Hello po sa lahat ng bagong followers! 🤗💖 On-going na po ang MR. CEO AND ME na isang romantic comedy. Inaantay ko na lang din po ang contract mula sa editor, at sana ay mabigyan na tayo ng pagkakataon para mabasa niyo na rin ito. 🥰 Kasama rin po dito ang isa pa nating story na The Governor’s Obsession. Kaya abang-abang lang po dahil marami pa tayong kilig at drama na pagsasamahan. 💕 Maraming salamat po sa suporta, sobrang na-aappreciate ko kayo. 🙏✨
THIRD PERSON:Dalawang linggo na ang lumipas mula nang magising si Isabella sa ospital. Dalawang linggo rin siyang araw-araw na umaasang papasok si Sebastian sa pintuan, may ngiti sa labi at yakap para sa kanya. Ngunit heto siya ngayon—nakaupo sa gilid ng kama, mahigpit na hinihimas ang kanyang tiyan, habang dahan-dahang bumabalot sa kanya ang malamig na katahimikan.Mabigat ang dibdib niya, at bawat araw ng paghihintay ay parang tingga sa puso. Sa bawat pagdilat niya ng mata, si Sebastian pa rin ang una at huling laman ng kanyang isip. Ngunit wala. Wala pa ring balita, wala pa ring presensya.Dahan-dahang pumatak ang kanyang luha, dumulas pababa sa pisngi. "Sebastian…" bulong niya, mahina at halos hindi marinig. Naramdaman niyang lalong lumakas ang pintig ng kanyang puso, para bang may kulang, may iniwang malaking butas na hindi niya alam kung kailan muling mapupunan.Sa sandaling iyon, bumukas ang pinto. Pumasok sina Riley at Jane, parehong may pilit na ngiti, ngunit halatang ramdam
THIRD PERSON:Dahan-dahang iminulat ni Isabella ang kanyang mga mata, ngunit nanlalabo pa ang kanyang paningin. Puti. Puti ang paligid. Naamoy niya ang malinis at malamig na hangin na agad niyang nakilala—ospital.Ang malamig na amoy ng alcohol, ang tunog ng beeping monitor, at ang bigat ng katahimikan ang lalong nagpakaba sa kanya. Ospital... mahina niyang bulong, halos maputol ang hininga. Ito ang lugar na pinakaayaw niyang puntahan, ang lugar na madalas nagdadala ng takot at alaala ng pagkawala.Pilit niyang inangat ang kanyang likod ngunit agad siyang napasinghap, “Ahhh!” Napakapit siya sa kamay niya nang mahila ang dextrose na nakakabit dito.Agad na lumapit si Riley, halatang gulat. “Oyyy, Isa! Huwag ka munang kumilos, baka mas matagal pa yang dextrose mo. Please, wag ka na munang magpumilit.”Doon lang niya napansin ang noo ni Riley, may nakabalot na benda at bakas ang sugat sa ilalim nito.“A-asan si Seb?” aniya, halos pabulong pero puno ng kaba nang di niya ito makita sa tabi
THIRD PERSON:“At ikaw naman…” malamig na sabi ni Rocco, mabagal, tila nilalasap ang bawat salita. “Ang susunod naming lalaruin.”“Hindi!!! Bitiwan niyo ako, hayop ka!!!” sigaw ni Isabella, nagpupumiglas, halos mamamaos na ang boses. “Sebastian!!” desperado niyang tawag, nanginginig sa takot.“Hayop ka!!!” bulyaw ni Sebastian, nanginginig ang buong katawan sa matinding galit. Pilit siyang tumayo, ngunit bago pa man siya makalapit—pumutok ang baril.“Arghhh!!” sigaw niya nang tamaan sa hita, at napahandusay sa malamig na sahig. Ramdam niya ang nagbabagang apoy ng bala sa laman, umaagos ang dugo sa kanyang binti, nanginginig ang mga kamay sa kirot. Ngunit higit pa sa sakit, mas nag-alab ang galit sa kanyang mga mata. Kahit sugatan, desperado siyang naghahanap ng kahit anong tyempo para makalaban.Ngumisi si Rocco at yumuko, halos idikit ang mukha kay Sebastian. “Manood ka na lang, hari. Manood ka kung paano namin lalaruin ang pinakamamahal mo.”Pilit na umaangat si Sebastian mula sa sahi
