaking hotel-resort sa bansa—isang five-star property na pagmamay-ari mismo ni Sebastian Montgomery. Labas pa lang, nagsisiksikan na ang mga mamamahayag, photographers, at mga taong nais masaksihan ang kaganapan. Ang buong paligid ay nababalot ng ningning: nakapila ang mga luxury cars, nakasabit ang mga kandelabra at bulaklak na imported mula sa iba’t ibang panig ng mundo, at bawat sulok ay punô ng mahigpit na seguridad. Hindi lamang ito basta kasal—ito ay isang selebrasyon ng kapangyarihan, ng yaman, at higit sa lahat, ng pag-ibig na pinagdaanan ang lahat ng unos bago tuluyang nagtagumpay. ANCHOR (voice-over, kasabay ng montage): “Ngayong araw, saksi kayo sa kasaysayan—ito ang kasal ng taon!—ang pagbubuklod ng tagapagmana ng Santiago’s Corporation na si Isabella Santiago, at ng bilyonaryo at makapangyarihang negosyanteng si Sebastian Montgomery.” Ang
THIRD PERSON:Ilang araw na ang nakalipas mula nang bumalik si Sebastian. Paulit-ulit na inaatay ni Isabella ang sandaling magsasalita ito, umaasang magkukwento o magpapaliwanag kung ano nga ba ang nangyari at bakit siya natagalan matapos ang engkuwentro laban kina Rocco. May mga pagkakataong nais na niyang itanong, ngunit sa tuwing napapatingin siya kay Sebastian at masasalubong ang matalim nitong mga mata, kusa na lang siyang tumitikom.Napatingin pa siya rito ngayon—abala si Sebastian sa pagbabalat ng hilaw na mangga sa mesa. Seryoso ang mukha nito habang maingat na hinihiwa ang maasim na prutas, para bang nakatuon lamang ang mundo nito sa hawak na kutsilyo.Samantala, si Isabella naman ay nakaupo sa sofa, bahagyang nakahilig at tutok na tutok sa pinapanood na drama sa TV. Wala siyang imik, halos nakalimutan ang paligid dahil sa lalim ng eksenang pinapanuod niya, subalit sa loob-loob niya’y ramdam pa rin ang bigat ng mga tanong na hindi niya masabi.Biglang bumukas ang pinto at puma
THIRD PERSON:Lumapit ulit si Isabella sa lalaking nakausap niya kanina, halos nanginginig pa rin sa kaba at galit. “At please lang, huh! Huwag mo na akong matawag-tawag sa pangalang ‘Bella’,” madiin niyang sabi, nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata. Bahagyang tumigil siya, saka halos pabulong na dagdag—puno ng kirot, ngunit matapang: “Siya lang… siya lang ang may karapatang tumawag no’n sa akin…”Napayuko ang lalaki, halatang nahiya at natigilan, habang si Isabella ay mariing pumikit, pinipigilan ang luha na pilit gustong kumawala. Sa bawat banggit ng pangalang iyon, bumabalik sa kanyang alaala ang tinig ni Sebastian—malumanay, puno ng lambing, at parang musika na kailanman ay ayaw niyang kalimutan.“Pa-pasensya na po…” mahina lamang ang naging sagot ng lalaki, nakayuko at tila walang lakas ng loob na tumingin sa kanya. Napairap si Isabella, pilit itinatago ang namumuong emosyon, saka siya marahang lumakad palapit sa isang itim na van na nakaparada sa unahan.At doon… parang
THIRD PERSON: Dalawang linggo na ang lumipas mula nang magising si Isabella sa ospital. Dalawang linggo rin siyang araw-araw na umaasang papasok si Sebastian sa pintuan, may ngiti sa labi at yakap para sa kanya. Ngunit heto siya ngayon—nakaupo sa gilid ng kama, mahigpit na hinihimas ang kanyang tiyan, habang dahan-dahang bumabalot sa kanya ang malamig na katahimikan. Mabigat ang dibdib niya, at bawat araw ng paghihintay ay parang tingga sa puso. Sa bawat pagdilat niya ng mata, si Sebastian pa rin ang una at huling laman ng kanyang isip. Ngunit wala. Wala pa ring balita, wala pa ring presensya. Dahan-dahang pumatak ang kanyang luha, dumulas pababa sa pisngi. "Sebastian…" bulong niya, mahina at halos hindi marinig. Naramdaman niyang lalong lumakas ang pintig ng kanyang puso, para bang may kulang, may iniwang malaking butas na hindi niya alam kung kailan muling mapupunan. Sa sandaling iyon, bumukas ang pinto. Pumasok sina Riley at Jane, parehong may pilit na ngiti, ngunit halatang
THIRD PERSON:Dahan-dahang iminulat ni Isabella ang kanyang mga mata, ngunit nanlalabo pa ang kanyang paningin. Puti. Puti ang paligid. Naamoy niya ang malinis at malamig na hangin na agad niyang nakilala—ospital.Ang malamig na amoy ng alcohol, ang tunog ng beeping monitor, at ang bigat ng katahimikan ang lalong nagpakaba sa kanya. Ospital... mahina niyang bulong, halos maputol ang hininga. Ito ang lugar na pinakaayaw niyang puntahan, ang lugar na madalas nagdadala ng takot at alaala ng pagkawala.Pilit niyang inangat ang kanyang likod ngunit agad siyang napasinghap, “Ahhh!” Napakapit siya sa kamay niya nang mahila ang dextrose na nakakabit dito.Agad na lumapit si Riley, halatang gulat. “Oyyy, Isa! Huwag ka munang kumilos, baka mas matagal pa yang dextrose mo. Please, wag ka na munang magpumilit.”Doon lang niya napansin ang noo ni Riley, may nakabalot na benda at bakas ang sugat sa ilalim nito.“A-asan si Seb?” aniya, halos pabulong pero puno ng kaba nang di niya ito makita sa tabi
THIRD PERSON:“At ikaw naman…” malamig na sabi ni Rocco, mabagal, tila nilalasap ang bawat salita. “Ang susunod naming lalaruin.”“Hindi!!! Bitiwan niyo ako, hayop ka!!!” sigaw ni Isabella, nagpupumiglas, halos mamamaos na ang boses. “Sebastian!!” desperado niyang tawag, nanginginig sa takot.“Hayop ka!!!” bulyaw ni Sebastian, nanginginig ang buong katawan sa matinding galit. Pilit siyang tumayo, ngunit bago pa man siya makalapit—pumutok ang baril.“Arghhh!!” sigaw niya nang tamaan sa hita, at napahandusay sa malamig na sahig. Ramdam niya ang nagbabagang apoy ng bala sa laman, umaagos ang dugo sa kanyang binti, nanginginig ang mga kamay sa kirot. Ngunit higit pa sa sakit, mas nag-alab ang galit sa kanyang mga mata. Kahit sugatan, desperado siyang naghahanap ng kahit anong tyempo para makalaban.Ngumisi si Rocco at yumuko, halos idikit ang mukha kay Sebastian. “Manood ka na lang, hari. Manood ka kung paano namin lalaruin ang pinakamamahal mo.”Pilit na umaangat si Sebastian mula sa sahi