THIRD PERSON:Huminto ang lahat ng ingay sa loob ng lumang bodega nang pwersahang itinulak ni Sebastian si Rodulfo—nakagapos ang mga kamay, duguan, at halos wala nang lakas—diretso sa harapan ni Rocco. Kasunod nito, mabilis ding ibinagsak sa malamig na sahig si Ethan, nakatali, sugatan, at walang kalaban-laban.Madilim ang paligid, ang kisame’y tanging may isang sirang fluorescent na ilaw na kumikislap-kislap, tila ba naghihingalo. Amoy kalawang ang hangin, hinalo pa ng baho ng natuyong dugo at pawis. Mula sa sulok, rinig ang tuloy-tuloy na lagaslas ng tumutulong tubig sa kalawangin at basang sahig. Ang bawat tunog at hinga nila’y umaalingawngaw sa loob, para bang nasa isang hukay na walang labasan.“Boss, malinis po. Walang nakabuntot sa kanila!” sigaw ng isa sa mga tauhan ni Rocco habang nakabantay sa paligid.“Ayan na ang hinihingi mo, Rocco!” malamig at mariing tinig ni Sebastian, nanginginig ang panga at umaapoy ang galit sa kanyang mga mata. “Pakawalan mo na sila Isabella!”Nguni
THIRD PERSON: Tumunog ang cellphone ni Isabella sa bulsa ng isa sa mga dumukot. Sa halip na ibalik, mabilis itong kinuha ni Rocco, ang malamig niyang mga mata ay nagliliwanag sa balak na panibagong sakit. Isang pilyong ngisi ang gumuhit sa labi niya habang pinindot ang tawag. “Sebastian…” malamig at mabigat ang tinig ni Rocco. “Rocco?!” mariing sagot ni Sebastian, agad na nagdilim ang mukha. “Hayop ka—” Ngunit pinutol siya ng lalaki. “’Sabi ko naman sa’yo, Sebastian… makukuha at makukuha ko rin ang kahinaan mo.” Kasunod noon ay umalingawngaw sa kabilang linya ang mga iyakan at sigawan. “Sebastian!!! Tulongan mo kami, please!!!” halos pumutok ang tenga ni Sebastian sa sigaw ni Riley. “Seb!!!” tawag naman ni Isabella, nanginginig ang boses, puno ng takot at pangamba. Halos madurog sa higpit ng hawak ang cellphone ni Sebastian, nanginginig ang panga habang pinipigilan ang sarili. Ang malamig niyang anyo ay napalitan ng matinding pagkabalisa, lalo na nang marinig niya ang tinig
THIRD PERSON:Dahil sa nalaman nilang buntis si Isabella, hindi na mapakali sina Jane at Riley. Buong maghapon nilang napansin ang panghihina ni Isa, ni ayaw pang kumain at halos walang ganang gumalaw. Kaya sa huli, napilitan silang kumbinsihin siya na magpa-check up.“Tumawag kanina si Papa Sebastian, mamayang 10 p.m. pa daw ang uwi niya,” sabi ni Jane, pilit na nagpapakatatag kahit halata sa tono niya ang pag-aalala.Nanlaki ang mga mata ni Isabella at mabilis na napalingon dito. “Sinabi mo ba sa kanya?”Umiling si Jane, bahagyang nag-pout. “Nope… hindi uyyy. Ikaw magsabi don, Isa.”Napabuntong-hininga ang dalawa—si Riley agad ang sumabat. “Ay naku, Isa. Kung ako sa’yo, huwag mo nang ipagpaliban. Buntis ka, kailangan alam ng asawa mo. Baka mamaya, mahilo ka o biglang may mangyari.”Ngumuso lang si Isabella, hindi makatingin ng diretso. “Hindi pa ako handa… hindi ko alam kung paano ko sasabihin.”Habang abala sila sa usapan, hindi nila namalayan na may ilang pares ng mata ang nakatut